Chereads / Ang Ika-Anim na Hiling / Chapter 4 - Ikatlong Kabanata

Chapter 4 - Ikatlong Kabanata

Medyo tanghali na ng magising si Inocencio, hanggang ngayon ay pilit pa din nyang inaalala ang mga nangyari sa nakaraan. Pati na din ang dahilan kung bakit sya napadpad sa panahong ito.

(Now Playing: Sa Ngalan Ng Pag-Ibig by December Avenue)

Hanggang kailan ako maghihintay na parang bang wala nang papalit sayo

Nasan ka man, sigaw ng puso ko'y ikaw hanggang ngayon whoah

Kung sana lamang ay nakita mo ang lungkot sa'yong ngiti, isang umagang 'di ka nagbalik

Gumising ka at nang makita mo ang tamis ng sandali ng kahapong di magbabalik

Hinanap ng ginoo ang boses na iyon, boses ni Shyme to be exact. Medyo nagtaka sya dahil kahapon, tanghali nang nagising ang dalaga.

Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan

Hanggang ang puso'y wala nang nararamdaman

Kahit matapos ang magpakailanpaman

Ako'y maghihintay sa ngalan ng pag-ibig

Napalingon si Inocencio sa kwarto sa kanyang kanan, doon nanggagaling ang boses. Dahan dahang naglakad si Inocencio papunta sa kwartong iyon.

Medyo weird sya kasi kumakanta sya ng kanta ng December Avenue tapos tumatakbo sa treadmill, alam nyo kinalabasan?

Tss, nevermind.

Sadyang kakaiba ang trip ni binibining Shyme.

Hanggang kailan ako maghihintay na para bang walang iba sa piling mo

Nasan ka man sigaw ng puso ko ay ang pangalan mo whoah

Kung sana lamang ay nakita mo ang lungkot sa'yong ngiti, isang umagang 'di ka nagbalik

Gumising ka at nang makita mo ang tamis ng sandali ng kahapong di magbabalik

Binuksan pa ni Inocencio ang half-open na pinto, nakita nya si Shyme sa treadmill na kumakanta, nanlaki ang mata ng binata sa nakita kaya gulat nyang isinara ang pintuan. Napahawak sya sa kaliwang parte ng dibdib. Muling tumitibok ng mabilis ang kanyang puso.

Nagulat naman si Shyme ng biglang sumara ng malakas ang pinto. Bumilis din ang tibok ng puso ng dalaga.

'Shyme relax ano ba? Antagal mo na sa bahay na 'to! Walang multo dito! ' she said at the back of her head. Dahan dahan nyang pinihit ang doorknob at laking gulat ng bumungad si Inocencio na nakatalikod sa kanya.

"Ginoo, bakit? Anong ginagawa mo jan? " bahagyang nagulat si Inocencio ng sumulpot si Shyme mula sa likuran niya. Naka talikod pa din ang binata habang naka pikit ang mga mata.

"A-ah binibini? S-sandali l-lang. " hindi pa din nya nililingon ang dalaga, tumakbo si Inocencio sa kwarto nya at dali daling hinablot a kanyang kumot, ng bumalik sya kay Shyme ay naka half-open ang mga mata nya. "N-nasaan n-na a-ang i-yong mga d-damit b-binini? " nanginginig na ibinalot ni Inocencio sa dalaga ang kumot. "H-halika d-dali marami p-pa akong mga d-damit sa a-aking s-silid. "

Bakit ba ganito ang inaasal ni Inocencio? Naka sports bra at maikling short kasi si Shyme, tinopak syang mag exercise ngayong umaga kaya ganun ang attire nya.

"BWAHAHAHHAHAHHAHAHAH! " naningkit ang mga mata ni Inocencio habang tinitignan ang tawa nang tawang dalaga. Sa ikalawang pagkakataon, muling bumagal ang kilos ng dalaga habang tumatawa ngunit kabaliktaran nito ang tibok ng puso niya. Sobrang bilis nito na animo'y hinahabol sya ng sampung kabayo. "Hoy ginoo! " she snapped her finger. "Ano ka ba! Palibhasa sa panahon mo balot na balot ang mga babae! Tsaka hindi naman ito ang first time na nakita mo akong naka short diba? 'To naman! Kain na tayo sa baba! Hinihintay kitang magising para sabay na tayong kumain!"

It wasn't about the short! It was about the sports bra! Tsk! Stupid Shyme.

*

"Nakakabagot! " sigaw ni Shyme at napabuntong hininga. Mahigit dalawang oras na din kasi silang naka upo sa sala at nanonood ng telebisyon.

Kunot noong tinignan ni Inocencio ang dalagang halatang bagot na bagot nga.

"Binibini? Nuong nakaraan araw, ano ang ginagawa mo duon sa mataong lugar? " parang batang tanong nya sa dalaga.

"Ah. Sa mall? Dun ako nagpupunta pag na bo-bore ako. " kibit balikat na sagot ng dalaga. Muli, binigyan siya ng nagtatakang tingin ng binata. "Ah bore, nababagot ganon. " napa yuko ang binata.

"Paumanhin kung ang bawat hindi pamilyar na salita ay kailangan mo pang ipaliwanag o isalin sa tagalog, binibini. " mula sa pagkaka-upo ay tumayo ang binata ay nagbow sa dalaga.

"Ano ka ba ginoo! Wala yun! At saka, bakit mo nga pala tinatanong yung mall? " tanong nya din sa binata.

"Bakit hindi tayo pumunta 'ron para hindi ka mabagot? " ideya ng binata. Napangiti ang dalaga dahil napaka thoughtful ni Inocencio. He's her man of her dreams indeed.

"Sure! Tara na! " masayang aya ng dalaga rito.

*

"Babe bumalik kana sakin please!" nagkatinginan sina Shyme at Inocencio ng may marinig silang umiiyak na babae at tila nagmamakaawa pa dito sa parking lot ng mall, si Mae. Hinanap ni Inocencio kung saan nanggagaling ang boses na iyon kaya walang ibang nagawa si Shyme kundi ang sumunod sa binata.

Nang makita nila kung sino yon ay medyo nagulat si Shyme dahil ang babaeng iyon ay ang babaeng nagmamakaawa sa kasintahan nya nuong nakaraang araw. At yung lalaki naman ay yung lalaki ding nanloko sa kanya.

"Sino sya hun? " napatingin ang lahat sa babaeng kalalabas sa kotse sa tabi ng dalawang magkasintahan at ipinulupot ang braso nito sa braso ng lalaki. Medyo nanlaki ang mata ni Inocencio sa nakikita, isang babaeng niloko ng kasintahan nya at kasama pa yung ipinalit niya. Just wow.

"A-ah f-friend ko. " na-iilang na sagot ng lalaki.

"Friend?! Kaibigan Bryan?! Kung kabit mo yan, pinapaalala ko lang sayo, hindi pa tayo naghihiwalay, akin ka pa din! " sabi nung babaeng nagngangalang Mae.

"Pero sinabi ko na sayo! Dati lang kita mahal! "

"Eh hindi pa nga tayo naghihiwalay! "

"Hindi naman yun ang basehan kung mahal pa kita! "

Natigilan ang lahat sa sinabi ni Bryan, pati sina Shyme at Inocencio na patagong nanonood.

"Ganun? Edi sana nakipaghiwalay ka! Hindi yung umaasa pa akong mahal mo ako kase meron pang tayo! "

"Lumayo ka na, narinig mo na si Bryan diba? Hindi ka na nya mahal! Desperada! " sabat naman nung kabit ni Bryan.

"Desperada? Ikaw ang desperada! Ang ginagawa ko ko ngayon, binabawi ang akin! " gigil na sigaw ni Mae.

"T-tara na Stacey. " aya ni Bryan sa kabit nyang si Stacey.

"Bryan! " hinawakan ni Mae ang kamay ng kanyang kasintahan ngunit agad syang sinampal ni Stacey. Sa sobrang focused ni Shyme sa panonood ay hindi nya napansing lumapit na pala si Inocencio sa tatlo.

"Paumanhin sa panghihimasok ngunit sa tingin ko ay hindi ganyan ang tamang pagtrato sa isang binibini. " kitang kita ni Shyme ang gulat sa mukha ni Stacey ng makita nya si Inocencio sa tabi ni Mae upang ipagtanggol ito.

"At sino ka naman?! " biglang na-inis si Bryan ng makita si Inocencio.

"Ako nga pala si Inocencio Alonzo. " pormal na pagpapakilala ng binata.

"Wala akong pake! Basta wag kang mangeelam! " muling sigaw ni Bryan dito.

"Hindi ko iyan mapapangako sapagkat wala namang babaeng karapat-dapat na masaktan kung ang tanging ginawa niya lamang ay ang magmahal. " natahimik ang apat matapos sabihin iyon ni Inocencio. Mas nagulat si Shyme ng higitin ni Inocencio si Mae at ilayo sya kina Bryan at Stacey.

"Sira ulo ka ah! " biglang sinugod ni Bryan ng suntok si Inocencio na ikinagulat ng tatlong babae. Agad na tumakbo si Shyme kay Inocencio, ganun din si Stacey pero si Mae ay lumapit kay Bryan. Tumayo si Inocencio.

"Huwag na huwag mong iwan ang isang babae kung hindi mo siya kaya na makitang hawak ng iba. " matapos non ay tumalikod si Inocencio at hinigit ang kamay ni Shyme.

*

"Uhm ok kana? " nag-aalalang tanong ni Shyme matapos gamutin ang sugat ni Inocencio dito sa isang garden sa mall.

"Ayos lang binibini. " nginitian ni Inocencio ang dalaga at natahimik silang dalawa habang naka upo sa damuhan.

"Hi, I'm Stacey Del Mundo. " napatingala silang dalawa ng may magsalita sa harap ni Inocencio. Biglang nakaramdam ng matinding inis si Shyme. Takang tumayo sina Inocencio at Shyme para maging kapantay nila si Stacey. Inilahad nya ang kanyang kamay kay Inocencio kaya agad na humarang si Shyme.

"Alam mo naman na ang pangalan nya diba? Sa pag kakaalala ko, nagpakilala na sya kanina. By the way, I'm Shyme Ricafort. Nice to meet you, and excuse us. " inis nyang hinigit si Inocencio palayo sa higad. Hindi nya alam kung saan sya pupunta kaya hinayaan nalang nya ang kanyang mga paa kung saan sila nito dadalhin.

"Shymie girl! " hindi ininda ni Kate ang tinginan ng mga tao basta matawag nya lang ang kanyang kaibigan. Kumurba ang matamis na ngiti mula sa labi ni Shyme ng makita ang kanyang bestfriend. Patakbo syang lumapit dito habang hawak hawak pa din ang wrist ni Inocencio. "Oh! Hi! " pabebeng bati ni Kate sa kasama ni Shyme.

"Opp! Boundary! " muling humarang si Shyme sa pagitan nina Kate at Inocencio.

"Boundary mo fes mo! " she stuck her tongue out to Shyme. "Hi! I'm Kate! Bestfriend ni Shyme! " muling inilahad ni Kate ang kanyang kamay sa binata pero si Shyme ang humawak sa kamay ni Kate.

"Oy need yata ang assistance mo dun beh, hehe bye! " muling hinigit ni Shyme ang wrist ni Inocencio palayo kay Kate.

"Binibini? Gawain ba ng mga tao sa panahong ito ang manghigit sa kapwa? " inosenteng tanong ng binata kay Shyme sabay tingin sa kamay ng dalaga sa pulsuhan nya.

"H-ha? H-hindi n-naman. " na-uutal na tugon nya at inalis ang kamay nya sa wrist ni Inocencio. "Eh, by the way, d-diba nung n-nagpakilala k-ka sakin, hinalikan m-mo ang l-likod ng p-palad ko? E-eh sana w-wag k-kang ganun s-sa ibang babae h-ha? " hindi makatingin ang dalaga sa mga mata ng binata.

"Naiintindihan ko binibini. " Inocencio gave her a smile, a genuine one.

"Ayos! Balik na tayo dun! " masayang aya nya sa binata.

"Luka luka ka beh! Wala naman e! " kunwaring pagmamaktol ni Kate sa kaibigan.

"By the way, eto nga pala si Inocencio Alonzo. " kibit balikat na pagpapakilala ni Shyme kay Kate habang tinatapik ang likuran ni Inocencio.

"Wait, what?! "

"Man of my dreams. "

Impit na tumili si Kate at napa-akap sa kanyang kaibigan.

"Omg! Buti ka pa! " atungal ni Kate. "By the way, saan mo sya na meet? "

"Dito, nung isang araw. "

"What?! Nung araw din na hiniling mo yun? Omg! " of course matutupad yun on time, may Goddess friend sya eh.

"Ya, I know. So accurate. "

"Pangalan pa nga lang eh. "

Nagtawanan ang magkaibigan ng may mag approach kay Kate dahil may nangangailangan ng assistance nya.

Nagpaalam ang magkaibigan sa isa't isa pero agad na kinabahan si Shyme ng hindi makita si Inocencio sa paligid.

"Inocencio?! " hindi na nya pinansin ang mga taong napapalingon dahil sa kanya. Wala syang clue kung saan pwedeng magsuot si Inocencio dahil hindi pamilyar sa kanya ag lugar na ito.

"Kuya, tulungan mo ako. Yung kaibigan ko, nawawala. " mangiyak ngiyak na sumbong ni Shyme sa gwardiya. Hindi nya alam kung bakit ganun nalang ang kaba nya dahil sa pagkawala ni Inocencio. Mabilis syang na-attach sa binata dahil siguro sya ang lalaking pinapangarap nya.

"T-teka ineng, huminahon ka. Ano bang itsura ng kaibigan mo? " mahinahong pagpapakalma ng gwardiya sa kanya.

"U-uhm. Mga 6 foot po ang height nya, kayumanggi, naka t-shirt po syang kulay grey, tsaka po yung sapatos kulay puti na may gold na Jordan Air. " kinakabahang tugon ni Shyme sa gwardiya.

"Sige sumama ka sakin ineng at ichecheck natin ang mga CCTV footages nitong mall. " walang pag-aalinlangang sumama si Shyme rito.

*

Nakita ni Shyme ang CCTV footage sa lugar kung asan sila kanina ni Inocencio. Habang kausap nya si Kate ay may napansin si Inocencio na babaeng natapilok at na-isprain ang ankle nito. At dahil nga maginoo si Inocencio, binuhat nyang bridal style ang dalagang tinulungan at after nun ay lumabas na ang dalawa sa mall. Alam nyang sa ospital pupunta ang dalawang yon.

Lugo-lugong naglakad si Shyme papunta sa parking lot ng mall, napaka raming ospital dito kaya ang naisipan nyang puntahan ay ang pinakamalapit.

Kabado syang lumapit sa nurse na naka upo sa front desk para i-approach ito. "Miss, may lalaki po bang nagpunta dito na may kasamang babaeng buhat nyang naka bridal style pa? " there's a hint of bitterness in her voice.

"Ah, yes ma'am. Dun po oh. Ang sweet nga po nila eh, tsaka alam nyo po-----"

"Salamat. " hindi na nya pinatapos magsalita ang nurse at nagpunta sa kwartong itinuro nito, habang papalapit sya ay pabigat ng pabigat ang mga hakbang nya. Nakarinig sya ng mga halakhak mula sa kwartong iyon na mas nakapagpalungkot sa kanya.

Na-sense naman ng babaeng kasama ni Inocencio ang mga hakbang ni Shyme papalapit sa kanyang kwarto kaya bigla nyang inakap si Inocencio.

Nagulantang naman si Shyme na makita si Inocencio na akap ang babae, that Stacey. Sobrang inis ang nararamdaman nya, to the point na gusto nyang i-untog si Stacey para mas makabuluhanan ang pag i-istay nya sa ospital. Nangibabaw pa din ang tapang at ang kagustuhan ni Shyme na makuha ang binata sa puder ng ahas kaya dire-diretso syang pumasok sa loob. Bukas na bukas ang pinto ng kwarto ni Stacey kaya hindi na sya nag abalang sirain ang pintuan dahil kung nagkataon, masisira nya taalga ang pintuang iyon.

"Tignan mo nga naman, hindi pa tapos lumandi sa isa, meron nanamang nilalanding iba. " bungad ni Shyme. "Sorry to interrupt but I'm here to take what's mine. " hinigit ni Shyme si Inocencio at nagpahigit naman ang binata.

"Wait! " dali-daling tumakbo si Stacey kina Shyme at Inocencio na hindi pa masyadong nakakalabas sa kanyang kwarto. Nginisian sya ni Shyme at tinignan ang mga paa nito.

"Looks like you didn't hurt your ankle at all. " mataray na sabi ni Shyme kay Stacey, napatingin sya kay Inocencio na nagtataka dahil nakuha ng dalagang magpunta sa kanila ng walang kahirap hirap.

"Ouch! " kunwaring matutumba si Stacey kay Inocencio pero agad na inilayo ni Shyme ang binata mula rito. Ipinatid pa ni Shyme si Stacey, dahilan para totoong masaktan ang ankle nya.

"Back off and don't make me lay a finger on you." bulong ni Shyme kay Stacey.

"What a Del Mundo wants, a Del Mundo gets. " pabalik na tugon ni Stacey.

"And what Shyme owns, is all hers. " tinaasan nya ng kilay si Stacey at bumaling sa binata. "Tara na Inocencio. " malamig na utos nya sa kasama.

"Ngunit si---" lalapitan sana ni Inocencio pero napahinto sya ng magsalita si Shyme.

"Sige, lapitan mo sya at kalimutan mo na ako, ginoo. " nauna ng tumalikod si Shyme at walang ibang nagawa si Inocencio kundi ang sumunod kay Shyme.

Padabog na sumakay sa kanyang kotse si Shyme at hindi na nya pinagbuksan ng pintuan ng kotse si Inocencio kaya ginaya nalang ng binata ang ginagawa ng dalaga sa twing pagbubuksan sya ng kotse.

"Binibining Shyme, paumanhin--"

"Hindi mababago ng paumanhin mo ang nangyari na. " malamig na tugon ni Shyme habang naka poker face pa rin. Sobrang inis ang nararamdaman nya dahil sa ginawa ni Inocencio, hindi nya alam kung bakit. Eh, nagmagandang loob lang naman si Inocencio, ang kaso, hindi sya nagpaalam. And worst, yung higad pa talagang yun?

*

Matapos ang nangyari kanina ay hindi pa rin kinikibo ni Shyme si Inocencio at nagkulong ito sa kanyang kwarto. Kaya walang ibang nagawa si Inocencio kundi ang manood sa telebisyon sa salas.

"Ser, kain na po kayo oh. Hinatiran ko na po si ma'am Shyme ng pagkain sa kwarto nya at ayaw nya pong magdinner sa kusina eh. " inilapag ni Yeina ang tray na may pagkain sa harap ni Inocencio.

"Ha? Binibini, kumain ka na ba? " pigil ni Inocencio sa kasambahay na si Yeina.

"Ah. H-hindi p-pa p-po p-pero kakain n-na din po ako. " na-uutal na sambit ng kasambahay.

"Maaari mo ba akong saluhan? " nahihiyang tumango ang kasambahay.

"Kukuha l-lang po a-ako ng p-pagkain. " pinanood ni Inocencio na umalis ang kasambahay para kumuha ng kanyang pagkain. Wala pang ilang minuto ay dumating na din si Yeina na may dalang pagkain. Umupo sya sa katabing upuan ni Inocencio dahil medyo naiilang pa sya.

"Gaano mo kakilala si Shyme? " pagbubukas ng usapan ni Inocencio.

"Naku, mabait mo yang si ma'am Shyme. Matulungin po sya, lalung lalo na po sa mga kapos palad. " masiglang sabi nya. "Pero bakit po ayaw lumabas ng kwarto si ma'am Shyme? Alam nyo po ba kung anong nangyari sa kanya?" prangkang tanong ni Yeina sa binata. Bigla namang kinabahan si Inocencio. Bakit nga ba ganun ang inasal ni Shyme? Selfish na kung selfish pero duh! He is her man of dreams, there's a reason why she's acting weird.

Tahimik na nakikinig si Yeina sa binata habang sinasalaysay nito ang nangyari kanina, hindi din masyadong naintindihan ni Inocencio ang pag uusap ng dalawang dalaga dahil sa mga hindi pamilyar na salita para sa kanya.

"Ha? E kung ganun sir, suyuin mo si ma'am Shyme!" ideya ni Yeina. Agad na nagkaroon ng ideya si Inocencio.

"Ah! Naalala ko kaninang umaga, kumakanta siya. Maaari mo ba akong tulungan alamin ang paborito niyang kanta?" medyo nag init ang mukha ng binata ng maalala nya ang mukha ni Shyme kaninang umaga. Tumatakbo sa treadmill ng naka sports bra at short.

"Syempre naman ser! By the way, ano nga po palang pangalan nyo?" madaling naging kumportable si Yeina sa binata dahil maginoo ito at magalang kausap.

"Inocencio Alonzo, Ikaw? Ano ang iyong pangalan?"

"Ako po si Yeina Santos!" inilahad niya ang kanyang kamay sa binata, nakipag kamay lang ang binata dahil naalala nya ang sinabi ni Shyme sa kanya na huwag hahalikan ang likod ng palad ng isang binibini. "Sige sir! Tatanungin ko na po si ma'am Shyme. Teka lang po ah?" agad syang umakyat sa ikalawang palapag ng bahay kung nasaan ang kwarto ng kanyang amo.

"Ma'am Shyme?" tawag nya sa kanyang amo habang kinakatok ang pintuan ng kanyang kuwarto. Waala pang ilang minuto ay pinagbuksan na din sya ng dalaga. "Uhm ma'am? Ayos lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong ni Yeina dito. Magulo kasi ang buhok ni Shyme at halatang lugo-lugo.

"Magsisinungaling ako kung sasabihin kong oo." matamlay na sabi ni Shyme at nag-iwas tingin.

"Ma'am, hindi lang po pagiging kasambahay ang ino-offer ko, pati po pagiging kaibigan." laking gulat ni Yeina nang bigla syang akapin ng kanyang amo.

"Pasok ka." pumasok nga si Yeina sa ooob ng kuwarto ng kanyang amo na parang isang bahay na, hindi kasi sya ang nakatalagang maglinis sa kuwarto ng kanyang amo kaya ito ang unang beses nyang pumasok sa kuwarto ni Shyme. Puro kalat ang salas nito, maraming pizza boxes, burger boxes, at napaka raming soda.

"Ano ho bang problema miss Shyme?" hindi maitago ni Yeina nag pag-aalala sa kanyang boses ng makita ang estado ng kanyag amo.

"May itatanong ako sayo, kung kunwari, nasa fairy tale ka, tapos humiling ka na sana dumating ang lalaking pinapangarap mo. Tapos nung nanjan na, may kaagaw ka, sa tingin mo, hindi sya magpapa agaw at mamahalin ka nya?" napahinto si Yeina bago sumagot. Feeling nya kasi tungkol ito kay Inocencio pero imposible ang fairy tales.

"Hmmm, kung ang hiniling mo ay sana dumating na ang lalaking pinapangarap mo, may chance na hindi ka nya mamahalin. Bakit? Kasi ang hiniling mo, dumating sya, hindi mo naman hiniling na mahalin ka rin nya. Ibig sabihin may chance din na maagaw sya." pagsasalita ni Yeina hindi bilang isang kasambahay kundi bilang isang kaibigan. Napatigil si Shyme at mas lalong nangamba. "Pasensya na, I just don't want to comfort you with pretty lies. I want you to be awake with the hurtful reality." nilapitan nya si Shyme at muling yumakap dito. Mas lalong lumayo ang lipad ng utak ni Shyme dahil sa sinabi ni Yeina.

Tama nga naman sya. Mas maganda nang mag-isip ng practical. Nagsisisi si Shyme kung bakit hindi nya hiniling na dumating ang lalaking pinpangarap niya at pagdating nito ay mamahalin din sya.

"Alam mo kung anong nakakapagpagaan ng pakiramdam ko kapag down na down ako?" takang napaingin si Shyme kay Yeina. "Pinakapakinggan ko ang paborito kong kanta." napangiti si Shyme at dali-dling binuksan ang speakers at pinatugtog ang kanta ng paborito niyang banda. Ang December Avenue na patok na patok sa mga kabataan sa panahon ngayon. "Paborito mo ang bandang iyan?" tanong ni Yeina habang taimtim na pinapakinggan ang kantang 'Sa Ngalan ng Pag-Ibig' ng nasabing banda.

"Oo, ang ganda kasi ng mga mensahe ng mga kanta nila." nginitian sya ni Yeina. "Salamat Yeina, sana hindi ito ang huling beses na tatakbuhan kita pagnamroblema ako." nginitian ni Shyme si Yeina at inakap ito.

"Naku syempre naman! Ito na nga lang dina ang pasasalamat ko sa pagpapa aral mo sakin eh! Maraming salamat sayo ma'am Shyme!" nag ngitian pa ang dalawa ng biglang may maalala si Yeina. "Naku ma'am! Ako pala ang naka toka sa urungin! Salamat sa chit-chat! Bye! Stay positive in life!" kaway kaway na paalam ni Yeina kay Shyme. Napabuntong hininga nalang si Shyme.

'Kailangan kong alisin sa landas mo si Stacey ng mano-mano. ' she said at the back of her head.