Camille's POV
Pagpasok ko palang ng library ay nakita ko ang daming estudyante at halos wala nang bakanteng upuan, dumeretso ako sa shelve kung saan ko nilalagay ang libro na pinag-iipitan ko ng mahiwagang sulat ko.
"woaah! may pink na paper?!!! " pero kanino kaya galing to? Akalain mo yun may nag-aksaya ng oras para magbasa at sumagot sa sulat ko pero kung sino man sya "sana wag ka munang kunin ni Lord!!"^___________^ heheeh!!bakit tama naman aah, kasi kapag kinuha na sya ni Lord baka wala nang sumagot sa mga sulat ko ..
After kong makuha ang sulat naghanap na ko ng upuan.
"Tsk! ano ba yan waley mapwestuhan hmp!" halos wala na kasing bakanteng upuan karamihan ng mga nandito sa loob mga huwarang mag-aaral, huwaran sa pag-tulog, huwaran sa pag-cut ng class, huwaran sa pag-chi-chismisan, huwaran sa ligawan hanubey! ginawang tambayan 'tong library.
"Ayun may umalis! buti naman at nakaramdam sana wag ka munang kunin ni Lord" Binilisan ko ang lakadbo ko ( LAKAD + TAKBO = LAKADBO hahha!! ) para makuha ko yung vacant chair nung malapit na ako may biglang humatak ng upuan.
"Arggh! bakit ba parang lagi nalang akong nakikipag-agawan sa upuan? pansin ko lang haah!"
Kaya ayun lumabas nalang ako ng library para maghanap ng lugar kung saan walang epal, para mabasa ko with feelings 'tong letter ko.
KYLE's POV
"Manong dito niyo nalang po ako ibaba" Sabi ko sa driver.
"Pero medyo malayo pa ho tayo sa school niyo"
"Okay lang po, gusto ko din maglakad-lakad" tinitigan ako ni Manong Albert siguro nanibago siya alam niyang ako yung tipo ng taong tamad maglakad kaya nga lagi akong hatid sundo ng sasakyan namin ee.
"Okay sige po, ingat Sir"
"Sige salamat po" oh! diba hindi ako yung tipo ng amo na masungit pero sa ibang tao hindi ko pinapakita yung good side ko wala lang trip ko lang at kay Manong Albert lang ako nakikipag-usap at sa family ko siguro pati na rin sa ibang tao kapag feel ko lang makipag-usap.
Bumaba na ako sa sasakyan at nag-simulang maglakad ngayon ko lang naapreciate yung pawis ko hehe!! joke. I mean masarap din palang naglalakad paminsan minsan kasi marami kang nakikita na hindi mo nakikita kapag nakasakay ka sa kotse kasi masyadong mabilis yung andar ng sasakyan unlike kapag naglalakad ka may time ka para huminto kapag may naka-agaw ng atensyon mo sa paglalakad tapos matititigan mo pa 'to ng maigi.
Nang malapit na ako sa gate ng school nakita ko si choosy girl sama ng tingin aba't umirap pa! dudukutin ko mata nito ee. Choosy niya pa ako na nga yung makakatabi niya sa upuan ee sa gwapo kong to lahat ata gusto akong makatabi no!
Pumasok na ako ng gate one hour pa before mag-start ang class kaya naglakad lakad muna ko. Umupo ako sa isang bench malapit sa may field para panoorin ang mga naglalaro ng soccer hindi ko maiwasang mainggit mahal ko ang soccer kaso di na ako pwedeng maglaro dahil sa injury ko.
**FLASHBACK**
Last year lang yun nangyari the most awaited game na gusto kong maging perfect kasi laban yun ng school vs. other school at fortunately umabot na kami ng championship kaya ginaganahan ako lagi sa practice at after practice naiiwan ako mag-isa sa field wala lang trip ko lang mag-laro mag-isa.
"Heto na promise huling sipa na lang sa bola at uuwi na ko para magpahinga" dahil bukas na yung championship game kaya kailangan ko din magpahinga. Nang saktong pagsipa ko sa bola nagulat ako nang biglang may nagblock sa bolang sinipa ko.
"Nice! kicked !!.. but you did'nt make a goal hahah!!" nagulat ako sa taong humarang sa bolang sinipa ko at isa siyang babae.
"Sino ka?"
"Kailangan pa bang malaman?"
"Bakit mo hinarang yung bola?"
"Aah! gusto kitang hamunin.. simple as that?"
"Hamon?"
"Yeess! I heard na isa ka raw sa magagaling na soccer player ng team niyo.. right?"
"And so?" Cold kong sagot sakanya well, di naman siya nagkakamali but ayokong itatak sa utak ko na magaling ako unless kung ako ang magiging dahilan ng pagkapanalo namin bukas saka ko lang iaadmit yun.
"So! gusto kitang makalaban ano tinatanggap mo ba hamon ko??" Ang weird ng babaeng to ganun na ba ako kagaling at kailangan niya pa kong hamunin? Pero kung tatanggihan ko 'tong hamon niya para akong hindi lalaki pero kung papatol ako sa kaweirduhan ng isang 'to.. arggh!! ang gulo pero...
"Okay! tinatanggap ko ang hamon mo" sheet! bakit ko pinatulan ang kalokohan ng babaeng to, dapat magpahinga nalang ako ee. Tsk! well nasabi ko na..
"Really?" ^_____^ ang saya niya ata? nagnod lang ako.
"Let's make a deal kapag natalo may consequence okay?" nung sinabi niya ang word na deal at consequence bigla akong kinabahan? deal? consequence? bakit kailangan pa nun? para san?
"DEAL?" is she crazy? kanina she was challenging me and now she wants a deal? grr! nakaka---
"Yes! pero mamaya nalang natin sabihin kung anong consequence para may thrill diba? ^____^v " sarcastic yung smile niya with peace sign pa WEIRDOOOO!! >.<
"Whatever!!" (>.>)
Nag-Start na yung kalokohan niya which is yung panghahamon niya saakin kailangan lang naman naming ma'block yung mga ititira naming bola mga twenty lang naman PAKSHEET!! diba?? alien ba siya? lugee ata ako from morning until now naglalaro ako ng soccer hindi kaya mamatay ako sa pagod? siya muna yung goal keeper so bale ako yung sisipa ng bola..
"Ano? ba't parang ang weak mo ata? hahaha!" Sigaw niya saakin habang inaasar ako.. kung di lang kabaklaan ang mag'bigay ng blackeye sa babae kanina ko na siya binigyan >.< last kick ko na to kailangan ma'goal ko 'to
After nang huling tira kong yun ...
"Pre!! yung bola bilis tatamaan yung babae!!" Nang narinig ko ang sigaw ng isang player bigla nalang akong nagback too reality paglingon ko nakita ko ang isa pang player pilit na hinahabol ang bolang papunta sa maling direksyon tatamaan yung babae..
Camille's POV
Haist! wala na kong makita na magandang pwesto para magbasa! halos lahat epal >.< Lord bakit po maraming epal? bakit? bakit?! pero s'yempre habang naglalakad ako binabasa ko na rin yung letter eto yun ee ..
To Princess,
Alam mo natural sa isang break up ang ganyan yung tipong feeling mo ikaw lang yung nasasaktan sa paghihiwalay niyo kasi nakikita mo siyang masaya pero siguro hindi mo lang alam kung paano rin siya nasaktan noong naghiwalay kayo kaya hindi mo rin siya masisisi kung mas una siyang nakapag'let go pero eto sana makatulong sayo..
10 tips to get over with your "ex"
1. Get yourself busy "Aba! sa dami ng projects at assignment na pinapagawa saamin eeh hindi pa ba ako busy sa lagay na'to??!" Sagot ko kunwari habang kinakausap ang sarili ko.
2. Give yourself a make over "Make over?! Baka kapag nakita niya ko ee jowain niya ko agad, nako h'wag ako kung lalaki ka man baka di mo maresist ang alindog ko." Salita ko uli.
3. Pull out things that triggers to remember him "Yung pag-mumukha niya! 'Yun, trigger niya ko palagi eeh!" Kahit mukha akong tanga kaka-sagot sa mga nakasulat dito sa papel ay patuloy lang ako sa paglalakad.
4. Spend more time with your friends/ family "Family? Impossible nagtatago nga ako eeh. Sa friends? Puwede, kaso wala ako nun eeh."
5. Avoid telling stories about him or about your past
6. Think about your bad/ unproductive memories
7. Avoid listening mellow music and Avoid being alone
8. Do not drink alcoholic beverage and don't smoke it won't help "Luuh! Ex ko siya at nasasaktan ako pero hindi naman ako nag-bibisyo." Sabay hinto ko sa paglalakad at halos isubsub ko na ang mukha ko habang nagsasalita na parang sa ganoong paraan ay maririnig ng kung sino man ang nagsulat nito ang mga sinasabi ko.
9. Focus more on your studies
10. Pray for forgiveness, acceptance, goodlife (love life), and also pray for the success in both of you
sana makatulong kahit papano..
Mr. Panda
"Pre!! yung bola bilis tatamaan yung babae!!" nung narinig ko yung sigaw na yun bigla akong na'distract sa binabasa ko at napatingin sa langit tapos..
Lalanding sa muka ko yung bola! Napaupo ako sabay pikit habang ang kamay ko ay nakapatong sa ulo ko..
"waaaaaaaaaHHHHH !!!!"
After five minutes nasa ganoong ayos ay dumilat ako nang wala manlang masakit ..
Nagulat ako sa una kong nakita "sheet! may patay!!" nabigla ako nung nakita kong may nakadapa sa harap ko..
"Abnormal ka ba? hindi mo alam ang pinagkaiba ng humihinga pa sa hindi na?!" Pagalit na sagot ng taong nakadapa, wow! Partida nakangudngud pa mukha niyan pero nagsasalita. Hahah! Amazing 'to si Kuya.
"h-haah?! Lord buhay siya!" Pasigaw ko ring sinabi sabay tingala sa langit.
"Gusto mong ikaw ang patayin ko????" Biglang inikot niya yung katawan niya paharap saakin.. Ngayon ay nakatihaya na siya.
"waaahh! Bastos!!" Sigaw ko dahil sumakto ang ulo niya sa ilalim ng palda ko tatadyakan ko sana siya kaso nasalag niya at dahil doon ay lalong umangat ang palda ko!! Kaya naman ay napaupo ako at sinikop ang palda ko, ng akma ko naman siyang susuntukin ay hinatak niya ang kamay ko kaya ay napasubsub ako sa mukha niya.
"iiikkaaaaaaaaaawww?!!!!!!!! a-anong" teka! siya ba? siya ba yung .. Natigilan ako ng ma-realise ang ayos namin. Agad akong tumayo at lumayo sakanya. Mahirap na no baka makabisado niya na kapag nakita niya uli, may panty naman ako at may cycling short no.
"ganyan ka ba magpasalamat?" Sambit niya ng dahan-dahan siya bumabangon.
"bakit ko naman gagawin yun?" Humalukipkip ako.
"ako lang naman ang sumipa ng bolang dapat ay tatama sayo >.< idiot!!" Inis na sagot niya, ang dalawang kamay ay tinukod sa lupa sa gawing likuran.
"anong sinabi mo??!!" kapal ng muka nito .. well si SilentMode lang naman ang taong kausap ko ngayon tamaa! opo siya nga..
Nakita kong hirap siyang tumayo napilayan ata.. nakonsensya ko bigla nemen uso din yun sakin yung salitang konsensya no =__= ba't ba kasi ginawa niya yun?
"t-teka napilayan ka ba? ba't ganyan ka maglakad?" nakita kong iika-ika siya maglakad at halatang hirap ..
"teka sagleet!!" Pagpigil ko sakanya. Hindi manlang siya lumilingon dedma niyaa ko >.<
"SilentMOde!!" hinatak ko siya bigla na naging rason para maipihit niya yung sarili niya paharap sakin..
"araayy!! hindi ka ba marunong makaramdam? bulag ka ba para hindi mo makitang masakit?!" masakit? napilayan nga siya OMG!
"aayy! s-sorry" tinitigan niya lang ako ng masama at tumalikod na pero bago pa sya makalayo hinawakan ko ung bewang niya at pinatong ko yung right arm niya sa balikat ko para maalalayan ko siya..