Chereads / My Rebound Boyfriend / Chapter 8 - Chapter 5

Chapter 8 - Chapter 5

Camille's POV

"Ang saya!" malungkot ako..!!

"yey! excited na kong makarating sa Baguio!! yuhoo!!.."

tsk! ang ingay nila di ako makatulog ng maayos, sumasakit lalo ulo ko! papunta ang section namin sa baguio para sa outdoor activity namin tsk! bukas ang dating namin dun ..

"utang na loob tumahimik kayo!" di ko na kasi matiis ee.. kaya sumigaw na ko.. antok na antok ako tska hilong hilo na..

"ang kj mo naman Camsy.. hahaha!" sagot ni Alex.

"Oo nga naman" Sabat pa nitong si Stephen..

"Inaantok ako ee bakit ba??" tsk! wapakels men..

"Sino bang kasama mo kagabi hah?" ha? kasama ko kagabi?

"Oo nga naman ano bang ginawa nyo at napuyat ka? hahaha!!" Pang-aalaska nila, mga to walang magawa busseett!!

"H-ha? a-no bang pinag'sasasabi nyo dyan? pwede ba tantanan nyo ko" Pagtataray ko at pumikit na lang. Hindi ko na talaga kaya nahihilo na ako

"hahaha!! ow! ow! Ow! namumutla ka na ooh..!" Idinilat ko ang isang mata ko at sinilip si Stephen na panay pa din ang pang-aasar saakin, umiling nalang ako at napairap pinilit kong kinalma ang sarili ko at sinandal ko nalang ang ulo ko sa may bintana at pinikit ang mata wala kong katabi ayoko ng may katabi mag'eemote ako..

Nagugutom na din ako di pala ko nakapag'dinner.. di rin ako nakapag'breakfast ang aga naman kasi ng call time ee

t-teka!!

a-ano tong..

wag please!

"M-manong! ihinto nyo ang bus!!!" sigaw ko kay manong driver at dali dali naman akong pumunta sa tapat ng pinto..

"H-ha? b-bakit hija?? anong problema?" Tanong nung driver pero tinigil nya rin naman agad yung bus..

"Basta po.. kasi ano ee.."

"Bakit hija? Okay ka lang ba? namumutla ka aah.." Tanong naman ng tour guide namin..

"Nasu---"

ewwwwwwwwwwww

Eeh? di ko talaga kayang sumakay ng matagal sa bus nahihilo ako

"Ano ok ka na hija?" Tanong ng tour guide..

"a-ah! O-opo.. m-medyo nahi---.."

Pag'gising ko nasa bus na ulet ako.. teka! bakit nakasandal ako sa payatot na dibdib ng lalaking to?

Hindi dito ang upuan ko! paano ako nakaakyat dito? ang alam ko.. di naman siguro ako gumapang o lumipad pabalik dito diba?

"Oh! Camille okay ka na ba?" Tanong saakin ni Mau na nakaupo sa kabilang side ng bus..

"A-ah! Oo medyo ayos na pakiramdam ko.. teka, paano?"

"Nawalan ka ng malay after mong sumuka, nag'breakfast ka ba? nanghina ka ng sobra after mo magsuka ee tapos ayun nagulat kami nung bumagsak ka sa lupa putlang putla ka pa.. tapos biglang tumakbo papunta sayo si papa Kyle at binuhat ka pabalik dito." aah.. ganun pala concern din pala sakin tong silentmode na to di halata aah..

tapos nilingon ko si silentmode.. tinitigan ng maigi .. ewan ko ba pero nakakatuwa sya ang kyuut nya pala

"May balak ka bang mag'nakaw ng halik??"

kyaaa! gising syaaa!!

"Hala! h-hindi no!!? baliw.." nakakahiya ka talga Camille

"So, ganyan na pala ang tamang way para magpasalamat? lika nga dito nahihilo ka diba?"

eeee??

"Hey! bitawan mo nga ko!" Hinila niya kasi ako bigla tapos napasandal tuloy ako sa dibdib nya..

simula noong napapadalas yung pag'sasama namin ni silentmode gumagaan na yung loob ko sakanya feeling ko safe ako pag'kasama ko sya.. moody nga lang.. ang swerte siguro ng babaeng mamahalin nito..

dugdugdugdug..

ano yun?

"Ang sweet niyo naman .. ano kayo ba? hahhaa!!" Wala bang ibang pwedeng maasar dito kundi ako?? nye!nye!nye! busset! nahihilo pa ko ee

...

Hangang ngayon ay hindi pa rin ako kumportable sa kinalalagyan ko. Hahang ang lahat ay nagsasaya sa lob ng bus, ako naman ay tahimik lang na nakikiramdam.... Hindi sa paligid ko kundi sa katabi ko.

Dahil isang Kyle Torres ang katabi ko na mahimbing na natutulog habang may earphone sa magkabilang tainga. Tila pagod na pagod ito kaya napakahimbing ng tulog.

Napalingon naman ako sa likuran ko dahil may kumalabit saakin. Napa-pokerface agad ako ng makitang si Stephen iyon at may nakakalokong ngiti saakin.

"What?!" I mouthed. Pinandilatan ko pa siya ng mata para makita niyang naiinis ako sa kanya. Pero mas lumawak lang ang ngiti nya. I tsked at umayos na ng upo but I suddenly froze at nanlalaki ang mga matang nilingon ko ang katabi ko dahil bigla na lang ay naramdaman kong pumatong ang kanyang ulo sa balikat ko.

Gusto ko siyang itulak ngunit nakakaawa dahil ang himbing ng tulog niya. Kaya naman ay mas pinili ko na lamang na hayaan siyang makapagpahinga.

Dug.dug.dug.

Heart please. Just stay calm... Bulong ko sa aking isip dahil pakiramdam ko ay tinatambol ang aking dibdib lalo na nang masisiksik pa ni Kyle ang ulo niya sa bandang leeg ko.

Nilingon ko siyang muli at ngayon ay mas nakita ko ng malapitan ang feature ng mukha niya. Mula sa kilay, sa pilikmata, matangos na ilong at mapupulang labi...

Click!

Click!

Click!

Nagulat ako ng may shutter sound na tumunog at kasabay noon ay ang flash ng camera. Paglingon ko ay si Alex Madrigal kinukuhaan kami ng picture!!

At ang mas ikinawindang ko ay ang kamay na humawak sa kamay ko!!!!!

Lupa please! Lamunin mo na ako now!!

Dahan dahan akong lumingon kay Kyle at nakita kong medyo nakzpikit pa ang isa niyang mata, siguro ay nag-aadjust sa liwanag na tumatama sa kanya mula sa bintana ng bus.

Pakiramdam ko ay nabitin ang paghinga ko dahil sa itsura niya na maliwanag dahil sa sikat ng araw. Pero lalo akong kinapos ng hininga ng iangat niya ang kanyang kamay na may hawak sa kamay ko!!

Pilit ko iyong binabawi sa kanya ngunit mahigpit niya itong hinawakan. Naririnig ko naman ang mahinang hagikgik ni Alex at Stephen. Matalim ko silang tinitigan habang pilit ko pa ring binabawi ang kamay kong hawak pa rin ni Kyle.

"Bagay na bagay kayo." mahinang anas ni Alex sabay pakita saakin ng kuha niyang litrato sa kanyang cellphone.

I swear lahat ng dugo ko ay napunta sa aking mukha dahil sa ayos ko sa kanyang kuhang litrato!

Dahil sa litrato ay malamlam ang aking mata at nakangiti ang aking labi habang nakatitig kay Kyle na himbing na natutulog habang ang aking darili ay hinahamplos ang bawat parte ng kanyang mukha ngunit ang nakuha lamang sa litrato ay ang daliri kong nakatigil sa labi ni Kyle!!!

Hindi ko namalayang hinahaplos ko kanina ang mukha niya!!! Nahipnotismo ba ako??!

Narinig kong ngumis si Kyle kaya naman ay nilingon ko siyang muli, hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko.

"Pinagnanasahan mo ba talaga ako?" Anas nito at mahinang tumawa habang nakapikit pa rin ang kanyang mga mata.

"H-hind..." hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng bigla niyang pinagsalikop ang mga kamay naming dalawa.

"I will hold your hand hanggang sa bumaba tayo ng bus." bulong niya na ngayon ay nang-aasar na ang mga ngiti. "Baka kasi kung saan pa humaplos 'to" sabay kindat saakin.