Chereads / Queen Lunox / Chapter 1 - Lunox's Family History

Queen Lunox

SoUrZe
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 5.8k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Lunox's Family History

Noong unang panahon mayroong dalawang mundo na tinatawag na Land of Dawn at Land of Dark Abyss. Si Queen Eclipsa Solidad ang babaeng namumuno sa Land of Dawn kung saan kilala siya sa pagiging mabait,matapang, makapangyarihan at mapagmahal. Siya na ang namuno matapos mamatay ang kaniyang ama't ina sa digmaan. Labis siyang nagdudusa sa pangyayari na nangangako siyang maghihiganti sa gumawa nito sa kanyang mga magulang. " Anak, ikaw ang pinakamagandang babae sa lahat, pareho kayo ng mama mo, kaya bago ako mawala nais kong sundin ito, protektahan mo ang ating kaharian at nasasakupan at ipaglaban sila laban sa masasama, mahal na mahal kita anak"sabi ng kanyang ama."Pangako ama",ika ni Eclipsa.*namatay*. Tinandaan ni Lunox ang sabi ng kanyang ama kaya hinahanap niya ang Land of Dark Abyss para ipaghiganti ang sinapit ng magulang niya.

Ang Land of Dark Abyss ay mundo kung saan namumuno si King Lucius ang hari ng mga halimaw, at anak nitong si Prince Joseph. Si King Lucius ang pinakamasamang nilalang kilala sa mundo nila ngunit ang anak niyang si Prince Joseph ay may natatagong kabutihan sa puso kahit ganito ang kanyang ama. Sunod-sunuran si Joseph sa kanyang ama, lahat ng pagpatay sa mga tao ay kanyang sinusunod kahit labag sa kanyang kalooban. Siya kasi ang kikilalaning magiging hari ng Dark Abyss bago mamatay ang kanyang ama kaya lahat ng masasamang gawain ni King Lucius ay tinuturo nito sa kanyang anak. Isang utos ang ipinagawa ni King Lucius at ito ang kahuli-hulihang utos na ipapagawa nito sapagkat ito ay pagpatay sa huling miyembro ng Solidad, ang patayin si Eclipsa."Ama, ngunit ito ay kalapastanganan, bakit ito ang nais ninyo?"sabi ni Joseph. "Ito lang ang paraan para hindi lang mundo natin ang mayroon sa atin kung hindi mundo din nila"sabi ng ama. "Hindi ko kaya ang pinagagawa ninyo ama, hindi ko kayang pumatay ng isang Solidad"sabi ni Joseph. "Sinusuway mo ba ang utos ko? ninanais mo bang maging kahihiyan sa pamilya natin? Kung hindi mo ito gagawin ay magpapasya ako ng isang digmaan kung saan mas maraming mamatay, gusto mo ba iyon?"ika ni King Lucius. "Hindi ko po hahayaan mangyari yun kaya susundin ko na lamang ang inyong pinag-uutos"sambit ni Joseph. Naglakbay si Joseph palabas ng Abyss at sa di-inaasahang pagkakataon nakita niya ang isang mala-anghel na binibini sa kagubatan.