Nakita na yata ni Joseph ang pinaka magandang babae sa buong kalawakan. Sinundan ni Joseph si Eclipsa sa damuhan,umakyat ito sa mga puno at napansin niya na ang lahat ng hayop sa kagubatan ay tila nilalapitan ang babae na parang gustong gusto ito hindi lamang sa dilag o anyo nito marahil rin ay sa natatanging ugali nito. Tulala at nakatitig si Joseph sa binibini na halos hindi na matanggal ang pagtingin nito hanggang sa ito'y mahulog sa puno na kinatatayuan nito. Nagulat si Eclipsa sa pangyayari kung saan ang kanyang mga mata ay nagliliwanag."Sino ka?Paano ka nakarating dito? At bakit naiiba ang anyo mo na tila isa kang kalaban?"tanong ni Eclipsa. Hindi makasagot si Joseph sa mga katanungan sapagkat naiilang ang kanyang mga mata sa bighani na taglay ni Eclipsa. Binunot ni Eclipsa ang kaniyang espada at itinututok kay joseph at sinabing,"Sino ka at saan ka nagmula?". "Ang pangalan ko ay Joseph at ako'y mula sa silangan at ako'y anak ng magsasaka"sabi ni Joseph."Patawad,ako lamang ay nabigla"ika ni Eclipsa. Tinulangan ni Eclipsa na makatayo hanggang sa paghawak nito ng kamay ay nakaramdam ito ng kakaibang kapangyarihan na hindi maintindihan. Kailangang magsinungaling ni Joseph sa binibini upang hindi nito malaman ang tunay na pakay. Nagtanong pa si Eclipsa sa pinanggalingan ni Joseph habang naglalakad patungong sa kaharian. " "Ako po ay sinugo ng aking ama upang pumunta sa kaharian ng mga Solidad upang humingi ng tulong"ika ni Joseph."Anong klaseng tulong ang hihingin mo sa kanila?",tanong ni Eclipsa. "Ang paggalingin ang aking ina na nasa bingit ng kamatayan, alam po naming ang mga Solidad ay ang pinakamakapangyarihan na mga tao sa Land of Dawn kung kaya't napaisip akong baka sakaling matulungan nila ako"sabi ni Joseph. "Ako ay humihingi ng paumanhin sa sinapit ng iyong ina Joseph, ang butihing anak na tulad mo ay nararapat lamang matulungan dahil ang mga magulang ay buhay ng isang anak kayong pamilya ay ang tahanan at hindi masisira ninuman"ika ni Eclipsa. Natanto si Joseph na tila ang mga salitang binitawan ng binibini ay pumukaw sa puso't isipan nito at pinaghahari ang kabutihan at katotohanan sa kaluluwa nito. Napapaisip si Joseph kung sino ang babae kaya hindi niya napigilang magtanong sa babae." Binibini, hindi ko pa nalalaman ang iyong ngalan nang sagayon ay makapagpasalamat ako sa'yo ng lubusan"tanong ni Joseph. Ako si Eclipsa, Eclipsa Solidad ang Reyna ng Dawn at ito ang aking kaharian.