Unang araw ko sa dito sa lugar na ito at nakikita ko naman sa mga mata ng kapitbahay ay magiging mabait sila, I just hope na hindi sila nag babaitbaitan lang. So Akir saan ba tayo mag uumpisa? wait alam ko na! Mag uumpisa tayo sa pag bili ng mga gamit at pagkain.
"Akir! kinakausap mo nanaman ba ang iyong sarili, para kang sira. hali kana dito at mag aalmusal na tayo."
Yes Mommy! Napaka kill joy naman ni Mom diba pwede masaya lang kaya ko kinakausap sarili ko. hayss, makababa na nga
"Akir! Bago ka bumaba pikitawag narin ang iyong kapatid. Sabihan mo na may naghahanap sakanya.:
Yes Mommy!
Dali-Dali ako pumunta sa pinto ni ate kaye at kumatok. Agad nya naman ito binuksan.
Ate may naghahanap sayo?
"Yes I know."
Sabay narin kami bumaba ni ate at ako naman ay umopo sa upuan, habang si ate ay papunta palabas ng bahay
Nag tataka ako kung bakit parati sando yung sinusuot ni ate, na kumpara sakin na bilang lang yung mga damit ko kaysa sakanya, parang isang ukay-ukay store. Napalingon ako sa pinto namin at nakikita ko na may inaabot na isang sachet namay lamang pills at powder.
Unang pumasok sa isipan ko ay baka iyon ay isang ipinagbabawal na gamot, parang party drugs. Di nalang ako nagsalita at gumalaw. Bigla naman nagtanong si Mommy.
"Akir? Nakikita ko ang layo ng iniisip mo. Ano ba yun? May problema ka ba? Sabihin mo sakin baka matulungan kita."
Wala, iniisip ko lang kung ano ba yung pwedeng gawin bukas. Okay lang ako Mommy wag kang magalala.
"Wag kana magsinungaling Akir, alam ko yung iniisip mo at nakikita ko ito sa mga mata mo."
"Hindi-" Bigla umurung ang dila ko, at biglang bumilis yung tibok mg puso ko. Dumagdag narin si ate kase, tinitignan nya ako na para bang kakain nya ako.
"Alam ko na Akir! Siguro iniisip mo parin ni si Rachel. Kung ako ang nasa lugar mo, mahirap talaga mag move on sa isang breakup. Alam ko makakahanap karin ng magmamahal ng lubusan sa iyo"
Bigla akong napatawa ng walang rason at hinimas ang aking dibdib. (Ang akala ko talaga, alam niya. Natakot ako dun ah.)
Oo salamat mommy sa pag support at pag encourage. Ang hiling ko lang kay Rachel ay sana maalala niya pa kung gaano ka efort yung paghalik ko sakanya.
Bigla tumawa si ate at si mommy, pero di ko naman alam yung reason kung bakit.
"Akir? Sigurado ako na hindi maalala ni Rachel yung last kiss mo. Ang dami mo kasing kinaan ni sisig, yun tuloy na ngamoy sibuyas ka."
"Di naman sa pinag tatawan ka namin pero yung paghalik mo kay Rachel ay nakita namin ni ate Kaye mo. Nakaka disappoint lang at nakaka-offend iyon anak sa babae."
Dapat po kayo nalang dalawa yung humalik kay Rachel. Sakit kaya nun masabihang amoy sibuyas. Kain na kaya tayo lalamig na yung itlog at soup.
"Change topic?" Ang sabi ni ate.
"Bago tayo kumain, Akir bili ka muna ng sibuyas at mantika diyan sa kabilang kanto hindi ko pa kasi na nailuluto yung ibang hotdog at itlog"
"Sige po"
Kumuha si Mommy ng pera sa kanyang wallet at ibinigay niya ito saakin. Nag mamadali ako lumabas ng bahay para bumili. Nung narating ko yung highway bigla ako napalingon sa isang babae. kamukhang-kamukha ito ng ex ko, si Rachel.
Biglang tumigil ung mundo ko na para bang teleserye. Umikot ang mga tanong sa aking isipan, ikaw ba yan Rachel, Rachel bakit ngayon lang. Ng biglang maynarinig akong mga iyak at sigawan sa paligid.
Ano nangyayari? Bakit sila nagkakagulo? Dinaman ako artista, ay alam ko na napaka pogi ko daw kasi.
Nang bigla ako napatingin sa isang katawan na aking tinatayoan. Nakita ko si mommy at Kaye, di ko alam kung bakit sila umiiyak at sinisigaw yung pangalan ko.
Mommy ano problema, sorry kung hindi ako nakabili ng mantika at sibuyas. Nakita ko kasi si Rachel.
Bumuka ang mata ko ng makita ko yung mukha ng patay. Napagtanto ko na bakit ko tinitignan yung sarili ko nakihiga sa daan, puno ng dugo.
"Ano...Ano ba ang nagyari ako bayan? Patay na ba ako? Pano...Pano ng nangyari iyon? Hindi ako iyan! Hindi! Pano?
Di ko napapansin tumulo yung luha ko. Di ko alam yung gagawin, di ko alam kung totoo bato o joke, joke lang. Ano ba naguguluhan na ako!?
Nang my biglang tumapik sa likuran ko.
"Hello po? ako po pala si White Grime Repear. Nandito ako para sunduin kita. Mr, Akir patay kana po.
Biglang tumibok ang aking puso dahil sa parehas na boses ni Rachel. Unti-unti akong lumingon sakanya. Hanggang sa...
O may Ghad! Rachel? Rachel anong--,
Umurung ng Umurung ang aking dila, at di na ako nakapagsalita. Sabay kamot sa buhok at nagpa cute ako ng kunti.
"Yes po, ako po si Rachel Beunobra. And long time no see cute little pie."