Chereads / Born to be Assassin / Chapter 3 - Light in the Dark 2

Chapter 3 - Light in the Dark 2

Hindi makapaniwala si Maverick sa kaniyang mga narinig mula sa kaniyang tauhan. Bigla itong namutla at pinagpawisan ng malamig. Hindi niya na alam kung ano pa ang kaniyang gagawin. Wari bang isa siyang chess board game at bigla na lang siyang na-checkmate.

"Hindi maaaring mangyari yun. Isa sa mga top assassins ang Chiu Clan. Paano mong nasabing bigla na lamang silang natalo?"

"Kitang-kita po ng dalawa kong mata kung paanong hindi man lamang nakahuma ang isa sa mga Chiu ng pugutan ito ng ulo. Ni hindi nga namin alam kung paanong nakalapit ang babaeng yun sa kaniya. Sa bilis ng mga pangyayari hindi ko lubusang maipaliwanag kung paano naganap ang kahindik-hindik na pangyayaring iyon" namumutla pa rin ito habang nagpapaliwanag sa kanilang boss.

Hindi malaman ni Maverick kung ano ba ang susunod na hakbang na kaniyang gagawin. Para bang biglang tumigil at tumahimik ang mundong kaniyang ginagalawan. Bigla ring nablangko ang kaniyang isipan. Kilala siya bilang isang henyo sa larangan ng pagnenegosyo. Kahit na anong klase ng negosyo ang kaniyang pasukan ay siguradong mangunguna ito pagkaraan lamang ng isang buwan. Mapa-legal man o ilegal na negosyo ay kaniyang pinapatos ang mahalaga ang mapayabong niya ang kaniyang imperyo. Biglang nagising sa malalim na pag-iisip at mapait na napangiti ng biglang may naalala siya. Agad niyang tinawag ang pinagkakatiwalaan niyang tauhan at may ibinulong siya rito. Na ikinabigla at parang nais pa nitong tutulan ang nais ipagawa sa kaniya ng kaniyang amo na siyang nagpakain, nagbihis, at nag-alaga sa kaniya noong mga panahong walang-wala siya.

"You have to do it or else I might die in vain." malungkot na sabi ni Maverick na parang nakapagdesisyon na.

"Boss kung tatakas tayo ngayon, maaaring matakasan pa natin at mailigaw ang 3 Diablos." pangungumbinse nito sa kaniya.

"Sa tingin mo, kung posible 'yun...Ipapagawa ko pa ba 'yung ipinapagawa ko sa 'yo?" napapailing na tanong ni Maverick

May sasabihin pa sana ang pinagkakatiwalaang tauhan ni Maverick ngunit agad niya itong pinigilan.

"GO! You have to go now before its too late to even get of this hell." giit ni Maverick dito.

Napipilitang tumalikod ang pinagkakatiwalaang tauhan ni Maverick at patakbong lumabas sa sekretong daan palabas ng opisina. Pinangako nito sa sarili na kahit ano mang mangyari ay sisiguraduhin niyang magagawa niya ang misyong iniatas sa kaniya ni Maverick.

Ilang minuto pagkatapos makaalis nung tauhan ay ang pagdating nina Shayne at Jewel. Na agad namang pinaputukan ng baril ng mga natitirang tauhan kanina.

Ang kaninang nagsisitayuang tauhan ay isa-isang natumba sa sahig. Ang salarin ng pagkawala ng kanilang hininga ay hindi dahil sa dalawang naunang dumating kundi ang malademonyong kasamahan nila...si Leo. Ang natira na lamang ay si Maverick at nanginginig itong nakatayo malapit sa kaniyang mesa. Hindi ito makahuma sa sobrang kabang kaniyang nararamdaman.

Dahan-dahan namang tumungo si Jewel sa sofang naroroon sa loob ng opisina at agad itong umupo roon. Pinili namang tumayo ni Shayne sa likuran ni Jewel. Samantalang nanatili namang nakatayo sa gitna si Leo habang nakayuko na para bang may iniisip.

Bakit hinayaan nilang mabuhay pa ng matagal si Maverick? Ito ay dahil gustong-gusto nilang nakikita 'yung takot na nararamdaman ng kanilang bibiktimahin. Iba 'yung satisfaction na nararamdaman nila kapag nakikita nila sa mga mata ng mga ito ang sari-saring emosyong dala ng takot, pagkabahala, galit, lungkot, poot, at higit sa lahat ang kawalan ng pag-asa.

"B-b-bakit?" nauutal na tanong ni Maverick.

Napataas ng tingin si Leo na naging dahilan upang mapaatras bigla si Maverick. Pagtama pa lang ng kanilang mga mata ay parang hindi na makahinga pa si Maverick sa sobrang takot. Sobrang lamig ng mga mata ng lalaking kaniyang nasa harapan. Hindi mababakasan ng ano mang emosyon ang mga mata nito. Hindi lang ito pati ang dalawang kasama nito ay katulad na katulad ng mga mata nito. Hindi niya alam kung ano ba ang iniisip ng mga ito. Ngayon niya lang naramdaman ang ganitong uri ng takot. 'Yong takot na kahit na mamamatay ka ay siguradong madadala mo ito kasama sa iyong hukay.