"Simple lang naman ang sagot sa tanong mong 'yan." sagot ni Jewel habang nakapangalumbaba ito sa hawakan ng kaniyang samurai. "May binangga kang tao na hindi mo dapat binangga"
Sa dami ng mga kalaban ni Maverick sa negosyo ay hindi niya malaman kung sino sa mga ito ang may kakayahang kuning magtrabaho sa kanila ang 3 diablos. Hindi akalain ni Maverick na kayang magsunog ng pera ang kaniyang mga kalaban sa negosyo para lamang siya ay patumbahin. Napangiti na lamang ng nakaloloko si Maverick ng maisip ito. Sa sobrang pagkahabag niya sa sarili ay hindi niya mapigilan ang pagak na tawa na kumawala sa kaniyang lalamunan. Dahilan upang maaliw na napatingin dito si Leo. Saka unti-unting lumapit dito.
Nanghihinang napaupo na lamang si Maverick sa kaniyang upuan at malungkot na napatingin sa larawan na nasa kaniyang mesa. Tiningnan niya sa mata ang tatlong tagapaslang na nasa kaniyang harapan bago namutawi sa kaniyang mga labi ang isang katanungan.
"Hindi ba kayo nakokonsensya sa mga inosenteng buhay na inyong kinuha? Hindi ba pumasok sa inyong isipan na ang bawat taong pinatay niyo ng walang awa ay isa palang ama, ina o hindi kaya ay isang anak na siyang tanging bumubuhay sa kanilang pamilya at ang buhay nila ang siyang tanging nagbibigay kasiyahan sa kanilang pamilya? Naisip niyo ba...."
Hindi na natapos pa ni Maverick ang kaniyang sasabihin sapagkat mabilis na ginilitan ni Leo ang leeg nito. Nanlalaki ang mga mata Maverick na para bang hindi makapaniwala sa mga pangyayari habang hawak-hawak ng isang kamay nito ang leeg upang mapigilan ang pagdugo nito. Habang inaabot naman ng kamay nito ang larawang nasa kaniyang harapan. Kasabay ng maraming dugong lumalabas sa kaniyang leeg at mga labi ay ang unti-unting pagkawala ng kaniyang hininga. Sa pagpikit ng kaniyang mga mata ay nalaglag ang isang butil ng luha na naglalaman at punong-puno ng damdaming dinadala ni Maverick. Ang kaniyang pangarap, pagmamahal, hinanakit, at pagsisisi.
Tahimik lamang na lumapit si Jewel sa wala ng buhay na si Maverick at kinuha nito ang larawang nakakuwadro na mahigpit na hawak-hawak Maverick. Tiningnan niya kung sino ang nasa larawan bago ito kinuha sa kuwadro nito. Nakayuko si Jewel habang kinukuha ang larawam kung kaya hindi nakita nina Leo at Shayne ang nagdaang emosyon sa mga mata ni Jewel na bigla namang nawala kasabay ng pagtaas ng ulo nito.
"Let's go." Walang emosyonna sabi ni Leo bago tumalikod.
Kasunod na lumabas nito si Shayne at ang pinakahuli ay si Jewel na binigyan muna nito ng huling tingin ang bangkay ni Maverick bago tuluyang umalis.
Ang nangyaring pagpatay ng 3 Diablos ng gabing iyon ay pinaka naiiba sa lahat sapagkat iniwan nilang buo ang katawan ni Maverick at napakalinis ng pinangyarihan ng krimen. Kahit na nga ba maraming nakahandusay na tao sa gusaling iyon ngunit masasabing naiiba at malinis itong tingnan kaysa sa mga nagdaang operasyon ng 3 diablos. Sapagkat kung noon ito nangyari gutay-gutay na ang katawan ng mga taong biktima sa krimen. Maliban pa diyan mahihirapang hanapin ng pulis ang bahagi ng katawa ng mga biktima sapagkat para bang bumubuo sila ng isang napakahirap na jigsaw puzzle na ang gamit ay ang parte ng katawan ng mga biktima. Sa gabing ito, mananalangin ng pagpapasalamat ang mga kapulisan sapagkat mababawasan ang kanilang trabaho ngunit kahit na gayon pa man aminado silang sakit talaga ng ulo ang 3 diablos sapagkat magpasahanggang ngayon ay wala pa rin silang nakuhang lead sa kasalukuyang insidente.
Kasalukuyan, pagbalik ng 3 Diablos sa kanilang head quarters ay agad silang dumiretso sa head office upang magbigay ng reports. Papel ni Shayne ang pagbigay ng reports ngunit sa oras na iyon ay sumama ang dalawa sapagkat nakatanggap sila ng mensahe na kailangan nilang tatlo na pumunta sa head office upang magbigay ng reports.
Pagkapasok nila sa opisina ay bumungad sa kanila ang nakatalikod na upuan at amoy nila ang usok ng tabako na galing sa paboritong sigarilyo ng kanilang pinuno.
"Tapatin niyo ako, lumalambot na ba ang mga puso niyo?" diretsahang tanong ng kanilang pinuno.
Nanatiling tahimik ang tatlo.
"Sasagutin niyo ba ako o kailangan niyo munang magpahinga sa entertainment room?" malamig at nagbabantang tanong nito.
Imboluntaryong nanginig bigla ang kalamnan ng tatlo na para bang nakarinig at nakakita ng nakatatakot na pangyayari. Taliwas sa pangalan nito ang "Entertainment Room" ay hindi ang inaakala mong tipikal na videoke, movie, o kahit na ano pa mang uri ng libangan bagkus mas malapit ito sa katawagang torture room. Entertainment Room ang tawag dito sapagkat maraming tao ang nanonood sa iyo habang tinotorture ka at mayroon pang pustahang nagaganap. Pinagpupustahan ng mga makapangyarihang tao kabilang sa black market kung hanggang anong oras ka tatagal bago ka bibigay sa torture na ginagawa sa iyo.
Hindi na bago sa tatlong ito ang entertainment room sapagkat bawat isa sa kanila ay nakaranas na rito at ang pinakamatagal sa kanilang uminda ng sakit bago sumuko ay si Leo. Umabot ito ng tatlong araw ng walang kain, tulog, o kahit tubig na lamang. Ang mga nagpaparusa rito ay nagsasalit-salitan upang hindi makapagpahinga sa sakit si Leo. Sumunod naman si Jewel na tumagal ng isang araw at pinakahuli ay si Shayne na tumagal ng dalawampung oras ng walang tigil na torture.