πΏπ°πΆπ΄ 2.
TRIX'S POV.
...
Naka ub ub ako sa Canteen's tables.
Ilang months na ba agad yung lumipas buhat nung tuhudin ko ang jr ng Christian na yun at wala pa yatang revenge akong nararanasan sa kanya?
Tumahimik bigla ang buhay ko.
Buti na lang nasa Lower section sya kaya hindi kami madalas magkita.
"Shy..., he's here!!!" Hiyaw ni Cielo kay Shyrene na katabi ko lang sila.
"Pwedi ba, Wag kayong maingay!" reklamo ko kahit nagtutulog tulugan lang ako.
"Besty.. Si Seniors Councilor! Yung gwapo!"-CIELO.
"Nasaan ba ako nu'ng may magpaulan ng katalandian at ikaw lang ang nakasalo ng lahat ng yun ha?" Tumunghay ako.
"Aray naman!" Daing nya.
"Ikaw na ang bitter!!!" Baling sa'kin ni Shyrene. Mabuti naman at nabasag na ang kahinhinan nya.
"Besty, ilIwasan mo na ang ampalaya huh?, nakakasama yun ng kalooban!!"-CIELO.
Paano ba ako matutuwa sa lalaking hinihiyawan nila?
Yung Campus President namin ang mas madalas ng pagkaguluhan ngayon sa senior High..
Tahimik kase yung mga mayayabang.
Yung supladong pinagtanungan ko kung saan ang section ko last last last month.
Sya yun..!
"Ang Gwapo kaya nya! May killer smile!"-SHYRENE.
bakit buhay pa kayo?
"Cute!!!"-CIELO.
So hindi ako na inform na tuta pala sya?
"Ang Bait pa nya grabe! I love you na talaga!" Sabay nilang sabi.
Grabeh.. Nakakadiri talaga sila.
"Hindi ka ba man lang nakakaramdam ng kilig kay Ivan Flores huh Trix?"-SHYRENE.
"May pangalan pala ang Supladong yun?" Taas kilay ko.
Umub ob ulit ako.
"KJ!!"-CIELO.
"Hindi lang kita narinig Ms. Natividad!"
Narinig nya ang sinabi ko?
"Hi Ivan!"-CIELO.
"Sa kanila ka na lang magpapansin, wag sakin!" Sabi ko pero nakatungo pa rin ako.
May heartthrob bang snacks ang ulam sa kanin?
Naghihirap din naman ako pero hindi ko yata kayang sikmurain ang klase ng pagkain nya.
W/ toppings of ketchup?
ULhhh... .
Ang weirdo naman nito.
Ta's para na syang tutubi dahil sa laki ng Eyeglasses nya w/ terno of tuck in pants?
Sya ba ang kinalolokohan ng mga toh?
Napansin nya yata na nakakunoot ang noo ko kaya itinuon nya sa noo ko ang hawak nyang Strawberry juice.
"Ah..!" Natauhan ako.
"Ang seryoso mo naman!" Sabi nya.
"Ang weirdo mo naman!" Baling ko sa kanya.
But he smiled.
"Sorry.. Ganito lang talaga ako and you are 1st year student, right?" Tanong nya.
"Obvious ba?" Pagtataray ko pa rin.
"Ang bastos mo talaga makipag usap kay President!"-CIELO.
"4rth year ka na di'ba? Bakit ba mas trip mo kaming pakisamahan kaysa dun sa mga batchmates mo?" Derektang tanong ko.
"Sorry na istorbo ko ba kayo?"
Aalis na sana sya kaso dahil naawa naman ako sa pagiging innocent nya, pinigilan ko na sya at hinayaan na maki join sa boring break time naming tatlo..
.
.
.
.
Masarap naman pala syang kausap.
Tipo ng guy na madali mong mauto at maging kaibigan. Sya rin yung tipo ng Guy na hindi kayang ipagmalaki ang sarili nya sa iba.
Kahit sa kanya nakatingin ang mga kababaihan, wala syang pakealam at hindi mo maririnig na marunong syang magyabang..
He's not weirdo, Style nya lang daw yun para makapag focus sa pagiging president ng Campus kaysa sa maging heartthrob.
So....
Ano Trix?
Crush mo na rin ba sya?
Haisst.. .
Hindi nuh...
Ts, Nagbubulungan pa ang Utak at Puso ko eh hindi naman sila maririnig ng mga toh.
...
"Nasaan ba si Christian?" Tanong ni Shyrene.
"Bakit mo hinanahanap ang lokong yun ha?" Taas kilay ko naman sa kanya.
"Hoy! Umalis ka nga dyan sa uupuan ko!" Taboy ni Christian.
Speaking of the d*mons Prince!
Bakit naman kaya umuusok ang ilong nito at ang lakas paalisin si gwapo este si Ivan sa kinauupuan nito.
"Sorry, pero bakit?" Weird ask ni Ivan na tinanggal pa ang eyeglasses nya.
Abah nga naman.
May Chinito brown eyes pala syang itinatago.
Bakit di ko agad napansin yun?
"Hindi mo ba ako nakikilala?"-CHRISTIAN.
"Ano bang problema mo at pinalalayas mo sya?, bulag ka ba at hindi mo makitang nag uusap kami?" Tanong ko sa kanya.
Owh wala syang back up. Nagsosolo na yata toh sa buhay nya.
"I need you to talk!" Sabi nya.
"Huh?, hay naku kung sa kad*monyohan mo lang naman debale na baka masapak nanaman kita dyan!" Pagtanggi ko sa kanya.
Agad nyang hinawakan ang aking kamay na ikinagulat ko. Habol tingin naman sina Shyrene at Cielo.
"Ano ba?" Pumiglas ako.
Bumitaw sya.
"I said i need you to talk!!" Tumataas ang boses nya.
"Sh*t naman oh! Para saan ba?"
"Basta!"
"Basta?" Nalilitong tanong ko.
"Lets go!" Hihilahin nya ulit ang kamay ko pero tinampi ko.
"Aray!!" Daing nya.
"Pwedi ba kung wala kang magawa sa buhay mo, wag mo akong pagtripan! Magpak*mat*y ka na lang okay!" Diin kong saabi sa kanya at lumabas ako sa Canteen pero hinabol nya ako.
Haysss akala ko pa naman ay titigilan nya na ako.
"Si Lorena ang Nanay mo di'ba?" Sigaw na tanong nya sa likuran ko.
"A.. .. ." Hindi ko malaman ang aking sasabihin
Paano nya naman nalaman ang tungkol sa bagay na iyon?
Pina background check nya ba ang past life ko?
"And so what's the point? Oo! Nanay ko nga sya at matagal ko na syang hindi nakikita! Ano okay ka na?" Baling ko sa kanya.
"Kung ganun, Ikaw nga!" Bulong na sabi niya.
"Ano bang nakain mo at bigla mong inungkat ang tungkol sa nanay ko?"
"Ah wala naman! May pinagmanahan ka naman pala!" Tangis pa niya.
"Ano?" Sinasabi ba nyang mukha akong p*kpok at pakawalang babae?
Ngising d*monyo na naman sya.
"Hrr....kainis!!" Dumaretso na ako sa Room.