πΏπ°πΆπ΄ 6.
KINABUKASAN.
...
"Saan ba tayo pupunta?" Nalilitong tanong nya.
"Surprise!" Sabik na sabi ko then inilagay ko na sa kanyang ulo ang helmet.
"Saan nga?" Pagpupumilit pa nya.
"Kapag sinabi ko sayo, hindi na yun surprise!" Baling ko sa kanya.
Sa balikat ko sya kumapit ng makasakay kami sa Scooter ko. Nang kumapit siya sa balikat ko ay inilipat ko ang kanyang kamay sa aking bewang at hindi naman sya tumanggi.
"About dun sa kiss Trix.. I'm sorry!" Paghinging despensa ko sa kaniya.
Tumuon ang ulo nya sa likod ko ng nasa biyahe na kami.
"Amh.. Ivan! Maid mo ako di'ba kaya bakit gusto mong magdate tayo?" Nagtatakang tanong nya.
"Bakit hahanap pa ako ng iba kung alam ko naman na nasa likuran ko lang yung babaeng babagay sa'kin?" Nakaumis na baling ko sa kanya.
Napahigpit ang yakap ng braso nya sa'kin, Hindi yata sya sanay na ganito ako ka-open minded sa kaniya lalo na't mas pinipili kong mabago ang kanyang pagtingin sa akin.
Weirdo man turns to a Cool guy.
Hindi pa malinaw sa'min dalawa kung anong relasyon ang meron kami basta sinasanay ko siya na handa akong gawin ang lahat para sa kanya kahit pa alam kong hindi na magtatagal ang buhay ko.
***
Na disappointed ko yata sya nung dalhin ko sya sa isang Peryahan.
"Gusto mong magperya tayo?" Taas kilay niya sa'kin habang binabasa ko ang emosyon na pagtingin niya sa akin.
"Oo!" Nailang ako kaya matipid na ang tugon ko sa kanya.
Inaya ko syang sumakay kami sa iba't ibang rides.
Natatawa na lang ako sa emosyon ng mukha nya kapag nasa rides na kami..
Sa Horror tren..
"Bakit ba gusto mo dito?" Tanong nya na parang maiihi sa pwesto nya.
"Ts, Ang taray taray mo pero duwag ka sa Horror tren?" Pang aasar ko sa kanya.
"Ano bang akala mo sa'kin walang kinatatakutan?" Naiinis na usal niya.
"Cute ka pala kapag natatakot?" Pinisil ko ang kanyang pisngi.
"Ts, Bitawan mo nga ako! Ano ba?" Tinampi nya ang kamay ko pero hinagilap ko rin yun at hinolding hands ko sya sabay tago sa aking bulsa.
"Ivan!" Hinihila nya pero lalo ko pang hinigpitan.
"Kapag takot ka, narito lang ako okay?" Naka ngiting sabi ko sa kanya pero napa-sub sub sya sa aking dibdib nang biglang may lumapit sa kanya na White Lady.
Sige lang Trix.
Dito ka lang!
"Ivan! Ayoko na!" Sigaw pa nya habang tawang tawa naman ako sa kaniya.
***
Paglabas namin ng Horror Tren, I'll just buy her some of meryenda.
"Street food talaga tandem of ice cream???" Reklamo nya.
"Sige na! Masarap naman yan eh!" Sabi ko.
Kinain naman nya ta's may mga bahid bahid na ice cream sa tabi ng labi nya kaya pinunasan ko na yun pero ang cute nya talaga kaya pinahiran ko sya sa pisngi ng ice cream ko.
"Haysss.. Naku naman!" Maktol nya at tumatawa lang ako.
"Trix!" Mariin kong tinig sa kanyang pangalan.
"Oh.. Bakit?" Naka kunoo't noo siyang tiningnan ako habang hinahagilap ang nananatiling ice cream sa kanyang mukha.
"You know what? I never been happy like this way before! Ikaw lang ang naging dahilan ko para ipagpatuloy ko ang aking buhay and i think, I'm inlove with you!" I want her to know my special feelings kaya derekta ko na itong sinabi sa kanya.
Weirdo nga ako at kahit ipilit ko man na magbago ang pagtingin niya sa akin ay hindi ko kaya.
Ako nga lang yata ang nakaisip ng ganitong gimik para lang makapag Confess ako ng aking feelings sa isang katulad niya.
"Sus! Sinasabi mo lang yan para hindi ako mainis sayo! Ikaw? Inlove sakin? Bata pa ako at wala akong alam sa mga love na yan!" Sabi nya.
"Binabasted mo ba ako?" Hindi ko inaasahan ang kanyang paliwanag sa'kin.
Ngumiti lang sya at hindi ako natutuwa.
"Trix naman eh!" Nagmamaktol ako.
"Umuwi na nga tayo, Nagiging corny ka na!" Tabig nya sa balikat at hinila nya na ako nang makalampas siya sa aking pwesto.
6:00 pm na pala agad.
"Nakainom ka na ba ng gamot mo?" Tanong nya.
"Amh kailangan pa ba yun?" Baling ko sa kanya.
"L*ko ka talaga! Paano ka gagaling nyan?" Hin*mpas nya ang sikmura ko.
"Aray!!!" Kunwari kong daing.
"Ay.. Sorry! Nasaktan ka ba? Sorry Ivan!" Tinitingnan nya ang sikmura ko.
Hinagilap ko ang pisngi nya kaya nagpantay ang mukha namin dalawa.
"Ivan... bitawan mo ang....!" Hindi natuloy ang kanyang sasabihin dahil hinalikan ko ulit sya sa kanyang labi.
It's just a smuck kiss.
Sabay lagay ulit sa ulo nya ng helmet para hindi na sya makareklamo pa.
"Kapag lagi mo akong tatarayan for sure ang kiss natin, Gets mo? Wag kang magrereklamo dahil baka di lang yun ang gawin ko sayo!" Pang aasar ko sa kanya.
Nakatitig lang sya sa'kin na para bang hindi makapaniwala sa mga eksena sa aming dalawa.
"Joke lang noh!" Naglagay na rin ako ng helmet at pinaharurot ko na ang scooter ko.
Dumaan kami sa tulay kung saan dun ko sya nakita noon.
"Bakit tumigil tayo dito?" Bumaba rin sya sa scooter.
"Do you remember the times when i met you here? Nagwi-wish ako dito tuwing pauwi ako sa bahay!"
"?" Nakataas lang ang kilay nya.
"I always wish na sana gumaling na ako sa sakit ko kahit hindi na ako magpagamot but it always failed. Hindi yata ako naririnig ni Lord kung bakit ba sa lahat ng taong bibigyan nya ng ganitong klase ng sakit, Ako pa na yung taong mahina ang loob, Na hindi kayang harapin ang lahat, Ako na matalino pero wala man lang maipagmalaki!" Diin ko.
Sumandal sya sa giliran ng tulay at nakikinig lang sya sa'kin.
"I always disguising myself as a weirdo man to prentend that I'm okay untill i met you!" Dagdag ko pa.
Tsikkssss.. Nakikinig pa ba sya?
Bakit sa langit na sya nakatingin?
"Alam mo Ivan, Ikaw na sa lahat ng lalaki ang hinding hindi ko maiintindihan!" Sabi nya na ikinagulat ko.
"Huh?"
"Ikaw yung may sakit na ayaw magpagamot ta's sinasabi mo sa'kin ngayon na itinatago mo lang ang tunay na sarili mo sa likod ng pagiging weirdo Man mo!" Umiiling pa sya.
"Eh kase akala ko naman naiintindihan mo ako!" Napakamot ako sa ulo ko.
"Anong oras ba tayo uuwi ha?" Naiinip na siguro sya.
Ts, Ang dami kong sinabi tapos wala naman pala syang naiintindihan.
Biglang umulan ng malakas. Kumuha sya ng payong sa bag pack nya pero masyado na kaming nababasa ng ulan kaya kinuha ko na lang yun sa kanya.
"Ivan nababasa na tayo!" Nag uumpisa na naman syang magreklamo
"Okay lang yan!" Naka ngiti lang ako sa reaksyon nya.
Tinampisaw ko ang tubig para mabasa ko sya ng tuluyan.
"Ah.. Ganun.. Gusto mong basain din kita!" Tinampisaw rin nya yung sanaw papunta sa'kin.
Tapos nakita at narinig ko na lang na tumatawa na sya. Ang ganda pala nya kapag masaya siya.
Tumigil sya nu'ng lumapit ako sa kanyang kinatatayuan.
Kailangan kong huminga ng maluwag kaya itinuon ko ang aking ulo sa kanyang balikat pero lalo yatang sumisikip ang dibdib ko.
Kaya hinahabol ko na ang aking hininga.
"O.... okay ka lang ba?" Tanong nya na hindi na malinaw ang pandinig ko.
"O...k....la..!"
Hindi natuloy ang sasabihin ko dahil biglang nagdilim ang paligid ko at naramdaman ko na lang na bumagsak ang aking katawan sa kalsada.
TRIX'S POV.
...
"Ivan! Please gumising ka!" Nagiiyak na ako.
Buti na lang may dumaan na isang taxi at tinulungan ako na dalhin agad si Ivan sa hospital.
Wala akong magawa nu'ng ipasok na sya sa Emergency Room at naghihintay lang ako ng oras na may dumating para pakalmahin ako.
Ilang oras ang nakalipas nang lumabas na ang Doctor sa E.R.
May Infection na pala ang dugo nya kaya hindi na sya pweding i-dailisis o kahit na ano pang treatment ang gawin sa kanya.
Umiiyak lang ako habang nagpapaliwanag ang doctor sa harap ko.
Hindi ko sila maintindihan. Doctor sila di'ba?
Bakit hindi nila kayang pagalingin si Ivan tapos tumatawag pa si Christian.
"Nasaan ka ba huh? Maghapon kang absent! Alam mo bang....!" Pinutol ko ang bulalas niya sa aking pag iiyak na tugon sa kanya.
"Christian... si Ivan!!!" I'm crying at maya maya lang ay dumating na sya.
"Trix!!" Niyakap nya naman ako.
"Ano bang nangyari? Bakit basang basa ka?" Pagtatakang tanong nya pero hindi ko man lang kayang sagutin ang kahit isa sa kanyang mga tanong.
Tinawagan nya si Shyrene at ilang minuto pa ay dumating din ito kasama pa si Cielo na may dalang damit na pamalit ko.
But Ivan is still in the E.R., Complicated ang status ng heart beat nya at hindi pa rin sya nagigising.
Hindi ako umalis ng hospital hanggang sa inabot na kami ng kinabukasan.
Inilipat na rin ng mga doctor si Ivan sa isang Private Room. Doon ko lang sya nakitang tulog na tulog.
Walang kamalay malay at aparato lang ang tanging nasa tabi nya.
Oxygen na parang yun na lang bumubuhay sa kanya.
Bakit ganun?
Sabi nya ay magpapagaling sya basta makipagdate lang ako sa kanya.
Hindi sya patas!
Hindi sya marunong tumupad sa pangako nya.
Sabi nya pa ay gra-graduate muna sya bago ang lahat ng ito.
Sana ako na lang yung nasa posisyon nya.
Ako na lang!!
Ang dami nyang pangarap para sa sarili nya.
May high school Diaries syang ibinigay sa'kin bago sya napunta sa sitwasyon na ito at lahat ng pangarap nya ay nakasulat dito. May nakasulat rin kung ano ang plano niya kung paano lalabanan ang kanyang sakit kahit huli na ang lahat.
Dapat ba akong maging masaya na binilin nyang isulat ko sa Diary na ito ang lahat ng bagay na mangyayari sa High School Life ko, mawala man sya o hindi?
"Ivan please h'wag mo akong iiwan!!" My tears are down.
Hanggang sa nagkamalay na rin sya.
"Trix!" Mahinang sambit niya sa aking pangalan.
"Hashhhh...Ivan!" Pinipigilan ko syang bumangon.
"He's awake!" Tinig ni Shyrene.
"Ba..bakit narito ako?" Pagtataka niyang tanong.
"Nag collapse ka kagabi sa madalas mong tambayan habang kasama mo si Trix! All Seniors are praying for your good recovery at nandito kami para samahan ka!" Sabi ni Christian.
"I'm okay!" Saad nya.
"No Ivan, You would stay here as long as you're good!" Pagpigil sa kaniya ng kanyang Private Doctor.
"Makinig ka na lang Ivan!" Dagdag ko pa.
Pinatawagan ko ang Parents at Little Sister nya na nasa L.A kagabi sa Private Doctor nya na ipaalam kung ano ang nangyari sa kanya.
"What did you do to my kuya huh?" Paghila sa'kin ng isang malditang babae palayo sa hinihigaan ni Ivan.
Narito na pala sila.
"Jillian?, Mom, Da..d!?" Gulantang niya sa pagdating ng buong Pamilya niya.
"Amh...Tito! Tita!" Pagbati sa kanila ni Christian.
"Who are you in my son's life?" Hindi nila pinansin si Christian at ako ang tinanong ng Mommy niya.
Tumungo lang ako.
"She's my Girlfriend Mom, dad!" Pagsingit na tugon ni Ivan.
Nagulat na lang ako ng sabihin niya iyun at ganu'n din ang naging reaksyon nu'ng tatlo pero hinayaan ko na lang na maniwala sila kahit ako mismo hindi ko masabi kung totoo ba iyun.
Pagkalipas lang ng ilan minuto ay hinayaan namin sila na mag usap, Narito lang ako sa labas ng pintuan ngunit pagkatapos din ng araw na iyun.
Ang akala ko ay magiging okay na ang lahat. 3 Days na akong absent sa School at isang linggo na lang graduation na nila kung kaya nag ayos na muna ako ng requirements ko sa school at naglaan na lang ako ng oras para dalawin si Ivan sa Hospital.
Hindi na kase sya naka recover sa dati nyang lakas at lalo pa syang nanghihina.
Huli na ang lahat para sa Chemotherapy at kung ano pang special treatment. Ayaw rin niya dumaan sa bone marrow transplant.
Umiiyak lang ako kapag kaharap ko sya dahil wala naman akong ibang magawa.
Hindi man kame close ng Parents nya ag hinahayaan nila ako na bisitahin pa sya sa Hospital.
Yung Little Sister niyang si Jillian ang madalas kong madatnan na nagbabantay sa kanya kaya medyo nakaka kwentuhan ko na rin sya.
***
"Kamusta ka na?" Tanong ko kay Ivan ng bigyan kami ni Jillian ng time para magkausap.
"Hmm.. Pagod na ako Trix!" Nanghihinang tugon nya.
"Ivan!, Wag ka ngang ganyan!" Naluluha na ako.
Sinubukan nyang hagipin ang pisngi ko at punasan ang luha ko na unti unti na ring tumutulo..
"I Love You Trix! Sa sandaling oras na nakasama kita sa loob at labas ng bahay ko, naramdaman ko kung paano maging masaya at maging komportable sa lahat ng bagay! Sayo ko lang kinalimutan na nagiisa ako kaya mahal na mahal kita Trix! Ikaw lang ang minahal ko ng ganito. Sayo ko lang natutunan labanan ang sakit ko and I'm sorry kung huli na ang lahat!" Mariin na sabi nya habang nangibgilid pa kanyang mga luha.
Ganun na rin ako.
"Huwag mong sabihin yan please! Hindi mo ako iiwan di'ba?" Tanong ko sa kanya.
"Hin...di.. ko..... na .... k... a... y.... a!!!!" Nauutal na sya at para bang hinahabol nya na ang kanyang hininga.
"Ivan, hindi! Huwag mo akong iwan! Sabi mo mahal mo ako!, Mahal din kita!!" Sabi ko sa kanya habang hawak ko ng mahigpit ang kamay nya.
His heart Rate is going to 0.
"Ivan!!!!" Hiyaw ko sa kanyang pangalan hanggang sa mawalan na siya ng malay.
Bumitaw na rin sya sa pagkakahawak nya sa kamay ko. Biglang dumating ang mga Doctor at ka agad akong pinalabas.
Nagyakapan lang kami ni Jillian habang umiiyak kami.
.
.
.
.
Until..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Doctors declared his time of death.
3:30 pm...
March 28, 2008.. .
Exact date ng Graduation nya sa Senior High as first Honorable Mention and best in Science.
Na tanging mga magulang na lang niya ang tumanggap.
Hindi ko kayang makita sya ng walang malay at isa na lang matigas na bangkay.
.... .
Marami syang bagay na gustong gawin na sana kasama ako pero ang lahat ng yun ay bgla na lang mababaon sa Lupa.
.
.
.
Parents nya ang nagdesisyon na i-cremate ang katawan nya at dalhin yun sa L.A.
Wala akong karapatan na umapela sa gusto nila..
Kaya pati yung bahay na tinirahan namin ay ako nalang ang kusang umalis at isarado ang pinto ng bahay na yun kasama ng mga gamit nya.
Humanap ako ng bagong Rent House na matutuluyan ko habang bakasyon pa at ang buong detalye ng lahat ng ito na nangyari sa first year ko in High School ay nakasulat sa High School Diaries ni Ivan Flores.
The Weirdo Man.
Isang lalaking alaala na lang sa buhay ko at hinding hindi ko siya makakalimutan.
.
.
.
.
.
Ano kayang naghihintay sa'kin sa Second Year?
.
YEAR END.
2008-2009.