It's January 21 birthday ng hayuppp kong kapatid charott..
Naglinis ako ng aming bahay kase hiyang hiya naman ako sa pupuntang barkada ng kapatid ko at sa mga kaibigan ko din syempre, btw kami lang palang tatlo dito sa bahay kasama yung father namin kase yung mother namin nasa province with my two sister.
"ate pupunta ba sila ate liza dito" sabi ni kenneth yung kapatid ko
"hindi pa e, alam naman nya dito at ni bal so sabay na daw sila" I smiled
4 hours later it's 11 pm midnight kakarating lang nila liza hindi rin ako masyado uminom para maasikaso ko sila ng maayos medyo nagulat pako sa pagdating nila kase may kasama sila si steward ayieeeh haha tsaka si julius my new friend, Yes friendly kase ako hindi naman kase ako suplada kaya pag may bagong pinapakilala sakin gusto ko komportable ako kaagad.
Medyo mahabang inuman ang naganap at may gulo pang nangyari kaya medyo nastress ako at pumasok sa kwarto.
"oy be bat andito ka nag iintay kami sayo" sambit ni liza
" wala te naiinis kase ako sa nangyare" sabi ko
"Forget it cess tara na nag aantay sa iyo si steward"
Lumabas nako ng kwarto I tried to smile dahil sa mga nanyari tumabi ako kay steward kase yun yung sabi nila for the silence narin...
Nagcecellphone lang ako then biglang nagsalita si steward naglalaro kase ako ng ML hahaha well feeling marunong!
"Hmmm ano ginagawa mo" he said
NagML haha feeling marunong ako sabat ko
hehe pareho lang tayo"
"ehem" sabi ng mga tropa namin
since wala tayong magawa let's play a song "Beautiful In White"
while they sing inaasar nanaman kami kunwari daw ikakasal kaming dalawa then may nagpanggap na father and guest haha para lang mga bata e no....
Okay so may tanong ako sa inyo ni steward, cess"
ayieehh sabat naman ng mga demonyo naming tropa
"Mahal mo ba si steward? tanong ni julius
"oo nga, OO o hindi lang" sabat ni liza
hmmm well I tried to change the topic but they always repeat the question again and again.
so tumayo ako at kunwari nagligpit tinulungan naman ako ni steward dahilan para lalo kaming tuksuhin....
"cess mag oo kana lang" bulong ni steward pag pasok sa kusina sabay sara ng kurtina para lalo pa silang maghinala takte parang gumagawa din to ng paraan para lalo kaming tuksuhin crush ata ako neto e hahahaha joke landi alert nanaman e!
"Bakit ko naman sasabihin e wala namang tayo?" I said
"Basta umoo kana lang" He said again
so dun natapos ang lahat haha
Nakatulog na sila dito sa bahay kase madaling araw na din kami natapos mag inum at natapos na din yung pang aasar nila samin.