Maganda yung gising ko ngayon hindi ko din alam kung bakit siguro dahil di ako napuyat at kompleto yung tulog ko, maaga din akong nagising dahil maglalaba pako ng sarili kong damit....
Syempre waiting muna ako nakawashing naman kase kami at deretcho drying nadin like sa mga laundry ganurn hahaha!
After ko maglinis nagbukas ako ng facebook then ang daming tunog ng messenger ko guess what hindi yun PM hahah puro Gc lang yun sa school oh diba ang buhay ng fb ko....
inopen ko yung message sakin ni steward
"Hi goodmorning po?" Then my smile na emoji
"Goodmorning din" I said naeexcite ako hahaha I don't know whyyyyyy
"kumain kana? Gawa mo po?" reply nya
"Ahm, Hindi pa e naglaba kase agad ako tsaka naglinis ng bahay" nyeeh paconcern tayo kunwari haha
"Ganon po ba kain kana jan"
"Sige later after this" Sagot ko sa kanya
mahaba din yung nagiging usapan namin kahit nagkakachat lang kami
then he ask me if I'm today, well tapos na din naman ako maglaba at nakapag pahinga na din ako inaaya nya akong manuod ng game nila sa basketball nahihiya din naman akong tumanggi dahil tinanggihan ko na din sya last time well I decided to call liza para samahan ako dahil friend nya naman yun at for us to be more comfortable dahil baka isipin ng kasamahan nya sa laro e boyfriend ko sya....
so yun after a minute nag usap na kami ni liza alam nadin pala nya na pupunta ako dun kase chinat sya ni steward na samahan ako well since support si liza samin sasamahan daw nya ako HAHA
Fast forward: (At Court)
nag umpisa na pala yung game nila so, means late kami nakikita ko na sya bangko maglaro charottt...
magaling sya pero di ako masyado natingin ayuko mag assume sya na todo support ako sa kanya!
"oy cess support mo naman bebe mo" Sabi ni liza sabay taray
" nanunuod naman ako e" Sabi ko sabay tingin kay steward then di ko inaasahan nakatingin pala sya sakin tumatakbo hawak yung bola then finally shoot haha lakas ng tama ko diba Charotttt ulit malandi lang haha
Tapos na yung game pauwi na din kami nauna si liza kasama yung mga kalaro ni steward then andito kami sa likod ngayon bigla nya akong nahila kase may van na dumaan, Medyo nailang pako kase nagtingan samin yung mga tropa nya malakas kase yung pagkakasabi ni steward na wag ka kase jan then I realized na hawak pa nya yung kamay ko kaya bigla ako nag joke
"Oy kamay ko haha " sabi ko sabay sabing mahal na mahal mo kamay ko ah para di kami magkailangan...
"Ay sorry ikaw kase e wag ka kase jan" sabay bitaw ng kamay ko....
nagpaalam na sakin di liza na uuwi na sya kase may dance practice pa sya so di na nya ako mahahatid sa sakayan, Pero hinatid naman ako ni steward kapal naman ng muka nya sinuportahan ko na nga sya e....