Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Just Another Fangirl

🇵🇭Jellalalala
--
chs / week
--
NOT RATINGS
11.2k
Views

Table of contents

Latest Update2
025 years ago
VIEW MORE

Chapter 1 - 01

Nagising ako ng umaga kahit na puyat ako sa ginawa ko kagabi. Bumangon na ako para maligo at humihikab na pumasok akong banyo.

Nang matapos na akong maligo ay agad akong nagbihis, tiningnan ko ang orasan na nasa pader at alas siyete pa lang ng umaga. Kaya naman nagawa ko pang maghanda ng umagahan.

Wala akong kasama sa bahay, ako lang mag-isa ang nakatira rito. Hiwalay ang magulang ko simula noong bata pa 'ko. May mas nakakatanda akong kapatid na babae pero hindi ko ito kasama. Nung una ay nagsasama pa ang magulang ko sa iisang bahay, pero hindi rin ito nagtagal ay tuluyan na itong naghiwalay. Napunta ako sa nanay ko, samantalang ang ate ko ay kay tatay. Kaya naman hindi kami malapit sa isa't isa.

May bagong pelikula gagawin ngayon at gaganap na bida si Keggi Fajardo, kaya naman pinilit ko talagang makuha ang ganap bilang bidang babae sa pelikula.

Tagahanga ako ni Keggi.

Isa siya ngayon sa sikat na mga artista sa industriya, nakilala ito dahil sa magaling itong umarte. Idadag mo pa na talagang may itsura ito kaya kapansin-pansin!

Kaya naman pinuyat ko sarili para sa audition na gaganapin mamaya.

Masasabi kong isa akong artista, marami na akong ginanapan sa iba't ibang teleserye at pelikula. Sumikat ako noon sa isang teleserye at agad ring nalaos ng matapos 'yon. At dahil do'n puro singit lang ang nakukuha kong ganap. Tapos sarili ko lang ang masasandalan ko dahil sa wala akong kontrata sa iba.

Niligpit ko na lang ang pinagkainan ko. Pumunta na akong kuwarto ko at saka ko kinuha ko ang pitaka ko.

Kulay dilaw ang kabuuang kulay ng kuwarto ko, ngunit natatakpan ito ng mga poster na idinikit ko. Poster ito ni Keggi Fajardo kaya talagang pinuno ko ang kuwarto ko.

Lumabas na 'ko ng kuwarto at muling tiningnan ko ang orasan. Kumunot ang noo ko nang makita kong alas siyete pa 'rin!

Saka ko lang napansin na sira pala ito!

Tiningnan ko kung anong oras na talaga at nakita kong alas diyes na!

Kaninang alas nuwebe pa ang simula!

Kaya naman nang malaman ko 'yon ay agad akong nagmadali na lumabas ng bahay at sinarado ito.

"Sana naman umabot ako!"

🔸🔶🔸

Nang makarating ako ay hinihingal na tiningnan ko ang kompanya na nasaan ako ngayon.

Rising Entertainment,

Natulala ako sa dami ng tao ngayon! At dahil sa bidang babae ang hinahanap nila ay puro babae rito!

Maayos at diretso na nakapila ang mga ito kahit na may ilan na nagtutulakan rito.

Marunong man umarte o hindi ay puwedeng-puwede pumunta. 'Wag nga lang aasa na mapipili agad rito.

Pipila na sana ako nang mapatingin ako sa harapan nang may lumabas na lalaki sa silid kung saan ginanap ang audition. Mukhang ito ang nag-aasikaso rito sa labas.

"Pasensya na, may napili ng gaganap na bida."

Narinig ko ang mga naghihinayang na boses ng mga babae! Kahit ako ay nanghinayang rin!

'Di man lang ako nakapasok sa loob!

Tumingin ulit ako sa may harapan nang marinig ko ang malakas na usapan ng mga babae.

"May napili na? Teka! Siya 'yung bida sa kakatapos na teleserye 'di ba?"

"Hala! Ganda niya! Talaga namang mapipili 'yan! "

"Nawalan na 'ko ng pag-asa, mas maganda siya sa personal!"

Tiningnan ko ang babaeng kalalabas lang sa may silid.

Maraming lumapit rito at mukhang mga tagahanga nito. Nang naglakad ito malapit sa puwesto at nginitian niya ako at tingin lang ang iginanti ko rito. Dahil do'n ay may nakapansin sa 'kin at pinagusapan ako.

"Siya 'yung gumanap noon na bida 'di ba? Maganda rin siya sa personal!"

"Tagal na pala no'n? Sikat silang pareho noon!"

"Noon 'yon! Tingnan mo siya ngayon! Mas sikat na 'yung isang ngayon!"

Hinayaan ko lang ang mga sinasabi ng mga babae sa 'kin ngayon at nanatiling nakatingin pa rin ako sa babaeng napili na bida sa pelikula.

"Ngayon lang ulit kita nakita," bulong na sabi ko.

Sa huli hahatatakin kita pababa, katulad ng paghatak mo sa 'kin no'ng simula.

Sinadya kong hintayin umalis ang mga babae rito, nakita ko na may lumabas na ang tatlong tao sa silid. Ito ang mga tumingin sa audition. Lumapit ako rito at ngumiti, tumigil naman ito at saka tumingin sa 'kin.

Nagtinginan muna ang tatlo rito at saka ako tiningnan ng mga ito.