Nasa harapan pa rin ako ng tatlong tao na pakay ko. Takang tumingin sa 'kin 'to at ilang sandali lang ay biglang nagtanong ang babae na tingin ko ay na sa trenta na ang edad.
"Anong kailangan mo?" tanong nito.
Kinabahan naman ako ngayon! Pero pilit na itinago ko ang kaba ko at saka sumagot.
"Pumunta po 'ko sa harapan niyo para po sa audition."
Hinintay ko ang sagot nito at agad kong narinig ang bunting hiningan nito.
"Kanina pa 'yon tapos," sagot nito.
"May napili na rin na gaganap," sabi pa ng lalaking kasama nito.
Napayuko na lang ako,
Nang inangat ko ulit ang tingin ko rito at ngumiti rito.
"Para po sana sa ganap bilang pangalawang babaeng bida."
Natigilan naman ang mga ito at nanatiling nakangiti pa rin ako rito.
Kanina ko pa naisip 'to, kung 'di ko makukuha ang ganap bilang babaeng bida. Puwede naman 'yung pangalawa!
"Anong pangalan mo?" tanong ng babae sa' at agad ko rin na sinagot.
"Lexie Sanarez," sagot ko.
Nagtinginan ang mga ito at sabay-sabay na mga tumango.
"Tanggap ka na,"
Natigilan naman ako sa sinabi nito!
"Po?" tanong ko!
"Tanggap ka na, tatawagan ka na lang namin 'pag magisimula na ang pagkuha ng mga eksena." nakangiting sabi nito.
Sa sobrang tuwa ko ay agad akong nagpasalamat sa mga ito.
"Maraming salamat po!" masayang sabi 'ko.
"Sige na, maari ka ng umalis."
Nang sinabi ito 'yon ay agad naman akong umalis.
Nang umalis ako ay rinig ko pa ang ilang usapan nito.
"Bagay sa kanya 'yung karakter nung pangalawang bidang babae!"
"Pero may napili na tayong gaganap bilangng pangalawang bidang babae?"
"Wala pa naman tayong binabanggit sa iba. Bukod do'n ay 'di pa 'yon opisyal."
"Saka bagay na bagay sa kanya!"
Napangiti na lang ako sa narinig ko.
🔸🔶🔸
Lumipas ang oras at kasama ko na ang kaibigan ko. Usapan namin na 'pag tinatapos ko na ang audition ay sasamahan ko 'to. Habang kumakain kami ay tinanong niya ako tungkol sinalihan ko.
"Pasok ka ba, 'te?" tanong niya habang umiinom.
Umiling ako rito,
"Sa ganders mo na 'yan?" 'di makapaniwalang tanong nito. Tumawa ito kaya naman kumunot ang noo ko rito. "Hanggang ganda na lang raw kasi," tumaas ang kilay ko sa sinabi nito.
"Aba," nasabi ko na lang, "inggit ka lang!" sigaw ko rito. "Babae na nga, maganda pa!" siya naman ang tumaas ang kilay sa sinabi ko.
"Kaloka! Lait pa!" tinawanan ko ito sagot nito, "jumbagin kita, eh!"
Umiwas naman ako ng bahagya rito, talaga namang aambahan ako ng suntok!
"Iba nakuha ko," pag-iiba ko ng usapan at umiba ang itsura nito.
"''Wag mong sabihing kabit na naman 'yang nakuha mo—"
"Sira!" sigaw ko sa kanya para matigil ito sa sinasabi niya, "wala 'kong balak!" tinawanan niya 'ko sa naging reaksyon ko.
"Aping-api ka ba naman sa eksena!" natatawang niyang sabi, "kaladkarin ka ba naman, may kasama pang sampal!" sinamaan ko ito ng tingin.
"Sige! Paalala mo pa!" inis na sigaw ko rito.
Nangyari 'yon noong na wala akong makuhang ganap. Kaya naman ng malaman ko na kabit na lang natitira, sinubukan ko na! Kaso ang nangyari, walang sawang sampal ang inabot ko dahil sinasadya ng sumasampal sa 'kin na ulit-ulitin ang eksena. Masyado atang naaliw sa pagsampal sa 'kin.
Tumingin ako kay Ricka na atat na atat na malaman kung ano nakuha kong ganap.
"Patagalin mo pa! Shogal sabihin!"
Sinabi ko naman agad nang sinabi niya 'yon.
"Nakuha ko 'yung ganap bilang pangalawang bidang babae."
Ngiting panalo na sabi ko.
"Seryoso? Kaloka!" 'di makapaniwalang sabi nito. "Niloloko mo ata 'ko!"
"Ayaw pang maniwala!" inis na sabi ko, "'Wag ka ng magtanong kung ayaw mo lang rin maniwal!"
"Sino naman kasing maniniwala sa sinabi mo?" tanong nito at napaisip rin ako.
"Kung sa bagay, kahit ako ay 'di rin makapaniwalang natanggap ako."
"'Di ba?" sabi niya sabay hawi sa buhok. "Taray mo, 'te! Malay mo diyan ka na sumikat muli!"
"Sana," sabi ko na lang.
Alam kong malabong mangyari 'yon, malabong-malabo. Pero siyempre! Gusto ko rin namang mangyari ang sinasabi ng kaibigan ko.
"Sino naman gaganap na bidang babae?" biglang tanong nito.
Parang napawi ang ngiti na nasa labi ko sa tanong nito. Itinago ko ang dismaya sa mukha ko at saka sumagot.
"Breia Canlas,"