I was crying my heart out loud because I can't take the pain anymore.
"One step away and it's all over. Ano na?" I said to him.
"I'm sorry, babe."
"Don't call me that! Wag mo akong matawag-tawag na babe kung magso-sorry ka lang din!" I shouted back at him.
"I am really sorry, Patricia. But I think, you're not the one. Oo, aaminin ko. Minahal naman kita. Totoo yun-" naputol ang kanyang pagsasalita dahil sa sinabi ko.
"Minahal? So, ang ibig mong sabihin... hindi mo na talaga ako mahal? Wala na ba talaga? Ikakasal na tayo Evan! Tapos ngayon ka pa makikipaghiwalay?" Nagpatuloy muli ang pagdaloy ng maiinit na likido mula sa aking mga mata.
Lumapit pa muli ako sa kanya at pinaghahampas ang kanyang dibdib. "Evan! Sino ba ang malanding babaeng 'yan? Bakit n'ya tayo sinisira, ha? Isa ba yan sa mga babae sa bar na nakikisiping sa kung sinu-sino'ng mga lalaki-" hindi ko natapos ang aking sinasabi dahil bigla nya akong sinampal.
"Hindi sya isang kaladkaring babae gaya ng iniisip mo! At huwag mo syang pagsasalitaan ng mga hindi kanais-nais na salita. Huwag na huwag mo kaming guguluhin, Patricia. Bahala ka na dyan." He took a step away from me and with that, he left me alone.