Chereads / His Destruction / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

"Hayy...." Pagod na pagod na ako sa kakalakad papunta rito't papunta roon.

Nasa labas na naman kasi ako at naghahanap ng mapag-a-apply-an na bagong trabaho. Ang babastos kasi ng mga customer sa huli kong pinasukan na trabaho.

Alam ko naman talaga na may pagkamanyakis ang mga lalaki sa lugar na iyon. Lalo na kapag may espirito na ng alak na dumadaloy sa kanilang katawan.

Sa reyalidad ng buhay ngayon, hindi madali ang makahanap ng magandang trabaho na kumikita ng malaki. Lalo na kapag 'di ka nakapagtapos sa kolehiyo.

Isang taon na nga lang makakapagtapos na sana ako sa kolehiyo. Kaya lang, hindi ko pa kayang sustentuhan ang pag-aaral ko. Wala naman kasing mga magulang ang sumusuporta sa akin. Isa lang naman akong anak d'yan na hindi ginustong mabuo.

Sige lang, Pat. Makakahanap ka din ng trabaho. Sabi ko sa sarili ko.

Hapon na pala at hindi ko man namalayan na hindi pala ako nakakain ng tanghalian kanina. Mabuti nalang at napadaan ako ngayon sa may plaza at siguradong may mabibili naman akong murang pagkain dito.

Hindi kalayuan sa plaza ay may nakita akong karinderya. Dito nalang siguro ako kakain.

Pagkapasok ko sa nasabing karinderya ay kumalam kaagad ang aking tiyan. Naku, gutom na talaga ako. Lumapit ako sa mga nakahilerang ulam at pumili na.

"Ano ang sa'yo ineng?" Tanong ng tindera sa akin.

"Yung menudo na lang po ale. Chaka po isang saging."

Nang makuha ko na ang binili kong pagkain ay naghanap na ako ng mauupuan. At nang makahanap ay umupo na agad ako at kumain.

Hindi kalayuan sa inuupuan ko ay natatanaw ko ang mga tao na nasa plaza. May nakikita din akong naka-couple shirt na mga teenager.

"Sus. Magbe-break din kayo nyan. Wala namang forever eh." Bulong ko.

"Si ate oh, bitter." Nagulat ako ng may nagsalita sa tabi ko. Yung naglilinis pala nang mesa malapit sa akin.

"Hindi ako bitter no. I'm just stating a fact." Hmp. Di naman talaga ako bitter eh. Sadyang wala naman talagang forever.

Sino ba dito ang naniniwala sa forever? Yung mga may jowa? Nasasabi lang naman nila 'yan kasi masaya sila at inlove na inlove. Pero pag nag-break na sila, sasabihin nilang, "Walang forever!".

"Nakakatawa naman po kayo ate. Halatang may pinagdadaanan kayo." Sabi pa nya. Naiinis na ako sa babaeng 'to. Ba't di pa kaya siya umalis dito.

"Hayy. Ewan ko sayo." At pinagpatuloy ko na ang pagkain ko.

Matapos kong nagpunta sa may plaza ay pinagpatuloy ko na ang paghahanap ng trabaho. Napadaan ako sa mga bar malapit sa may plaza. Mukhang, dito nanaman ang bagsak ko.

May nakapaskil na "WANTED: WAITRESS" sa isa sa mga nadaanan ko at kaagad naman akong pumasok.

Parang mga mayayaman lang ang pumupunta sa bar na ito. Ang ganda kasi sa loob. Parang mamahalin ang mga materyales na ginamit. Mula sa mga upuan, sa mga speaker na nasa dingding at kung anu-ano pa. Ano kayang itsura nito kapag gabi na? Kapag marami ng tao?

"Ano'ng kailangan mo miss?" Sabi ng isang baritonong boses sa likod ko. Paglingon ko ay, my goodness! Ba't walang damit? Namnam, parang ang sarap hawakan ng abs. Ang gwapo pa ni kuya.

"Ah, miss?" Di ko namalayan na napatulala na pala ako sa kakatingin sa katawan nya.

"Ah, eh. Ano kasi, mag-a-apply sana ako bilang waitress. Hinahanap ko po yung may-ari ng bar na ito." Pa-cute kong sabi.

"Oh, waitress! I'm the owner. Could you please turn around, miss?" Turn around? Bakit naman? Kahit na di ko alam kung bakit ay tumalikod pa din ako.

"Hmm, nice. Nice butt." Butt? Aba'y manyakis? "Okay, you're hired."

Ha? Ganun lang yun? Tanggap na kaagad? Wala man lang interview? Yung paghihintayin ka ng matagal tapos sasabihing tatawagan ka na lang? Tapos inabot ka na ng siyam-siyam sa kakahintay pero di pa rin tumatawag? Wala man lang ipapasang kung anu-anong requirements?

"Mister, ganun lang yun? Walang interview? Walang mga requirements?" Nagtatakhang tanong ko.

"There is, beautiful." Aba'y kinilig ako doon ha. "We're done with the interview. And about the requirement you are talking? Your body is the requirement." Katawan? Bakit katawan?

Hala. Ibebenta ba ang mga laman loob ko? O kaya naman ay gagawin akong prostitute dito? Hindi nga kami nag-ano nang gago kong ex-boyfriend tapos dito, makikipag-ano ako? Virgin pa po ako kuya! Wag ganyan!

"Pagiging prostitute po ba ang inaalok nyo sa aking trabaho o ano?" Nanlalaking matang tanong ko.

"Haha. I thought you're applying as a waitress? And our waitress here have a sexy body too, just like yours. Nagkulangan lang kami ng mga waitress kaya naghahanap pa kami. And we are not hiring girls here to become protitutes. There are just some girls or should I say sluts that come along and find someone to... you know, fuck."

Medyo, offensive yun ha. Oh my innocent ears! Ay, hindi na pala. May mga napanood na pala akong mga nag-aano sa internet.

"Anyways, you can start later if you want. Or maybe, tomorrow night?"

"Baka bukas na po siguro. Pero ta-try ko po mamaya kung makapasok na ako."

"Okay, as you say so. Before I forget, what is your name? And age?"

Kanina pa nga pala kami nag-uusap pero di pa kami nagkakilala.

"Hm, Patricia po. Patricia Hidalgo. And twenty-three na po ako."

"Nice name. By the way, I'm Arthur Benitez. And please, drop the 'po' thing. I'm only twenty-six."

"Sige po. Ay. Sorry. Thank you po pala. Ay. Nanaman." Kakamot kamot na lang ako sa may ulo ko dahil sa pagkapahiya sa isang gwapong lalaki sa harapan ko. Di ko maiwasan ang mag-'po' sa kanya. Naku naman. Nakita kong umangat ang isang sulok ng kanyang mamula-mulang labi. Parang ang lambot din noon. Ano kayang feeling pag nahalikan ka nya?

Patricia! Ano ka ba? Pinagnanasahan mo ha. Sigaw ng isang bahagi ng utak ko.

Totoo naman kasing katakam takam sya eh. Wala pa siyang suot na pang-itaas na damit. Kitang kita ko ang mga bitak sa katawan nya. Yung muscles oh. Hmmm..