Chereads / Heistine Academy / Chapter 4 - Numb

Chapter 4 - Numb

Agad kong kinuha ang aking braso mula sakanya at kunot noo itong tinignan. "Anong 'stay for the whole night' ka dyan? Hindi ako matutulog dito!"

"Whatever.", nagulat ako ng bigla niya akong buhatin at nilagay sa balikat niya, "Tangin....Bakit ang bigat mo?!", saad nito.

"Pakielam mo ba ha? Ibaba mo ako!",pinagsusuntok-suntok ko ang likod nito dahil sa inis.

"Tumigil ka nga diyan! Pag nahulog kita walang sasalo sayo!", inis rin na sabi nito habang naglalakad.

"Kung ibababa mo lang sana ako edi sana hindi kita pinagsusuntok suntok ngayon!"

"Were here.", Sabi nalang nito at narinig kong may pinipindot pindot ito. At maya maya ay pumasok na ito sa isang condo. Ng mapinto niya at ma-lock ang pinto saka lang ako nito binaba.

I was going to say a thing but something caught my attention. His condo...Sobrang ganda at sobrang laki.

First time kong makapasok sa ganitong condo. Hell can I own this condo?

Black and white design, the living room was so neat. I run to the living room and throw myself on the couch as I hug one of the small pillows.

"Soooooo soooooffffttttttttt....", I whimpered.

"You like my condo?", he asks chuckling while looking at my behavior.

"SOBRANG GANDAAAAAA....ANG LALAMBOT PA NITOOOOO...", sabay yakap ko ng napakahigpit sa small pillow.

"So you'll stay for the night?", tanong nito.

Napaisip naman ako.

Matutulog ba ako dito? The hell? I don't sleep with guys! Never in my life I slept with one. At ano nalang mangyayari saakin nito? At baka may makahuli saakin na taga doon sa eskwelahan namin?

"Don't worry i'm no harm.", he said in a convincing way.

Napatingin naman ako dito na parang sinusuri kung totoo ba 'yung sinasabi niyang i'm no harm chuchu.

Nang mahalata niyang sinusuri ko siya ay humalakhak ito, "Hoy Gago! HAHAHA akala mo naman papatulan kita! HAHAHA. Ang pangit mo kaya!", agad naman akong napa-poker face dahil sa sinabi nito.

"Who you calling ugly 'ey? Gusto mo bang 'wag nalang kitang tulungan? Because I could barely do that.", tinaas ko ang sulok ng labi ko.

Sumimangot naman ito kaya natawa ako."I'll leave you here. Gutom ka na? I'll cook our dinner tonight.", tanong nito.

My heart skipped a bit. O-Our dinner?

Mabilis na umiling iling ako dahil sa iniisip ko. He frowned at me, "Hindi ka gutom? Pero kanina kung makatingin sa street foods, abot impyerno ang tulo ng laway."

Sinamaan ko ito ng tingin at hinampas ng unan. "Mag luto ka nalang nga! Oo na! Gutom na ako!"

Natatawang naglakad naman ito paalis sa harap ko at sinundan ko naman ito ng tingin. Pumasok siya sa kusina niya. Napahiga ulit ako sa sofa. Ano kayang lulutuin niya? Masarap ba? Baka lagyan niya ng lason 'yon? Kaaway ko siya kaya may posibilidad diba! Dibaaa!

Narinig ko naman ang ingay na nag mumula sa kusina, siguro nag hahanda niya ng mga sangkap niya. Masarap kaya lulutuin nun?

"Hoy Pangit punta ka nga dito!", rinig kong sigaw niya mula sa kusina. Luh, sabi niya kanina dito lang daw ako. Wala akong nagawa kundi ang sundin siya.

Iniwan ko na muna ang gamit ko sa sofa at pumunta sa kusina. Nakita ko siyang nakatalikod at nakasuot ng apron na kulay Gray.

Lumapit naman ako sakanya at tinignan ang ginagawa niya. Naghihiwa ng kamatis. Bahagya akong natawa dahil sa reaksiyon nito. Nakakunot ang mga noo nito at parang nanggigigil na hinihiwa ang kamatis.

"May galit ka ba sa kamatis ha?", natatawang tanong ko dito.

Napatigil naman ito sa paghihiwa at tumingin saakin. "Ang hirap  mag hiwa.", pag e-explain nito habang blanko ang ekspresyon.

Hindi makapaniwalang tinignan ko ito, "Kamatis? Mahirap hiwain? Hindi ka ba marunong magluto?"

Napaiwas naman ito ng tingin, "N-No..."

Ako naman itong kumunot ang noo ngayon, "Anong hindi? Eh ang lakas mo nga'ng makasabi kanina ng 'I'll cook our dinner' eh...", hindi ito nagsalita at kumamot sa batok niya. Nginisihan ko naman ito, "Ahh...so pakitang gilas ka lang kanina? Hindi ka naman talaga marunong magluto eh noh?"

Tinignan ako nito at sinamaan ng tingin, "Atleast i'm trying my best to cook our food for tonight..."

I puffed in air, "Tabi nga dyan ako nalang!", saad ko at tinulak siya paalis doon sa puwesto niya. Hinawakan ko ang kutsilyo at nagsimula ng maghiwa. "Dapat kasi nagsasabi ka hindi 'yung pakitang gilas ka pa eh hindi ka naman marunong magluto. At kung hindi ka marunong magluto, eh sinong nagluluto sayo dito?", tanong ko sakanya habang naka-focus pa rin sa pag hihiwa. Sinunod ko naman ang sibuyas.

"I hire someone to cook foods for me...", sambit nito.

"Palibhasa mayaman...", bulong ko pero mukhang narinig niya ata kasi tumawa siya.

...

here it is!", masayang sabi ko at nilapag sa mesa ang linuto ko. Pork Steak!

Kung nagtataka kayo kung saan ko ginamit 'yung hiniwa kong kamatis, well, tinapon ko nalang. Hindi naman na kailangan sa recipe eh.

Habang si Hendrix nakaupo, inamoy-amoy niya ang Pork steak. "Wala bang lason ito?", tanong niya saakin.

"If you were in my position, ganyan na ganyan rin ang itatanong ko.", natatawang sabi ko. "Wait, 'yung kanin kukunin ko lang.", pamamaalam ko at pumunta ng kusina para kunin sana ang kanin na nakasandok na sa plato pero agad akong napatigil sa kinatatayuan ko ng biglang nanghina ang mga paa ko at napaupo ako sa sahig. "Aray...", daing ko.

I tried my best to stand pero nanghihina ako. I feel...numb. Hindi ko talaga alam kung bakit biglang nanghina ang mga paa ko.