Umawang ang bibig ni Isabel na tila ba hindi makapaniwala sa narinig.
"Ewan ko sa inyo! " Lumabas ito.
Ngumisi si Vince.
"Mabuti 'yan pare."
Sumeryoso siya.
"Salamat nga pala sa ginawa mong pagharang.
Ligtas pa rin ako."
"Ayoko sanang gawin dahil pagkain lang ang dahilan pero sa tuwing maiisip kong tauhan sila ng kalaban nawawala ang awa ko."
"Salamat, pasensiya na kung nadadamay ka."
"Wala 'yon pare, basta ikaw malakas sa akin."
"Salamat pare, napakalaki ng tulong mo, palagi na lang."
"Sus wala 'yon, kahit alagad ako ng batas kaya kong maging berdugo pagdating sa 'yo."
Alam ng binata na walang papantay sa ginagawa ng kaibigan sa kanya.
Walang hihigit sa kahit kanino dito kung pagkakaibigan ang pag-uusapan.
Nakahanda rin siyang pumatay kapag ito ang nangangailangan.
"Ano bang plano mo bukas?"
Humigop siya ng kape bago sumagot.
"Makikipagkita ako, kay Ellah."
"Ha!" muntik nang malaglag si Vince sa kinauupuan.
Sinulyapan niya ang kaibigan.
"I miss her pare. Sobra."
"Naks naman! Akala ko napalitan mo na ng iba eh," ani Vince sabay tingin sa labas.
Kumunot ang noo nito nang tila may napansin.
Mariin siyang umiling.
"Hindi. At hindi mangyayari 'yon."
"Akala ko kay Delavega ka makikipagkita?"
"Sa gabi pa 'yon. Umaga ako makikipagkita."
Napansin niya ang pagseryoso ng kaibigan.
Humigop ito ng kape bago nagsalita.
"Sa tingin ko pare dapat maayos mo muna itong ngayon bago ka mag-isip ng iba, baka kasi madamay pa."
Humugot ng malalim na paghinga ang binata.
"Alam mo ba nang makita ko siya ulit sa anibersaryo ay parang nagbalik ang lahat sa akin.
Kung hindi dahil kay Isabel matagal na siguro akong umamin kay Ellah."
"Hindi pa pwede sa ngayon pare. Hindi pa."
"Alam ko, kaya ang gusto ko sana makita man lang siya at makausap.
Umaaligid na ang isang Raven Tan at ang hirap lang na hindi ako pwedeng makialam kahit ako pa ang may karapatan."
"Pabantayan mo kay don Jaime."
"May tiwala naman ako sa kanya. Alam kong hindi ako itatakwil ni don Jaime."
Napansin niya ang pananahimik ni Vince.
Nakatingin pala ito sa cellphone at parang may tinitext.
Hinayaan na lang niya, nang ang cellphone naman niya ang tumunog.
Siya pala ang pinadalhan ni Vince ng mensahe.
VM:
PARE MAY LAGING TUMITINGIN SA ATIN MULA SA LABAS LALAKI NAKAITIM.
Nilingon niya ang labas at sa bandang kaliwa nila, at sa madilim na bahagi ay may nakasumbrerong itim at naka jacket na lalaki ang nakatayo roon.
Tumingin siya sa kaibigan at nag-abot ang kanilang mga mata bago nagkasundo sa isang desisyon.
Tinginan pa lang nagkakaintindihan na sila.
Inihanda ni Vince ang kwarenta 'y singko na langing dala-dala nito at kung sakali mang hitman ang naturang lalaki ay siguradong mauunahan ito ng kaibigan.
Sabay silang tumayo at lumabas.
Lumapit sa naturang lalaki.
Umatras ito ngunit bago nakatakbo ay tinutukan ito ng baril ni Vince.
"Takbo!"
Nanigas ang lalaki at awtomatikong tumaas ang magkabilang kamay.
Nasa likuran siya ng kaibigan.
"Ayaw sir!"
"Minamanmanan mo ba kami ha! Sinong nag-utos sa'yo?"
Walang tugon mula sa naturang lalaki sa tindi ng takot na rumehistro sa mukha nito.
Ikinasa ni Vince ang kwarenta 'y singko.
"Sagot!"
"Wala man sir! H-hindi ako nagmamanman sir, p-pamilyar lang ang nawong sa imong kauban! "
Lumabas siya sa likod ni Vince habang nakayuko.
"Ako ba ang tinutukoy mo?"
"Mga sir, wala ho akong masamang intensiyon, pamilyar lang ho kayo kasi kamukha ninyo ang wanted na si Villareal."
"Hindi siya 'yon," matigas na tugon ni Vince.
"Pinsan ko siya. Hanggang ngayon hindi pa rin namin nakikita ang pinsan ko."
Hindi ito makasagot dahil sa tutok ng baril sa ulo nito.
"Pasensiya na sir."
Sinenyasan niya si Vince na ibaba ang baril.
Bagama't nagtataka ay sinunod ni Vince ang binata.
Ibinaba na rin ng lalaki ang mga kamay.
Kinakapan naman nito ang lalake.
Nakuha ni Vince ang isang pitaka at binuklat.
Saka nito kinuhanan ng litrato ang isang driver's license gamit ang camera ng cellphone.
"Rodel Sarmiento," basa ni Vince sa ID saka tinaliman ng tingin ang lalaki.
"Tatandaan ko ang pangalang 'to," ibinalik ni Vince ang ID sa pitaka nito bago ibinalik sa likod ng pantalon nito.
"S-salamat sir."
"Maliit ang Pilipinas brad, sa oras na malaman naming may iba ka pang intensyon tatanda ka sa kulungan tandaan mo 'yan!" singhal ni Vince at dinuro ang mukha nito ng dulo ng baril.
"O-oo sir!"
Nilisan nila ang lugar.
Si Isabel naman ay nasa sasakyan niya at nakasunod ito.
Tumawag ito at nagtanong.
"Wala' yon, si Vince ang sagot doon," tugon niya at pinatay ang linya.
"Ano 'yon pare?" baling niya sa kaibigang nagmamaneho.
"Kung walang nanghuhudas sa' yo hindi 'yon hitman at totoong namukhaan ka lang."
"Wala naman pare."
"Pare, 'yang abogada mo ba mapagkakatiwalaan 'yan?"
"Oo, kasama ko 'yan noon pa sa panahong muntik na akong ma salvage. Saka siya ang nagbigay ng ebidensiya sa' yo noon."
"Natatandaan ko. Ingat lang pare, kasi hindi pa natin gaano ka kilala 'yan."
Ayaw niyang magduda subalit hindi iyon maiiwasan lalo pa at may kahina-hinala na sa mag-ama noon.
"Sige para mapanatag tayo, paimbestigahan mo."
"Sige, talino mo talaga pare, alam mong 'yon ang punto ko," iling ni Vince sabay ngisi.
"Ikaw pa ba halata ka namang masyado."
Tumawa ang kaibigan.
Sumagi na naman sa kanyang isipan ang lalaking tila nakamasid sa kanila.
Maraming kalaban kahit saan kaya hindi siya dapat makampante hanggat hindi niya nakukuha ng tuluyan ang loob ni Delavega.
Bukas mapapanatag na siya.
Ipinilig niya ang ulo at iwinaglit sa isip ang nakita.
Inisip niya ang kasintahan.
Kapag naiisip niyang parang niloloko na lang ito ay hindi niya maiwasang mag-alala.
Kalahating oras silang walang imikan nang magsalita siya.
"Ang hirap magpanggap na pinsan ng mismong sarili pare.
Minsan tuloy naiisip kong ako na nga ang pinsan ni Gian."
"Masasanay ka rin, kaya lang hindi yata ako masanay na tawagin kang Rage."
"Si Isabel nagpangalan niyan."
"Bakit Rage?"
"Kasi raw puno ng galit. Hindi naman 'yon ang pinag-aalala ko kundi si Ellah.
Paano na lang kapag malaman niya?"
"Magaling ka nga eh, nag advance ka na kay lolo Jaime kaya ang apo na lang ang problema mo."
"Natatakot ako kapag nasa malapit lang sa kanya paano kung bigla niyang malaman ang totoo?"
"Pare, easy ka lang kapag nasa tabi niya.
Yakap at himas lang walang laplapan bistado ka na no'n," sinabayan nito ng hagalpak ng tawa.
"Gago ka talaga kahit kailan," nangingiting napapailing ang binata.
Natigil lang sila nang tumunog ang kanyang cellphone.
"Si Don Jaime tumatawag," aniya.
Tumahimik si Vince.
Sinagot niya ang tawag at ini loud speak.
"Magandang gabi ho don Jaime."
"Gian nasusunog ang bahay mo! Nanood ka ba sa balita? Sinong may gawa nito! Ang mga demonyong Delavega na naman ba!"
Nagkatinginan sila ng kaibigan.
"Don Jaime, ako ho."
"A-ano?"
Sigurado siyang nagulantang ang don sa narinig.
"Kailangan ho don Jaime. Hindi ko pa rin napapaniwala ang mga kalaban."
"Gian delikado 'yan! Ano bang nangyayari?"
"Nagsimula na ho ako sa plano don Jaime. Pero hindi ko pa nakukuha ang tiwala nila.
Hanggang ngayon naghahanap sila ng ebidensiya laban sa akin."
"Ano bang pwede kong maitulong sabihin mo lang?"
"Impluwensiya ho don Jaime, iyon ho ang kailangan ko sa ngayon."
"Walang problema, marami akong kakilala sabihin mo lang kung ano ang gagawin."
"Salamat ho, don Jaime."
"Walang anuman hijo, paano kapag nalaman ni Ellah ang tungkol sa pagkasunog ng bahay mo?"
"Kayo na ho ang bahalang magpaliwanag don Jaime, pasensiya na ho kung parang niloloko na lang natin ang apo ninyo."
"Naiintindihan ko hijo, sige ako ng bahala."
"Salamat ho," ibinaba niya ang cellphone.
"Pare, hanggang kailan ba ito matatapos?"
"Kapag nakuha ko na ang tiwala ng kalaban."
---
Hindi naman halos makatulog si Ellah sa kanyang higaan.
Kinakabahan siya na hindi maintindihan.
Palagi na lang sumasagi sa kanyang isipan ang mukha ng Acuesta na 'yon na pinsan lang naman ni Gian.
Bumangon siya at lumabas ng silid.
Naulinigan niya ang kabilang silid ng abuelo sa tabi ng silid niya.
Tila nanonood pa ito ng telebisyon.
Alas onse na.
Kinatok niya ang pinto nito.
"Lo? Gising pa ho ba kayo?"
Ilang sandali pa ay binuksan nito ang pinto.
Nakaternong pajama na ang abuelo kagaya niya.
"Oo hija, bakit?"
"Bakit ho? Madaling araw na."
"Matutulog na rin."
"Ah sige ho," tumalikod siya.
"Ah hija, may sasabihin ako."
Nilingon niya ang abuelo.
"Ano 'yon?"
"Nasunog ang bahay ni Gian sa Pagadian."
"Ano!"
Pakiramdam ng dalaga ay nanigas siya at kumabog ng husto ang dibdib.
"B-bakit ho?" nanlulumong tanong niya nang matauhan.
Hindi ito sumagot.
Tumalim ang kanyang tingin sa kawalan.
"Siguradong ang mga kalaban na naman ang may gawa nito!"
"Hindi hija, si Acuesta ang may gawa."
Agad uminit ang kanyang dugo at humagkis ang tingin niya sa don.
"ANO? BAKIT? GAGO BA SIYA!"
"Hija, hanggang ngayon hindi pa rin tinitigilan ng mga hayop si Gian. Kailangang gawin 'yon ng pinsan niya upang walang makuhang ebidensiya."
"Mga hayop talaga ang mga demonyong Delavega na 'yan!
Pero kahit pinsan pa siya wala siyang karapatang mangialam! Paano na lang kapag malaman ni Gian?"
Muling na tahimik ang matanda.
"Lolo nasaan ba kasi si Gian? Bakit parang wala na kayong pakialam?"
"Hija, ang pamilya na niya ang bahala sa paghahanap."
"Pamilya na lang lagi mga walang kwenta naman hanggang ngayon hindi pa rin nila nakikita si Gian! Bakit hindi tayo ang maghanap?"
"Hindi tayo dapat makialam!"
"Paano kung patay na pala siya? Wala pa rin tayong pakialam!"
"Siguradong hindi pa siya patay dahil walang nakitang bangkay!"
"Kung gano'n nasaan na siya?"
"Siguro nagtatago lang."
Tumingin siya sa kawalan.
"Hindi magtatago si Gian sa kalaban. Kung buhay siya siguradong may pinaplano na siya laban sa mga hayop na Delavega na 'yan."
"Kung meron man hindi natin alam."
"Paimbestigahan ninyo ang pinsan niya lolo. Kapag hindi ninyo ginawa ako ang gagawa," mariin niyang tugon.
Naalarma ang don.
"Ellah hija, huwag na muna tayong makialam, kasi alam naman ng pamilya nila ang gagawin sa mga ganyang sitwasyon.
Ang mahalaga alam nating buhay pa si Gian."
"Paano ninyo nasasabing buhay pa? Ni wala siyang paramdam!"
"Walang nakitang bangkay isa pa baka nagpapagaling lang siya."
"Ewan ko sa inyo lolo!" naiinis na tinalikuran niya ang abuelo at bumalik sa silid.
Nakakapagtakang hindi na hinahanap ng abuelo ang kanyang kasintahan.
Kapag tinatanong niya ito palaging sinasabing ang pamilya na nito at mga pulis ang bahala sa kasintahan niya.
Gusto niya sanang kausapin si Vince tungkol sa nakitang pinsan daw ni Gian kaya lang nag-aalangan siya.
Gusto niyang paimbestigahan ang Acuesta na 'yon.
Baka kasi si Gian lang ito at nagkaroon lang ng amnesia.
Pero kung nagka amnesia ito bakit pinakilala nito ang sarili bilang pinsan?
Hindi ba kapag nakalimot ibig sabihin hindi ka kilala?
Pero siya kilala ni Rage Acuesta, kaya imposibleng nagka amnesia ito.
Matagal na niyang hindi nakikita ang kasintahan at natatakot na siyang baka wala na nga ito.
At hindi niya itatangging sabik na sabik na siya rito.
Gusto na rin niyang kausapin ang pamilya nito sa Cagayan de Oro pero kapag sinasabi niya sa abuelo ay sasabihin lang nitong huwag makialam.
Minsan nanghinanakit na siya sa don dahil parang wala na itong pakialam kay Gian.
Ipinilig niya ang ulo.
Kapag natapos ang Board meeting nila uumpisahan na niya ang paghahanap sa nawawalang kasintahan.
Hindi pwedeng maghihintay lang siya kung kailan ito babalik.
O babalik pa nga ba?
Kinuha niya ang larawan ng kasintahan sa ibabaw ng mesa at hinaplos ito.
Naka suot ito ng sunglasses, nakakunot ang noo habang nakasandal sa kotse at naka side view suot ang get up nitong pang probinsiyano.
Napangiti ang dalaga sa suot nito.
Muling nagbalikan ang mga masasayang ala-ala nila ng pinakamamahal na kasintahan.
Mga panahong magkasama sila at nagtataray siya.
Mga panahong nagsusuplado ito pero tiklop kapag siya na ang galit.
Mga panahong nawawalan siya ng lakas ng loob ito ang nagbibigay ng pag-asa.
Mga panahong nanghihina siya ito ang nagpapatatag.
Ngayong wala ito hindi maaring maging mahina siya.
Ayaw ni Gian na hindi matapang, kaya kailangang maging matapang siya.
Marahan niyang hinaplos ang mukha ng binata.
"Gian, kung alam ko lang na mawawala ka sa akin sana minahal na kita noon pa lang.
Noon pa sana."
Niyakap niya ang naturang larawan at ipinikit ang mga mata.
Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata at namasa hudyat ng pagluha.
Hinayaan niya 'yon hanggang sa dumaloy sa kanyang pisngi.
Humiga siya habang yakap pa rin ang larawan.
May mga gabi talagang hungkag ang kanyang pakiramdam at nangungulila sa kasintahan.
Hanggang sa mapagod siya kaiiyak at makatulog.
Kinabukasan.
Sa opisina ng mga Lopez ay nakaupo si Ellah sa harapan ng lahat sa mancom nila tuwing Lunes.
Nagrereport ang mga tauhan nila tungkol sa trabaho.
Nagpapasalamat siya dahil wala namang problemang kinakaharap ang kumpanya.
Natural na mayroon ngunit maliliit lang.
At ngayon ang nagsasalita ay ang accountant nila.
"As of this month we had an income of ten million less expenses three million net income of seven million," pag-aanunsiyo ng accountant.
Nagpalakpakan ang lahat.
Masaya sila dahil sa malaking kita ng kumpanya.
Ngunit natigil ang palakpak nang may humampas na kamay sa mesa.
Napalingon sila sa may gawa.
" Seven? " dismayadong turan ng Bise Presidente, ito ang pinagkakatiwalaan ni don Jaime noong mawala si Gian.
Natahimik sila.
"Well, siguro kung may investor tayo ay hindi lang 'yan ang kikitain natin? Ano sa tingin niyo Ms. President?"
Natahimik ang lahat.
"Kasi hindi ba sinabi mo noon sa Board na magdadala ka ng investor? Nasaan na?"
Nag-igting ang mga bagang ni Ellah sa narinig.
Sumagi sa kanyang isipan ang rank three na si Raven Tan.
Ayaw niyang dalhin si Raven Tan dahil alam niyang may iba itong intensyon sa kanya.
Iniiwasan na niya ito ngunit sa oras na dinala niya at ipinakilala sa kumpanya ay siguradong mag-iiba ang takbo ng sitwasyon nito at ayaw niyang paasahin ang isang taong walang pag-asa sa kanya.
Sumagi sa kanyang isipan ang isa pang prospect ngunit mabilis siyang umiling sa naiisip.
Hindi ito nag invest sa kanila.
"Bukas na ang Board meeting may maipapakita ka na ba?"
Unangat ang tingin niya sa lalaki at sinalubong ito ng tingin.
Naiinis siya dahil sa halip na ang bise presidente ang maghahanap ay siya itong na pupwersa bilang Presidente.
Ngayon ang pinakamalaki niyang problema ay kung sino ang ipapakita niya bukas sa Board meeting?
Bukas iba naman ang problema niya.
Tumayo siya at nagsalita.
" Meeting is adjourned! "
Mabibigat ang mga paang humakbang ang dalaga palabas ng conference room.
Sinundan siya ng lalaki.
"Ms. Lopez!"
Nilingon niya ang tumawag na bise presidente, humakbang ito palapit sa kanya.
"Ba't hindi ka magpaliwanag tungkol sa investor?"
"Huwag mong alalahanin ang tungkol doon, responsibilidad ko 'yon."
"Responsilidad mo lang? Lahat tayo maapektuhan kapag hindi tayo nagtagumpay Ms. President!"
"Alam mo naman pala bakit hindi ka tumulong?"
Naumid ang kaharap.
"Dahil responsibilidad ko?
Dahil ikaw ang pinagkakatiwalaan ng Chairman at apo lang ako? Huwag mong kalimutan Vice President, ako ang may-ari!"
Binirahan niya ito ng talikod.
Wala itong karapatan upang pwersahin siyang magpaliwanag lalo pa at wala siyang maipapakita.
Sinalubong siya ni Jen pagdating sa opisina.
"Jen call Raven Tan, I need him."
"Okay Ms. Ellah."
Padarag siyang umupo sa swivel chair.
Sinapo niya ang ulo at yumuko sa mesa.
Kailangang makuha niya si Raven Tan saka na niya poproblemahin ang panliligaw nito.
Ayaw niya sana kaya lang ma di-disappoint ang Chairman kapag hindi niya nagawa.
Gusto niyang patunayan na karapat-dapat siya bilang acting President kahit pa babae siya.
Kung pwede lang sana ang Acuesta na 'yon na pinsan ni Gian dahil wala naman itong ibang intensyon sa kanya.
Ang problema hindi naman ito nag invest sa kanila.
Wala siyang binabanggit kay Jen tungkol sa nakitang kamukha ni Gian sa anibersaryo ng organisasyon.
Basta ang sinabi niya lang ay ang abuelo pa rin ang nangunguna.
Hindi niya kasi alam kung ano ang magiging reaksyon ni Jen kung malalaman nito ang tungkol sa isang Rage Acuesta na pinsan ni Gian.
"Ms. Ellah, Mr. Tan is on the phone."
"Salamat."
Tumango ito at umalis.
Tumayo rin siya upang lumapit sa telephone table.
Dinampot niya ang cradle at idinikit sa tainga.
"Good morning, this is Ellah Lopez, " panimula niya.
"Good morning Ms. Lopez, si Raven 'to ba' t ka napatawag?"
Masigla ang tono ng kausap ngunit hindi niya mapigilang kabahan.
"Ah, yes. Can we have business lunch today?"
"Business?"
"Yes, about your investment Mr. Tan."
"Masyado ka namang pormal Ms. Lopez."
Huminga siya ng malalim.
"Pasensiya na nga pala noong anniversary ng ZBC, masyado lang akong nagulat."
"It's okay, so what do you want? How may I help you about business?"
"I'll tell you in person. Can we?"
"Lunch? Oh sorry I can't but dinner is fine, ayos lang ba 'yon?"
"Ah, sige, saan pwede?"
"Ah, let me think, how about sa, sea side?"
"Great, sige magkita tayo roon mga seven in the evening ayos lang ba? "
"Sure!"
"Thank you!"
"Uh Ellah, can I have your number?"
Saglit siyang napaisip.
"Sure. "
Nagpalitan sila ng numero ng kausap bago nagpaalam.
Kailangan niya ito sa panahong ito.
"Jen, makikipagkita ako mamayang gabi kay Raven Tan."
"Magaling naman siya hindi ba? Rank three siya. Sino ba ang rank two Ms.?"
Natigilan siya sa narinig.
"Isang Rage Acuesta."
Tumango si Jen. Hindi rin nito kilala 'yon.
Tinawagan niya ang abuelo, kailangang malaman nito ang tungkol sa pakikipagkita niya sa isang Raven Tan.
Kahit masama pa ang loob niya sa abuelo ay hindi naman niya maaring hindi ipaalam ang gagawin.
Nakakatawa, noon halos ayaw niyang makipagkita kay Raven pero ngayon siya na mismo ang nang-iimbita.
" Hija bakit?" bungad ng don.
" Lo, hindi ako makakauwi ng maaga ngayon makikipag dinner ako kay Raven Tan."
"Bakit?"
"Investor lo, bukas na ang board meeting wala pa akong nakukuha."
"Gano'n ba? Mga anong oras ba 'yan?"
"Seven po."
"Ah okay sige ingat hija."
Napabuntong hininga ang dalaga.
"Ms. Kung nandito lang si sir Gian hindi ka makikipagkita sa isang Raven Tan hindi ba?"
"Tama ka Jen."
"Nasaan na ba kasi siya Ms.? Bigla na lang siyang nawala."
"Pagkatapos nitong meeting hahanapin ko na siya."
"Ano bang ginagawa ni don Jaime?"
"Ewan ko Jen, pamilya na raw nito ang bahala eh."
"Sabagay. Pero wala na bang pakialam ang lolo mo?"
Hindi niya masagot ang naturang tanong dahil maging siya ay naguguluhan.
Kung hindi dahil sa kalaban masaya na sana sila ng kasintahan.
---
"Ano bang plano mo dad?" tanong ni Xander sa kanya.
Nakatayo siya sa may veranda habang umiinom ng wine.
Malapit ng gumabi dalawang oras na lang.
"Pagkatapos nating makipagkita kukuhanan natin siya ng finger print.
Nakuha mo na ba ang sa presinto?"
"Warren!" tawag ni Xander sa tauhan nila.
"Yes boss?"
"Ang envelope?" inilahad ni Xander ang kamay.
"Heto na boss," inilagay nito sa kamay ang bron envelope.
Ngumisi ang anak.
"Finger print ni Villareal dad," inilabas ni Xander ang laman.
Posas.
"Ito ang ginamit noon sa pagdakip kay Villareal dad."
"Magaling Xander!" itinaas ng senior ang hawak na kopitang may lamang alak.
"Marami pa palang koneksyon si uncle Danilo sa loob."
"Magaling! Ang kulang na lang ay sa Acuesta na 'yon.
Matatapos din ang lahat sa oras na malalaman natin ang resulta!"
---
Nagtagis ang mga bagang ng binata at isinara ang laptop matapos makita at marinig ang usapan ng mag-ama sa loob ng rest house nito.
Hindi siya makapaniwalang makakuha ng finger print niya sa posas ang mga kalaban.
Kailangan niyang maghanda.
Wala ng atrasan.
Kung hindi niya pagbibigyan ang kalaban titindi ang hinala ng mga ito.
Kung hahayaan niya makukuha niya ang tiwala ng mga ito.
Ngunit bago mangyari 'yon ay dadaan muna siya sa isang napaka kritikal na sitwasyon!
Sa oras na siya ang pumalpak buhay na niya ang hahabulin ng mga ito!
Mariin niyang ipinikit ang mga mata.
Napatunayan niya ring hindi konektado sa kalaban nag lalaki kanina sa Pagadian.
Hindi nga ba konektado?
Napaigtad siya nang tumunog ang cellphone.
Tumatawag ang don.
"Magandang hapon ho don Jaime."
"Gian, makikipagkita si Ellah kay Raven Tan mamaya para sa investment ng kumpanya."
Humigpit ang pagkakahawak ni Gian sa cellphone habang kausap si don Jaime Lopez.
"Pakiulit nga po don Jaime?"
Hindi kasi siya makapaniwala sa narinig.
"Alas syete makikipagkita ang apo ko kay Tan, kailangan namin ng investor Gian. "
Nagtiim ang kanyang bagang.
Dumagdag pa ito sa problema niya.
"Talagang 'yong Tan pa talaga?" bulong niya.
"Ano?" si don Jaime.
"Pakisabi ho huwag na siyang maghanap ako na lang ho don Jaime."
"Pero baka magtaka siya hijo?"
"Pinsan ho ako ni Gian
'yan ang pagkakaalam ng apo ninyo, natural lang ho siguro na tumulong ang kamag-anak niya?"
"May isang bilyon ka na sa amin Gian hindi lang alam ng apo ko."
Namulsa ang binata at tumingin sa bintana ng hotel sa loob ng silid.
Ibang hotel naman ang nilipatan nila ni Isabel, sa Dianne ulit.
Delikado na kasing bumalik pa sila sa dating hotel.
"Don Jaime, wala ba kayong kasama diyan? Pwede ho bang Ga na lang ang itawag niyo sa akin?"
"Ah sige, Ga. Wala naman akong kasama, nasa silid ako ngayon."
"Salamat ho.
Kung ipaalam niyo kaya na nag invest na ako? I mean hindi naman ho investment ang ginawa ko don Jaime. "
"Alam ko hijo, isang napakalaking tulong.
Pero baka magtataka siya hindi kaya?"
Napabuga ng hangin ang binata.
"Hindi bale Gian hijo, ako ng bahala."
"Don Jaime makikipagkita rin ako kay Roman Delavega mamayang alas sais."
"HA? BAKIT?"
"Investment ho. Sinimulan ko na ang plano pero medyo may sabit ho don Jaime."
"Ano 'yon?"
"Gaya ng sabi ko hindi ko pa sila napaniwalang hindi ako si Gian."
" Mag-iingat ka hijo, magaling ang kalaban mo."
"Oho, kailangan ko sana ang tulong ninyo don Jaime."
"Kahit ano Gian, ah Ga pala."
Napangiti ang binata bago napailing.
"Naghahanap sila ng ebidensiya laban sa akin. Sa, oras na makakuha sila tulungan ninyo ako don Jaime. Dito ho nakasalalay ang buhay ko."
"Hijo, masyadong delikado 'yan. Huwag kang pumayag na makuhanan nila!"
"May nakuha na ho sila sa akin dati finger print ko."
"Ano! Saan galing?"
"Sa presinto ho, posas na ginamit sa akin dati."
"Punyeta!"
Natahimik siya.
"Anong plano mo?"
"Pagbibigyan ko ho silang makakuha sa akin ngayon."
"Gian buhay mo ang kapalit niyan!"
"Alam ko ho, pero ito lang ang tanging paraan para tuluyan ko ng makuha nag tiwala nila."
"Gagawin ko ang lahat para hindi sila magtagumpay!"
"Ginawa ko na 'yan dati don Jaime at ngayon kailangang magtagumpay na silang makakuha ng ebidensiya sa akin."
"Paano kung magtatagumpay sila at malalaman kung sino ka?"
"Iyon ho ang dapat hindi mangyari don Jaime," mariin niyang tugon.
"Alam ko na ang gagawin hijo, sana lang ay magtagumpay tayo!"
"Naniniwala akong magtatagumpay ho tayo don Jaime."
Kapag lumabas ang totoo tapos siya!
Matapos makipag-usap kay don Jaime ay tinawagan niya ang kalaban gamit ang isa pang cellphone.
Dalawa ang gamit niya isa para kay don Jaime at ang isa ay para kay Roman Delavega.
Sinagot nito ang tawag niya.
"Rage Acuesta!" bungad ng senior.
"Roman hindi tayo sa hotel magkikita doon na lang sa South woods resto ayos lang ba?"
"Wala ka na ba sa Sibugay hotel?"
"Wala na. Ano pwede ba?"
"Kahit saan basta magkita tayo."
"Mabuti, maghahanda lang ako."
"Sige Acuesta, maghanda ka."
Namatay ang linya.
Tumiim ang kanyang bagang.
Pagbibigyan niya ang kalaban!
Sampung minuto bago mag-ala sais handa na siya.
Nakahandang makipagkita sa kalaban.
"Mag-iingat ka," ani Isabel at niyakap siya.
"Salamat," tinapik niya ito sa balikat at kumalas.
Alas sais impunto.
Naroon na si Gian sa naturang restaurant at nag-iisa.
Ang porma niya ay isang Rage Acuesta.
Naka eyeglass at longsleeve na itim na pinaresan ng itim na maong na pantalon.
Nakapangluksa siya ngayon.
Ilang sandali pa dumating ang mga pinakahihintay niya.
Lumabas siya ng kotse.
Lumabas din ang mag-ama.
Naglabasan ang mga tauhan nito.
"Acuesta!" nakangisi ang senior suot ang tuxedo nito.
Lumapit ito at nakipagkamay na tinanggap niya.
"Delavega!"
Pinisil nila ang mga palad ng isat-isa at sabay bumitaw.
"Let's go inside," ani Xander at nauna sa loob.
Sumunod sila ng matanda.
Nakangisi pa rin ito at siya naman ay tumiim ang bagang.
Nakahanda na ang mesa nila na ipinareserve niya kay Isabel.
Tinungo nila ito at nagsiupo.
"Waiter!"
"Yes sir? Good evening!" bati ng babae at nakangiti ito.
Nag order sila ng pagkain habang nagtatawanan.
Kung titingnan ng iba aakalaing magkakasama sila habang masayang nag kukwentuhan.
Ngunit alam niya, isang maling galaw niya lang tapos siya sa kalaban!
Ilang sandali pa dumating ang mga baso.
Sa paghawak pa lang niya roon siguradong ebidensiya na.
Sumunod ang mga plato, kutsara, tinidor at kutsilyo.
Alin man ang hahawakan niya siguradong may ebidensiya.
Sumunod ang wine.
Siya mismo ang nagbukas at nagsalin ng alak sa baso.
Nang makapangalahati ay hinawakan niya ito.
Nakasunod ang tingin ng mag-ama sa kamay niya.
"So can we talk about business Roman?" inilahad niya ang baso sa matanda.
Tinanggap nito 'yon.
"Ofcourse, I can guarantee you! Uunlad ka pa ng husto!"
Tumawa siya.
"That' s good to hear! I can't wait to see your company!"
"You will, soon!"
Nagsalin siya ng alak sa sariling baso at hinawakan ito.
Nakasunod ang matalim na tingin ni Xander sa kanya.
Nakangisi ang ama.
Kampante siyang uminom sa naturang baso.
Ngunit hindi niya malasahan marahil dala ng kaba.
Aaminin niyang kinakabahan siya.
Tatlong lagok bago niya ibinaba.
"It's good to taste Roman!"
"Yeah I love this wine!" Itinaas ng senior ang basong may lamang alak.
"Drink Xander!" utos niya.
Nagsalin ito at uminom.
Ilang sandali pa dumating ang pagkain.
Kumain sila.
At sa bawat galaw niya nakasunod ang mga mata ng anak nito.
Halos hindi na ito kumakain kakatingin sa kanyang gagawin.
"Eat Xander!" utos niya.
Kumain ito.
Dahan-dahan naman siya sa pagsubo ng pagkain.
Mas dinadahan-dahan niya kapag hahawak sa baso.
Ang mga mata ng anak ni senior Roman ay daig ang agila sa pagmamasid.
Mabilis natapos ang meeting.
Halata niyang nagmamadali ang mag-ama.
Nagmamadaling makakuha ng ebidensiya.
Umiinom na lang sila ng alak ngayon.
"It's good to have dinner with you Roman!" Ngumiti siya rito.
"Yes Acuesta, I enjoyed it!"
"So paano alis na tayo?" tumayo siya.
"Mauna ka na at hihintayin ko lang ang mga tauhan ko."
Binalingan niya ang mga tauhan nitong kumakain pa.
"Alright, thank you for the dinner!" nakipagkamay siya ulit na tinanggap nito.
Dinaanan niya si Xander at tinapik ang balikat.
"Eat well," utos niya bago tumalikod.
"Nakakarami na siya dad!" angal ni Xander.
"Hayaan mo na!"
Humakbang siya palabas ng restaurant.
Pagkapasok ng kotse ay mabilis niyang nilisan ang lugar kasing bilis ng kabog ng kanyang dibdib.
Tinawagan niya si don Jaime.
Ito ang pinakamakapangyarihan sa lahat ngayo niya masusukat ang lawak ng impluwensiya nito.
"Gian hijo kumusta?" bungad ng don.
"Don Jaime kailangan ko ang tulong mo."