Magkababata kami ni Lyndon. Magmula elementary magkaklase na kami. Kapag may nang bu-bully sa akin lagi siyang nandiyan para ipagtanggol ako. Napaka cliche pero sino ba naman ang hindi magkakagusto sa ganun hindi ba? Kahit na malaki ang agwat nang pamumuhay niya sa akin hindi naging hadlang yun para pakisamahan niya ako ng mabuti. Napaka down to earth niya. Yun nga lang napagtanto ko na hindi lang siya sa akin nagpapakita ng kagandahang asal. Sa lahat.
"Bakit ka kasi nakialam pa? Ayan tuloy nabugbog ka, pagagalitan ka nanaman sa inyo"
"Aray, dahan dahan naman sa paglalagay"
"Hindi ka kasi marunong huminde lalo na kapag sa babae"
Ito yung araw na napaaway siya nang dahil sa kaklase naming babae. Pinagtritripan kasi sa may corridor, hindi niya natiis nakialam na siya. Napalaban tuloy siya sa mga seniors.
"Di bale na, sasabihin ko nalang na tinutukso ka kaya ako napaaway"
"Ako nanaman ang idadahilan mo"
"Syempre, ako lang naman ang knight in shining armor mo"
Tumayo siya at naglahad ng kamay sa akin
"Tara na, umuwi na tayo, baka hinahanap ka na ni Manang Beth"
Kung alam lang ng mga kaibigan ko ang sitwasyon naming dalawa ni Lyndon. Tatanggapin pa kaya nila ako?
"Naku Lyndon ginabi na kayo ni Shan."
"Pasensiya na po Manang Beth"
"Oh? Anong nangyari diyan sa labi mo? Pagagalitan ka nanaman ng lolo mo"
"Si-"
"Napaaway siya nang dahil sa akin mama"
"Naku Shan ikaw nanaman ang dahilan. Baka magsawa na ang Don kapag nalaman niya to. Lagi ka nalang-"
"Ayos lang po Manang Beth. Hahayaan ko ba namang may gumalaw dito?"
Sabay akbay sa akin.
"Dapat lang Lyndon. Para ko na ding apo si Shantal"
"Good evening po Don Manuel. Nakahanda na po pala ang pagkain sa kusina."
"Salamat Beth. Lyndon lagi mong babantayan si Shantal sa eskwelahan, ito nalang ang maitutulong natin sa pamilya nila"
"Salamat po Don Manuel."
"Naku Beth, sa tinagal-tagal na paninilbihan niyo dito sa mansyon, maliit na bagay lang ito. Si Shantal lang ang babae dito na kaedad ng apo ko at natutuwa ako dahil pakiramdam ko may babae din akong apo."
"Salamat po Don" Ako
"Ikaw naman Shan, lagi mong babantayan si Lyndon, huwag kang mahihiya na magsumbong sa akin sa mga kalokohan niya"
"Lo-"
"Opo."
"Hay nako, wala nanaman akong kakampi dito"
"Nakahanda na po ang pagkain, kumain na po kayo ni Sir Lyndon Don Manuel bago pa lumamig ang pagkain"
"Sumabay ka na sa akin Shan"
"Hindi na, sasamahan ko si mama"
"Sige na Shan samahan mo na silang kumain, nauna na kaming mga katiwala kanina"
Nakatira kami sa mansyon ng mga Ortega. Si Lyndon ay apo ni Don Manuel Ortega, may ari nang Ortega Shipping Lines, may mga Hotel & Restaurants din sila. Si Lyndon may mga investments sa other companies. Matagal na siyang ulila. Si Don Manuel na ang nagpalaki sa kanya. Balang araw siya ang magmamana sa lahat ng pagmamay-ari ng mga Ortega.
Kami? Isa lang kaming hamak na katiwala sa mansyon. Matagal nang naninilbihan ang pamilya namin sa kanila. Magmula pa noong panahon pa ng ama ng Don, so ibig sabihin mga ninuninuno ko pa. Ganun katapat ang pamilya namin sa kanila. Napakabuti nila sa amin kaya naman minabuti ng pamilya namin na paglingkuran ang mga Ortega habang buhay. At ako?
"Huy Shan. Ano?"
"May sinasabi ka?"
Inaayos ko ngayon ang kwarto ni Lyndon. Wala namang maayos pero tuwing gabi lagi niya akong inaaya sa kwarto niya para may mapagtripan siya.
"Sabi ko anong gusto mong gawin natin sa birthday ko?"
"Ikaw? Birthday mo naman hindi akin"
Binato niya ako ng unan.
"Lyndon, pwede ba? Nananahimik ako dito sa tabi"
"Hay pinapahiram na nga kita ng Libro ko hindi ka pa nakikinig sa akin"
"Sige aalis nalang ako. Bakit ba kasi pinag i-stay pa ako dito"
"Tss. Dito nalang sa bahay"
"Ha?"
"Dito nalang sa bahay tayo mag celebrate"
"Sabagay, maluwang naman ang cinema mo sa baba. Manood nalang tayo ng Horror"
"Tss. Ayoko nun hindi maganda. Panoorin nalang natin yung Avengers"
"Ayoko nun."
"Sige na nga kung anong gusto mo."
"Ha, magpre-prepare ako ng snacks. Bibili na din ako ng cake. Pahinge ng pera ha"
"Tss"
Bago ako lumabas ng kwarto niya nilapitan niya ako at ginulo ang buhok ko
"Huwag ka munang lumaki"
"May sinasabi ka?"
Hindi naging malinaw yung sinabi niya sa akin dahil biglang kumulog.
"Ang sabi ko huwag mo kalimutan i-open yung heater sa room niyo mamaya, uulan ng malakas, malamig, kawawa naman si manang Beth"