"Ang aga mo naman lumabas, sa bayan ka ba ngayon?"
"Opo mama. Bibili ako ng kakainin namin ni Lyndon sa movie room mamaya"
Sobrang excited ako ngayon. Manonood kami ng horror. May bago nanaman akong reaction video niya.
"Bakit horror? Romantic comedy nalang."
"Naduduwag ka ba?"
"Alam ko trip mo"
Birthday gift ko sa kanya yung ginagawa kong video after namin manood. Pero ngayon dinagdagan ko ng coupon ang gift ko sa kanya. 5 folds lang, yung kaya kong gawin para sa kanya. Isusulat niya sa coupon kung anong gusto niya ipagawa.
"Ano ito? Ang aga mo naman mag trespassing sa kwarto ko para bigyan ako ng blankong papel?"
"Hoy hindi basta papel yan. Coupon yan. Isulat mo diyan kung ano gusto mong ipagawa sa akin. Limited lang yan ngayong birthday mo."
"Bakit ngayon lang? Tsaka bakit lima lang?"
Diba? di naman siya makapal ang mukha.
"Ayaw mo? Babawiin ko na"
Bago ko pa mabawi yung papel inilayo na niya ito sa akin kaya naman napasubsob ako sa kama niya.
Tumayo ako kaagad dahil mukhang kamatis na ang mukha ko. Paano ba naman kasi sumakto pa ako sa dibdib niya, eh mahilig pa naman siyang mag half naked tuwing natutulog.
Humarap na ako sa pintuan at aambang nang lumabas.
"Next time magdamit ka matulog. Baka magkapumlonya ka. Alis na ako, pupunta ako sa bayan."
Bago ko pa maisara ang pintuan narinig ko pa ang halakhak niya. Siraulo talaga.
Nakagawian na ni Lyndon na lumabas sa umaga tuwing birthday niya para makasama niya ang mga kaibigan at kaklase niya. Sa akin naman siya sa hapon.
"Itaas mo nang kaunti hindi pantay"
Kasama ko si manong Ipe mag decorate sa loob ng movie room.
"Ayos na po ba? Pantay na po?"
"Ayos na yan Shang shang."
Sakto natapos kami sa preperasyon nang marinig namin ang sasakyan ni Lyndon.
"Nandiyan na si sir Shang shang, patayin ko na ilaw. Ikaw lakas nang trip mo, sa taon taon mo ginagawa to sa tingin mo ma suaurprise pa din si sir Lyndon?"
"Hay nako manong Ipe, may pa confetti ako ngayon kaya may bago. O hindi niya alam to ha"
"Sige lalabas na ako sasalubingin ko lang si sir. Papuntahin ko na dito kaya maghanda ka na"
Pinatay ko na ang lahat ng ilaw. Tanging maliliit na bumbilya ng christmas light na nagkalat sa sahig at wall ang makikita. Narinig ko ang pagpihit ng pinto.
"Surprise! Happy birthday pangit!"
Sabay yakap ko sa kanya.
"Ahm. Sorry"
Bigala akong kumalas sa yakap. Bumilis ang pintig ng puso ko.
"Sabi ni Lyndon dumiretso ako dito. Nasa baba pa siya"
Lumaki ang mga mata ko sa gulat.
"Sino ka?"
"Hi. Lucas nga pala. Na surprise mo ako ha"