"Hahaha, halika ka na. Huwag kang mahiya, ano naman ngayon kung matanda ka sa amin. Pare-parehas lang tayong first year college dito kaya `di na importante kung anu-ano ang mga edad dito." hila-hila ko si Frances papunta sa loob ng gymnasium.
Physical Education ang first subject namin ngayon at dahil ito ang subject namin. Obligado kaming isuot ang P. E. uniform namin na short skirt at white fitted shirt na may tatak ng school logo namin sa likod at name namin sa harap.
Pagpasok namin sa gymnasium, lahat ng students ay mga nakaupo sa floor kaya nakiupo na rin kami ayon sa dalawang hati. Ang mga babae ay sa leftside at ang mga lalaki naman ay sa rightside.
Isa-isang pinatatayo sa harapan upang ipakilala sa lahat ang sarili. Kaya matapos makapagsalita ang katabi ko ay magiliw naman akong tumayo at pumunta sa harapan.
"Hi, good morning Ma'm Carlota and to my fellow students. I'm Jacqueline dela Torre, 19 years old and taking up BS - Computer Science. Hey, don't ask me kung bakit ngayon lang ako nag-enroll in College. Better ask my mom hahaha." ang lahat ay natawa sa sinabi ko. Kaya naman tumikhim ako para mahinto na sila sa pagtawa at pinagpatuloy ko na ang pagpapakilala sa aking sarili.
Sumunod naman sa akin si Frances na halatang-halata na hiyang-hiya kaya naman bago siya magsalita bigla akong nag-cheer sa kanya...
"Go! Frances you can do it!" sigaw ko sa kanya na ang ilan ay napangiti at napa-iling na lamang sa akin.
Tumigil lamang ako ng magsimula na siyang magsalita.
"Hi, good morning everyone." sabay ngiti niya sa aming lahat na nakatunghay sa kanya. "I'm Frances Austria, 21 years of age and a BS - Computer Science student. First year from Valenzuela City." pagpapakilala niya sa amin.
Shit! Habang pinagmamasdan ko siya may kung anong kakaibang damdamin ang namumuo sa aking puso na `di ko mawaring maintindihan.
Tila ba ang mga oras na ito ay biglang tumigil at tanging siya lamang ang nakikita ng aking puso't isipan.
Matuling lumipas ang school year at eto na kami mga busy sa kani-kaniyang pagpapapirma ng clearance sa mga professor namin upang makapagpa-enroll na kami two months from now.
Naging malapit kami sa isa't-isa ni Frances simula ng nag-umpisa ang klase.
Napakabait niya at maaalalahanin. Higit sa lahat mapagmahal. Siya lang yata ang nakilala kong napakalawak ang kaisipan lalo na sa maling pananaw ko sa tinatawag na pagmamahal.
Minsan naalala ko, nang magkaroon ng camaraderie ang buong klase sa Tagaytay doon ko siya lubusan nakilala at minahal ng lihim...
Oo tama, siya lang naman ang nagpakilala sa akin kung ano ang mayroon sa salitang pagmamahal.
Naniniwala ako na `di na kinakailangan na maramdaman mo ang pagmamahal para makapasok sa isang relasyon. Basta't maging masaya ka lamang sa taong kasama mo at nagkakasundo kayo ay sapat na para makabuo ka ng isang masayang pagsasamahan.
For me, love is painful and heartbreak. Ilang beses ko na iyan nakita sa mga taong nakapaligid sa akin especially to my mom and dad. They were so much in-love with each other pero nasira lamang nang matukso ang aking ama sa ibang babae at naging dahilan ito ng pagpapatiwakal ng aking ina sa murang edad ko lamang na dose.
Naputol ang aking pagmumuni-muni nang biglang may yumakap sa akin mula sa aking likuran.
"Finish?" maikling tanong ni Frances sa akin habang nananatili ang pagkakayakap niya sa akin.
Isang ngiti ang sumilay sa aking mukha ng silipin niya ang mukha ko at ginawaran ng munting halik sa pisngi.
"Yes, ako pa ba? Tara saan tayo?" tanong ko sa kanya matapos kong humarap sa kanya.
Simple lamang si Frances pero ang mga mata nito na maamo at ngiting mapanghalina ay dagdag lamang sa mga magagandang qualities na aking nakikita at minamahal sa kanya...
Nang magsabog ang Diyos ng pagmamahal, lambing at malawak na pang-unawa nasalo na lahat ni Frances ang mga ito simula siguro ng nasa sinapupunan pa lang siya ng kanyang ina.
"Hmm, how about in People's Park? Take-out tayo ng makakain sa Mcdo?" na tila bata na nagti-twinkle pa ang mga mata sa sobrang kasabikan.
Kaya naman walang salita ang lumabas mula sa aking labi kundi isang matamis na ngiti bago ko siya hawakan sa kamay upang lumabas ng school campus.
Pagdating namin sa People's Park naghanap kami ng table na may silungan at doo'y inilapag namin ang aming biniling meryenda.
Habang papadilim at nakatunghay sa fountain na ngayon tila naglalaro sa aming paningin dahil sa iba't-ibang klaseng kulay ang nagre-reflect sa tubig at tila sumasayaw ito sa saliw ng masayang musika.
Bigla akong tinanong ni Frances...
"Jack, masaya ka ba kapag magkasama tayo?" tanong niya habang nakatingin sa akin habang ako naman ay nakatunghay sa fountain.
Tumingin ako sa kanya at sinalubong ang kanyang tingin bago ko sinagot ang kanyang katanungan. "Masayang-masaya. Kapag kasama kita nakakalimutan ko ang masakit na alaala na nagdaan sa akin noong ako'y bata pa lamang." sabay hawak sa kanyang kamay.
"Salamat Jack. Kung sakali man dumating ang panahon na magmahal ka ng iba o makatagpo ng higit pa sa akin magiging masaya pa rin ako para saiyo. Hindi ko kasi magagawang iwan ka kapag nakikinita ko na hindi ka magiging masaya balang-araw." seryosong salita niya sa akin.
"Bakit mo sinasabi sa akin ang lahat ng ito Fran? Ikaw ang naging dahilan kung bakit sa kauna-unahang pagkakataon nagmahal ako kahit sabihin pa ng iba na mali dahil parehas tayong babae." tila may pangamba kong tanong sa kanya.
"Gusto ko kasi maging normal ang buhay mo balang-araw. May pamilyang sarili na matatawag mong iyong-iyo. May asawang minamahal ka at mga anak na mag-aaruga saiyo balang-araw." makahulugang salita niya sa akin habang haplos-haplos niya ang aking pisngi.
Tila may tumulong tubig mula sa aking mata nang makaramdam akong kirot sa kauna-unahang pagkakataon. Takot ang namayani sa aking puso matapos kong marinig lahat ng kanyang sinabi.
"Walang ibang mamahalin ng ganito katindi ang puso ko kundi ikaw lang Frances kaya ayoko ng marinig pang muli na sasabihin mo iyan sa akin." sabay punas ng mabilis sa aking mga pisngi.
Niyakap ko siya ng pagkahigpit-higpit at kinintalan ng munting halik sa kanyang mga labi bago tumayo.
"Tara na, baka abutan tayo ng ulan. Tila nawala ang mga bituin sa kalangitan at napalitan ng pagkulog." kaya naman tumayo na rin siya at kinuha ang aming mga gamit.
Nang kami ay naglalakad at patawid na sana ng kalsada ay biglang pumatak ang ulan kaya naman nagmadali si Fran sa pagtawid ng biglang may malakas na ilaw ang tumambad sa aming paningin upang kami ay masilaw kasabay noon ay sigawan ng mga tao at tila dumilim ang paligid.
"Good morning baby!" bati sa akin ni Fran
"Nasaan tayo? Hindi ba't pauwi pa lang tayo ng biglang bumuhos ang malakas na ulan?" nagtatakang tanong ko sa kanya na tila ba napaka-aliwalas ng kanyang mukha sa kabila ng pagtataka ko.
"Ang mahalaga nandito ka na ngayon sa bahay ninyo baby." nakangiting inilibot pa niya ang kanyang paningin sa loob ng silid na ito na sa kalaunan ay napagtanto ko na ako'y nasa sarili ko ngang silid.
Bumangon ako upang siya ay yakapin at pinahiga ko sa aking kama.
"Samahan mo muna ako dito sa aking silid. Gusto kitang makasama at makayakap ng matagal." kaya naman tumalima naman siya at umayos ng pagkakahiga sa aking higaan.
Pinagmamasdan ko ang kanyang mga mata pababa ng kanyang labi na para bang nag-aanyaya na ito'y aking hagkan.
Kaya naman ng yumuko ako para haplusin ang kanyang labi ay "Jack!" tila musika sa aking pandinig ng sambitin niya na mapang-akit ang aking pangalan...
Dahan-dahan ay yumuko ako't pinagdikit ang aming mga labi. Sa umpisa ay banayad lamang pero nang tugunin niya ang aking halik ay doon unti-unting naging maalab ang palitan ng aming mga halik.
Hanggang sa tuluyan ng dumagan ang kalahati kong katawan sa kanya.
"Ahhh." ang munting ungol na namutawi sa kanyang mga labi sa pagitan ng aming halik ay lalong nagsumidhi upang lumampas kami sa limitasyon sa kauna-unahang pagkakataon.
Ang aking halik ay bumaba sa kanyang leeg at dinila-dilaan ito na siyang nagpaungol ng malakas kay Frances.
Habang ang aking kamay ay naglalakbay na sa kanyang mayamang dibdib na siyang naging dahilan upang lalo kaming naging mainit sa isa't-isa. Tumigil ako sa aking paghalik at dahan-dahan kong itinaas ang kanyang blouse upang mahubad ito.
Humihingal akong napatingin sa kanyang tayong-tayo na mga dibdib nang tanggalin ni Fran ang kanyang bra kaya wala akong pinalampas na pagkakataon ay hinawakan ng aking dalawang kamay ang kanyang dibdib at masuyong hinimas-himas ito bago isubo ang isang tuktok ng kanyang dibdib at ang isang kamay ko naman ay nilalaro ng aking dalawang daliri ang kabilang tuktok nito.
"Ahhh, Jack!" napapaliyad sa sarap si Fran ng lalo ko pinalalim ang pagsubo sa kanyang dibdib at sinipsip ito na para bang batang uhaw na uhaw.
Habang nilalaro ng daliri ko ang kanyang tuktok ay unti-unting bumaba ang aking halik patungo sa kanyang tiyan pababa sa kanyang puson at doon tumagal ang aking mga halik at panaka-nakay kikagat-kagat ko ito upang halos habulin niya ang kanyang paghinga kaya naman muli akong tumaas at inabot ang kanyang mga labi at siniil ito ng halik.
"Ahh Fran! I love you... so much!" sa gitna ng nag-uumapoy na palitan namin ng halik!
Dila sa dila.
Laway sa laway.
Labi sa labi at munting pagkagat dito. Habang ang aking mga kamay ay lumalandas na sa ilalim ng kanyang suot na pajama. Nang mahaplos ko ang kanyang pagkababae ay napasinghap si Frances na siyang ikinatigil ko saglit sa pag-aakalang nagalit siya sa aking ginawa.
"Go on Jack, i'm yours now." halos paos na salita niya sa akin.
Kaya naman atubili akong hinubad ang kanyang pajama kasama ang kanyang underwear kaya tumambad sa aking mga mata ang magandang tanawin na first time ko lang makita sa kapwa ko babae.
Manipis lamang ang buhok nila na tila balahibong pusa. Malaki at maumbong ito na siyang dahilan kung bakit tila nanggigil akong haplusin ito.
Napapaliyad sa sarap si Fran sa mumunting paghaplos ko sa kanyang pagkababae kaya ng bahagya niyang ibinuka ang kanyang mga hita ay sumilip sa akin ang gitna nito na tila kulay rosas ang kulay nito.
Umayos akong ng puwesto at mas lalo kong ibinuka ang kanyang mga hita upang malaya kong mahalikan ang kanyang pagkababae.
"Ahh shit Jack!" halos sunud-sunod na ang kanyang pagliyad dahil sa kiliting dulot ng paghalik ko sa kanyang hiyas. Kaya ng ibuka ko pa lalo ay dinilaan ko ang kanyang gitna kasama ng kanyang katas na manamis-namis ang lasa.
Tila ay na-addict ako sa pagtikim sa kanyang katas kaya mas lalo kong idiin ang aking dila sa kanyang gitna upang lalo kong masimot ang katas nito at tila napakasarap na ulam na aking kinain ang gitna nito.
Napasigaw si Fran ng malakas kasabay ng panginginig ng kanyang mga hita "Aahhh im coming baby!" kaya pagkatapos noon ay sinalo ng aking dila ang kanyang katas na lumabas.
Pagod na pagod akong dumapa sa ibabaw ni Fran at sinabing, "Huwag mo akong iiwan Fran, hindi ko kaya." pakiusap ko sa kanya
"I will Jack, until you met the real one for you. I love you so much and thank you for loving me, too." bulong niya sa akin bago pumikit ang aking mga mata.
Pagkagising ko kinabukasan wala na si Frances sa tabi ko marahil ay umuwi na muna siya saglit sa kanilang bahay. Ganyan naman siya, aalis ng walang paalam dahil ayaw niya makaistorbo ng masarap kong tulog pero maya-maya ay nandiyan na siya ulit.
Hanggang sa may kumatok sa aking pinto.
Pagbangon ko ay biglang sumakit ang aking katawan marahil ay sa sobrang pagod ko kagabi.
Biglang bumukas ang pinto at doon iniluwa si Mommy Mariah ang stepmom ko. Malungkot ang kanyang mukha na lumapit sa akin.
"Mabuti naman at nagising ka na. Kamusta na pakiramdam mo hija? Halos isang linggo ka na tulog simula ng turukan ka ni Doc ng pampakalma at pampatulog." habang hinihimas niya ang aking balikat.
"A-a-anong ibig ninyong sabihin? Anong halos isang linggo akong tulog? Hindi ko po kayo maintindihan?!!" nag-uumpisa na akong mataranta at maiyak sa sinasabi niya.
"Magkasama pa kami ni Frances kagabi at sinamahan pa niya akong matulog dito! Hindi po ninyo nakita na pumunta siya dito kagabi?!!" nag-uumpisa ng lumandas ang luha ko ng mag-umpisa nang kabahan ang puso ko lalo na ng makita kong tumulo ang luha ni Mommy Mariah.
"Where is my phone?! I need to call Frances para ipakausap siya sa inyo! Give me my phone!!!" naghi-histerical kong salita sa kanya ngunit pagbangon ko ay sumakit lamang ang parte ng balakang ko pababa aking mga hita.
"I'm sorry Jacqueline, you take a rest. We will talk to you as soon as you get well. Iiwan na muna kita." sabay talikod niya sa akin at lumabas ng pinto
"Fran!!! where are you?!!" hagulgol kong tawag sa kanya.
Bakit ganito na lamang ang kabog ng dibdib ko?
"Oh Lord, please huwag po. I need her now... At bakit `di ko maitayo ang aking mga paa? What happen? Ang saya pa namin ni Fran kagabi eh!" ang hagulgol ko.
Maya-maya lamang ay biglang nagbukas ang pinto at iniluwa doon si Fran na nakasuot ng white dress. Ang ganda-ganda niya sa suot niyang iyon.
Ngumiti siya sa akin ng tipid at lumapit sa akin.
"I'm sorry baby... kung iniwan kita ng `di man lang nagpapaalam." habang pinapahid niya ang mga luha ko sa aking pisngi.
"Naguguluhan ako sa mga sinabi ni Mommy Mariah sa akin kanina? A-anong ibig niyang sabihin doon?" natatakot kong tanong sa kanya habang yakap-yakap ko na siya.
"Hush baby, alam kong pagod at masakit pa ang katawan mo. May oras para makausap mo sila ng maayos. I want you to take a rest and i promise hinding-hindi kita iiwan na ganyan ang kalagayan mo okay?" pagkatapos ay sumubsob siya sa aking leeg.
Maya-maya ay iginiya niya ako makaupo kahit hirap akong makagalaw ng normal atsaka niya kinuha ang pagkain na `di ko man lang napansin na nasa table ko lang pala.
Nag-scoop siya ng soup para isubo sa akin. Masarap ito at alam kong siya ang nagluto nito. Ganitong-ganito ang lasa ng luto niya sa tuwing kakainin ko ito ay parang ang lakas lakas ng katawan ko.
"Kumain ka ng marami baby. Gusto ko bukas maging okay na pakiramdam mo para makapag-enroll ka na sa school." sabi niya sa akin habang pinupunasan niya ang gilid ng labi ko.
"Pagkatapos mong kumain lilinisan kita ha? Tapos matutulog ka na. Don't worry sasamahan kita." seryosong sabi niya sa akin habang nakatitig sa aking mga mata.
Tumango lamang ako sa kanya na parang bata. Kaya matapos kong maubos ang lahat ng pagkain na nasa tray ay niligpit niya ito at ibinalik sa table.
Kumuha siya ng damit na pamalit ko sa cabinet at towel atsaka dumiretso siya sa banyo.
Paglabas niya ay may dala na siyang maliit na palanggana na may lamang tubig.
Pinunasan niya ang aking mukha at hinubad niya ang aking damit upang malinisan pati ang aking katawan. Atska ko lamang napansin ang mga pasa, galos at pamamaga ng aking legs na siyang ipinagtaka ko.
"Bakit may mga galos ako at namamaga? Ano ang nangyari?" mga tanong ko na `di niya sinagot kahit isa man lang.
Tahimik niya akong binihisan at ibinalik ang palanggana sa banyo kung saan niya ito nakuha.
Pagkatapos nito ay tiningnan niya ako ng matagal bago niya ako niyakap ng pagkahigpit-higpit.
Nang aakma na sana siyang lalayo sa akin ng bigla ko siyang kabigin pabalik.
"Tell me Fran this is not true! Ayokong maniwala pero..." she cut me off by pulling herself away from me and kiss me.
Matagal ngunit banayad na halik na para bang may magnetong humihila sa akin upang makatulog.
"Good night baby. Tomorrow is another day of your life. Be brave and accept the truth. Thank you for everything and i'm sorry for leaving you forever. I will watch you from afar... and praying that God will ease your pain and healed your wounds permanently. I love you so much baby." at tuluyan na siyang tumabi dito sa pagtulog.
Kinabukasan, nakamulatan ko wala na sa aking tabi si Frances kaya naman `di ko na napigilan ang aking sarili na `di magwala sa sobrang sakit na aking nararamdaman.
Unti-unti nang lumilinaw sa akin ang lahat. Mula nang gabing bumuhos ang malakas na ulan at ang liwanag ng sasakyan na sumilaw sa aming mga mata at ang kasunod ng pagsigawan ng mga tao sa amin bago ako mawalan ng malay tao.
"Fran nasaan ka na? Bakit wala ka na naman sa tabi ko? Bakit mo ako iniwan ng ganito ang sitwasyon ko? Nasaan ka na baby? I need you..." pagtangis at pagmamakaawa ko sa kanya.
Biglang may pumasok na doctor at nurse sa loob ng kwarto ko na kaya pala `di pamilyar ay dahil sa nasa isang private room ako ng isang private hospital. Kasunod naman ay ang aking Daddy at Step mom.
"Anak..." sabay yakap niya sa akin.
"Dad anong nangyari? Gaano ako katagal dito? Si Fran nasaan na siya? I want to see her Dad...! pagmamakaawa ko sa kanya.
"Listen to me Honey, nabangga kayo ng Montero nang gabing pauwi na kayo ni Fran. 1 week kang comatose after that incident. Then on the 8th day bigla nag-stabilize ang vital sign mo kaya ng magising ka naghi-hysterical ka na kaya they need to inject you some tranquilizers. Kaya ilang linggo kang unconscious." paliwanag ni Daddy.
"The doctor will do some checkings and laboratory. Kapag okay ang result dadalhin kita kay Frances but please anak, nakikiusap ako saiyo sana tulungan mo ang sarili mo para maka-recover dahil `di gugustuhin ni Frances na makita kang ganyan." pakiusap ni Daddy sa akin.
After a couple of hours dinala na ang result ng laboratories ko and negative naman lahat. Pamamaga at pasa na lamang and eventually gagaling rin ito.
Kaydaling lumipas ang mga araw na hindi na nagparamdam si Frances sa akin at maging ang aking ama ay `di man lang masabi ang tungkol sa kanya.
Walang oras na hindi ko pinanabikan na makita siya at makausap. Lalo na`t nag-uumpisa na ang klase sa school.
Sa tuwing madadaan ako sa mga lugar na pinagtatambayan namin ay lagi ko siyang nakikita o maaaring alaala na lamang niya.
Isang gabi na hindi ako makatulog sa kadahilanang inaatake ako ng labis na pangungulila para kay Frances. Gustong-gusto ko na siyang makita o makasama man lang kahit saglit.
"Baby..." bulong ko na sanay makaabot sa kanya ang labis kong pangungulila habang ang mukha ko ay nakasubsob sa unang palaging ginagamit ni Frances sa tuwing siya ay matutulog dito.
Hanggang sa may kumatok sa aking pintuan.
Binuksan ko iyon upang magulat lamang nang makita ko ang taong labis kong pinanabikan.
"Frances..." kasabay ng pagtulo ng aking luha ang pagyakap sa kanya ng mahigpit.
Hindi ito umiimik bagkus ngumiti lamang ito ng pagkatamis-tamis at tumuloy na sa pagpasok sa loob ng aking silid.
Umupo siya sa aking kama at iniabot ang aking mga kamay at hinili ito paupo sa kanyang tabi.
Pinagmasdan niya lamang ang aking mukha at maya-maya`y lumandas na ang maraming luha sa kanyang pisngi.
Ang aking kamay na kanya pang hawak ay itinaas niya upang dalhin sa kanyang bibig at kintalan ito ng maliliit na halik.
"Makinig ka Jack. Mahal na mahal kita. Sadyang mapaglaro ang tadhana at `di pinahalintulot na tayo ay magkasama pang habambuhay." habang ang kanyang mga mata ay walang kakurap-kurap na nakatitig lamang sa akin at ang kanya namang sinabi ay parang punyal na tumatarak sa aking puso na unti-unting pumapatay sa akin.
"Gusto kong maging normal ang buhay mo pero sa nakikita ko ay `di mo ito magawa. Aalis ako ng tuluyan Jack at babaunin ko sa puso ko ang pagmamahal mo." habang walang humpay ang pagtulo ng kanyang mga luha.
"Masakit man tanggapin pero kailangan mong magpatuloy. Kung dumating man ang panahon na ipahalintulot ng Ama na muli tayong magkasama, nasisigurado kong ito ay walang hanggan." habang ako naman ay labis na ang paninikip ng aking dibdib. Gusto ko siyang awatin pero tila nawalan ako ng lakas para gawin ito.
Hindi ko maialis ang aking paningin sa kanyang mukha gayundin ang pagkakahawak ko sa kanyang mga kamay dahil natatakot na akong sa isang iglap tuluyan na siyang mawala sa aking paningin at kahit kelan `di na muling masilayan ito.
"Maging maligaya ka at magpanibagong-buhay. Huwag mo itong sayangin sa isang alaalang nagdaan lamang. Mas mapapanatag ako kapag nakita kitang masaya sa piling ng taong inilaan para saiyo." pagkatapos ay isang halik ang kanyang ibinigay para sa akin.
Pinahiga niya ako sa aking kama at tumabi ito sa akin.
"Pumikit ka na mahal ko. Nandito lamang ako at nakatunghay saiyo. Mahal na mahal kita" kasabay ng pagyakap niya sa akin ang pagpikit ng aking mga mata.
Kinabukasan...
Katulad pa rin ng nakaraan gumising ako na wala na siya sa aking tabi. Lalo akong nagulimihanan sa mga pangyayari. May pumipilit na pumasok sa aking isipan sa kung ano ang totoong nangyari kay Fran pero pinipilit ko iyong iwaksi sa aking isipan.
Hanggang sa paglabas ko sa aking silid na gamit ang saklay upang makalakad ako ng maayos-ayos ay sinalubong ako ni Daddy.
"Handa ka na ba?" tanong niya sa akin habang may lungkot sa kanyang mga mata.
Ilang oras ang tinakbo ng biyahe namin na pinagtaka ko. Hindi rin naman ito ang way papunta sa bahay nila Frances.
Kaya ng lumiko ang sinasakyan namin sa isang private cemetery doon lumandas na ang luha ko.
Ilang bloke lang mula sa gate ay huminto ang sasakyan namin at bumaba si Daddy at pinagbukas ako ng pinto. Habang si Mommy Mariah naman ay nakaabang na dala ang aking saklay na gamit ko.
Dahan-dahan akong inalalayan ni Daddy upang makatayo ng maayos. Mga ilang hakbang lamang ay huminto kami sa tapat ng lapida.
Sa una ay ayokong tingnan kung sino ang nakahimlay doon. Humahagulgol ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Nang yakapin ako ni Dad at magpa-alam na babalik na muna sila sa sasakyan doon ako naglakas loob na basahin ang nakasulat sa lapida...
Frances Austria
Born: February 23, 1977
Died: March 23, 1999
Nagsunod-sunod ng pumatak ang aking mga luha at ang aking dibdib nama`y parang sasabog sa sobrang sakit nito.
"Frannnnnn!! Bakit mo ako iniwan? Ang daya mo naman, diba nangako ka sa akin na `di mo ako iiwan na mananatili ka sa tabi ko? Bakit? Sabihin mo sa akin papaano ako mabubuhay ng normal kung wala ka sa piling ko?" halos `di na ako makahinga sa sobrang sikip ng dibdib ko.
"Kaya ba nagbibilin ka na sa akin ng gabing magkasama tayo? Sana baby hindi mo na lang ako ginising baka sakaling magkasama na tayo ngayon..." habang pilit kong itukod ang aking mga paa upang makalapit sa kanya ngunit kahit anong pilit kong magpakatatag nauwi rin ako sa pagkalugmok.
Masakit man ang mga paa ko pero pinilit ko pa rin na umayos ng upo para mahawakan ko man lang ang lapida niya.
"Baby, papaano ko pa magagawa na makahanap ng iba kung ikaw lang ang isinisigaw nitong puso ko? Papaano ko magagawang magmahal ng iba kung kasama mong namatay ang puso ko? Baby... Isama mo na ako please. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagmahal muli pero ikaw rin pala ang dahilan upang sumara ng tuluyan ang puso ko para sa iba." habang walang patid ang pagluha ko.
"Baby, sana kahit sa mga oras na ito na nagdadalamhati ako, maramdaman ko man lang na nandito ka sa tabi ko, please?!" bulong ko sa kanya.
Kasunod noon ay isang malamyos at malamig na ihip ng hanging dumampi sa aking pisngi na tila yumayakap sa aking buong katawan...
Sa `di kalayuan...
Nakatayo ang isang nilalang na tahimik din lumuluha habang nakatunghay sa kanyang pinakamamahal na babae nang siya ay nabubuhay pa...
Paalam, Jack!
Kasabay ng isa pang malakas na ihip ng hangin ay ang pagkawala ng nilalang na si... Frances.
Finished.