[Kabanata 1]
June 2012
"Daddy, it's tatang Fidel's birthday!" sigaw ko kay Daddy na kakagising palang. Tatang Fidel is my father's cousin. Siya narin ang tumulong kay Daddy na mag-alaga sa aming limang magkakapatid simula noong namatay si Mommy dahil sa sakit niyang Breast Cancer.
Ako ang bunso dito sa pamilya, ang panganay namin na babae ay si Ate Grace. Ang pangalawa at pangatlo naming magkapatid ay kakambal si ate Gia at kuya Gio. Ang pang-apat naman ay si kuya Xachary at ang pinakamaganda sa lahat ay wala ng iba kundi ako. Ako ay si Alexa Bartolome, 16 years old.
"Alex, ang aga mo namang nagising. Go back to your room and sleep, 3 am pa. Alam mo ba anak? Palagi ka nalang nagigising tuwing 3 am at sisigawan mo ako na birthday ni Tatang." sabi ni Daddy at nakayuko lang ako sa kanyang harapan.
Ni ako nga mismo hindi ko alam kong bakit palagi akong nagigising ng 3 am pag birthday ni Tatang. Hindi kaya totoo yung Bloody Mary? lol
Nakahiga na ako sa kama ko ngayon at hindi parin ako makatulog. Kinuha ko yung MP3 player ko at tsaka nagpatogtog ako ng mga kanta para makatulog ako.
"Bitch! Wake up! Get your ass up, you sleepyhead!" sigaw ni ate Gia. Jusko! Siya talaga ang pinakahate ko sa lahat ng tao dito sa mundo. Palagi niyang sinasalubong ng bad words ang ganda ng umaga ko.
Agad akong pumunta sa bathroom at tsaka naligo. Since birthday naman ni Tatang ngayon, edi absent ako. Nasa schedule ko talaga na absent ako tuwing birthday ni Tatang. Ayokong ma disappoint siya dahil hindi ako nakapunta.
Bumaba na ako at naka upo na pala silang lahat sa hapag kainan. "Anak, ikaw nalang ang hinihintay namin bilisan mo nagugutom na ang mga kapatid mo" sabi ni Daddy at nagmamadali naman akong bumaba sa hagdan. Sa hindi inaasahang pagkakataon, natapilok ang paa ko "Alex!!!" sigaw ni Daddy at agad siyang tumayo sa kanyang kinauupoan at lumapit sa akin. "Sa susunod mag ingat ka anak. Masakit paba ang iyong mga paa?" tanong ni Daddy at umiling nalang ako. Binuhat ako ni Daddy at nag agahan ns kami.
"Baby, birthday ni Tatang ngayon huhulain kong absent kana naman." sabi ni Kuya Gio. Hay nako, napaka opposite talaga sila ng kakambal niya. Kung love ko si Kuya Gio hate ko naman si Ate Gia. "Oo naman kuya, pupunta kaba? Sama tayo kuya" bulong ko sa kanya at inirapan naman ako ni Ate Gia. Tumango naman si Kuya at natawa siya sa pinag gagawa ng kanyang kambal.
"Mga anak, bilisan niyo alas otso na malayo pa pupuntahan natin." sigaw ni Daddy na nag hihintay sa labas ng gate. Agad naman kaming lumabas ni Kuya sa bahay at sumakay sa aming kotse.
"Daddy, are we going to the mall again to celebrate Tatang Fidel's birthday?" tanong ko kay Daddy. "Hindi ba nasabi ng kuya mo?" sagot ni Daddy at napatingin ako kay Kuya na nakangisi. "Baby, you're sleeping kasi kaya diko nalang ipinaalam sa iyo baka madisturbo ko pa ang napakagandang tulog mo." sagot niya at nakangisi. "So kuya, where are we going pala?" tanong ko kay kuya at pinisil pisil niya ang pisnge ko. "At Tatang's house na, we will going to Sueca, and from now on makikilala mo na ang ating great great great grandfather." sagot ni kuya at napatingin lang ako sa kanya. "diba interesado ka aa history?" bulong niya at natawa pa siya kaya hinampas ko si Kuya. "Kuya naman eh, alam niyo namang ako lang talaga ang walang hilig sa History. Napa ka boring kasi at duh ayaw ko talaga sa History promise!" sagot ko kay kuya at natawa lang siya sa sinabi ko. 8hrs pa naman ang byahe, from Manila to Sueca.
"Baby, gising ka na." sabi ni Kuya. Napatingin ako sa relo ko, its already 4pm. Hindi ba kami nag lunch? "Kuya, nag lunch ba kayo dalawa ni Daddy at hindi nyo ako ginising?" tanong ko kay Kuya at halatang nagtataka siya. "Huh?Hindi naman sa ganon baby, hindi nga kami nag lunch ni Daddy dahil tulog na tulog ka. May dala naman akong dalawang sandwich, sayo nalang ito. Sge na bumaba kana kanina pa tayo nakarating dito." sabi niya at pinisil niya nag mukha ko. Kaya love kita kuya eh, kahit palagi mong pinipisil ang pisnge ko love na love parin kita.
Pagbaba ko sa kotse, agad na bumungad sa akin yung napakalaking gate na may nakasulat sa itaas na FAMILIA DELOS SANTOS, napaka haba at napa ka taas ng gate na kulay itim. At ang FAMILIA DELOS SANTOS ay naka ukit sa totoong ginto. TOTOONG GINTO. wow! ang yaman naman ng pamilyang to, pero bat Delos Santos? Medyo pangit naman pakinggan non. Maraming guardya ang sumalubong sa amin at binuksan nila ang gate. "Maligayang pagbabalik Maria Clara." bati ng mga guardya na naka bow sa akin at napatingin lang ako sa kanila. "Alex! Alex! Hali kana dito!!" sigaw ni Tatang Fidel. Agad niya akong hinila papunta sa kanyang bahay. Binigyan niya ng lagot-kayo-sa-akin-mamaya-look ang mga guardiya.
"Tatang, ba't Delos Santos ang nakalagay sa gate? Ba't hindi Bartolome? Hindi kaba proud sa ating apilyedo?" tanong ko kay Tatang at nakatingin lang siya sa akin. "Hindi ka talaga interesado sa kasaysayan ng ating pamilya." sagot niya. "Sumunod ka sa akin" sabi ni Tatang at agad akong sumunod sa kanya.
"Alam mo ba kung bakit ka nila tinatawag na Maroa Clara?" tanong niya at umiling lang ako. May kinuha naman siyang litrato sa isang kahon at pinakita niya sa akin. Nagtataka ako ba't ako naka baro't saya diyan? Pinagtripan ba nila ako? o edited ang litratong iyan? "Tatang, pinagtripan niyo ba ako? Anong app ang gamit niyo?" tanong ko sa kanya at tinawanan niya lang ako.
So weird.
"Hindi, siya si Maria Clara Delos Santos. Dalawamput apat na taon siya nong siya ay isinumpa ng isang napakasamang tao." sabi niya at napatitig lang ako sa kanya. "Bakit po siya isinumpa?" tanong ko, "Isinumpa siya ng isang engkanto dahil sa paglabag niya sa isang batas." sabi pa niya "Anong batas?" tanong ko ulit sa kanya. "Ang pagmamahal niya kay Don Crisostomo Ibarra." sabi pa niya. Ano namang meron? Masama ba ang magmahal? "Maghapunan na tayo, marami kapang hindi dapat malaman Alexa. Hali kana. " agad naman siyang lumabas sa kwarto at sumunod naman ako sa kanya.
Ano ba ang ibig sabihin nito? Naguguluhan ako sa kanila. Wala rin naman akong konalaman kong magkaparehas kami ng mukha, tanging pangalan at edad lamang ang nalalaman ko tungkol sa kanya.
"Baby, gusto mong mamasyal? Hindi naman tayo lalabas ng bahay, lilibotin lang natin tong lugar nato." bulong sakin ni kuya at tumango naman ako.
Pagkalabas namin sa bahay, sinalubong kami ni Tatang. "Saan kayo pupunta?" tanong niya. "Ipapasyal ko lang sana si Alex dito, hindi naman kami lalabas ng bahay." sagot ni Kuya at tumango naman si Tatang. Lumibot kami sa pinakadulong lugar ng bahay, maraming puno ng narra at mangga ang nandoon. Napapaligiran din ng mga punong kahoy ang napakalaking lawa. Doon kami umupo ni kuya at kitang-kita namin ang isa pang napakalaking bahay na nasa aming harapan. Gagamit pa ng bangka upang makapunta kami sa bahay na iyon. 6km lang naman siguro ang layo. It's so calm here, tuwing full moon lang siguro may mångata.
"Kuya" sabi ko bilang pangbasag ng katahimikan. "Yes baby?" tanong niya. "Kaninong bahay iyan kuya?" tanong ko at agad kong tinuro yung bahay na di kalayoan sa amin. "Yan? Si Don Crisostomo ang nag mamay ari niyan." sagot niya. May nalalaman ba talaga si kuya tungkol kay Maria Clara? May alam ba siya na hindi niya sinasabi sa akin? Mya lihim ba siyang tinatago? "Kuya, may tinatago kabang sekreto sa akin?" tanong ko sakanya, hindi agad nakapagsalita si Kuya. "Ah-Ahmmmm. A-Alexa, me- ugh! Wala." nauutal niyang sagot sa akin. Naguguluhan na nga ako kay Tatang, naguguluhan pa ako kay Kuya. Hindi ko sila maintindihan, may lihim ba ang pamilya namin sa akin? Pinagmasdan ko lang ang ganda ng buwan, tumayo si Kuya "Aalis na tayo baby, pupunta tayo sa hardin." sabi niya at agad naman akong tumayo at sumunod sa kaniya. "Kuya nakapunta kana ba dito?" tanong ko sa kanya. "Oo." sagot niya. Ang cold naman nito. Hindi man lang binalita sa akin ni Kuya na nakapunta na siya dito sa bahay ni Tatang. Parang nasa loob ng secret room ang hardin, pumasok pa kami sa isang pintoan na gawa sa mga dahon at bulaklak. Perfect to pang instagram ah!
Pag pasok namin, ang ganda ng hardin. Parang hindi ito nag eexist sa totoong buhay. Ngayon lang ako nakakita ng ganito ka gandang hardin. Ang daming mga makukulay na bulaklak at ang dami pang mga butterfly at ibon. "Kuya ang ganda naman dito." sabi ko sa kanya at nginitian niya lang ako. Umupo kami sa may bench at may isang pusang lumapit kay kuya, inilagay niya ang pusa sa balikat niya. "Kuya, kaano ano mo iyan?" tanong ko sakanya, "Bigay to sa akin ni Tatang, hindi ito ordinaryong pusa." sagot niya. May pusa bang hindi ordinaryo? Napatingin lang ako kay kuya at patuloy niya paring pinag lalaroan ang pusa. "Kuya, pupunta muna ako doon ha?" sabi ko sa kanya at tumango naman siya. Agad akong tumayo at nilibot ko ang buong lugar. Maliit lang ang hardin, kahit saang sulok akong magpunta, makikita at makikita parin ako ni Kuya. May nakita akong napakalaking rosas, alam ko kung anong rosas to ah. Ecuadorian Rose ito, may nag bigay ng rosas na ganito kay Ate Grace. Pagkahawak ko sa rosas ay may bigla akong narinig na sigaw, sinilip ko kung anong nangyari.
"Nagmamahalan lamang lami at sa tingin koy walang masama roon. Nasa tamang edad narin kami, mahal ko siya at siya lang ang papakasalan ko!" sigaw ng babaeng naka baro't saya. Teka lang, parang kilala ko siya ah? Si Maria Clara! Anong ginagawa niya dito? At buhay pa siya? "Hindi maaari! Si Javier lamang ang papakasalan mo dahil si Crisostomo ay ikakasal narin sa iba!" sigaw ng matandang kura. Tumingin sa akin si Maria Clara umiiyak siya, "Tulungan mo ako Alexa, tanging ikaw lang ang makakatulong sa akin." sigaw niya at ng hahampasin na siya ng malaking kahoy napasigaw ako sa kinatatayuan ko."Baby! Anong nakita mo? Anong nangyare sa iyo?" sabi ni kuya at pinisil pisil ni Kuya ang akin mga pisnge. Hindi na ako nakapagaalita at agad kaming lumabas sa hardin nayon.
Naguguluhan na talaga ako. Can someone help me please? Hindi ko maiwasang mag over think, nalilito na ako. Sabi nga nila Curiosity killed the Cat. Hindi ko na maiintindihan gusto ko ng umuwi. Naguguluhan na ako sa lugar na ito, lugar na puno ng sekreto.