Chereads / MI ULTIMO ADIOS (MY LAST FAREWELL) / Chapter 2 - 2 - IF IT'S NO IT'S A NO

Chapter 2 - 2 - IF IT'S NO IT'S A NO

Maaga akong nagising dahil sa ingay ng mga aso sa labas. Sino ba ang nag mamay-ari ng mga aso? Wala naman akong nakitang aso pagdating namin dito ah? Papunta na sana ako sa kusina, pero napadaan ako sa kwarto ni kuya. Narinig kong sumisigaw si Tatang. "Alam mo ba Gio ang pinaggagawa mo!? Muntik mo ng mapahamak si Alexa kahapon!" sigaw ni Tatang at nakatulala lang si Kuya. "Hindi niya dapat makita ang mga pangyayari! Hindi pwedeng magbago ang pangyayari noon!" sigaw pa ni Tatang at biglang nagsalita si Kuya. "Tatang? Alam mo ba? Nasa saktong edad na si Alexa, ngayon na siguro ang tamang oras para malaman niya ang lahat na sekreto na itinago natin sa kanya." kalmadong sagot ni Kuya at agad siyang tumayo. Pinaupo naman siya ni Tatang at halatang galit na galit ito. "Hindi pa ito ang tamang panahon, labing-anim pa lamang si Alexa at masyado pa siyang bata." sabi ni Tatang. Nakayuko lang si Kuya Gio sa kanyang inuupuan ng biglang may nagsalita "Alexa? Anong ginagawa mo diyan?" nagtatakang tanong ni Daddy at agad namang napatayo si Kuya at lumapit siya sa amin ni Daddy. "Alexa, may narinig kabang usapang pang matanda?" tanong ni Tatang at parang galit na galit siya. Nagmana talaga siya kay Lolo Santiago. Mamumula ang mukha pag galit. "Wala." sagot ko at agad akong nagpunta sa banyo.

Ano ba ang dapat kong malaman? May sekreto ba sila tungkol sa pagkatao ko? Ano ba ang tinatago nila sa akin? Ang unfair naman nila, lahat ng sekreto ko sinabi ko sa kanila pero sila naman pala ang nagtatago ng sekreto sa akin.

Pagkatapos kong maligo, lumabas agad ako sa silid at hindi ko namalayang umuulan pala ng napakalakas. Biglang sumikip ang dibdib ko, hindi ko na intindihan kung bakit.

Nag agahan na kaming lahat at ang tahimik namin dito. Binasag ni Daddy ang katahimikan "Gio, samahan mo muna akong mag submit ng requirements ko sa company." sabi ni Daddy at tumango naman si Kuya. "Alexa, maiwan ka muna dito babalik din kami." sabi ni Daddy at nagpatuloy lang akong kumain. Nakatingin sila sa aking lahat at hindi ko nalang pinansin.

Kakatapos lang namin mag agahan, dumiretso ako kaagad sa aking silid at napatulala. Biglang pumasok si Tatang sa aking silid at hindi ko nalang siya pinansin. "Alexa, gusto mo bang malaman ang lahat?" tanong ni Tatang at umupo siya sa tabi ko. "Hindi. Hahayaan ko nalang ang aking sarili na hanapin ang sagot sa aking mga katanungan." sagot ko sa kanya at nakatingin padin ako sa kesame. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Tatang, ang weird naman ng tawa na yun.

"Wag mong pairalin ang kuryusidad mo, baka iyan pa ang ikapahamak mo."

sagot ni Tatang at umalis siya sa tabi ko. Ang weird naman ng matandang yun. Syempre na disappoint parin ako sa kanilang lahat. Damay damay nato. Hindi ko na talaga matiis, agad akong umalis sa aking silid at hinanap ko si Tatang. Nakatayo lang siya sa balkonahe. Pinuntahan ko si Tatang. "Tatang, pasensya kana sa nangyari kanina." sabi ko kay Tatang at tumawa naman siya ulit. May tupak batong matandang to? "Sumunod ka sa akin" bulong niya at agad siyang umalis. Sinundan ko naman siya at pumunta kami sa isang secret room ng bahay na iyon.

"Alexa, oras na siguro para malaman mo ang lahat. Makinig ka lang sa akin. Itong singsing na ito" ang singsing na nasa loob ng ginto na kahon "ay hindi ordinaryo. Dito nakasalalay ang buhay ni Maria Clara. Kailangan mo siyang tulungan na makalabas sa sumpa dahil sa kanyang kasalanang nagawa na ang paglabag sa batas ng kura." sabi ni Tatang. Nakapagtataka lang, bakit naman siya pinarusahan ng kura? Ahh oo nga pala yung sinabi ni Tatang sa akin na lumabag siya sa batas dahil umibig siya kay Don Crisostomo. "May karapatan ba ang kura na parusahan si Maria Clara?" tanong ko kay Tatang. "Oo, dahil siya ang tunay na ama ni Maria Clara at ayaw niyang si Don Crisostomo ang mapapangasawa ni Maria Clara. Wala ng magawa si Kapitan Tiago dahil mas makapangyarihan pa ang mga kura noon." dagdag pa niya. Mala Noli Me Tangere style ata to. Grabe naman tong kura na ito. Pero anong nangyare? "Bakit ang pransiskanong kura na iyon ang naging ama ni Maria Clara?" tanong ko kay Tatang. Nalilito na ako sa kanila. Sabi kasi sa akin ng bf ko noon na hindi daw si Kapitan Tiago ang ama ni Maria kundi isang kura. Boring kasi ng Filipino eh nakakasawa.

"Hindi biniyayaan ng supling si Donya Pia at Don Santiago. Kaya humingi sila ng tulong sa kanilang kura. Pinayuhan sila ng kura na mag alay sa kanilang santo at mag gawa ng kanilang ritual na sayaw. Walang kaalam alam ang mga taong bayan sa kasakimang ginawa ni Padre Damaso. Ni rape niya si Donya Pia at nabuntis." sabi ni Tatang. Nakooo, baog siguro yung great great great grandfather ko hihihi. "Tatang, paano niyo po nalaman?" tanong ko sa kanya.

"Nakita namin iyon sa talaarawan ni Maria Clara, mahilig din siyang magsulat ng talaarawan kaya noong isinumpa siya ng kanyang sariling ama lahat ng gamit niya na nasa kombento ay inuwi sa San Diego." sabi ni Tatang. "Ano naman po ang nangyare kay Don Crisostomo pagkatapos mamatay ni Maria Clara?" tanong ko.

"Walang ibang nakakaalam sa kasakimang plano ni Padre Damaso, maski ang kanyang kanang kamay na ang sakristan mayor ay wala ring kinalaman. Sa araw na pinarusahan niya si Maria dahil sa pagmamahal niya kay Don Crisostomo, may binalak din ang kura. Yon ay ang patayin si Crisostomo, nagtagumpay nga sila na patayin si Crisostomo pero walang nakakaalam na buhay pa siya." sabi ni Tatang. Ang sad naman non, "Tatang, anong nangyare kay Crisostomo pagkatapos niyang malaman na wala na ang kanyang kasintahan?" tanong ko naman sa kanya.

"Ipinaghihigante ni Don Crisostomo ang pagkamatay ng kanyang ama at ang buong bayan na nasakop na sa kasakiman ng kanilang kura . Nagpanggap siya bilang Simoun upang mapaniwala ang lahat na patay na si Crisostomo. Numuo ang galit sa kanyang puso ng malaman niyang pati ang kanyang kasintahan na si Maria ay pinaglulupitan din ng kura. Nais niyang maghigante ngunit nabigo siya sa kanyang plano, nag pakamatay siya." sabi ni Tatang. Kawawa naman ang tragic ng love story nila. Hate ko talaga ang mga tragic na love story nakakasakit sa heart.

"Oh ano Alexa, papayag kaba?" seryosong tanong sa akin ni Tatang. "Sa ano?" nalilitong tanong ko. Eh hindi ko naman alam kong ano eh. "Na tulungan mo si Maria Clara. Kailangan mo siyang mapalaya sa sumpa, ito ang kahilingan ni Donya Pia na mapalaya sa sumpa si Maria." sabi niya. "Paano ko naman siya matutulungan eh ang layo na ng agwat ng panahon natin sa panahon nila." sagot ko sa kanya. "Panahon ninyo. Hindi ako nabuhay sa panahong ito, nabuhay ako noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol. Nandito ako ngayon upang tulungan ka sa iyong misyon upang gabayan ka. Sa oras na matapos mo ang iyong misyon, oras ko na rin upang mamaalam sa inyo." sabi ni Tatang. Noooo! It's a big fucking no!!! I would rather choose Tatang over that Maria Clara! "No, Tatang mas pipiliin kong mabuhay ka kaysa mawala ka." sabi ko sa kanya. "Hindi maaari Alexa, mas lalo pa akong mahihirapan pag magtatagal ako dito. Wag kang mag alala, sa oras na ako ay mawala, mabubura na ako ng tuluyan sa inyong isipan.Tahan na wag kanang umiyak." sabi ni Tatang, hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. "No tatang, hindi ako papayag na mawala ka. Diba kilala mo ako? Alexa Bartolome? If it's a no it's a no. Diba Tatang?" sabi ko sa kanya at humagolgol na ako sa pag iyak. "Shhhh, magbabago at magbabago rin ang isip mo. Mapapayag din kita sa tamang panahon." sabi niya at tsaka niyakap niya ako.

"Tatang, bakit ba kailangan mo pang mawala at sino ka ba talaga?" nalilito na ako sa mga pinagsasabi niya.

"Ako si Pilosopong Tasyo. Nabuhay ako ulit upang tulungan ka tulad ng sinabi ko sa iyo. Masyado ka pang bata kaya hindi ka pumapayag. Kailangan kong mawala sa panahong ito dahil hindi naman talaga ako nabuhay sa panahon ninyo. Isinilang ako taong 1871, kaya mawawala ako sa oras na matapos mo ang iyong misyon." sabi niya. "Tatang, paano kaya kung hindi ko tatanggapin ang alok ninyo? at kung tatanggapin ko man ay paano ko naman siya matutulungan?" tanong ko.

"Hindi naman talaga mangyayari na hindi mo matulungan si Maria, isinilang ka upang tulungan si Maria. Dadating rin ang panahon pero walang nakakaalam kung kailan ka makakapunta sa panahon nila. Matutulungan mo si Maria pag ikaw mamamatay." sagot niya. Ang creepy ayoko pang mamatay! "Tatang naman eh, ang bata bata ko pa bat ako pa ba? Hindi na magbabago ang isipan ko, hindi ako papayag ayokong tanggapin ang alok ninyo at ang napakawalamg kwentang misyon na iyan Tatang." sabi ko kay Tatang. "Wala na akong magagawa kung hindi mo ito matatanggap Alexa, kailangan mo itong tanggapin dahil nabuhay ka sa panahong ito upang tumulong kay Maria Clara kaya pag-isipan mo ito ng mabuti. Hindi natin alam kung kailan mangyayari, at tanging trahedya lamang ang makakalaban mo." sagot ni Tatang at napayuko nalang ako.

Kinuha ni Tatang ang singsing at ipinasuot niya ito sa akin. Ayoko naman talagang tanggapin ito eh. Ang malas ko naman, ako pa talaga ang NAPILING MABUHAY PARA SA ISANG MISYON. Ang daya naman nito, ang dami pang plano namin ni Sam eh, ang dami pang walang check sa bucket list namin.