Chereads / Beyond the Spectrum / Chapter 3 - Plan

Chapter 3 - Plan

|| Carlo

I open my eyes, with my heart burning in flames. It's unusual for me to wake up at 7 in the morning kapag walang pasok. But today, things seem different. Everything is light, as if there is a reason for me to wake up. Don't tell me last night was a dream, for it was one of the best dreams I had.

I took my phone from the side table and searched for every famous East Asian or specifically, Korean instagram models residing in BGC. I searched with every Korean girl name I could think of.

Jihyo? Nope...

Hyerin? No, not her name...

Hyuna, Chaeyoung, Sooyoung, Yujin...

Still can't find her...

Eunmi, Seoyeon, Junghwa... nope, not those either.

An hour later, I really can't find her. The ones I found were from Korea themselves. I searched for every instagram model that resides here in the whole Philippines, but it is harder than I thought.

I sighed deeply. Moments later, I felt a vibration coming from my phone and it started ringing.

"Hello, Axis?" I responded in a weak tone.

"Aren't you busy? Am I disturbing you?"

"No, I'm totally free today. Bakit?"

"I told you, I'm going to discuss it with 3 other members today. Nandito na ako sa HQ."

He met up with me last week, ako muna ang nakaalam sa mga plano niya. He wanted to confirm kung okay lang ba sa akin.

"Oh yes, it's the perfect time to discuss it." I agreed and asked him again, for I think it slipped off my mind. "Where will the meeting be held, again?"

"Sige sige. The meeting will be held at Salvatierra Tower Conference Hall, 10th floor."

"Salvatierra Tower, Conference Hall, 10th floor. Got it bro. I'll be there in a rush." I dropped the call and quickly got into a shower. After some cleaning, I changed to my black long sleeves and pants. I also tamed my locks a bit and wore a black face mask. I sprayed myself with some Coach Eau de Toilette to complete the look.

I went downstairs and saw my brother binging on some shows on Netflix while having his cereal.

"Saan punta mo kuya at naka-all black business attire ka?" he asked.

"Salvatierra Tower sa Makati, and there's a meeting na kailangan kong iattend." I answered. "In case na hanapin ako nila mom, kindly tell them."

I quickly got out of my house, and drove my 2019 Ford Mustang Shelby from our street, to North Avenue, and to C5. I just prevented the heavy traffic in EDSA, and took advantage of BGC being connected to Ayala in some sort.

-----

Reign

I'm driving along BGC, now with my Bayersche Motoren Worke X6 at nang masundo ko si Maryl. Bakit ba kasi nagpatawag ng immediate business meeting si Axis sa headquarters nila? Well, kung legit business meeting nga yun. Sinuot ko yung business attire na lucky charm ko; red long-sleeve blouse, black pencil skirt at black stockings. I also wore gold belt and black pumps pangcompliment. I also did my makeup light kasi nagmumukha akong mas matanda ng dalawang taon sa makapal. I also had my hair low ponytailed.

I dropped by the building kung saan nagdodorm si Maryl. Sa ngayon nakastay siya sa dormitory compound ng Alexandra University para hindi siya malate lagi. Pero to be frankly honest, hindi siya mukhang ordinary dorm at all. Mas mukha siyang naglalakihang at nagagandahang Baroque architecture buildings ng McKinley Hill.

Lumabas si Maryl mula sa main entrance, na sakto naman dito ako naghihintay. Suot niya ay white loose long-sleeve blouse, navy blue skirt, nude stockings, navy blue pumps na may strap sa ankle at navy blue na shoulderbag. Her make-up ay nasa natural to peachy range and nakalugay yung brownish-black voluminous straight hair niya.

Kaso habang papalapit siya, may nakikita akong unusual make-up sa bandang leeg niya, halata pa ang pagkapula. Maputi kasi masyado eh.

Praise the heavens! Lumandi na rin ang ate mo after 4 years ng pagiging single!

Pagkapasok at pagkasara niya ng pinto, tinanong ko agad siya habang nagstastart ng engine.

"Nilabas mo ba?"

Tumingin sa akin si Maryl, na alam o di niya alam kung ano ang tinutukoy ko.

"Of course I did."

"Sure? Juul, vape, isang pakete ng sigarilyo, weeds, cocaine; lahat ng fake vices na easy-to-carry at hindi agad masasabi na hindi talaga addictive dahil pineke mo lahat ng yun sa lab?"

"Siyempre. My research is done and I'm all set to burn those. Maybe except for the vape and juul one, you'll never know when I would be needing those, those are great escape tools for certain situations. Also, you know that juul is a type of vape."

"Sure kang walang magiging high pag sinunog mo yun?" I asked quizically habang nagsisimula nang magmanibela. Malay mo may dangerous substance pala pag sinunog, di ba?

"Of course none. Wala naman nangyari sa akin. Still alive, well and normal though I used them every night, and I can't imagine myself getting addicted to the real ones as well."

"Sabagay. Beer pa nga lang di ka na malasing lasing."

Hindi madaling maadik si Maryl, and di mo rin siya mapupwersa into doing drugs. Hindi nga 'to malasing lasing sa taas ng tolerance niya sa alcohol, pero siya ang pinakabihirang uminom ng alcohol na nakilala ko.

Pero yung itatanong ko talaga eh.

"May gusto rin pala akong itanong. May kalandian ka pala kagabi, di ka nagkukwento?"

When she was about to speak, inunahan ko na siya.

"Wag mong sabihin nadapa ka, o dahil nahulog phone mo. Possible na magkakapasa ka pero di ganyan kalala."

She got flushed, so she covered her mouth and looked away.

"I-i just don't want to talk about it."

"Sino yan?"

"A random stranger?" sagot niyang malamya.

"Hindi yan random stranger eh. Parang kilala mo." pagpupumilit ko.

"Anong parang kilala ko?" depensa niya habang nakatakip pa yung bibig niya.

Dali Reign, isip ka ng mga lalaking possibleng malandi ni Maryl...

Napatigil muna ako saglit sa pagtatanong para isipin kung kanino nakipaglandian ang babaita. Binubulong ko sa sarili ko yung nga possible answers:

Carlo... Jinyoung... Axis...

Wait, imposible si Axis.

Carlo... Jinyoung... yung nakamatch niya sa Tinder... Carlo...

Okay, malakas kutob ko na eto nga yun, so here we go.

"Sino nga? Si Carlo?" tanong ko.

"Fuck." bulong ni Maryl sa sarili niya na rinig ko.

"Sabi na eh."

-----

Pagkapasok namin sa conference hall, nagiba yung aura ni Maryl. Ramdam ko yung mixed emotions niya ngayon at unang bungad niya si Carlo, na hindi ko maintindihan kung bakit naka all-black at nakafacemask pa; as if may nangangamoy na lamay sa conference room nina Axis. Pero naninibago ako kasi naka-man bun na siya ngayon dahil humaba na yung itim na buhok niya.

Uy, alam ko yung tingin na yan.

Malamyang tingin, emotionless, yung tingin na mukhang napapagod yung mata niya. Pero nilalayo niya yung tingin niya sa kanya.

Madali kasing basahin mga mata ni Maryl. Hindi ko alam sa iba, pero madali lang sa akin dahil na rin we're best of friends since primary school.

Samantalang itong si Carlo, mukhang nasapian yata. May nakikita akong galak sa kanyang mga mata.

Bukod kay Carlo, may isa pang unexpected guy na nandito...

"Hey Axis, magstastart na ba tayo?" tanong ng familiar na husky voice na mala-disk jockey galing sa millennial radio stations, habang may tinatype sa laptop niya. Tinignan ko yung get-up niya ngayon; naka complete business attire na black ang coat at pants, blue ang necktie. Nakaslightly swept to the left yung dark brown hair and focused yung light blue eyes niya.Yung vibe niya parang cold-hearted CEO.

And his name is Adriano, Ian for short.

Tinabihan ni Maryl sa left side si Ian, ako naman sa harapan niya. Bale, katabi ko si Carlo.

Nagkangitian at nagkabatian sila Ian and Maryl. Ang cute lang.

Binuksan ko na ang recorder ko sa phone para in case na antukin ako, ipeplay ko nalang kasi either aantukin o mabobored ako pag si Axis nagdidiscuss sa harap.

"Okay since nandito na ang lahat, we can formally start." sabi ni Axis and he cleared his throat. "As you all know, I am Austin Xil Salvatierra, your presentor for today."

"Teka lang ha Axis, 5 lang tayo nandito. Do you even need to be formal?" pangangasar ko sa kanya

"Future lawyer tong nasa harapan mo Lawreign! I have to practice!" pagrarason niya.

At tumawa yung tatlo.

Axis cleared his throat again, which gave me another sign to tease him. "Ahem ka ng ahem, wala ka namang ubo."

"Para seryoso na kasi." pagrarason uli ni Axis.

"Sa kaka 'ahem' mo, pwede ka na magimpersonate ng news anchor." asar ko ulit, na napatawa naman sa tatlo.

"Lawreign di tayo makakapagsimula eh!" inis ni Axis

"Reign is actually a great comical relief for this morning. Pampatanggal ng antok." pagtanggol ni Ian.

"Buti pa si Ian. 'Di lang pogi, understanding pa. Di katulad mo, wala sa dalawa." asar ko kay Axis.

Binigyan niya ako ng naasar na mukha at dahil dun, medyo naawa na ako sa kanya. "Pasalamat ka naawa ako sa iyo, okay proceed." sagot ko.

He cleared his throat for the third time, at gusto ko pa siya asarin noon pero naawa na ako sa kanya ng slight.

"Okay if you guys don't know each other personally yet, though our familes know each other, I would introduce you one by one; starting from Mr. Giovanni Montecarlo Lynch-Fulgenzio..." introduction ni Axis na may pagbasa sa hawak hawak niyang clipboard, at tumayo si Carlo.

This time, gusto ko asarin si Maryl kasi yung tingin niya kay Carlo ay malamya na nandidiri na hindi mo talaga maintindihan, basta mixed reaction at lutang.

Pero may naiisip ako...

"Pero Lynch? Lychee? Sorry gutom." pagsegway ko.

"Ms. Lawreign Ellison this is your last warning!" sigaw ni Axis at napatawa ako nang malakas.

"Seryoso kasi Austin Xil, Lynch as in lychee? Or Lynch sa Town of Salem?" tanong ko sa kanya.

"P*tang ina Lawreign, kung di ka lang magaling, di na kita sinama dito." sagot ni Axis.

Napatawa si Carlo.

"You can never escape from me, Mr. Austin Xil Salvatierra." sagot ko sa kanya in my signature Cockney English accent, which is accent ko talaga kapag nageenglish ako, then I ordered him jokingly "Proceed ka na nga!"

He clrared his throat and continued reading stuff from his clipboard. "...next is Donte Adriano Marco Scarzella-Martinenghi..." at tumayo si Ian and gave a genuine smile and wave. Nakikita ko lang ito sa internet at tv, di ko akalain na mamemeet ko 'to personally. Sobrang yaman kasi ng pamilya niya at ang talino pa niya.

Pero siyempre di ako nafafall. Ewan ko lang kay Maryl kasi mahilig sa matatalinong lalaki yung babaeng yun.

"...then our only girls, Lawreign Ellison Ashley-Midford."

Tinaas ko nalang kamay ko noong binanggit pangalan ko. "Yep, it mi." I told them cutely.

"Ba't ayaw mo tumayo?" tanong sa akin ni Axis

"Tinatamad ako eh." sagot ko sa kanya.

Tinignan lang niya ako ng masama at nagpatuloy sa pagbabasa. "... and Maryl Juneaux Xinyue Pān-Liu."

Panghuli na tinawag si Maryl pero tumayo pa rin siya, nagbow at ngumiti. Kahit alam kong iba pakiramdam niya kasi nandyan si Carlo.

And iba rin pakiramdam ni Carlo, parang gulat na confused siya, pero masaya kahit awkward.

Gusto ko asarin si Maryl pero may napansin ako.

"Axis naman eh!" I shook my head with my right hand on my forehead in dismay. "Mali position ng pangalan ni Maryl! Ulitin mo!"

"Anong mali? Tama naman ah?" pagtataka ni Axis.

"For your information, Mister Salvatierra, it's Maryl Juneaux LIU XINYUE." inemphasize ko sa Chinese name ni Maryl. "Pwede rin di mo na isama yung Chinese name kung gusto mo fully westernized; Maryl Juneaux Pān-Liu" pangangatwiran ko at napasabi ako ng limang 'tsk'

Natawa si Maryl kasi tama at totoo sinabi ko.

"Malay ko ba?" Axis argued back. "Buti sana kung di kumplikado pangalan ni Maryl!"

"May clipboard ka na ngang hawak hawak, mali pa!" pangatwiran ko. "Di ka manlang nagsearch sa google kung paano isulat pangalan niya. May wifi ka naman sa inyo."

"Actually Ax, tama si Reign." sabat ni Carlo. "It's either Maryl Juneaux Liu Xinyue, Maryl Juneaux Pān-Liu, or Liu Xinyue. Nasa huli ang Chinese given name traditionally."

Napatingin si Maryl kay Carlo sa gulat, sabay takip ng bibig at alis ng tingin.

Ang sarap tuloy asarin kaso baka manermon ulit si Axis.

Pero plus points kay Carlo. Baka di ko na maisipang sapakin siya.

Pero nagtataka rin ako kay Carlo ngayon, ba't kulang nalang tumalon sa tuwa kahit naawkward, at nahuhuli kong tumitingin kay Maryl?

"Oh basta yon." sagot ko. "Ngayon alam mo na ha? Proceed!"

Pagkaupo ni Maryl, dun uli nagsimula si Axis na magsalita. "We will call this Operation:SEIRA, or Systematically Engineered Intellect for Revealing Activities."

"Ang baduy ng pangalan Ax, ano ba yan!" I mockingly complained. "Sino o sinu-sino nanaman ba ang napagtripan mong sekretarya o brainstorming team at naisipan mo yung pangalang 'to?!"

"P*tangina Lawreign, appreciate mo naman effort ko! Ako nagisip ng pangalan na yan eh!" tampong sagot ni Axis.

"Ah so tinamad ka nalang pala magisip?" tanong ko.

"So I guess that's F for effort, at least." pagbibiro ni Ian habang nagtatype siya sa laptop niya.

At napatawa kaming tatlo nina Carlo at Maryl.

"Lawreign, parang awa mo na tumahimik ka muna. Di ko 'to madidiscuss nang maayos eh" galit na pagsaway sa akin ni Axis.

"Suuure." at di na ako nagsalita.

Nag 'ahem' nanaman siya at nagsimula na mag discuss "So eto magiging distribution of power natin: Meron tayong 3 engineers who are responsible for the machinery, gadgets and equipment na gagamitin natin. Adriano, Maryl, Carlo; take charge and gather your team if you must. Gawa muna kayo ng spying equipment."

Okay, so kung 3 silang engineers na in charge sa mga machinery, may kanya kanya silang line-up.

Si Ian, yung pinakamagaling sa physics. Ilang beses nang naging champion sa robotics yan since primary. Pwede rin siyang maging chief engineer, lalo na he's taking a double degree in physics and mechanical engineering. I can say na nakakaattract talino niya, lalo na sa mga sapiosexual katulad ni Maryl, pero not to the point na di ko na maaaway katulad niya.

At pero dahil Alexandra forevah nga ang unofficial motto ng university namin, his skills may be superior at pangdoctoral degree na sa ibang universities, dito pangmasteral-level palang.

Si Maryl, mas gamay niya yung medical-related engineering at biochemistry. Although she's also great in physics, mas gusto niya yung nasa medical field. She's also currently taking a double degree in biomedical engineering and medical technology. Buti nalang yung ganda at personality neto ay di katakwil takwil kundi noong junior o senior high school ko na 'tong tinakwil. Goal-oriented kasi ang ate mo, mas pipiliin ang school at career bago landi.

Although pwede siyang lumandi sa mga bar at magpakapokpok gabi-gabi without risking her health; kung hindi for research yan, hindi niya yan gagawin. Kaya nga nakagawa siya ng pekeng vape juice eh.

Pero nagtataka ako kung saan galing yung hickeys niya. Kailangan ko ng backstory nila ni Carlo kagabi, na malalaman ko rin kasi bestfriend ako eh!

Si Gio or Carlo naman, kahit gusto ko itong sapakin ngayon, wala tayong magagawa dahil pinili siya ni Axis. Magaling magtrack ng anumang problema sa software, internet at electrical motors. Kaya ko actually gawin, kaso siguro mga sa internet part at 75% lang. Paano kasi, electronics and computer engineering ang kuya mo.

And di lang yan, lahat sila ay knowledgable or kahit katiting na knowledge sa military engineering and artillery.

Kung di lang mangangamoy away ito, it will be a great team, Axis. May utak naman siya, pero kalahati lang ata nagagamit niya.

But let's see.

"Is there any place that we can use as a laboratory and headquarters?" Maryl asked.

"I already teamed up with Alexandra University Centre of Science and Research para asikasuhin dun yung main laboratory ninyo." sagot ni Axis. "Probably yung mga spare rooms sa 10th floor ang magagamit natin, but I also asked kung pwede maginstall ng biometric lock."

Napersuade pa niya talaga yung school kahit pagmamay-ari ng mga Liu yun?

Tumingin si Axis sa kanyang mahiwagang clipboard at nagtanong "Any questions, suggestions and/or violent reactions, Lawreign?" at tumingin sa akin pagkabanggit ng pangalan ko.

Siyempre di ako nagsalita.

"Hoy Lawreign Ellison, sumagot ka." pagpupumilit ni Axis.

Tinignan ko siya na may duda. "Ano ulit sabi mo kanina? Di ba wag mag-ingay?"

"Kanina yun, hindi ngayon." pangangatwiran niya.

"Nananahimik ako dito, tapos ngayon nagpupumilit ka?" sagot ko pabalik.

"Binibigyan ka ng chance magsalita, ayaw mo naman." sagot niya.

Napabuntong hininga ako at napatanong. "Fine. Ano role ko?"

"Tagaluto at tagapakain." deretsahang sagot ni Axis.

"Luh kapal mo."

"Masarap ka naman magluto Lawreign, kaya ikaw na hinire ko as the squad chef."

"Kailanman di kita lulutuan kasi uubusin mo lang yung platter na kasya sa lima." panaray na sagot ko at napatawa ang tatlo.

"Grabe ka naman sa akin, di ka mabiro." malamyang sagot ni Axis. "Joke lang eh, strategist at assistant ko."

"Ako, assistant mo? Good luck!" sarcastic na bati ko.

Napabuntong hininga si Axis.

"Alam ko na yan Laweign. Nakahanda na ako sa mga banat mo para sa akin." malamyang sagot niya.

"Good job! Mabuti yan para prepared ka." sagot ko.

"Oof. You've set your life in a living hell. Good luck dude." panenegway ni Adriano.

_____

Beyond the Spectrum | Wave 3: Plan • © mxylms