Chereads / Beyond the Spectrum / Chapter 6 - Surprise

Chapter 6 - Surprise

|| Reign

"Kala ko ba maglulunch tayo, bakit may pa-urgent meeting?" tanong ko kay Axis habang nakaupo kaming tatlo nina Ian at Maryl sa conference room ng bagong laboratory, sa Alexandra University Research Centre. Oh di ba, pak! AXU Research Centre pa nais ni Kuya Axis mo. Magkano kaya binayad niya para dito at halos buong floor pa sakop?

Si Ian yung sa tapat ko, tapos si Maryl nasa tabi ko. Si Axis siyempre nakatayo.

Napatingin sa akin si Axis nang masama. "Alam mo Lawreign, pare-parehas na tayong gutom, pero may report si Ian."

"Weh si Ian lang ba?" tinignan ko nang nakakaloko si Axis at nag cross arms.

"I'll just discuss a few things." sabi ni Ian at nagclear siya ng throat.

"Nakikiimpersonate ka na rin ng news anchor?" tanong ko kay Ian at nagglare lang siya sa akin.

"Since we already have our own laboratory and meeting area, the next thing we should gather are weapons equipments. Spy cameras and recorders are the first things in our list, and we should buy samples from Divisoria to be able to create our first prototype."

"How would we able to bring weapons in this building sneakily?" curious na tanong ni Maryl habang hawak hawak phone niya dahil nagtatype siya sa Notes app.

Ian glared at Maryl. "Your family owns this university."

Napatameme si Maryl. "Oo nga pala..." bulong niya sa sarili.

"Di porket nawala ka na sa bahay niyo, wala ka nang karapatan dito. You still have the control of this university and its operations." pagpaalala niya dito.

Tumango si Maryl at binaba niya phone niya. "I see what you mean. I already know how."

Binalik ni Ian ang tingin niya sa laptop niya. "Moving on, for other reports, na kay Lawreign lahat ng draft reports."

Napatingin sa akin si Axis. "Naedit mo na yung docs?"

Ngumiti ako nang nakakaloko. "Siyempre hindi pa. Busy ako eh. Busy manood ng kdrama."

"Ang attitude mo tih." sagot niya sa akin na nakapambaklang boses at nag-akimbo. "Paano natin matatapos yan today?!"

"Thank you for your compliment Ax, I appreciate it!" sagot ko with a hair flip gamit ng right hand ko. "Saka bagay sa iyo maging bakla, magbakla-baklaan ka nalang kaya?"

Natawa sina Maryl at Ian. Napaface palm naman si Axis.

"Expected ko sa Thursday tapos na ang draft ha?" pagutos ni Axis gamit ng real voice niya.

"Ay di ko masisiguro yan girl." sagot ko sa kanya.

"Hayop ka." sagot niya na may masamang titig sa akin.

"Aren't we all?" tanong ko. "May dalawang science geniuses tayo to prove my point!" sabay turo ko kay Ian at Maryl na busy sa kani-kanilang gadgets.

Napabuntong hininga si Axis. "The meeting is adjourned!"

"Yes makakapaglunch na rin!" tuwang sagot ko with a victory pose.

Natawa si Ian habang nagtatype sa laptop niya. "Axis is hungry so he doesn't have the strength to establish a debate with you."

"Hina naman. Paano pag walang break sa korte?" sagot ko.

Napatingin si Axis sa akin nang masama. "I'll take my revenge."

Ngumiti ako ulit nang nakakaloko. "Prove it."

-----

Thursday, 1000H

Second day ko na sa main laboratory namin sa Alexandra University Research Centre ngayon, and feeling ko first day na kumpleto kami

Kakatapos lang ng klase namin at nagsimula na akong maglakad nang mabilis papunta sa AXU Research Centre. Malayo kasi ang College of International Tourism and Hospitality Management papunta sa bandang College of Science, Technology, Engineering and Mathematics.

Mahabang habang lakaran, instant hiking. Walang patawad si Axis eh, sinakto pang sa araw na kailangan nakacoat, white blouse na may epaulette, at tight skirt ako. Black yung coat at skirt saka medyo makapal rin kaysa sa overall college uniform namin. Green hunting stock tie pa ang necktie ko kaya mainit. Feel ko na ang pagiging cabin crew sa barko sa uniform na 'to. Nakahigh heels din ako ng Louboutin, na napilitan lang isuot para worth it ang presyo kasi nagagamit. Pasalamat siya sling bag ako ngayon; laptop, school and cosmetic supplies lang dala ko.

Pagkadating ko ng AXU Research Centre, hinarang ako ni kuya guard. "Ms. Midford, CITHM student po kayo, bawal po kayo dito during class hours."

Nginitian ko lang siya at pinakita yung AXU-RC ID ko na nasa likod ng university ID ko.

"Ay sorry ma'am." at hinayaan na niya akong itap ang ID ko.

Pwedeng kumuha upon request para sa AXU-RC ID, pag CSTEM student ka. Secret na kung paano ako nakakuha ng AXU-RC ID. Yung kay Axis naman, alam kong binayaran niya.

Agad akong pumasok ng elevator at amoy na amoy ko yung disinfectant ng mga kasama kong naka lab gown. Meron namang nakasabay ko na hindi, na hula ko na mga taga Physics dept. Lumabas ako ng 10 floor at agad na inunlock ang ngayong tinatawag ko na 'Restricted Area'. Good work Carlo and your sticker technique!

Pagkapasok ko, lahat sila nasa conference room, at magkakatabi ang tatlong engineers sa right side. Si Ian sa una, si Maryl sa gitna, si Carlo sa huli.

Napansin ko rin na nakalab gown na yung tatlo at parehas na nakamain college uniform. Aba. Sabagay, si Maryl lang naman ang magpapalit ng uniform since may dalawa pa siyang medtech uniform.

Pansin ko rin na parehas silang tatlo na may kaharap na laptop.

"Good morning bitches! Anong balak natin ngayon?" bati ko with my arms spread para grand entrance.

Napatingin si Axis sa akin ng masama.

Tumingin ako sa tatlo at nagtanong kahit alam ko naman ang sagot. "Ba't pala kayo naka-laboratory gown eh wala pa naman kayong tinatrabahong chemical o biological hazard?"

"For aesthetic purposes, said Axis." sagot ni Carlo.

"Ba't siya, hindi naman nakalab gown?" Nagcross arms ako sabay tingin kay Axis.

"Mukha ba akong engineer sa iyo ha?" tanong ni Axis

"Oo." Sagot ko. "Engineer Austin Xil Salvatierra."

"Please Lawreign, wag mong sisimulan 'tong meeting na puro asar mo." pagmakaawa niya.

Ngumiti ako. "Okay." at naupo sa harap ni Ian. Binuksan ko laptop ko at sinaksak ko ang earphones.

-----

Maryl

I don't know what's the essence of this Thursday meeting. All that was tackled ay natackle din noong Monday, maybe except the fact that a secret app will be made. I was typing out notes on my laptop for further and future reference.

"Thank you Carlo for sharing your mobile app plan." Axis looked at serious and focused Reign. "Himala si Lawreign ang tahimik ah! Naedit mo na yung docs?"

She didn't answer.

"Lawreign Ellison, hello?"

No, no Ax. Don't you dare.

He didn't hear my thoughts, he looked at what she's doing. He took off one of the earpiece from her left ear.

Everything went slow motion.

"HOY LAWREIGN ELLISON NA-EDIT MO NA BA YUNG DOCUMENT?" he shouted on her left ear.

Oh he's fucked.

The others stopped on what they're currently doing because of the shout. Reign stood up, grabbed Axis' uniform on his waist and Batista Bomb-ed him.

That wasn't a light Batista Bomb but I know his back wasn't ready for that.

The two stood up and froze in shock. They didn't expect such thing would happen.

"NAGLALARO AKO DITO EH. SAYANG SS KO. KAILANGAN SUMIGAW?!" Reign shouted angrily at the weak Axis. Gladly the conference hall's floor is covered in carpet, or his spinal column would possibly break. I stood up as well to see what happened to Ax.

"S-sorry R-reign..." he apologized in fear and stood up slowly.

"Di naman namimilipit sa sakit? Dalhin ka namin sa hospital?" Adriano worrily asked Axis.

Axis nodded and looks lightheaded. "I-i'm f-fine..."

Reign sat down and looked at her laptop. "Pasalamat ka mahina pa yun."

I looked at Axis "When it comes to your decisions kay Reign, look at my body language." and I grinned.

"Kung alam ko lang..." he weakly replied.

-----

Reign

Alas dose na ng madaling araw at inaayos ko pa rin yung strategic plan ni Axis. Kung gumawa kasi eh di muna inisip, inuna siguro ang landi.

Kapal pa ng mukha niyang sigawan ako kanina. Pasalamat siya medyo good mood pa ako kanina.

Nagscroscroll ako ng mga bagay bagay na dapat baguhin dito sa docs, sumakit lang ulo ko.

Gawa ng spy cam, tapos ilagay sa bawat kwarto ng mga headquarters pati sa cr... gawa rin ng robot na pwede magpanggap na kami... gawa rin ng perfect frame-up para magreveal ang bawat pamilya on their own... Lahat ng kalokohan ng bawat isa sa amin...

Pati sa title parang may mali rin.

Tangina Axis, ano to?! Kung bawat isa pala sa amin edi kasama na rin siya? Hindi ko alam kung nasaan sa dalawang ulo niya ang utak niya eh.

"Operation: SEIRA... anong pwede sa Operation: SEIRA?" bulong ko sa sarili ko at napatunganga.

Pagkatapos ng mga limang minuto na nakatunganga sa harap ng laptop ko, kung paano maayos itong magulong plano ni Axis, sinilip ko muna ang mini fridge ko na nasa ibabaw ng study drawer ko.

Wala nang snacks at drinks. Nakalimutan ko pala maggrocery para sa pagkain ko.

Bumaba muna ako papuntang kusina saglit para kumuha nang maiinom at midnight snack na pwedeng dalhin sa kwarto ko.

Pagkadaan ko sa dining area namin, nagulat ako na may nakaupo. Noong sinilip ko kung sino, yung kuya kong hayop. Nakapangalis pa siya; simpleng polo, jeans at rubber shoes ang suot, at nangangamoy alak. Meron din sa harapan niya isang box ng JCo na di ko alam para kanino.

"Hiiii sa kapatiiiid kong magandaaa, Lawreiiign!" bati niya sa akin sa tono niyang lasing at gumegewang gewang na kahit nakaupo.

Sinasabihan lang ako nitong maganda nito pag lasing eh.

"Saan ka naman galing?" tanong ko sa kanya.

"Bachelooors paaartyyy. Nag-nagkasayahan lang. Nagkasayahan lang baaa." sagot niya sa akin with hand gestures na di ko alam kung anong sense.

"Ayyy oo nga palaaa, may JCo dyan para sa iyooo. Isang booox yan para sa iyooo." sabay turo sa box na nasa harap niya kasi medyo malayo ang proximity mula sa kinauupuan niya.

"Kaya mo tumayo? Gusto mo iakyat kita?" tanong ko sa kanya.

"Kayaaa kooo, diii mooo na kailanganggg iassisst akooo." sagot niya sa akin. Tumayo siya at napansin kong nagpagewang gewang na pati pagtayo.

"Hays. Iakyat na nga kita." pagbuntong hininga ko saka nilagay ko braso niya sa balikat ko, walking assist ang tawag dito sa first-aid.

Dahan dahan ko siyang inakyat kahit inabot ako ng mga 20 minutes kasi malalu-layo ang dining hall mula sa hagdan papunta sa second floor, tapos mga tatlong metro pa mula hagdan papunta sa kwarto niya. Malawak kasi tong mansion eh.

Pagkarating namin sa kwarto niya, hiniga ko siya sa kama niya at kinuha ko ang pajama niya mula sa cabinet niya.

"Bihisan pa ba kita?" tanong ko habang hawak ang mga damit niya.

Di siya sumagot.

Sinilip ko kung ano na nangyari sa kanya... nakatulog na. Knock-out na knock-out.

Inilapag ko yung damit niya sa higaan niya at kinuha yung phone ko na nasa bulsa ng pajama ko. Buti nalang at dinala ko 'to.

"Hello Reign my dear! Is there something wrong?" alalang tanong niya kahit halata sa boses na inaantok pa siya.

"Ateee!" mahinang bati ko sa kanya. "Si kuya lasing, di ko rin magising para magbihis. K.O. na eh."

Narinig kong nagbuntong hininga siya sa phone. "I told Ryze na wag siyang uminom nang marami. I'll grab my keys at pupunta na dyan agad."

"Okay po ate." sagot ko. "I'll tell the guards na pupunta po kayo ngayon."

"Thank you Reign. See you!" at binaba niya yung call.

Pinuntahan ko agad yung guard para sabihan na may dadating na bisita sa ganitong oras. Nagabang ako sa mismong entrance ng mansion namin at naupo sa may hagdan. After ng mga 10 minutes, pinatuloy nila yung naka gray Mercedes Benz at pinapark nila sa isa sa mga reserved parking lots namin. Dali dali siyang lumapit sa may entrance na nakasuot ng purple silk pajama, may black backpack na karga sa likod, at may dalang dalawang iced cappucino na galing Starbucks.

Hays Ate Florence. Hindi ka pa rin nagbabago hanggang ngayon. Lagi ka pa ring nagdadala ng Starbucks.

"Nasa kwarto na ba si Kuya Ryze mo?" tanong ni ate pagkaapproach niya sa akin.

"Opo ate." at agad kaming pumunta sa kwarto ni kuya.

Nilapag niya yung Starbucks sa side table ni kuya at binaba yung bag niya sa gilid ng side table. Hinaplos haplos yung forehead ni kuya na nagpapawis. "Mukhang naparami to ah..." at kinuha niya yung mga damit ni kuya na nilapag ko sa higaan niya at tumingin siya sa akin. "Eto yung ipapampalit niya ngayon, di ba?"

Tumango ako.

She smiled. "Sige Reign, ako na bahala kay Ryze. Tatabihan ko siya ngayon."

Tumayo siya at kumuha ng isang frappe at straw. Binigay niya yun sa akin. "I know you're busy with school works. Here's something to energize you."

Kinuha ko syempre. Hindi ako makahindi pagdating sa kanya eh. "Grabe ate, nagabala ka pa."

Ngumiti siya ulit. "It's nothing. Parang kapatid na rin kita at ayokong napapabayaan mo priorities mo. Study well Reign." at kinurot niya pisngi ko.

Ayoko talaga ng kinukurot ako sa pisngi, except kay Ate Florence siyempre.

Lumabas na ako at sumilip sa may pintuan. "Thank you ate!" pabulong na sigaw ko at sinara ang pintuan.

Ate Floreeence! Kung pwede lang talaga maging ate kita sa totoong buhay eh huhu. Swerte ni Ian at may ate siyang anghel!

Bumaba ulit ako para kunin yung JCo na binili ni kuya at inakyat papunta sa kwarto ko. Ang ending, di man ako nakadaan sa kusina, may pagkain naman ako.

Pero napaisip ako, si Ate Florence kasi kusang bigay at pure intentions. Si kuya naman kasi, bumibili ng ganito halatang may favor. Ano kaya iuutos nito bukas?

Bahala na. Kakainin ko nalang 'to habang ginagawa yung magulong plano ni Axis.

Pagkaakyat ko, binuksan ko yung box ng JCo. Malinis linis pa yung itaas ng box.

Dito na ako nagtaka, lasing ba talaga kuya ko?

-----

Humikab ako konti at nagstretch ng katawan. Lumingon ako sa orasan ko na nasa side table ko.

Alas tres na ako nakatulog pero nagising ako alas otso? Himala.

Usually kasi hapon na ako nagigising kung late na ako matulog.

Tinapos ko yung docs dahil ayoko nang makulit ni Axis dahil dun. Gumawa na rin ako ng copy na isesend ko kay Maryl. Nasa mini fridge yung mga natirang tatlong donut at naubos ko yung frappe. Mabilis naman metabolism ko, madali kong mabawi yung kinain ko.

Naligo na ako at nagbihis. Oversized pink shirt, denim pants at black sneakers lang naman suot ko, Divisoria lang naman punta namin eh. Di na rin ako nagdala ng bag; phone at maliit na wallet lang dadalhin ko. Kasya naman sa bulsa ko eh.

Pagkababa ko, nakita ko sila dad, mom, kuya at Ate Florence na seryosong naguusap sa dining hall. Lahat sila nakaayos at casual ang suot.

Noong lumapit ako konti...

"I'm so happy you are already engaged, I knew you were the right lady for my only son. So, kailan ang kasal?" tanong ni mom kina kuya at ate.

Kasal?! Walang binabanggit si Ate Florence kanina madaling araw ah!

Napatulala akong tingin sa kanila in shock. Tinignan ko parents ko, si kuya, at si Ate Florence na may suot na 8 carat diamond ring.

Ohhh goood! Sa loob-looban ko di na ako mapakali! Ang saya ko para sa kanila, siyempre mas masaya ako kasi magiging sister-in-law ko si Ate Florence! Gusto ko sumigaw sa tuwaaa.

So bale... sibling-in-law ko si Adriano? Like, if I'm using a right term though? Or walang tawag dun kasi non-existent sa English yun?

Ah basta, masaya ako para sa kanila!

"Kasal?!" gulat na tanong ko at napatingin silang lahat sa akin.

"Reign gising ka na pala!" bati sa akin ni kuya. "Thank you nga pala!"

"A-anong ginawa ko?" tanong ko sa kanya confusingly.

"Sinadya kong magpakalasing para tawagan mo si Ate Florence mo. Kakunstaba ko rin ang mga maids at butlers para ikaw magbuhat sa akin at magtawag sa kanya. Inorder ko sa Grab ang JCo at ang maid ang nagreceive at naglagay sa dining table. Ang smooth ng plano ko no?" pagamin niya lahat.

Napatingin ako nang masama sa kanya. "Sabi ko na at may ipapagawa ka eh. May JCo kang dala na."

"At least may JCo." sagot niya.

So hindi niya nga ako uutusan ngayon, at lowkey utos na yung kanina although di naman directly nangutos? Magaling rin tong kuya ko no? Tsk.

Alam niya kasi na mahina ako pagdating sa pagkain aaaaaa.

Natawa nalang mga magulang ko sa kalokohan niya. Ngayon alam niyo na kung kanino ako nagmana?

"I didn't expect the proposal when I woke up. I think it's lowkey creative. Besides, I don't want a fancy proposal in the first place." puri ni Ate Florence.

Ghad. Kilalang kilala na talaga ni kuya ang Ate Florence ko. Di na niya talaga papakawalan! I ship them so hard talaga.

Hindi ako gaanong naiinis na inuto ako ni kuya ngayon, at least engaged na silaaa!

Lumapit ako kay Ate Florence at nagbackhug sa kanya. "Ate I'm happy. Sister-in-law na kita! Makikita at makakasama na kita araw-araw!" ramdam kong may nagform na smile sa mukha ko sa sobrang tuwa.

She giggled and nagtap siya sa braso ko. "Hay Reign. I'm happy and blessed to have you as my sister-in-law as well."

_____

Beyond the Spectrum | Wave 6: Surprise • © mxylms