NAGISING SI NIGHT sa loob ng madilim at malamig na kweba.
Bakit siya nandito? Nasaan si Lexine? Inangat niya ang kamay at nagimbal nang makitang duguan ang mga ito. What the hell happened?
Mabilis siyang tumayo at naglakad sa kadiliman. Nasa dead end siya at kailangan niyang hanapin ang daan palabas, higit na matagpuan si Lexine.
"Lexine!!"
"Lexine… exine…xine… ine..."
"Where are you?!"
"You... ou... o... u..."
Nag-echo lang ang mga tawag niya. Pinagmasdan ni Night ang sarili, wala siyang ibang suot maliban sa itim na sweat pants na pinangtulog niya. Natagpuan niya ang isang light torch sa gilid. Kinuha niya ito at nagsimulang baybayin ang madilim na daan. Dahan-dahan ang hakbang niya habang patuloy na sinisigaw ang pangalan ni Lexine.
"Lexine!!!"
"Lexine… exine…xine… ine... "
Mas kumabog ang dibdib niya sa kaba. Hindi maganda ang kanyang pakiramdam. Mas binilisan ni Night ang pagtakbo habang hinahanap si Lexine sa loob ng nakakalitong kweba.
Hanggang sa tinamaan ng liwanag mula sa torch ang dulo nang tinatahak niyang daan. Natanaw ni Night ang namumuting binti at paa. May taong nakahiga sa lupa pero ang kalahati ng katawan nito ay hindi nakikita dahil corner na iyon. Biglang sumikip ang dibdib ni Night at dahan-dahang lumapit.
Walang maririnig sa paligid kundi ang mabigat niyang paghinga habang tumatagaktak ang kanyang pawis. Hanggang sa naabot niya ang corner at tuluyang tinamaan ng ilaw ang katawan.
Nanlaki ang mata ni Night at agad nabitawan ang hawak. Tumama sa lupa ang light torch at nanatiling tinatamaan ng liwanag ang lahat sa kanyang harapan kaya malinaw sa mata niya. Nanginginig sa panlalamig ang buo katawan ni Night pakiramdam niya sumabog ang buong mundo sa kanyang harapanan.
"L-le… x-xine…"
Nakahiga si Lexine sa sahig, naliligo sa dugo at nakaturok sa dibdib nito ang isang mahabang patalim.
Si Gula, ang kanyang espada.
Nanghihinang lumuhod si Night sa lupa at hindi makapaniwala. Muli niyang tinignan ang sariling mga kamay na duguan. Labis na nanginginig ang mga ito kasabay ng kanyang labi. Bumalik ang mata niya sa sariling espada na kumitil sa buhay ni Lexine.
"No… no… no…." panay ang pag-iling ni Night. Pilit na tinatangi ang nakikita.
Hindi… Hindi…. Hindi niya pinatay si Lexine, hindi niya magagawa 'yon. Hindi…. Hindi…
Umiiyak na sinabunutan ni Night ang sarili at sumigaw nang buong lakas.
"Hindeeeeee!!!!"
Napasinghap nang malakas si Night sabay bumangon mula sa pagkakahiga. Tila umahon siya sa malalim na tubig habang hinahabol ang hininga.
"Night?"
Napatalon siya takot nang may humawak sa kanyang balikat.
"N-night? Okay ka lang?" nababahalang tanong ni Lexine.
Unti-unting kumalma ang puso ni Night. Panaginip lang ang lahat.
Mabilis niyang hinagkan si Lexine at kinulong sa mga bisig nang sobrang higpit. Takot na takot siya. Fuck, it kills him. Sinubsob niya ang mukha sa leeg nito.
Naguguluhan man ay magaan na hinaplos ni Lexine ang buhok ni Night at hinayaan itong yakapin siya.
"Nanaginip ka lang… it's okay, I'm here."
Mas siniksik ni Night ang mukha dito at mas hinigpitan ang pagkakayakap kay Lexine na tila ba ayaw na niya itong pakawalan pa.
Ilang segundo silang ganoon bago unti-unting bumitaw si Night.
Nag-aalalang pinunasan ni Lexine ang pawisan nitong mukha, namumutla si Night at tila masama ang panaginip nito.
"Ikukuha kita ng tubig," aniya.
Tumungo si Night habang nanatiling tahimik. Hinalikan ni Lexine ang nobyo sa pisngi at tumayo saka lumapit sa lamesa sa kabilang panig ng silid. Kumuha ng baso at nagsalin ng tubig. Agad niya itong inabot kay Night at umupo sa harap nito.
"Ano ba'ng napaginipan mo?"
Inubos ni Night ang tubig at pinanghilamos ang dalawang palad sa mukha. He can't say it. He's too scared.
"N-nothing. It doesn't matter, it's nothing."
Hindi na pinilit ni Lexine si Night, imbis ay hinagkan niya ulit nito. Labis na nababahala si Night dahil pakiramdam niya totoo ang mga nangyari. Kahit pa gising na siya tila nagmarka ang matinding takot sa kanyang dibdib.
Bakit ganoon ang panaginip niya? Hindi maganda ang pakiramdam niya sa bangungot na 'yon. Bakit tila isa itong pangitain?
"Would Lexine still loves you once you reveal the true monster hiding beneath you Night?"
Muling umikot ang mga salita ni Santi sa kanyang isipan. Mas humigpit ang pagkakapulupot ng mga braso niya kay Lexine.
No, hindi niya magagawang saktan si Lexine. Never.
He will never… ever… hurt her.
**
"MAMAYA after school, diretso na tayo sa Black Phantom. Susunduin naman tayo ni Night diba? I told mom to meet us there, then we can start the ritual, " sabi ni Miyu habang naglalakad sila sa hallway patungong next class.
Walang sagot na narinig si Miyu at pagtingin niya sa katabi ay tulala lang si Lexine. Napakunot ang kanyang noo.
"Lexine!" She snapped back and looked at her. Nagulat pa ito.
"Are you okay? Kanina ka pa lutang."
Napabuntonghininga ng mabigat si Lexine at tuluyang bumagsak ang balikat, "Si Night kasi… parang… feeling ko may tinatago siya sa akin. He's not himself this past few days."
Napakunot ang noo ni Miyu, "Tingin mo may iba si Night?"
Nanlaki nang husto ang mga mata ni Lexine sa narinig. Hindi niya naisip ang bagay na 'yon dahil malaki ang tiwala niya sa nobyo.
"H-hindi naman siguro," tangi niya pero may karayom na mabilis na tumusok sa dibdib niya sa sinabi ni Miyu, "Hindi na nga kami naghihiwalay eh."
Ngumuso si Miyu, "Hmp, bakit nasaan ba siya kapag nasa school ka at nasa work? Diba kasama ang maharot niyang kaibigan na si Elijah at tumatambay sa Black Phantom?"
Napaisip nang husto si Lexine. Oo nga naman, lalo na kapag nasa shift siya hindi niya hawak ang cellphone at sa breaktime niya lang nakakausap si Night. Alam niya rin na napakaraming babae ang lumalapit sa nobyo. Nakapila pa nga ang mga ito gabi-gabi.
"Ano ba napapansin mo?" tanong ni Miyu.
Nag-isip si Lexine, "Well… minsan nahuli ko siyang may kausap sa phone. Mahina ang boses at bumubulong. Nang nakita niya akong dumating agad niyang pinatay."
Nanlaki ang mata ni Miyu, "Confirmed! May tinatago!"
Nanlaki din ang mata ni Lexine, nanlamig ang buong katawan niya, "Minsan… pag kinakausap ko siya, parang malayo ang isip niya."
Napasinghap nang malakas si Miyu, "May iba nang iniisip na babae!"
Lalong namutla si Lexine, "Tapos… kanina sa kotse noong nagpa-gas kami at nag-yosi si Night, sinubukan kong tignan 'yong phone niya pero nahuli niya ako at bigla niyang kinuha, nagalit pa nga siya sa akin."
Pumalakpak si Miyu. Napatalon si Lexine sa gulat.
Umuusok na ang ilong ni Miyu sa galit, "Lexine, may babae siya! He's cheating on you!"
Napanganga nang malaki si Lexine at mabilis na namuo ang luha sa mga mata. Tila may kamay na pumipilit sa kanyang dibdib.
"Naku, ang mga lalaki talaga. Once a playboy always a playboy!" naiiling at pumapalatak sa sabi ni Miyu.
Napalunok nang madiin si Lexine. Ayaw man niyang pag-isipan nang masama si Night pero may mali talaga sa kinikilos nito. Totoo ba ang hinala ni Miyu o napa-praning lang siya? Pero bakit iba ang kutob niya?
"May babae si Night?" hindi makapaniwalang bulong ni Lexine sa sarili.