Chereads / Domino Thirteen [COMPLETED] / Chapter 3 - 13th Mark

Chapter 3 - 13th Mark

Si Domino ay nakaupo lang doon sa may bar habang walang sawa sa paglagok ng tequila. Makikita mo naman si Titus na nandoon at nakikipaglandian sa dance floor.

Ang childish duo naman ay habang buhay na atang mag-aaway. Si Pierce naman ay umiinom lang din kasabay ni Domino pero di sila nagpapansinan inom lang talaga. Si Hawk naman ay nakikipag bunong braso. Si Wrath naman ay nakaupo sa sofa may hawak na inumin at nakatitig nang mariin kay Domino.

Si Domino ay mahahalata mong malaki talaga ang galit sa mundo dahil sa lalim nang tingin nito at mabilisang pagtungga sa inumin, mismong bote na. Sanay na siya sa init na daloy ng alak sa lalumanan niya.

Naka-cap lang ngayon si Domino dahil naiwan niya ang mask niya.

Yun ang akala niya.

Tumayo si Wrath at lumapit kay Domino.

Naramdaman naman agad ni Domino ang presensya nito kahit pa nakaka-anim na bote na siya.

Lumapit ang binata sa dalaga at ramdam nitong may inabot sa kanya. Tiningnan ni Domino si Wrath sa mata pero usual itong nakakaakit at parang binubuksan ang kaluluwa niya the way na tingnan siya nito. Ngumiti siya kay Wrath.

Tumango si Domino at dumiretso sa tagong lugar at sinuot na ang mask na inabot ni Wrath. Di kase siya makakagalaw ng maayos dahil maaring may makakilala sa kanya at wala siyang balak na may makakila sa tunay niyang pagkatao.

Nagbulong-bulungan ang mga taong nakakita kay Domino Thirteen. Nagulat dahil ngayon nalang ulit nagpakita ito after almost a year. She was very well known sa city. Rather as a Ruler of Death, as how they call people who give them justice.

Well they have their ways. At sa panahon ngayon, justice still has the same meaning as how the old era's define it, but now it differs in a way how people in this year, give justice and execute justice.

Nagkaiba na sila sa paraan sa kung paano maibigay ang hustisya.

Pabalik na sana siya sa pwesto niya nang may babaeng kumalabit sa kanya.

'Underling ni Scarface'

She knew it by one look.

"Domino Thirteen, ahm, pinatataw-wag po kayo ni Scarface."

Halata mo ang takot nito sa bumuo ng isa sa malakas na gang sa city.

Tango lang ang naging sagot ni Domino. She studied the place that was her home for years. Namiss niya rin ang city. This was her playground. Dito siya pumupunta para kumalma. Makalimot sa lahat nang pasakit ng mundo.

Nakarating na sila kung nasaan si Scarface ang leader ng Thorns ang pumapangalawa sa kanila. Nakahawak na ang underling ni Scarface sa doorknob ng pinto nang pigilan siya ni Domino, nagulat ang babae syempre.

"If you really want to be great. Learn to act like one. Wag kang lalampa-lampa."

At saka niya ito sinipa sa tyan.

She hated to see weak people. It reminded her of her childhood. She was weak before and she wanted them to be strong. Kailangan nilang magising.

Napaupo ang babaeng masama ang tingin sa kanya pero nginisihan lang sya ni Domino.

"You'll thank me for that someday."

Binuksan na niya ang pinto at pagpasok niya bigla niya nalang naramdaman na may papalapit sa kanya kaya kinabig niya ang ulo niya pakaliwa sa mabilisan at smooth na paraan nang may dumaang dagger sa gilid niya.

Tapos narinig niya nalang na may sumigaw na babae, yun pala yung underling ni Scarface. Pagtingin niya sa babae nasaksak siya nung kunai na iniwasan niya.

"Oh looks like the Domino Thirteen is still alive and kicking. Literally I mean."

Sabi ng isang lalaki na nakaupo na parang hari sa upuan niya in a mocking tone.

'Tsktsk may balak pa ata siyang sugatan ako. Humanda ka, ako naman' sabi nito sa isip.

Lumapit siya sa wala nang malay na underling at hinigit ang dagger sa braso. Napatingin siya sa lalaking may malaking balat sa mukha na ang kalahating bahagi ay natatakpan ng mask nito. Nakatingin at nakangisi sa kanya ang lalaki.

Domino

Nagsmirk ako sa kanya at binato sya ng dagger ko. Iniwasaan nya pero tumusok pa rin ito sa braso nya, nakalimutan nya ata na matalino ako at di ako gaganti na walang laban. May nakainstall kasi na device do'n na connected sa utak ko. Kaya kung saan ko gusto tumusok yung dagger na may device doob yun pupunta.

Umaray siya sa sakit, Malalim ang pagkakatusok eh. Tumawa naman ako nang nakakaloko.

"Buti nga sayo ganda mo kasi bumati eh." Bulong ko pero di na niya ininda yung sugat at basta nalang pinunit yung telang napulot niya. Galing! Saan nanggaling yun?

Binalewala ko nalang at lumapit sa kung saan siya nakaupo na parang hari. Hinawakan ang kwelyo niya at tinayo siya. Nakipagtitigan pa ako sa kanya bago siya itulak paalis at umupo na parang reyna sa trono niya.

"Ba't mo ako pinatawag sa isa pa sa mga napakahina mong underling ha? Alam mo namang sinusuka ko ang mga mahihina eh. Ano balat?" Tanong ko habang nagpaikot-ikot sa upuan niya.

Nakita ko naman ang pagkairita sa sunog niyang mukha. Hindi siya maitim in fact mas maputi siya kaysa sa akin may balat lang talaga dahil sa sunog noon. Ang alam ko kagagawan ng mga emperors ang dahilan kung bakit siya nasunog.

"Set new rules. Domino."

Maiksing sabi ni balat ni hindi manlang sinagot ang tanong ko. Eto ang ayaw ko, binabalewala ako.

"Who do you think you are to command me?" Inis na sabi ko pero ipaparamdam ko parin ang awtoridad ko. Ang ayaw ko sa lahat ay yung inuutusan ako ng mas mababa sa akin.

"Ako? ako lang naman dapat ang nangunguna at hindi ikaw. Ako dapat dyan sa posisyon mo!" Sigaw ni balat sa akin. Ang OA niya ang drama pa. Alisin niya na lang balat niya pwede na maging artista.

"Edi kunin mo sa akin. Di naman ako nandito ngayon sa posisyon'g 'to kung hindi talaga ako magaling diba? Use your brain diot, talunin mo muna ako bago ka mag-artista sobra na yang pag-iinarte mo." Ngingisi-ngisi kong sabi.

Hinawakan ko ang kamay niya nang madiin at ibinagsak yun nang malakas at tumalikod na ako.

Lumakad na ako patungo sa pinto nang magsalita si balat.

"Hey Domino Thirteen! I know something about you and I really know who you are--" Hindi ko na siya pinatapos at mabilisan akong lumapit sa kanya, sinuntok nang malakas at doon kinuha ko yung knife na pang ukit ko at ginuhitan siya ng isang malalim na number 13 sa noo.

Yan ang tatak ni Domino Thirteen. Itinatatak ko ang number 13 sa noo o mukha basta bahagi ng katawan ng mga taong hindi marunong rumespeto.

It is too mark them that they should respect me and they belong under my power once they've got the 13th mark. I am one of the Rulers of Death. We hold lives. We balance peace and evil. We are the once who give life and death. We are the justice in our city.

"Wala kang alam tungkol sa akin sa sikreto ko at sa kung sino man ako, kuha mo?"

Pinilit kong itatak niya sa utak niya. Dumudugo yung 13th mark niya and he looks so much in pain.

"Do you think you can run away even if you say bullshit? Tandaan mo to, You can never run away from yourself. You just have to face it and eventually embrace it."

Sinuntok ko nalang siya nang matahimik. Nakatulog ito.

Gigil na gigil ako sa pagmumukha nitong gagong to. Wala siyang karapatan hindi niya alam. Wala siyang alam. He just know my identity behind the mask. But not the story behind the identity.

Halos mabasag naman ang mga ngipin ko sa pagngangalit nito. Pasalamat siya at mas gusto ko ang nachachallenge at may trill kundi kanina ko pa siya napatay.

Hindi ko pa rin mapigilan ang bilis nang paghinga at pagakyat baba ng dibdib ko sa pangyayari. Pinupuno niya ako. Memories of my childhood began flashing in my mind. Yeah, damn it!

Mukhang makakalabing limang bote ata ako ah.

Pero malaki siyang tanga dahil inilibing niya nang buhay ang sarili niya. Huli ko pang tiningnan ang tulog niyang estado na may markang trese sa noo na walang tigil sa pag-agos ng dugo.

Hindi pa ngayon. Hintayin ko na lang na maibigay sa akin ang Death List. Ang papel kung saan nakasulat ang mga papatayin ko, namin, ng Rulers of Death.

At sisiguraduhin kong nakasulat dun ang pangalan niya. Ni Scarface.

+++++

Latest chapters

Related Books

Popular novel hashtag