Dear Asilla Marie Degoha,
Thank you for sending us your story. I would like to invite you to share your story at our show tomorrow. I would gladly appreciate if you'd come. Have a nice day.
Jose Maria Tan,
BES Producer
Hindi ko maintindihan. Actually hindi ko gets kung anong sinasabi ng email na to. Hindi naman ako nagsend ng email. Lalo na sa isang sikat na show sa Pilipinas hindi lang 'yon show to ng mga magEX! Jusko! Hindi naman ako engot para i-share ko kung paano ako nasaktan noh. Isa pa, ayokong makita si ex. At isa pa hindi ako ang nagemail!
Naglalakad ako papuntang SM dun kasi ako sasakay ng bus pa-Makati. Pinag-iisipan ko kasi talaga kung pupunta ba ako o hindi. Ang sabi ni Cassiel pumunta raw ako kasi baka raw magustuhan ako ng producer at kunin ako bilang isang host ng BES. Inisip ko rin na baka nga way ito para maging artista ako.
Nakatayo ako ngayon sa pinto. May nakalagay na Behind Ex's Story dito. Tutuloy ba ako o hindi? Anong magiging reaksyon ko kapag nakita ko ulit si ex? Magagalit ba ko? Masaya? Iiyak? Ano ba dapat? Di ko alam mangingisay ba ako pag magkaharap na kami?
"Hi." nagulat ako ng may magsalita sa likod ko. Ang ganda. Ang ganda talaga niya. Ngumiti siya.
"Isa ka ba sa guests? Tara pasok ka baka manigas ka diyan." Ipinagbukas niya ko ng pinto. Grabe ang ganda talaga ni Miss Israel! Nakakatomboy ang ganda niya. Sana pala naging tomboy nalang ako.
Pagpasok ko bumungad sakin mga cameras, sobrang daming ilaw. Halos di magkanda-ugaga mga tao, sobrang busy nila. May tumatakbo, may nag-aayos ng wires, may pagkain pa. Nakita ko si Miss Israel (yung isa sa host) ng show. Nakaupo na siya kung saan ififilm yung today's episode. May kung anong binabasa siya, siguro minememorize niya yung script for later.