Kinakabahan ako. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko na para bang gusto nang lumabas nito at sumabog. Parang nagslow motion ang galaw ng mga tao dito sa studio. May mga audiences din na nanunuod dito.
Tinitignan ko si Miss Israel habang nagsasalita kahit hindi ko naman maintindihan ang sinasabi niya.
"Miss Asilla? Naku, mukhang kinakabahan ata ang ating guest ngayon!" napuno ng tawanan ang studio. Ako lang ata ang hindi makatawa dahil sa sobrang kaba. Tama ba talaga tong pinasok ko?
"Ah. Medyo po." hiyang sagot ko sabay yuko, halos hindi ako makatingin sakanila dahil sobrang kinakabahan talaga ako. Makikita ko ba siya ngayon?
"Nakakakaba talaga lalo na kapag nandito si ex, diba Israel?" komento naman ni Tony, isa sa mga guests. Tumawa si Miss Israel.
"Oo naman! Pero bago natin ipakilala si Ex gusto nating malaman muna syempre kung kamusta na ba si Asilla. Kamusta ang buhay single?"
"Ah o-okay naman po." biglang tumahimik ang studio. Lahat ng mga mata nakatingin sa akin at nag-aabang sa susunod na sasabihin ko. Okay naman talaga ako eh. Sobrang okay na ako.
"So, gaano na katagal nung naghiwalay kayo ni ex?" tanong ni Tony.
"Um. One year? Or mahigit? Hindi ko na po masyadong matandaan eh."
"Ganyan na ganyan din ako partner nung tinanong ako kung gaano na katagal ng maghiwalay kami ni ex, sabi ko hindi ko matandaan when in fact alam na alam ko kung anong araw, anong buwan at anong oras kami nagbreak." sagot naman ni Miss Israel.
"Parang ano eh, nung tinanong ako medyo masakit pa saakin. May kirot pa kaya baka hindi pa nakakamove-on si Asilla." dagdag pa nito.
Hindi ako naka-imik. Ito tagala yun eh. Ito talaga yung tanong na kinatatakutan kong marinig. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Parang nalunok ko ata ang dila ko na hindi na ko makahinga.
Umubo si Tony. "Ano ka ba partner! Mamaya na yung mga ganyang mga tanungan. Masyado mong pinapakabas si Asilla eh. Tubig nga, baka natuyuan na si Asilla. Water, please." binigyan naman ako ng tubig ng staff. Napaubo ako sa komento ni Miss Israel.
"Feeling ko nga natuyuan na siya partner. Naku, kailangan ng madiligan mga BES!" napuno na naman ng hiyawan at tawanan sa studio. Hindi ko maitago ang pamumula ng mukha ko.
"Pero excited na talaga akong malaman kung bakit lalaki sa kanto ang title ng kwento natin ngayon. Mga kaBES kapit lang dahil malalaman na natin sa ilang sandali ang kwento ng 'lalaki sa kanto' huwag yang palampasin dito sa Behind Ex's Story!"