(Graciella's PoV)
Napabuga ako ng malakas na paghinga nang maramdaman kong nakaalis na ang tinataguan naming killer.
Mula sa maliit na paliko sa tabi ng elevator ay lumabas ako.
"Diba tito mo 'yun?" sambit ni Echo, ang kasama kong naka-saksi sa pangyayari.
Hindi ako umimik.
"So isa pa lang killer ang tito mo?" Muli niyang tanong.
Tinignan ko siya ng masama.
"Pinapamukha?" sambit ko saka ko siya inirapan.
Kahit kailan talaga hindi niya alam i-preno ang bibig niya. Hindi niya iniisip kung makaka-offend siya o hindi. Kahit tama pa siya, sana naman hindi ganoon ang pagkakasabi niya diba? Kalalaking tao, masyadong prangka.
No doubt, hindi ko talaga 'yan maka-sundo. Lalo nung mahuli ko siyang nangangalkal sa locker ko at imbes na magsorry siya nun, siya pa 'yung may ganang mapikon. Hindi siya marunong tumanggap ng pagkakamali.
Nagta-trabaho kami sa hotel bilang chambermaid/man. Parehong room ang na-assign sa 'min kaya kami magkasama. Pa-punta na dapat kami doon nang makarinig kami ng sigaw ng lalaki at tatlong magkakasunod na putok ng baril. Nang may lumabas na lalaki sa pinanggalingan ng putok, napilitan kaming magtago sa maliit na paliko sa tabi ng elevator.
Oo, tito ko 'yung nakita namin. Naka-gwantes siya at may hawak na baril.
Siya si Tito Stanley Montero, isa sa pinaka-makapangyarihang businesman sa aming siyudad. Pero hindi ko siya tito na as in kadugo. Nagkataon lang na sa kaniya nagtrabaho ang tatay ko dati bilang driver at tatay rin siya ng malapit kong kaibigan na si Red. Mabait din naman siya. Para ko na rin siyang pangalawang tatay sa sobrang bait.
"Bukas ang room," sambit ko habang naka-tingin sa direksyon nito.
"Alam ko! Hindi ako bulag," sambit niya.
Kunot-noo ko siyang hinarap.
"Pwede ba, makipag-usap ka naman nang maayos kahit ngayon lang!"
Kahit kailan talaga, hindi niya alam i-lugar 'yang ganyang ugali niya.
Hindi niya ako sinagot. Naglakad lang siya patungo sa room at agad kong sinundan.
Hinawakan niya ang doorknob at marahan niya itong itinulak upang buksan ito ngunit bigla niya akong hinarangan nang pa-pasok na ako.
"Sa tingin ko, mas mabuti kung pupunta ka sa baba para i-report sa admin ang nangyari."
"Pwede naman silang i-inform sa telepono."
"Wala tayong pwedeng galawin dito. Baka ma-obstruction of justice pa tayo. Sumunod ka na lang kaya!"
Hindi ko talaga gusto 'yang pananalita niya.
"Pa'no kung ayoko?"
Mahirap kasi talagang sumunod sa utos ng taong kinaiinisan mo.
"Akala ko ba gusto mong mag-usap tayo nang maayos?"
Hindi ako umimik.
"Alam mo Graciella, alam ko namang naiintindihan mo ang point ko kaya wala kang choice kundi sumunod!"
Tinignan ko siya nang matagal ngunit sa huli, wala akong nagawa kundi puntahan ang admin.
"Gagawin ko 'to hindi para sa 'yo kundi para sa biktima!" Pahabol ko at tuluyan akong umalis.
Nai-report ko ang nangyari at agad akong bumalik sa crime scene.
Nadatnan ko si Echo sa labas, nakasandal sa pader. Natigilan ako nang mapansin kong may dugo ang kaniyang uniporme. At mayroon siyang kausap na tatlong empleyado rin tulad namin. Gaya ng ginawa niya sa 'kin, inaawat niya rin silang pumasok. Parang ayaw pa nila nung una pero wala rin silang nagawa at umalis sila.
May mga napapadaan ding bagong check-in doon.
"Ano'ng nangyari sa'yo? Bakit may dugo na 'yang damit mo?"
"Wala 'to. Nasabihan mo na sila?"
"Oo. Tumawag na rin sila ng pulis. Kumusta 'yung biktima? Buhay pa ba?"
Napa-kibit balikat lang si Echo. Napakunot-noo ako sa reaksyon niya.
" Kahit kailan talaga ang labo mong kausap!"
"Kailangan nating masabi agad sa mga pulis kung sino ang may gawa nito!"
Napalingon ako sa kaniya. Bigla kong naramdaman ang malalakas na kabog ng aking puso. Ayoko muna sanang pag-usapan ang tungkol dito.
"Alam kong tito mo siya pero kailangan niyang magbayad sa nagawa niyang kasalanan st mangyayari lang 'yun 'pag sinabi natin ang ating mga nakita."
Hindi ko pa rin magawang magsalita. Hindi ko alam ang aking sasabihin. Gusto ko namang gawin ang tama ngunit nasasaktan ako.
Two weeks ago lang nung makulong ang tatay ko dahil sa kasalanang hindi naman niya ginawa. Tapos ngayon naman, 'yung taong itinuring ko na ring pamilya na nagpakita sa 'min ng kabutihan, kailangan ding makulong. Hindi pa ako naka-recover sa nangyari sa tatay ko pero heto na naman. May tao na namang malapit sa 'kin ang kailangang makulong at ngayon, sa pamamagitan ko naman.
Ipinatong ni Echo ang kaniyang kamay sa 'king balikat.
"Kailangan rin kasing pagbayaran ni Mr. Stanley ang nagawa niyang kasalanan!"
Kung magsalita siya, parang napaka-dali lang ang lahat.
"Kung ikaw kaya'ng nasa posisyon ko? Tignan lang natin kong kaya mo pang sabihin 'yan!
Inalis ko ang kamay niya sa balikat ko.
"Okay!" sambit niya na tila nsghahanda sa mahaba-habang diskusyon.
"Siguro akala mo, hindi kita naiintindihan."
Inirapan ko siya.
"Kahit hindi naman tayo magkasundo, naiintindihan ko pa rin namang mahirap 'to para sa 'yo."
Ngayon, sincere ang kaniyang pagkakasabi.
"Pero kahit naman kasi ulit-ulitin kong sabihin sa 'yo na masakit nga, mahirap nga, na naiintindihan kita, hindi pa rin naman nito mababago ang sitwasyon na kailangan mong isuplong ang tito mo."
Napapikit na lang ako sa realidad na tumama sa 'kin.
"Ngayon kung ayaw mong tumestigo dahil lang tito mo siya, wala akong magagawa. Pero siguro naman aware ka kung ano'ng mangyayari 'pag dineny mo ang nakita mo."
"Wala naman akong sinabing hindi ako te-testigo!"
Agad kong pinunas ang luhang malapit nang bumagsak.
Andami kong iniisip. Lalo na si Red. Siguradong masasaktan siya kapag nalaman niya ang tungkol dito. Baka magalit siya sa 'kin. Wala siyang ibang ginawa kundi ibigay ang kahit anumang pabor na kailanganin ko. Napakabuti niyang kaibigan. Pakiramdam ko, ko sasaksakin ko siya pa-harap sa gagawin ko.
"Mabuti kung ganoon dahil kailangan nating gawin ang kinikilalang tama ng batas."
Napa-yuko ako upang ikubli ang totoo kong nararamdaman.
"Graciella," Muling ipinatong ni Echo ang kaniyang kamay sa 'king balikat.
"Alam kong naiinis ka sa 'kin. Ganoon din naman ako sa 'yo!"
Hindi ko napigilang tignan siya nang masama. Pero hindi niya ito pinansin na arang hindi siya aware sa offensive word na sinambit niya.
"Marami rin akong nagawang hindi mo nagustuhan. Pero siguro, mas mabuting sa ngayon, ceasefire muna tayo. Damayan muna natin ang isa't isa. Ako man, hindi rin naman ito madali sa parte ko."
"Pa'no namang hindi naging madali eh hindi mo naman personal na kakilala si Tito---Mr. Stanley!"
"Hindi, hindi 'yan ang ibig kong sabihin."
"Eh ano'ng sinasabi mo?"
"Hindi madali sa 'kin ang kasundo ka."
Hindi ko mapigilang simangutan siya. Wala talaga siyang nasasabing maayos.
"Na-offend ka na naman ba?"
Tama ba'ng narinig ko? Sa pagkakasabi niya parang sincere siya.
"Hindi ko 'yun sinasadya. Sadyang ganoon lang talaga ako magsalita."
"Okay, pumapayag ako! Magiging ka-kampi muna natin ang isa't isa."
Siguro nga mas mabuti na rin 'to lalo't pareho kaming testigo.
Nakita ko ang bahgyang pagngiti ni Echo.
"Kayong dalawa!"
Napalingon kami sa nagsalita.
Nakita namin si Guanson, ang isa sa mga janitor ng hotel at hater ni Echo bukod sa 'kin. Hindi siya katangkaran, may pagka-chubby, at malapad ang noo. Mayabang ang dating niya.
"Pinapatawag kayo ni Ma'am Fel sa opisina niya."
Si Ma'am Fel ang manager ng hotel.
"Hoy ka rin! May pangalan ako kaya 'wag mo akong hino-hoy!" Duro ni Echo.
Napa-ngisi si Guanson na tila tuwang-tuwa sa reaksyon ni Echo.
"Urgent daw!"
"Susunod na kami!" Sambit ni Graciella upang matigil na ang tensyon.
Nagpahabol pa si Guanson ng isang nang-iinsultong sulyap kay Echo saka siya tuluyang naglakad paalis.
"Alam mo namang mas natutuwa siya 'pag naiinis ka. Pinapakita mo pa rin! Puntahan na natin si Ma'am Fel."
"Pero pa'no 'pag dumating ang mga pulis? Kailangan nating maibigay agad ang statements natin tungkol sa pumatay."
"Pero pinapatawag tayo ni Manager. Urgent daw. Pwede naman nating kausapin ang mga pulis pagkatapos."
"Oh siya, sige na nga!" Napipilitan niyang sambit.
"As if may choice ka!"
"Akala ko ba ceasefire?"
"Bakit?"
"Wala!" Sambit niya at nauna siyang naglakad.
Pagdating namin sa baba at paliko na kami, doon namin nasulyapan ang pagdating ng mga pulis.
Napa-yuko ako nang muling sumagi sa isip ko ang dapat kong gawin.