(Graciella's PoV)
Humihinga pa lang ako ng malalim para ihanda ang sarili ko sa pagharap sa manager nang buksan agad ni Echo ang pinto. Ang excited!
"Good morning, ma'am!"
Napa-sulyap ako sa orasan. Mag-a-alas onse na.
"Pinatawag niyo raw po kami?" Tanong ko.
Napatigil si Ma'am Fel sa kaniyang binabasang mga dokumento.
Napalunok ako nang tignan niya kami nang seryoso. 'Yun kasing kilay niya eh! Nakaka-confuse. Pataas kasi ang mga ito. Mukha tuloy siyang laging nagtataray though mabait naman siya kahit papa'no.
"Umupo kayo," pag-alok niya sa mga upuan sa 'ming harap.
Para tuloy kaming mga estudyante ni Echo na pinatawag ng Principal dahil sa isang violation.
Nakasalamin si Ma'am Fel at laging nakatali pataas ang kaniyang makapal at kulot na buhok. May pagka-strikto siya at metikulosa kung magsalita.
"Mukhang hindi ko na kailangang tanungin kung kayo ang unang nakakita sa biktima," seryosong tanong niya habang nakamasid sa damit ni Echo.
"B-bakit niyo po kam---"
"Pinatawag ko kayo dahil sa isang mahalagang bagay."
Napalingon ako kay Echo nang maputol ang kaniyang tanong.
"Tumawag sa 'kin kanina si Mr. Silverio."
"S-si Mr. Silverio ho?" Tanong ko.
Nakakapanibago!
"Mayroon siyang importanteng bilin sa inyo."
"S-sa amin ho?" Tanong ni Echo.
'Yan ang mas nakakapanibago.
"Hindi naman lingid sa ating kaalaman kung gaano kagaling maghanap ng scoop ang media," pagsisimula ni Manager.
Mukhang alam ko na ang patutunguhan ng usapang 'to. Siguradong tungkol sa ito sa krimen. Napayuko na lang ako. Hangga't maaari, ayokong pag-usapan ang tungkol diyan. Desidido naman akong isuplong si Mr. Stanley sa mga pulis. Ayoko lang siyang pinag-uusapan bukod sa presinto.
"Siguradong paparating na sila ngayon upang ibalita ang nangyari sa room 409."
Napa-sandal si Ma'am Fel sa kaniyang upuan.
"Sigurado ring kung mayroon man silang hahanapin o susubukang i-interview, kayo 'yun upang makakuha ng ibabalita. Hindi man nila kayo mahagilap ngayong araw na ito, siguradong susubukan kayong i-corner sa ibang araw."
"Bakit niyo po 'to sinasabi Ma'am?" tanong ni Echo.
Napa-tingin ako kay ikaw sa pagiging slow niya.
"Ayaw ni Mr. Silverio na lumala pa ang isyu na 'to para hindi tuluyang masira ang reputasyon ng hotel. Mangyayari lamang iyon kung wala nang maibalita ang media tungkol dito. Kailangan kong siguraduhin na alam niyo ang ginagawa niyo bilang empleyado ng hotel na 'to."
Napa-cross arm ang Manager habang nakatingin sa 'min.
"Sinasabi niyo po ma'am na 'wag naming paunlakan ang pag-inteview sa 'min ng media?" Muling tanong ni Echo.
Di ko na napigilang bumulong sa kaniya.
"Ang slow mo naman!" Inip kong sambit.
"Tumahimik ka nga diyan!" pabulong din niyang sagot.
"Exactly!" Sambit ni Manager.
"Naiintindihan po namin ma'am," muling sagot ni Echo.
"Mabuti na'ng nagkakaintindihan tayo. Sa katunayan, kinausap na ni Mr. Silverio ang mga pulis na 'wag na 'wag silang magdi-disclose ng kahit anong detalye sa nangyari."
"Gets po ma'am" Sagot ko kay Manager para matapos na ang pag-uusap.
"Kung naintindihan niyo ang sinabi ko at sumasang-ayon kayo sa gustong mangyari ng boss natin, pwede na kayong lumabas."
Tumango lang kami at nagpaalam.
"Ikaw!"
Natigilan ako nang bigla akong hinarap ni Echo paglabas namin ng opisina.
"Hindi ka sumusunod sa usapan!" sambit niya.
Oo, naiinis na naman siya!
Nakatingin lang ako sa kaniya.
"Tumigil na nga ako sa pang-iinis sa 'yo pero ginagawa mo pa rin. Akala ko ba ceasefire?" Inis niyang sambit.
Hindi ko rin maintindihan kung bakit kalalaking tao pero ambilis niyang mapikon sa babae.
"Sorna!"
Nag-peace sign na lang ako.
"Hindi ka na mabiro!" Dagdag.
"Kailangan na nating magreport sa mga pulis," paalala ni Echo.
Napa-buntong hininga ako. Super effort akong walain sa isip ko ang tungkol diyan para hindi masyadong mabigat sa dibdib kaya pinipilit kong pagtripan na lang siya kaso patuloy akong ginigising ng realidad.
"Handa na ako!"
'Yan na lang ang naisagot ko dahil wala rin naman akong choice.
Lumiko kami patungong elevator nang masulyapan ko ang media na papalapit sa 'min. Bigla akong napatingin sa damit ni Echo. Pagkatapos ay naalala ko ang mga sinabi ni Manager kani-kanina lang.
"Hindi ka pwedeng makita."
Saktong malapit kami sa office namin kaya doon kami napatakbo. Kapansin-pansin na walang tao rito. Sigurado andun sa taas ang mga 'yun nakiki-usi.
"Pa'no natin ngayon mapupuntahan ang mga pulis kung naunahan tayo ng media?" Pag-aalala ni Echo.
"Relax! Kahit ano'ng mangyari naman, kailangan nating masabi sa mga pulis ang alam natin. Sa ngayon, mag-isip muna tayo ng paraan."
Sinubukan kong paganahin ang isip ko.
Mayamaya pa'y napatingin ako sa damit ni Echo.
"Alam ko na!"
Napatingin sa 'kin si Echo.
"Ba't di mo subukang palitan yang damit mo para hindi ka mapansin ng mga reporter?"
Napatingin siya sa kaniyang damit.
"Oo nga 'no!" Sambit niya.
Naglakad siya patungo sa kaniyang locker na sobrang lapit lang rin sa amin.
"Meron pa yata akong spare shirt dito."
"Uhmmm, makikibalita lang ako sa sitwasyon," Paalam ko.
Hindi ako komportable na dalawa lang kami dun tapos magbibihis siya. Baka mamaya ma-tsismis pa kami. Siyempre kahit hindi maganda ang nangyari ngayon sa hotel, kailangan ko pa ring ingatan ang integridad ko. Alam mo naman ang chismis, walang pinipiling sitwasyon.
"Mukhang mas mabuti pa nga!" Sagot naman ni Echo.
Pagkalabas ko, nasulyapan kong may empleyadong lumabas mula sa elevator ngunit sa kabilang direksyon siya naglakad.
"Sandali!"
Mabilis ko siyang sinundan. Buti na lang narinig niya ako kaya napatigil siya.
"G-galing ka ba sa taas? Du'n sa 409?"
"Grabe kawawa 'yung biktima. Tatlong tama ng baril ang tinamo niya."
"Talaga?" Sambit ko na kunwari'y wala akong alam.
"Oo. Pero hindi naman daw siya namatay agad. Bukod sa bumaril, may isa pang pumasok na dahilan kung bakit natuluyan ang biktima."
"T-talaga?"
Hindi ko maiwasang mapa-isip. Tandang-tanda ko ang mga nangyari. Wala naman kaming napansin o nakitang ibang taong lumabas.
"Sinabi 'yan ng mga pulis?"
"Narinig ko."
"Eh 'yung mga reporters, marami pa ba sila dun?"
"Kanina pa nga pinapaalis eh kaso ang tigas ng ulo. Sila kasi nagpapagulo sa taas kaya umalis na rin ako."
"Ah ganoon ba? Sige salamat!"
"Sige!"
Naglakad ako pabalik sa kinaroroonan ni Echo habang napapaisip. Bakit parang iba naman na ang lumalabas sa imbestigasyon?
Mukhang kailangan na nga naming sabihin ang mga nalalaman namin para hindi sila maligaw sa imbestigasyon nila.
Nagmadali akong bumalik sa opisina namin. Binuksan ko ang pinto at nadatnan ko roon si Guanson at dalawang pulis.
Gumaan ang loob ko nang makita sila. At least di na namin kailangang magpunta sa taas para makausap sila.
"Oh andito na pala sila! Masasabi na natin ang--Echo?"
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang bigla kong masulyapan si Echo.
"E-Echo, b-bakit...bakit may hawak kang baril?"
Nasa tapat ng kaniyang locker si Echo at may hawak na baril.
Napa-iling-iling siya na tili hindi niya alam ang kaniyang sasabihin.
"W-wala 'to..m-mali 'yang iniisip niyo!"