CHAPTER 2
LUCKY'S POV
Napasalampak ako sa upuan dala ng pagod. Mahigit isang oras din akong nagpaikot ikot na parang si Sarah Geronimo sa loob campus para matapos lang lahat ng requirements na kailangang ipasa kanina. Tapos naghagdanan pa ako paakyat kanina, kaya pala wala akong kasabay kahit isang estudyante kanina may elevator pa sila. Pagdating naman sa classroom imbes paupuin ako para makapagpahinga naisali pa ako sa audition ng Pilipinas Got Talent. Maygad!
**SIGH
At biglang napatingin yung katabi ko dahil sa lalim ng buntong hiningang binitawan ko.
"Hi, I'm Lucky hehe." Pinunas ko muna ang pawisang kamay ko sa gilid ng pants bago ko iabot sa kanya.
"Andres Bolivar. Andi for short." Nahihiya at naka ngiting ganti niya.
'For short talaga dahil sa tingin ko 5'2 lang ata ang height niya eh. He he. Salbahe ka!'
"Hmmm. Mukhang na short ka nga." Nakangiting biro ko habang sinusuyod ang kabuuan niya.
"H-Huh?" nanlaki ang mata niya.
"Charot lang, ito naman hindi mabiro." Seryosong sagot ko habang inaabot ko ang kamay ko sa kanya.
"A-Ahh-he he—ha ha ha ha" pagak na tawa niya. At nag shake hands kaming dalawa.
"Bakla ka talaga?!" manghang tanong niya at siya naman ang sumuyod sa kabuuan ako. Bahagya akong lumapit sa kanya at hinila ko ang isang kamay niya papunta sa dibdib ko para malaman niyang lalake talaga ako at wala akong boobs.
"WTF!" paimpit na sambit niya at sabay kaming tumawa ng mahina habang nakayuko sa desk.
"Grabe, akala ko babae ka talaga kanina seshie ang lakas mong maka Cara Delevingne." Hindi makapaniwalang sambit niya.
"Ikaw for sure beki ka?!" pabulong na tanong ko.
"Oo obvious ba seshie?" very proud na sagot niya at hinawi pa ang imaginary hair niya patalikod. "Tulad mo transferee lang din ako dito 2 years ago." Lumingon muna siya harap. "Dito kasi nag aaral ang bestfriend at kababata ko kaya naisip kong lumipat din dito." Nahihiyang kwento niya.
"Wow, talaga?" natuwa ako sa nalaman. "Yan atleast hindi ako nag iisa." masayang sambit ko at hindi sinasadiyang naitaas ko ang dalawa kong kamay dala ng tuwa.
"YES. MR GONZAGA?" biglang tawag ni Sir Adam.
"Nothing ser. Nag uunat lang po ako ng kamay." sagot ko habang nakayuko at natawa ng mahina si Andi. "Bakit ka nga pala nakatayo sa harap kanina pagdating ko?" usisa ko sa kanya.
"Na late kasi ako ng pasok kanina.." pabulong na kwento niya. "Sumakit kasi yung tiyan ko bago mag start ang flag ceremony dahil sa kinaen ko kaya yun nag CR muna ako bago pumasok."
"Eh di dapat sinabi mo sa kanila." Naka ngiwing sagot ko.
"Ayaw ni ser Adam ng late sa klase niya. Ang mahuhuling late kakanta sa harap buti nga dumating ka kanina kaya ligtas ako eh. He he he." Natatawang tugon niya at pinisil ako sa pisngi.
'Susme, kaya pala ganun na lang reaction niya ng makita ako kanina. Pero okay na rin atleast hindi niya nasaksihan ang kahihiyang inabot ko sa flag ceremony kaninang umaga.'
"Okay class!" agad kaming napaupo ng tuwid ni Andres. "So on our next meeting we will be discussing about different stringed instruments. You'll pick one, explain why did you choose that particular instrument and play it infront of the class. Understand? Open your FB Messenger Group Chat for more info's. That's all for today, class dismiss!" Kumindat pa siya samin matapos magsalita.
"Goodbye Sir Adam!" Sabay sabay na tumayo ang mga kaklase ko at isa isang nilisan ang classrom. Naiwan kame ni Andi at sabay naming dinampot ang mga gamit namen nakangiti kaming lumabas ng classroom.
"Grabe, teacher ba talaga yun si ser Adam? parang Supermodel eh." Hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako maka move on sa aura niya.
"Ay sinabi mo pa sesshie lahat ata ng mga students dito sa campus bet yan si ser dahil sa look at karisma niya sa mga students." Proud na kwento niya.
Truth! Pinagpala talaga kaming advisory class niya. Bigla tuloy akong na excite pumasok sa klase niya.'
"Break time na pala saan ba canteen dito? Sa totoo lang nami-miss ko na yung dati kong school ang laki laki ng school na' to nakakapagod maglakad." reklamo ko sa kasama ko.
"Masasanay ka din seshie, ganyan din ako nung una pero masaya dito maraming gwapo at hindi masiyadong mahigpit ang school pagdating sa mga ganap ng mga students." Pagmamalaki niya kaya sa loob loob ko masay na rin ako dahil yun ang pa kunswelo de bobo.
"Ewan ko ba nasanay lang siguro ako sa simpleng lifestyle. Tingnan mo nga mga tao dito parang mga KPOP ang mga itchura." Sinundan ko ng tingin ang mga students na nakakasalubong namen.
'Kala ko weird naku may mas pa pala.'
Sa Canteen.
"Siya yung bagong students na late kanina."
"Ah siya yung nadapa kanina diba? Laughtrip yun pare! Hahaha!"
"May nadagdag na naman loser sa school naten, Meegad!
"Babae ba siya o bakla? Grabe ang weird nalilito ako sa itsura niya."
Dinig kong bulungan ng mga students kapag nadadaanan namin ang mesa. Ang yayaman mga tsimosa naman. Pweh!
"Wow ahh, kakaiba dito sa inyo pati mga lalake tsismoso narin akala ko mga babae lang." Mahinang sambit ko.
"Huwag mo ng pansinin seshie, mai-stress ka lang sa kanila. Tara order tayo ng foods." Sabay hila sa kamay ko papuntang counter.
Sabay kameng pumili ng pagkaen at nagbayad sa counter. Muntik na akong magbayad ng cash buti na lang naunang nag abot ng card si Andi kaya nagkaroon agad ako ng idea. Sosyal pa swipe swipe lang sa credit card terminal ang kahera effortless sa pagsukli.
"Dito tayo sesshie." sabay lapag ng gamit ni Andi sa ibabaw ng mesa.
Nasa gitnang part kami ng canteen naupo kaya lahat ng pumapasok makikita namin agad. Pinag aralan kong mabuti ang canteen nila na mukhang restaurant kesa sa normal na canteen. Kakaiba ang ambience para kang nasa isang mamahaling restaurant. Pag pasok palang namin kanina sinalubong na kami ng malamig na aircon sa loob kaya kinilabutan ako ng sobra. Buti nalang naka long sleeve ako maygad!
Dalawang side yung canteen, Yung una para sa gusto mag fine dine inn at yung kabilang side para sa gusto mag chill lang na para kang nasa isang garden style area with matching fountain sa gitna.
Ang nakakaloka pa sa lahat ang ma-mahal ng pagkaen nila triple ang presyo kumpara sa labas.
Dahil sa pagod ganadong ganado akong kumaen. Jusme, sa mahal ng presyo ng pagkaen dapat lang na ganahan ako. Wala akong sinayang sa kinakaen ko kulang na lang dilaan ko ang styro foam na pinaglalagyan ng burger at french fries ko.
Pag angat ko ng tingin hindi inaasahang nahagip ng mata ko ang mga paparating na estudyante. Nanginig ang kalamnan ko sa view. Nahirapan akong ngumuya at lumunok sa loob ng ilang segundo.
Target No. 1 Locked: Number 9 Blue Jersey. Tch! Ang mayabang na lalaking naka sabay ko sa Guidance Office.
Target No. 2 Locked: Ang siraulong soccer player na ginawang goal post ng soccer ang ulo ko kaninang umaga malapit sa field.
'Kung mamalasin ka nga naman talaga Luckkkkyyyyyyy!! Magpalit kana kaya ng pangalan mamaya pag uwe?!'
Sabay kagat ng malaki sa burger na binili ko ng cash. Ching! Card pala.
"Bakit teh, hindi ba masarap yung order mo?" nag aalalang tanong ni Andi habang sinisipat ang pagkaen ko sa mesa. Kinabahan ako akala ko napansin ni Andi kung saan ako nakatingin kanina.
"Alin? Yung burger? Hindi ang mahal nga eh, este ang sarap nga eh." nakangiting sagot ko.
"Jusmiyo Marimar huwag kang lilingon sesshhie, huwag kang lilingon--" kinikilig na sambit ni Andi at nakakapit at niyu-yugyug ang braso ko. "Ayan na sila Lucky, ayan na sila tingnan mo!" ipit na ipit na ang boses niya na parang biik na kinakatay.
"Siraulo, paano ko makikita ang sabi mo kanina huwag akong lilingon?" singhal ko saka ko hinila ang braso kong pinanggi-gigilan niya dahil sa kilig.
Nagsipiglasan ang mga estudyanteng kumakaen sa mga mesa nila, mapa lalake, babae, bakla, tomboy kasama na yung mga kahera sa counter nakikiusisa na rin sa kaguluhan nila. Kanya kaniya sila ng pwesto sa daan para makita ng malapitan yung dalawang ungas na dadaan.
"Seshiiieeee!" parang binibiyak ang katawan ni Andi sa kati-tili.
"ARAY ko bakla ka." Ang pagkaka alam ko hindi off shoulder ang damit na suot ko. Nahuhubaran ako sa kalandian ni Andi.
"Nandiyan na sila." Turo niya sa direksiyon ng nag uumpukang mga estudyante. "KYAAAAAAAAAAAAAHHH!!" parang biik na naipit sa pinto ng kulungan ng baboy ang boses ni Andi habang nakatayo sa gilid ng mesa namin. Sa inis kumagat na lang ako sa natitirang burger sa plato ko, siniksikan ko pa ng maraming french fries para mas sulet ang mahal ng kinakaen ko. "Seshiee! Tumingin ka dali paparating na ang order nating desserts!" inalog alog niya ang katawan ko.
"S-Shhiino?" Maang mangang tanong ko sabay angat ng ulo habang punong punong laman ang bibig ko. Hindi sinasadiyang nagtama ang mga mata namin ng talipandas na naka blue jersey habang abala naman yung soccer player sa hawak nitong cellphone.
"Tss!" singhal niya sabay irap ng makita niyang naglaglagan ang ilang french fries sa bibig ko.
"KKKKKYYYYYAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHH!!" sabay na tilian ng mga haliparot nilang audience pagdaan nila sa harap ng mesa namin. Parang mapo-posses si Andi kulang nalang itaob niya ang mesa namin sa kaharutan niya.
"Huh! Kwala moooh koong shiinong mgaa gwwwrraaapo." Hirap na hirap na bigkas ko habang ngumunguya at bigla akong naubo.
"Ito tubig seshie oh!" inabot sakin ni Andi yung baso ng orange juice at nilagok ko ng marame.
"OH MY GOD! Ang suwerte natin kasabay natin sila kumaen." Kilig na kilig na kwento ni Andi pag upo.
'Swerte? Bakit? May pa feeding program ba at sila ang sponsor?'
"Sino ba yung mga yun? Kung kiligin ka naman parang hinuhukay yang palasingsingan mo!" ngiwi ko sa kanya at tinaasan lang niya ako ng kilay.
"Ano ka ba, sila lang naman yung pinaka sikat dito sa buong campus." Napakumpas pa ang isang kamay niya sa ibabaw ng ulo. "Ka batch din naten sila kaso special section yung mga yun." Excited pang kwento ni Andi at tingin ng tingin sa direksyong pinasukan nung dalawa.
"Special? Ano namang special sa mga yun?" Inosenteng tanong ko habang tuloy ang pagnguya.
"Bugak!"umirap muna siya. "Silang dalawa lang naman ang isa sa mga pinakasikat na personality at varsity ng school naten. Sila yung madalas ilaban sa ibang International Schools sa loob at labas ng bansa." Nagniningning ang mga matang kwento niya. Grabe sa tono ng pananalita niya parang silang mga santo na sinasamba sa academy na 'to. Wala rin palang ipinagkaiba ang mga estudyante dito sa dating paaralan ko.
"Ahh kaya.." may halong sarkasmong sagot ko. "Buti yun e-isolate sila sa nakararami para di sila makahawa." Mahinang dugtong ko.
"Ano yun seshie? Sorry hindi ko narinig may binasa kasi akong text."
"W-Wala ang sabi ko kumaen kana nangangayayat kana." Ngiting sagot ko at maarte siyang napahawak sa matambok niyang mukha.
'Sa haba naman ng oras ko dito sa campus ngayong lunch ko pa talaga sila nagpakita. Nakakawala ng appetite. Bwesit!'
Masayang natapos ang unang araw ko sa Carlisle dahil sa pag iikot namin ni Andi sa buong campus. Siya nag nagsilbing tour guide ko at kahit na transferee lang din siya kagaya ko nakakatuwang ang dami dami niyang alam sa loob ng school, mga tsismis, magandang tambayan, mga pangalan ng schoolmates kong anak ng sikat na mga celebrities business man at maging mga sikat na politicians.
Naghiwalay lang kami ni Andi bandang hapon ng magpaalam akong may ipapasa pa ako sa Registrars Office. Nalungkot ako ng maghiwalay kami ni Andi, nakakapanibago kasi yung katahimikan, balik na naman ako sa dating gawi.
Kinabukasan maaga kaming nagkita ni Andi sa gate ng school tulad ng napag usapan.
"PE Class na sunod na klase naten sesshie, dala mo ba yung PE Uniform mo?" panay ang silip niya sa cellphone habang naglalakad.
"Huh? Oo, nasa locker yung uniform ko na iniwan ko kahapon."
"May naisip ka na ba sa assignment natin kay Sir Adam bukas?" singit niya na ipinag alala ko, Hanggang ngayon kasi hindi ako makapag decide kung anong dadalhin ko.
"Baka mag gitara na lang siguro ako." Nag aalangang sagot ko.
"Ganern? Siguro baka mag violin na lang ako." Pa sweet na sagot niya.
"Oo tapos kasing laki ng Cello yung violin na gagamitin mo para pak!" biro ko sa kanya at bigla niya akong hinampas sa braso.
"Grabe ka seshie!" pabebeng sagot niya.
"Baka kasi magmukhang key chain lang yung violin sa leeg mo eh kawawa naman." At hinampas niya ulet ako sa braso.
"Buti na lang pareho tayo ng sports na pinili this semester." Pag iiba niya ng usapan. "Marunong kabang maglaro ng volleyball Lucky?" Habang naglalakad kame sa hallway papuntang locker area.
"Oo, volleyball player ako noon sa dating school ko." Bahagya akong nalungkot sa naalala ko.
"Bakit parang nalungkot ka?" Nag aalalang tanong niya. Grabe ang talas naman ng pang amoy nito, nahalata niya pa yun? "Eh di dito sa school, mag try out karin para maging varsty player ka ulet." Pangungumbinse niya na ikinangiti ko.
"Saka na siguro pag iisipan ko matagal tagal narin kasi akong hindi nakakapag laro eh." Pero ang totoo wala na akong confident maglaro ng pinakapaborito kong sports na 'to.
"Nasa dugo na nateng mga beki ang sports na yan kapag hindi ka marunong niyan itatakwil ka ng federasyon." Pananakot niya at nginusuan ko lang siya.
"BWAHAHAHAHAHAHA!" Sabay kaming tumawa na parang mga baliw habang naglalakad.
"L-LUCKY!!!"
May sumigaw ng malakas sa pangalan ko at sabay kaming napalingon ni Andi. Sa dami ng nagkalat na estudyante hindi namin alam kung sino yung tumatawag sa pangalan ko.
'Sino naman kaya yun?'
"Lucky daw, may kakilala ka ba dito seshie?" kunot noong tanong niya habang palinga linga sa paligid.
"Ewan ko sino ba yun?" kibit balikat na sagot ko. "Tara na baka hindi naman ako yun at katunog lang ng pangalan ko." Aya ko sa kanya at hindi siya natinag sa kinatatayuan namin.
"Hindi seshie malinaw ang pandinig ko pangalan mo talaga yung narinig ko kanina promise!" giit niya pa.
"Tara na ayokong ma late sa klase naten sa PE." Hila ko sa braso niya. "Kung sino man yun hayaan mong mamalat siya kakasigaw." Nagkibit balikat lang si Andi bilang pagtugon at tumuloy na kami sa paglalakad.
"LUCKY! LUCKY!"
Mas malakas na ang naging pagsigaw nito. Muli kaming natigilan ni Andi pero si Andi lang ang lumingon.
"Lucky wait! Wesley here, remember me?" sigaw ulet ng tumatawag kaya napalingon na ako.
'Wesley who?'
Biglang nagsalubong ang kilay ko ng makilala kung sino ang tumatawag sa pangalan ko. Yung tsinitong soccer player. Kung ako ang tatanungin "Sucker Player" dahil hindi niya alam ang pagkakaiba ng ulo ko sa goal post ng soccer. Sigh.
"Lucky!" sumisigaw pa rin siya sa harap ko at parang batang excited at napapatalon pa sa tuwa dahil sa wakas pinansin ko siya. Napalingon naman ako kay Andi na nakatulala sa lalaking nasa harap namin.
Hala ka!
"Huwag mo kong ma- Lucky Lucky!!" mariing duro ko sa kanya. Mabilis kong hinila sa kamay si Andi papalayo sa lalaking yun. Mahirap na baka mahawa pa ang kaibigan ko sa kamalasang dala nung nag ngangalang Wesley.
'Kung minamalas ka nga naman talaga!'
Pero sa kamalas malasan 'e nahabol niya parin kame. Ang tibay tinalon pa yung halaman sa gilid ng pathway at huminto sa tapat nameng dalawa ni Andi. Naka buka ang dalawang kamay nito animo'y magyayakapan kami sa hallway.
'Wow, hanep lakas ng trip nito ah.'
Ipinangharang ko ang malapad na katawan ni Andi para di niya ako maabot.
"Hey, kausapin mo naman ako." Nakangusong sambit niya at pilit akong inaabot sa braso.
"Wala tayong dapat pag usapan. Lumayas ka sa harap ko may klase pa ako." Pinandilatan ko siya sa inis.
"Gusto ko lang naman malaman kung okay ka na at kung natapos mo ba yung requirements mo kahapon." Nakangiting tanong niya na parang very close friends kame.
"Malamang sa tingin mo ba makaka attend na ako ng klase ngayon kung hindi ko yun natapos?" masungit na sagot ko.
"That's great! Welcome to Carlisle Academy!" masiglang sagot niya na parang siya ang endorses ng paaralang ito sa social media. Lakas ng trip nakataas pa ang mga kamay nito sa ere.
"Anong welcome?" nakapamewang na sagot ko. "Hoy, bugoy pwede ba layu-layuan mo ko dahil simula ng nagtagpo ang landas nating dalawa nawalan ng bisa ang pangalan ko!" Napaatras naman siya ng kaunti habang nakahawak sa bewang ang isang kamay at napapakamot naman sa ulo ang isa. Infairness, ang cute niya sa anggulong yan.
"Lucky naman." Maamong sambit niya ng pangalan ko. "Nag sorry naman ako diba. May masakit paba sayo? Kung meron tara dadalhin kita sa Clinic." Sinsero pero natatawang alok niya.
"Oo! Yung mata ko sumasakit sa tuwing nakikita kita!" hindi ko mapigilan ang sarili kong pagtaasan siya ng boses.
'Siya kaya ang patamaan ko ng bola ng bowling sa ulo sa first day niya tapos kakamustahin ko siya pagkatapos?'
"Wait--" biglang pigil niya at may hinugot ito sa bulsa. "Hello? Oh? Yeah papunta na may kinausap lang sandali.." Habang nakatingin sakin at naka harang pa ang isang kamay samin ni Andi para hindi kami makadaan pero bigla itong tumalikod at nangangamot ng batok habang may kausap sa cellphone niya.
"Tara na.." mahinang bulong ko kay Andi ng makahanap ako ng tiyempo. Nagulat ako ng mapansing tulala parin siyang nakaharap kay Wesley. Pwersahan ko na siyang hinila papalayo mahirap na bago pa humawap yung lalaking may tagas sa ulo.
Sa loob ng CR ng lalake.
"KYAAAAAHHHHHHHHHHH!" sasabog ang eardrums ko anytime soon sa lakas ng pagititili ni Andres mula pagpasok namin ng banyo. "Juice Colored! Seshie, bakit hindi mo sinasabing magkakilala kayo ni Wesley Ongpauco?" parang di makapaniwalang tanong ni Andi at pumapadyak padyak pa ito sa sahig.
"Anong magkilala? Ipagtatabuyan ko ba yung kulugong yun kung kakilala ko siya?" Nanggagalaiting sagot ko sa kanya.
"Ay ang ganda mo dun seshie." Sarkastikong tugon niya. "Siya lang naman si Wesley Ongpauco. The Wesley Ongapuco? Yung gifted na batang pianista? Yung sa commercial ng isang milk brand noon?" umirap lang siya ng makitang wala akong idea sa pinagsasasabi niya. "Wala parin? Ginoo ko, makukunan ako sayong bayot ka!" nababaliw na dugtong niya.
'Siya ba yun yung sa commercial ng Promil Kid noon? What ever!'
"Juice ko Lucky may telebisyon ba kayo sa bahay?" winisikan niya ako ng tubig sa mukha.
"Wala madalas sa diyaryo lang kami nakikibalita." Nakangsusong sagot ko at inirapan niya ako.
"Fine! Si John Wesley Ongapuco ang nag iisang anak ng Business Magnate na si Ricardo Montes Ongpauco. Isa sa pinaka sikat na personality dito sa Carlisle dahil sa extra ordinaryo niyang talento sa pagtugtog ng piano." Daig pa ni Andres ang nagkwento ng buhay ng isang santo. Ang baklang 'to sinasamba bast agwapo. Tch!
"Nagpa-piano yun? Kala ko"SUCKER PLAYER" yun?" nakangiwing sagot ko.
"SOCCER" seshie hindi "SUCKER!" pagtatama niya sa sinabi ko.
"Alam ko, he sucks by the way." Maarteng sagot ko na ikinangiti niya.
"Tseh! Well nakita mo naman aside sa multi talented ng batang yun, saksakan pa ng gwapo yun si Ongpauco nakita mo naman diba? Juice ko parang natatastas na yung panty ko ng ngumiti siya sa harap ko!" kilig na kilig na kwento niya.
"Hmm. Sapat lang." Walang ganang sagot ko.
"Anong sapat lang?" na out of balance pa siya sa sinabi. "Yung itsurang yun literal na hinahabol habol yun ng mga babae at mga bayot sa loob at labas ng campus noh."
"Eh di maghabulan sila, try nila dun sa field para tamaan sila ng bola sa ulo!" mayabang na sagot ko.
"Maka inarte 'to kala mo may kepay!" Taas kilay na sambit niya habang inaayos ang uniform niya.
"Buset ka! Oo ako na walang kepay tanggap ko. Pero kumukulo ang dugo ko sa tuwing nakikita ko siya eh."
"Naku, baka naman bet mo siya Lucky? Aminin mo!" pinandilatan niya ako.
"Niing, nebermaynd! Sa inyo na lang hindi ako mahilig sa gwapo." Sabay irap sa harap ng salamin.
"Eh paano ba kayo nagkakilala ni Papa Wesley? Makapg emote ka para kang tinakbuhan ng ama ng bata!" sinamaan ko siya ng tingin. "Seryoso na seshie yung totoo naku-curious ako."
"Unforgettable ang pagkakakilala namin Andi."umiiling na sagot ko."
"Paano nga! Huwag mo akong bitinin dahil nagbi-beastmode ako!"
"Tinamaan lang naman niya ako ng bola ng soccer sa ulo habang hinahanap yung Admin Bldg kahapon." punong puno ng sarkasmo ang bawat huling salitang sinabi ko. Napanganga lang siya at tinitigan ako. "OKAY NA ANDRES? NA SATISFY NABA ANG CURIOSITY MO?!"
"BWAHAHAHAHAHAHA! DI NGA SERYOSO? HAHAHAHA!" nakaka insultong tawa niya.
"Sige tawanan mo pa ako!" inirapan ko siya kaya nanahimik siya. Psh! Takot naman kay Elsa yang idol mo! Hahaha!
"Lucky ka nga, dahil kahit minsan walang nilapitang babae or beki o kahit sinong student dito sa campus yun. Sila ang lumalapit sa kanya seshie."
"Subukan niyo kayang mag volunteer na gawing target ng bola ng kulugong yun. Dun! Sabay sabay kayong magpatama ng bola sa ulo sa field! The more the merrier!" ngalngal ko sa harap ng malaking salamin na parang nakikibaka sa rally sa Mendiola.
'Taena naalog na ata utak ko ahh kung ano ano nalang sinasabi ko.'
"Ah basta ipakilala mo ko seshie kapag nilapitan ka ulet niya. Diyos ko ang tagal tagal ko ng pangarap makalapit dun tapos ikaw nilapitan hinabol habol pa." Madramang litanya ni Andi.
'Tss. Abnoy talaga.'
"Tara na baka ma late pa tayo sa PE naten."
Malaki ang Gymnasium ng Carlisle kumpara sa dating school na pinapasukan ko. Napaka aliwalas at napakaganda sa loob. Kulay beige o peach ang ceiling at ang wooden floor, makintab at pwedeng manalamin kita ang pores mo. Ching! Kulay blue naman ang apat na palapag naman ang mga gym bleachers sa apat na bahagi ng gym. Sa tantiya ko kahit isang libong tao kasiya sa loob ng gymnasium.
Kasalukuya ng naka set up ang dalawang net ng volleball sa court pagpasok namin ni Andi.
**PRRRRRRRTTTTTTT***
Malakas na pumito ang PE Teacher naming kalbo na kasing kinang ng floor ang noo. Out of nine sections sa buong 4th year, 45 students lang ang kumuha ng volleyball ngayong taon sabi ni Andi. Walo naman kaming taga Mockingjay na kumuha ng volleyball. Lahat kame umupo sa bleacher habang nakikinig sa discussion.
*Discuss
*Discuss
*Discuss
**Ngayon naman try out na sa diniscuss ni teacher.
Nag umpisa munang ituro samin ang tamang pag serve ng bola at ang mga basic na tira sa volleyball gaya ng blocking, toss, atbp. Isa isa kaming pinag try out para gawin ang mga volleyball basics.
Kahit na pareho ng naming alam ni Andi ang lahat ng yun sumali padin kami bilang part ng activity.
Pero super Cute ng PE uniform namen infairness, gray cotton jogger pants style at light blue namang V-Neck shirt ang pang itaas namin.
"Tingnan mo yung mga yun, basic lang ang pinapagawa pero wagas kung makapag pakitang gilas." Bulong ni Andi sa tabi ko. Nakita ko ang isang grupo ng mga babaeng naka green ang tinutukoy niya. Hindi ko sila kilala kaya deadma.
"Yaan mo sila kinaganda nila yan!" komento ko na ikinatawa niya. "Yung mga naka pink mukhang magagaling." Nguso ko sa direksiyon ng grupo ng mga babae sa kabilang court.
"Ahh, naku seshie nasa dugo nila yan." Hndi ko ako sigurado pero sa tono niya parang ang bitter ni Andi sa part na yun.
"Talaga?"
"Well, let's say mga nagmamagaling kahit hindi naman talaga. You know.." makahulugang sagot niya. Sa dati kong school ang mga nagmamagaling nakakatikim. Bwahahaha!
After ng almost an hour na practice pinabalik kaming lahat sa bench.
"NEXTWEEK BUBUO TAYO NG APAT NA GRUPO PARA MAGLABAN LABAN. ANG REWARD MANANALONG GRUPO AY EXCEMPTED SA FINALS!" Malakas na sigaw ng kalbo naming PE Teacher. Tuwang tuwa naman ang ibang students kasama na kami ni Andi at ibang kaklase namin. "CLASS after 15 minutes DISMISS na ang klase magpractice muna kayo habang may natitira pang oras at may pupuntahan lang akong emergency meeting!" Sigaw ulet ni Teacher.
At sabay sabay kameng tumayo. Yung iba nagpunta sa gitna ng court, yung iba nagkanya kanya ng laro. Kame namang mga taga MockingJay naiwang nakaupo sa pinakataas na bahagi ng bench dahil naisip ni Andi na kami na lang din ang magkaka grupo para sa magiging laban next week.
Ayon kay Andi may kanya kanyang gym ang mga sports club sa Carlisle pero hindi kami pwedeng makigamit ngayon dahil kasalukuyan itong okupado ng mga varsity players. Kaya kailangan naming magtiyaga sa field o kaya mag rent ng court sa labas ng school.
Nahinto lang kaming mag meeting ng isa isang magpasukan yung mga basketball players sa loob ng gymnasium. Parang sinaniban ng malalanding ispiritu ang mga babae at bayot at sabay sabay silang nagtilian, nagtulakan at nagtakbuhan papunta sa gitna.
'Luh? Fans Day lang?'
Naalala ko tuloy si Kuya Jiggs. Himala di yata siya nangungulit ngayon. Naka pangalumbaba lang ako at nakatingin sa kawalan habang nakikitili ang mga kagrupo slash kaklase ko sa mga bagong dating.
"EMERGED, Si Kenneth!"
"ENEBEYEN wait mag re-retouch muna ako." Dinig kong sigaw ni Andi at mabilis nagkalkal ng bag satabi ko.
"IDOL! IDOL!" sigaw naman nung Olive yung kaklase kong malaki ang mata.
"Andres, bilisan mo nandiyan na yung pangarap mo!" nagpapapadyak sa kilig si Marlon yung beki naming class president.
'Psh! Pangarap? E lahat naman ata ng lalakeng naasasalubong namin sa campus pangarap niya.. Pangarap niyang matikman. Hahaha!
"Wait lang yung blush on ko di pa masiyadong pantay!" natatarantang sagot niya kay Marlon.
"Bilisan mo Andres magpapa autograph tayo!" lapit ni Cora yung may malaking hinaharap sa Mockingjay.
"Sino ba diyan pinapangrap mo?" wala sa sariling tanong ko kay Andi.
"Di sino pa eh di yung ultimate crush niya si Kenneth James Ang." Natatawang sabat ni Wheng yung boyish naming classmate pero hindi naman umaaming tomboy.
"Impakta ka! May makarinig sayo diyan sabihin nila totoo." Mataray na sagot ni Andi.
"Bakit hindi ba? Makapag retouch ka nga mahihiya ang mga sales lady ng SM Department Store sayo eh." Pinahid ko ang namumuong blush on sa pisngi niya. "HERE AT SM! HERE AT SM! WE GOT IT ALL FOR YOU!" kanta ko sa harap niya habang sumasayaw kasabay si Marlon at Olive.
"Tseh, tantanan mo ko Lucky!" hinampas niya ako ng brush sa braso at inulan namin siya ng tawa. "Tara na sa baba at papipirmahan ko 'tong tshirt na binili ko!" dinampot niya ang kulay abong tshirt at sabay sabay silang bumaba at nakigulo dun sa sinasabi nilang Kenneth James Ang.
Halos lahat ng students sa gym kumakaway at isinisigaw ang pangalan nung Kenneth. Ako, nakayuko sa railings habang nakatulala sa kisame, deadma. Ako lang ata ang nagiisang student na naiwan sa taas ng mga bleachers. Gusto ko ng matapos yung PE namin dahil gusto ko ng umuwe at matulog.
Naghihikab akong napalingon sa court ng makita ko sila Andi na nakikipag siksikan parin sa harap nung naka number nine na blue jersey. Wait! Tumuwid ako ng upo at automatic na nag ZOOM IN ang mata ko sa lalaking pinagkakaguluhan nila.
'NUMBER NINE BLUE JERSEY!?!?!'
'KINGENA YAN ANG PANGARAP NIYA?'
Yang mayabang na naka NUMBER 9 na blue jersey ang pinapangarap nila? Halos mahilo ako sa pag irap ko ng todo. Lahat sila hindi magkanda umayaw sa pagsisik at paghingi ng autograph at para magpapicture sa hambog na iniidolo nila.
'Tss. Sikat nga berdugo naman yung ugali.'
"OMGEEEEEEEHHH!" Tumatakbo papalapit si Andi hawak ang isang t-shirt niya at hinalik halikan yung parteng may pirma nung Kenneth.
'Hala moret!'
"Grabe ang swerte swerte ko ngayong araw Lucky. Biruin mo nakasama lang kita dalawang naglalakihan nag-gwa-gwapuhan ang nakadaupang palad ko ngayon!" Mangiyak ngiyak na sabi ni Andi habang nakaupo sa tabi ko.
"Litsi ka dahil sa lalakeng nagkaganyan kana!? Tara na gusto ko ng magbihis at umuwe may dadaanan paku." Sabay tayo at dinampot ang ibang gamit ko sa bench. Tulala namang sumunod saken si Andi.
"Don't tell me hindi mo rin bet si Kenneth? Yan talaga magtataka na ako sayo niyan!" puna niya habang kasunod ko.
"Pass."
"Ayy,iba ka seshie. Anong bet mo Alien?" pang aasar niya kaya huminto ako sa paglalakad.
"Oo dapat yung gwapong Alien na patay na patay sakin!"
"Eh di sana sa Saturn ka nag enroll hindi dito sa Carlisle Academy."
"Talaga may school dun?" pa ignoranteng sagot ko at inirapan niya ako.
"Sige push mo, ikinainam mo yan!" umikot nag mata niya sa kawalan at halos hindi na bumalik yung itim kaya natakot ako.
"Eh di wala. Nagtatanong lang eh ang sungit nito."
"May problema ka ba sa mga lalake at parang allergic ka ata sa kanila?"
"Wala akong problema sa kanila, sila ata ang may problema sakin."
"Well, kahit ako ngang half problemado sayo eh paano pa kaya silang mga whole."
"Whole talaga Andi hindi pwedeng straight? Ano chicken lang may half at whole?" pang aasar ko sa kanya.
"Yan! Yan! Kapag ikaw nagkakamali sinusuportahan kita, kapag ako dami mong sinasabi."
"Oh siya tara na, kapag tayo ma late isusugba kita!" angil ko at ngumiwi naman ang bibig niya bago sumunod.
To be continue...