Chereads / Lucky Me / Chapter 1 - Lucky One

Lucky Me

🇵🇭luckygonzaga
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 250.8k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Lucky One



CHAPTER 1

LUCKY'S POV

Nine months ago...

"You're such a disgrace in this institution!"namumulang duro ng principal sa harap ko. "What would other parents possibly think on our respected school? That we're educating..." hindi niya na halos matapos ang gusto niyang sabihin dahil sa kinikimkim na galit.

"Sir, I will take full responsibility of what happened.." lakas loob na sagot ko. "but i need your consideration to--"

"Of course you will!" putol niya habang nagsasalita ako. Napapikit ako sa sobrang pagpipigil. "But you know my answer is still NO with regards to your request." Mariing sagot niya. "I want your parents or guardian to be here on Monday, this conversation is over. You can leave now and go back to your class." Bakas sa mukha nito ang pagkadismaya bago tinanggal ang suot nitong salamin at inilapag sa ibabaw ng mesa.

Hindi na ako nakapagsalita. Hindi na rin ako naghabol. Barado na ng mga tutule ang parehong tenga niya para pakinggan pa ang mga rason ko. Laglag ang balikat na lumabas ako ng principal's office.

Ngayon ang kaya ko na lang gawin ay ang ngumanga at tanggapin ang magiging kapalaran ko.

Present...

Wala sa sariling bumaba ako ng jeep. Sumabay ako sa mga taong abalang tumatawid, may nakangiti, nakasimangot, may tumatawa habang may kausap sa cellphone, may rumarampa na parang nasa runway.

Ako? Yung itsura ko siguro ngayon yung parang nakaapak ng tae na may halong bubog.

Matamlay akong huminto ng makitang naka "GREEN" or "GO" pa yung signal ng traffic lights. Pakiramdam ko ang bagal bagal takbo ng oras sa mga sandaling ito. Habang nag aantay tinatanaw ko ang malaking gate ng bagong school na papasukan ko.

Sigh.

Mabigat ang mga paang tumawid ako sa pedestrian crossing ng muling magpalit ng signal ang traffic light.

'Mag uumpisa na naman ang panibagong nightmare ko..'

Nagulantang ako sa lakas ng magkakasunod na busina ng kotse na biglang huminto sa harap ko. Wala sa sarili lumingon ako sa paligid, nasa gitna na pala ako ng pedestrian crossing sa tapat mismo ng school na papasukan ko.

"Hey, ASSHOLE! Bobo ka ba?" Sigaw ng lalaking panot na nakasilip sa bintana ng segunda mano niyang kotse. "Kung magpapakamatay ka doon ka sa Edsa! Huwag kang mandamay ng ibang tao!"

Tulala lang akong pinapanuod ang pagkinang ng noo niya.

"ANO SUMAGOT KA!" sigaw niya at tinapik ang bubong ng kotse niya.

'Dumagdag pa ang isang to, kapag ganitong lutang at wala ako sa sarili sing bilis ng plantsa uminit ang ulo ko.'

"Kung bobo po ako ser, kayo na po ang matalino! Naka red light pa po yung traffic lights oh." senyas ko sa taas. "At nasa tamang tawiran po ako." Turo ko sa sign ng pedestrian crossing. "Malaki din po yung sign na "No Blowing of horns, Classes on going." Turo ko din sa sign board sa dulo ng kalsada. "Kung nagmamadali ho kayo Jet Plain po dapat ang sinakyan niyo. Dun sa himpapawid kahit magpaharurot kayo banggain niyo pa si San Pedro walang hong kaso." ginaganahang litanya ko sa harap ng kotse niya.

"Aba, sumasagot ka pa talaga!" At pinandilatan niya ako kasabay ng pagkinang ng malapad niyang noo.

'Tss! Akala ko noon legs lang ang nakakasilaw, ngayon pati narin pala noo.'

"Opo, tinatanong niyo po ako kanina diba?" buong tapang na sagot ko. "Ngayong namang sumasagot ako nagagalit kayo, kapag hindi naman ho ako sumagot magagalit parin kayo. Saan po ba ako lulugar?" Tulala siyang nakatingin sakin matapos ko siyang ngalngalan.

At ng mag GO ang signal ng traffic lights sinenyas ko ang daan sa kanya at umiiling na pinaharurot na lang niya ang sasakyan papalayo.

'Makapagsabi ng bobo akala mo honor student, simpleng traffic signs at signal nga lang di niya kabisado, tapos ako pa ngayon ang bobo? Magaling Kuya, magaling! Ituro niyo sakin kung saan kayo nag aral at ng maiwasan!'

Nasa harap na ako ng malaking gate at hanggang ngayon naduduwag pa rin ako pumasok. Ang tanging kaya ko lang ay ang isandal at inuntog untog ko ng mahina ang ulo ko sa mainit na asul na gate.

"Ngayon, ano naman kayang klaseng problema ang kaya kong ibigay sayo?" Bulong ko sa gate.

"Ang mamatay ng dahil sayo..."

Nag angat ako ng tingin ng marinig ko ang malakas at sabay sabay na pagtatapos ng kantang Lupang Hinirang sa loob ng campus. Ito na siguro yung hudyat na pwede na akong pumasok.

Pinilit kong ngumiti at dahan-dahan akong lumapit sa main entrance ng school at lumapit ako sa guard.

"Magandang umaga po."nakangiting bungad ko sa may edad na guard sa gate. "Transferee po ako mag papasa lang po ako ng requirements today." Saka ko inabot ang registration form kay manong guard.

"Last week pa dapat ang pasahan ng requirements mo Miss nahuli ka ata?" kunot noong sagot nito habang nakatungo sa papel.

"Ngayon lang po kasi ako pinapunta ni Ma'am Gonzaga, may tinapos pa po kasi ako sa dati kong school kaya nahuli po ako magpasa." Magalang na sagot ko.

"Si Ma'am Gonzaga sa Guidance Office?" paninigurado niya na tila maling pangalan ang sinabi ko.

"Opo, anak niya po ako." Ngiting sagot ko sa kanya. Biglang nagliwanag ang mukha niya, agad niya akong pinagbuksan ng gate at pinapasok sa loob.

"Salamat po." Nag aalangang sagot ko.

'Kung di ko pa binanggit ang pangalan ni Nanay wala pa ata siyang planong papasukin ako.'

Sa loob nadaanan ko ang malinis at magarang lobby nila. Napapanganga ako habang naglalakad ng makita ko ang mga couch sa loob para sa mga visitors na hindi makakapasok sa loob ng campus. Yung totoo school ba talaga 'to o hotel?

Sa loob naman may walong na ticket gates kung saan ita-tap mo sa ibabaw ng scanner ang ID mo para makapasok ka sa loob. Ang sabi ni Tita Jack imposible ang makapag cutting sa paaralang ito dahil bawat IN at OUT mo sa ticket gate magse-send ito ng text message sa parents o guardian mo para malaman nilang nasa labas kang ng school premises.

"Approaching Betty Go Belmonte Station. Paparating na sa Betty Go Belmonte station." Natatawang sambit ko habang naglalakad. Hiyang hiya naman ang train station sa main gate ng academy.

Dahil wala pa akong ID sa iba ako pinadaan ni manong guard. Nang makapasok ako sa loob ng campus una kong napansin ang mga naka pilang mga students sa tapat ng mataas at malaking flag pole. Nagdadalawang isip tuloy ako kung babalik ako sa loob o tutuloy. Ayokong makaabala sa flag ceremony nila. Pero tatlong oras lang ang ibinigay sa akin ngayon para kumpletuhin ang requirements ko at kailangan ko ng pumasok sa ibang subjects ko.

Lakas loob akong naglakad habang nakayuko papalayo sa direksiyon nila. Ayoko ko ring magpahalata dahil late na ako pumasok at kamalas malasan naabutan pa ako ng flag ceremony.

"WHO ARE YOU!?!" Nagulat ako ng umalingawngaw sa paligid ang malakas at matining na boses. Yung boses ng isang terror na teacher. Nakayuko lang ako at itinuloy ang paglalakad kahit may idea na akong pwedeng ako tinutukoy niya.

"I'M TALKING TO YOU YOUNG LADY ON THE BACK!" napalunok ako sa lakas at tining ng boses niya bakit pa kaya siya gumamit ng mikropono? Huminto ako sa paglalakad at doon ko nalamang lahat pala ng students ay kasalukuyang nakatingin sa direksiyon ko. Patay na!

'Ako ba yung "YOUNG LADY ON THE BACK" na tinutukoy niya?'

Tumuwid ako ng tayo at nakita ko ang maliit na babaeng mukhang terror teacher na may makapal at malaking salamin. Naka ayos ang isang bugkos ng umbok na buhok sa tuktuk ng ulo na animo'y beauty queen at may inaantay na may ipapatong na korona. Nasa gitna siya mismo ng malaking stage malapit sa malaking flag pole kaya kitang kita niya ang lahat ng students hanggang sa likod.

'Taray lakas maka beaucon ng peg ni Madam, pang Miss Universe!'

"A-Ako po?" nauutal na sagot ko habang nakaturo sa sarili ko.

'Hindi pa ba tapos yung flag ceremony nila?'

"YES. COME INFRONT OF THE STAGE." Masungit na tugon niya.

Naginit ang magkabilang pisngi ko sa takot at kahihiyan. Wala na akong magawa kundi sumunod at lakas loob na maglakad sa gitna nilang lahat. Panay din ang lingon ko sa paligid. Ganito siguro ang pakiramdam kapag napili ka sa "District's Reaping" para maglaro sa Hunger Games.

At sa kalagitnaan ng paglalakad ko...

'BLLLAAAAAAHHHHGGGGG'

Natapilok ako at nadapa ako sa harap nilang lahat.

'Waaaaahhhhhh!' malakas na tili ko sa isip.

"BWAHAHAHAHAHAHAH! BWAHHAHAHAHAHAHA!!!"

"AHAHAHAHAH HAHAHAHAHAHAHAH"

"WOW NICE KAHIT WALA SA TUBIG ANG HUSAY NIYANG MAG DIVE"

"HAHAHAHAHA HAHAHAHAHAHAHAHAHAHHA"

"PWEDE YAN SA SWIMMING TEAM NATIN MAHUSAY!"

"BRAVO! BRAVO!"

Malakas at sabay sabay na tawanan ng mga estudyante sa napaka epic kong entrada. Nagpalakpakan ang lahat ng naroroon.

'Plakda ako ma-men!'

Buti nalang nasa harap ko yung Jansport kong bag kaya di masiyadong masakit yung impact ng semento sa dibdib ko pero yung ibang dala ko tumilapon papalayo.

Bigla akong tumayo bilang bawi sa pagkapahiya. Dali dali din akong nagpagpag ng suot, inaayos ang salamin ko sa mata at hinawi paitaas ang buhok kong humarang sa mukha. Isa isa ko ring dinampot ang mga gamit ko saka ako naglakad papunta sa harap.

"YOU'RE LAAAAATTTE, ITS MONDAY, FIRST DAY OF THE WEEK AND YOU'RE SUPPOSED TO BE EARLY, STATE YOUR NAME AND TELL ME WHY ARE YOU LATE??" Malakas at walang patid na sigaw ng reigning Miss Universe Jurrasic Division.

'Tsalap tsalap first day ko oh, dinadarag na ako sa harap ng madlang pipol!

"Good Morning Ma'am, Sorry if i'm late, Gonzaga po. 4th year, I'm a transfer student." Nahihiyang pakilala ko habang nakayuko.

"GONZAGA?!? 4th YEAR A TRANSFER STUDENT?? ARE YOU RELATED TO MRS ELVIRA GONZAGA OF GUIDANCE OFFICE?" Maasim na tanong ni madam sa harap ng microphone.

"Sh-She's my mother." kinakabahang sagot ko at napakamot ako sa batok.

'Patay na, kapag makakarating kay nanay na late ngayon siguradong lagot na ako!'

"WELL, LUCKY YOU THAT YOU ARE MRS GONZAGA'S DAUGHTER OR ELSE, I'LL LET YOU JOIN THIS GROUP.." turo niya sa isang grupo ng mga students na nakatayo sa gilid ng puno na mga naka yuko at lahat sila may hawak ng itim na trash bag bawat isa.

"It's ok ma'am, its actually my fault why i came late." Napayuko ulit ako bilang paghingi ng pasensiya.

"OK, I UNDERSTAND. GO AHEAD AND YOU CAN JOIN THEM IF THAT'S WHAT YOU WANT!" malakas na announce niya sa hawak na mikropono.

'Kaurat ang liit liit na babae ang lakas lakas ng boses.'

At nagsimula akong maglakad na may pag iingat this time. Mahirap na baka may 2nd round pa yung diving lesson ko kanina mahirap na. Nakaka ilang hakbang pa lang ako ng maisip kong huminto. Dahan dahan akong humarap kay Miss Jurrasic.

"Ahh--Ma'am, correction po." Nagtaas pa ako ng kamay pagharap. "I'm actually Mrs Elvira Gonzaga's SON" sinadya kong diinan ang word na Son baka hindi niya ma gets eh. "I'm LUCKY SHANE GONZAGA." Sabay kindat kay Miss Jurrasic bago ko siya talikuran.

Lalong lumakas ang bulungan ng mga students at lahat sila nanlaki ang matang tinitigan ako mula ulo hanggang paa.

"WHAT HE'S GAY?!?!

"OMGEEE, I THOUGHT SHE'S A GIRL."

"HINDI HALATA AHH. ANG COOL!"

"YEAH, SHE'S SO GORGEOUS!"

"WHAT THAT'S UNFAIR?!"

"EWW, MAY NADAGDAG NA NAMANG BAKLA SA SCHOOL NATEN."

"LUCKY EH BAKIT ANG MALAS NIYA?"

"ASTIIGGG!"

Maingay at tuloy parin ang bulungan ng mga students habang yung ibang laughtrip pa rin sa naging exhibition ko.

"KWAYEEEEETTTTTTTTTT!!!" Malakas na sigaw ni Miss Jurrasic. Hala, nag beastmode ang lola mo.

"WHAAAAT? NILOLOKO MO BA AKO?!" nanlalaking ang mga matang duro sa akin ni Miss Jurrasic Park, para siyang nakakita ng multo in daylight.

'Ano namang mahuhuta ko kung makipag lokohan pa ako sa kanya?'

"Sorry for confusing you ma'am." Nag bow lang ako at sabay talikod at sumama ako sa mga estudyanteng late kagaya ko.

Hindi ganito ang pinapangarap kong eksena sa first day ko. Nangako akong magpapaka low profile tapos ngayon may ganito akong eksena? Namiss ko tuloy ang dating kong school..

I was bullied for several months sa dating school n apinapasukan ko. Kaya kahit kaka start lang three months ago ng klase this year pinilit ni Nanay na makapag transfer ako dito. 15 years na din bilang Guidance Councilor sa academy na ito si Nanay kaya nagkaroon ako ng malaking discount para makapag aral ako dito sa "CARLISLE ACADEMY."

Isang elite school sa Quezon City founded by Dr. Carlisle Gutierrez in 1984. Isa sa mga kilala at pinaka mahal at nabibilang sa mga sikat na International School sa Pilipinas. Mga anak ng celebrity, politician, businessman, local celebrity ang mga nag aaral dito. Hindi basta basta ang pagpasok sa paaralang ito dahil bukod sa pera ay dapat saksakan ka din ng talino at dapat may talento.

Bukod kay sa Nanay kong Guidance Councilor, dito rin graduate ang kapatid kong si Kuya Jiggen. At sa napag alaman ko isa si kuya sa pinaka sikat na naging varsity player ng basketball noon sa campus na ito. At isa yun sa pre-requisite ng academy bago ka makapasuk dapat may talent ka sa sports or any field of arts.

Pagkatapos ng kalahating oras na nakakapagod na pagdampot ng basura bilang penalty naiwan na akong mag isa. Nagpahinga lang ako ng ilang minuto habang hinahanap sa loob ng bag ko yung papel para sa mga susunod kung gagawin. Gotcha!

Una, kailangan kong magpunta sa Registrar's Office sa Admin Building para sa completion ng ibang mga requirements ko. Pangalawa sa OSA or Office Of Student Affairs para schedule ng mga klase ko at kunin ang school at PEuniform ko.

"Hayst, saan ko naman hahanapin yung Admin Building 'e ang lawak lawak ng eskwelahang 'to."

Mangiyak ngiyak na bulong ko sa sarili. Buti nalang masarap sa mata ang malaki at kahanga hanga ang oval field ng school kung saan makikita ang mga students, soccer players at ilang athletes na nag jo-jogging paikot sa malawak na field. Tanaw ko naman ang mga building kaso kaso natatakpan naman ng malalaking puno.

Lakad. Lakad. Lakad habang nakayuko sinusundan ko sa hawak kong mapa ang direction papuntang Admin Building ng biglang may tumamang unidentified flying object sa ulo ko.

BLAAAAAAAAHHHHHHGGGGGGG!!

BULLS EYE!

Bahagya akong napatagilid at muntik na akong mawalan ng balanse habang nakatayo sa lakas ng impact ng bagay na tumama sa ulo. Pakiwari ko umiikot ang buong paligid ko. Pakiramdam ko lumulutang ang katawan ko. Ibang klaseng tama ang hatid nito sa katinuan ko dahil pakiramdam ko biglang nawalan ng gravity ang nilalakaran ko.

Inagaw ng gumugulong at papalayong bola ng soccer ang atensiyon ko. Napatingala ako at isa isa kong nakita ang mabagal na pag ikot ng mga planeta sa solar system.

"Mercury, Venus, Earth, Mars... Ha ha ha!" Sabay tawa ko at nakaturo sa langit. "Akalain mo yun kahit sa umaga kitang kita sa campus na 'to ang mga planeta. Amazing!" nakangiti ako habang nag sasalita mag isa.

"Hey, Miss are you okay?" bakas ang pag aalala sa tono nung nagsalita. Lumingon ako at hinanap ang direksiyon nung nagsalita pero nahihilo talaga ako. Boses ng lalake, kumurap kurap ako dahil nanlalabo ang paningin ko at hindi ko siya maaninag dahil sa liwanag ng araw. "Miss are you sure you're okay?" muling nangibabaw ang boses niya.

"Ako, okey?!?" sarkastikong sagot ko habang nakaturo sa mukha ko. "Huh, Oo naman! Tinamaan lang naman ako ng bola ng soccer sa ulo sinong hindi magiging okay!?" singhal ko sa kanya.

"Sorry! I thought your not okay miss." Sabay napakamot ito ng ulo. "Narinig kasi kitang nire-recite yung solar system kanina eh, assignment niyo?" Ngayon naaninag ko na ng malinaw ang mukha niya. May istura siya saksakan lang ng slow ang utak ng batang 'to."Pwedeng paabot na din nung bola?" pakiusap niya habang nakaturo sa direksiyon ng bola.

'Wow, tibay mo naman tsong tinamaan na nga ako tapos nautusan pa!'

Napaka warmth naman pala talaga ng salubong ng mga students dito sa Carlisle Academy.

Halleluya praise the lord!

Wala akong magawa kundi damputin yung bola. Gustuhin ko mang butasin yun sa harap niya pero wala akong magawa. Mag adjust ka baguhan ka eh.

"Yan sa susunod sa goal post mo patamain yung bola, huwag sa ulo ng students jusmiyo!" sigaw ko at pahagis kong ibinato ang bola paitaas.Nagulat ako dahil mabilis siyang tumalon sa kinatatayuan niya dahilan para tumama sa ulo niya ang bola, papunta paa, sinipa, tinuhod at sabay salo sa bola gamit ang isang kamay.

'Wow Phil Younghusband ikaw ba yan?'

Kaaway yan Lucky! Erase! Erase!

"Sure! I'm Wesley by the way." habang naka ngiti at mayabang na pinalipat lipat sa magkabilang kamay ang bola. Pasikat ampota!

"Who care's? Do i?!" Ganting sigaw ko sabay walk out at iniwan siyang tatawa-tawa mag isa.

Nang makalayo layo ako sa field minabuti ko ng dumaan nalang sa gilid yung malayo sa field. Mahirap na baka kung anong bola naman ang tumama sa ulo ko. May nakita akong matandang nakasuot ng light blue na polo shirt habang nagwawalis ng mga tuyong dahon sa ilalim ng mga puno.

"Ahhh-- excuse me po saan po. Pwede po bang magtanong." Magalang na wika ko paglapit. Huminto siya sa pagwawalis at ngitian ako ng matamis. "Saan hoba banda ang Admin Building?" nahihiyang tanong ko.

"Ay iha derecho lang yung kulay puting malaking building sa kanan, doon mo makikita." nakangiting sagot niya.

'Iho po ako IHO!'

"Salamat ho, pasensiya na ho kayo, bagong transfer lang po ako kaya hindi pa po ako pamilyar sa school." Nakangting sagot ko.

"Walang anuman..mag iingat ka iha." paalala niya at muking bumalik sa ginagawa. Hindi na ho kailangan tinamaan na po ako ng ligaw na bola. Maygad, akala ko naubusan na ng mabuting tao ang campus. Mabuti naman may mababait pang nilalang dito bukod sa Nanay ko kahit papaano.

"Salamat po." At tumuloy na ako sa paglalakad sa direksiyong itinuro niya. Bigla ko tuloy namiss ang dating school ko hindi man ganun kalaki at kasing sosyal nito pero magkakalapit naman yung building at hindi mahirap hanapin.

Registrar's Office.

"Hi, Good Afternoon po. New student po. Ako po yung 4th year transfer student." Magalang na bati ko doon matandang lalaki sa loob glass window na may bilog na butas sa gitna.

'Para naman akong mag sasanla o magtutubos ng alahas dito.' Natatawang komento ko sa isip.

Deadma lang siya.

"Good Afternoon po." Nilakasan ko pa yung boses ko baka kulang pa ang volume.

Deadma lang siya ulet.

"Magkano po ang sanla nitong 8 carats diamond ring ko?" nilapit ko yung bibig ko sa mismong butas.

"Ano yun iha?" walang emosiyong sagot ng matandang lalake na beki pala.

"New student po. Ako po yung 4th year transfer student." Maagap na sagot ko.

"Pirmahan mo ang lahat ng ito." Sabay abot sa white na folder at hindi na ako tiningnan. "Nandiyan lahat ng requirements na kailangan mo at kailangang maipasa mo lahat yun ngayong araw." Walang ka emo-emosyong litanya niya habang nasa computer sa harap niya ang atensiyon.

"Sige po ser." Panggagaya ko sa malamyang boses niya. Lumabas ako ng building at naghanap ng mauupuan sa labas.

'Ang dami naman nito para naman akong mag aapply ng trabaho.'

-NSO Authenticated Birth Certificate

-Form 138

-8pcs 2x2 picture

-Parents ITR

-Social Media Accounts

-Existing bank accounts

-Etc. Etc. Etc. Etc. Etc.

"Bank accounts? Hellloooo!" itinaas ko yung mga papel. "Estudyante palang po ako!" Ibinaba ko ang mga papel sa lap ko. "Mag aaral pa lang apo ako hindi pa ako naghahanap ng trabaho lord!" Itinakip ko naman sa ulo ko yung mga papel. "Why oh why?!" sa inis hinagis ko ang mga papel sa ere. Malapit na akong mabaliw promise.

Nalolokang sambit ko habang isa isa kong dinadampot yung mga papel.

"Para sa school debit card yan--" Mabilis akong lumingon dahil sa pamilyar na boses na nagsalita. Unti unti siyang lumabas sa likod ng punong kinatatayuan niya.

Dali dali kong dinampot ang mga papel na nagkalat sa harap ko.

"Sch-school debit card? Para saan naman yun?" nagtatakang sagot ko. Palihim akong tumingin ako sa kanan at kaliwa mabuti na yung nag iingat baka may lumipad na namang bola ng hindi ko namamalayan.

"Dito kasi sa campus ang mode of payment ng students sa canteen or other school services are via debit card na release ng school which is connected sa bank accounts mo." Dere-derechong sagot niya.

"Ahh ganern." Nakangiwing sagot ko. "Eh di kayo na mayaman." Singhal ko at saka ako tumalikod.

"Diba ikaw yung nadapang student sa flag ceremony kaninang umaga?" kahit hindi ako humarap alam kong nakangiti siya dala ng kakaibang sigla ng tono ng boses niya.

'Ang tibay pinaalala pa talaga niya yung grand entrance ko.'

"Oh ano naman ngayon? Eh yun ang trip ko bakit ba?" nagmamalaking kong sagot ko pagharap sa kanya.

"Hmmm, nothing. Its funny though. Ha ha ha!" abot tengang tawa nito habang inaayos ang bag sa balikat niya.

'Sige tawa pa pasukin sana ng salagubang yang bibig mong kumag ka!' taimtim na panalangin ko.

"By the way ako din nga pala yung nakatama ng bola sayo kanina sa oval. Mukhang okay kana ah?" paalala niya. Muntik ng madurog ang mga ngipin ko sa sinabi niya.

"Ikaw ba salamat ahh." Sinabayan ko ng pekeng tawa. "Madapa ka sana." Mahinang bulong ko sabay baling sa mga dapat kong ipasang requirements.

"Lucky Gonzaga right?" napalingon ako ng banggitin niya ang pangalan ko. "I guess, today is not your LUCKY day." May diin talaga yung LUCKY habang binibigkas niya at naka ngiti.

"Lucky or not lumayas ka sa harap ko!" napipikang sagot ko sa kanya.

'Antipatiko siya na nga yung may kasalanan kanina siya pa tong may ganang mang asar. Lakas ng trip ampota!'

"Whoa!" habang nakataas ang dalawang kamay. "Nakakatuwa ka lang kasing tingnan kanina habang nagsasalita ka mag isa. Ha ha ha." Napakamot pa siya sa batok habang tumatawa.

"Malamang alanga namang kausapin ko yung mga puno at mga halaman dito kung para saan itong mga requirements, tonta!" At may bigla akong naisip na magandang idea sa utak ko.

"I'm sorry! I'm sorry!" biglang bawi niya. Naniningkit pa ang mga mata nito habang nakangiti. Hindi ko alam kung nagpapa cute ba siya o talagang may tagas talaga ang utak niya.

"Actually, may kausap kasi akong hindi nakikita kanina" Nakanguso at malungkot nakwento ko sa kanya. "Siya si Elsa. Nakatira siya diyan sa puno na kinasasandalan mo." Turo ko sa tabi niya. "Gusto mo bang ipakilala kita sa kanya." Nakangiting alok ko.

Biglang nanlaki yung mata niya, namutla at tumingin sa paligid ko na parang kinukumpirma yung kinukwento ko.

"Ahh i-gue- guess i'll see you around?." At nagmamadaling umalis at iniwan ako.

"Hahaha duwag naman pala kalalaking tao."

'Yan ang trip walang pinipiling lugar. Praise the lord!'

Yan ang mahirap sa mga mayayaman, matatakutin sila masiyado. Jusmiyo sa panahong ngayon may maniniwala pa ba sa mga ganung pautot eh computer age na. Maygad!

Habang nagpi-fill up ako ng form naramdaman kong humangin ng malamig sa paanan ko. Sabay sabay nagtayuan ang mga balahibo ko mula paa hanggang batok . Hindi ko maigalaw ang katawan ko ang bigat bigat sa pakiramdam at kahit anong pilit kong kumilos o utusan ang sarili kong gumalaw o tumakbo hindi sumusunod ang katawan ko.

Parang sa mga panaginip na kahit anong pilit nating takbo hirap na hirap tayong maka usad at sobrang hirap kailangan pa natin ng isang bagay na kakapitan o hihilahin para lang bumilis bilis ng konti ang galaw natin. Pilit kung nilalabanan ang takot na nararamdan ko.

Sa wakas na kayanan ko ring tumayo. Walang lingunang tinahak ko ang daan pabalik ng Admin Building.

*****

Pagkatapos kong ma ipasa ang lahat ng necessary requirements sa Registrar's Office hindi parin mawala ang takot na nararamdaman ko. Kapag naalala ko ang nangyari kanina kinikilabutan ako ng sobra.

GRRRR! May dalang malas ang lalakeng yun!

Sunod ko namang hinanap ang Office of Students Affairs para sa schedule ko. Doon ko nadin nakuha yung ELID or electronic ID ko. Next week pa daw ang release ng uniform kaya pwede akong mag casual attire the whole week.

Well, good for me. Isa sa mga nagustuhan ko kaya napilitan akong mag enroll din dito ay yung school uniform nila may araw lang. Monday, Wednesday at Friday lang naka uniform at Tuesday at Thursday casual wear naman. At ang favorite ko sa lahat ay ang "NO HAIR CODE POLICY." Sa madaling salita malaya ang mga students sa anumang style ng buhok na gusto nila, kalbo, mahaba, maiksi, kulot. straight, may kulay man o wala. Ang saya saya! Ha ha ha!

Ang no hair code policy ang isa sa naging main attraction ng Carlisle Academy bukod sa world class na teaching standards nila. Kaya taon taon parami ng parami ang gustong mag enroll sa school na ito lalo na ang mga mayayaman at mga celebrity na masiyadong consious sa mga looks nila.

Hinananap ko agad ang Guidance Office dahil may natitira pa akong one hour na free time dahil excuse ako sa first two subjects ko ngayong umaga.

**KNOCK

**KNOCK

**KNOCK

Ano ba naman yan wala man lang gustong magbubukas ng pinto? Two minutes na ako dito sa labas pero parang walang namang nagkukusa. Kasalanan ko ba kung bakit naka lock ang pinto?

"E-Excuse me." may malaki at malalim ang boses na nagsalita sa likuran ko.

Bahagya akong napalingon. Wala akong planong gumilid dahil hindi naman ako nakaharang at nasa gilid naman ako ng pinto.

"Eheeeerrmmm--" malakas pa siyang napatikhim sa likod ko.

Umikot muna ang mata ko bago ko siya nilingon ulet.

"Kung dadaan ka, dumaan ka---" naputol ang sinasabi ko ng bigla niyang itaas ang kamay niya sa bandang ulo ko. Halos dumikit ang ilong ko sa dibdib niya at amoy na amoy ko ang pinaghalong pawis at panlalaking pabango niya. He smells really freaking nice. He smells like baby. Titig na titig ako sa suot niyang blue basketball jersey na lalong nagpatingkad sa makinis at mapuputing mga braso niya. Sa sobrang hiyang nararamdaman ko hindi ko magawang tumingala para masilayan kung anong itsura niya.

**TEEEETTTTTT**

Napaatras ako sa gulat sa tunog na narinig.

"Tss, nakaharang ka sa daraanan ko, Stupid!" mayabang na sambit niya.

Bumukas ang glass door sa likuran ko. Bahagya niya pa akong binangga sa balikat at nagtuloy tuloy pumasok sa loob.

"S-STUPID? ME STUPID?" Hindi makapaniwalang bulalas ko.

Well, minsan oo kapag trip ko. Pero ang sabihan ka ng stupid ng isang estranghero? Below the belt na yun mamah! Sa oras na ito parang gusto ko siyang antayin dito sa labas at katayin siya, ibilad ang laman loob niya sa ilalim ng araw bago ko ibenta ng trenta isang kilo.

'May araw ka rin sa akin!' Nasapo ko bigla yung noo ko ng may naalala.

"ENGOT!" ELID o elctronic ID na nga pala yung gagamitin para ma access ang mga glass door sa buong school ayon sa OSA. Mabilis kong ginaya yung ginawa hambog na yun isa at saka ako naka pasok sa loob. Sigh.

"Hi, Good Morning I'm looking for Ma'am Gonzaga?" Magalang na tanong ko sa babae sa front desk.

"One moment please. Have a seat." Turo niya sa malaking couch sa likod ko at sabay dial dun sa wireless phone na hawak niya. "Your name please?" nakangiting tanong niya.

"L-Lucky. Lucky Gonzaga." Naka ngiting sagot ko.

"Ikaw yung anak ni Ma'am Gonzaga?" na surpresang tanong niya at tinakpan ang hawak na telepono.

'Hindi, Ako nanay niya. Kaloka ka!' Sarkastikong sagot ko sa isip.

"Totoo nga ang sabi ni Ma'am maganda talaga yung anak niya." Tuwang tuwang sambit niya na parang kinikilig at nabaling ang atensiyon ng mga tao sa loob sa aming dalawa.

"Ahh-- hindi naman exaggerated lang po si nanay. Nandiyan na po ba siya sa office niya?" Nahihiyang sagot ko.

"Oo kanina pa dumating may kausap lang si ma'am sa office niya." Ngiting sagot niya. "I'm Mercy by the way." Nakipag kamay ako sa kanya. Nagkwentuhan muna kami saglit at maya maya nag ring ang phone sa table niya.

"Pwede ka ng pumasok sa loob Lucky. Derecho ka lang dun and sa right side dulong door yun ang office ni Ma'am Gonzaga."

"Thank you Miss Mercy."

"Sige GANDA inaantay kana ni Ma'am sa loob." Pinagdiinan niya pa talaga ang salitang ganda.

"Tss!" narinig ko na naman yung pamilyar at nakaka iritang boses na yun. Boses yun ng mayabang na lalaking nakasabay ko sa labas kanina. Mabilis akong napalingon at saktong nagtama ang mga mata namen. Tinitigan ko siya ng masama. Ikaw ba naman ang irapan sinong matutuwa? Mayabang siyang naglakad papalabas ng guidance office.

"Number 9 at blue jersey." Mahinang bulong ko. Tatandaan ko yang number na yan.

'Humanda ka patutunayan ko sayong hindi NUMBER 13 ang malas na number kundi NUMBER 9!!'

Nag bow lang ako sa receptionist at mabilis na tinahak ang daan papuntang office ni Nanay.

********

Hawak ko ang susi at kasalukuyan kong hinahanap ang locker assignment ko sa kahabaan ng hall way.

"There you go locker 309!" matutuwa na sana ako kaso may maling number na humalo.

'Jusmeh! May number 9 talaga lord? Kung alam ko lang pinapalitan ko na sana kay Nanay kanina. Bakit ba kapag nakikita ko ang number na yan umiinit ang ulo ko bigla? Kasalanan yan nung mayabang at nakaka iritang lalaking yun e. Gigil na binuksan ko ang pinto ng locker ko at pabagsak ko ng isinara matapo skong ipasok ang PE uniform ko.

'Buset!'

Hindi na ako nagtagal sa locker area sunod kong hinanap ang classroom ko dahil kailangan ko ng pumasok sa klase. Habang naglalakad halos lahat ng masasalubong kong students ay biglang magbubulungan at maghahagikhikan.

'Sige tawa lang, bakit kaya niyo ba yung ginawa ko kanina? Move on din pag may time. Mga siraulong to kagagandang mga nilalang mga tsismosa naman.'

Hingal na hingal akong umakyat papuntang 4th floor. Nagpahinga muna ako saglit sa gilid ng hagdanan dahil sa pagod.

***TINNNNGGGGG***

Matining at malakas ang tunog kasabay ng pagbukas ng pinto ng elevator.

ELEVATOR?!?! Isa isang naglabasan ang ilang students masaya pang nagkukwentuhan.

'Wow naman ang saya saya may elevator pala sila hindi man lang ako na orient!

Napaka swerte ko talaga. Bagay na bagay talaga sa aken yung pangalan kong LUCKY!

Kingenang yan! Mabuhay ang Carlisle Academy!!!'

'Nyetah!'

Tianhak ko ang kahabaan ng hallway at saka ko nakita yung Room 409. May 9 na naman siya oh, kaurat! Ngayon alam ko na malas talaga ang number na yan sa buhay ko. Natuon ang atensiyon ko sa mga students na nagtatawanan sa loob ng classroom ng classroom.

-Buhok (check)

-Big smile (check)

-Eyeglasses (check)

-Gamit ko (check)

Okay ready na ako. Kakatok sana ako ng bigla napansin ko yung white na box na may nagbi -blink na red sa gilid ng pinto.

"Oops hindi mo naku maloloko." saka ko itinaas yung elid id ko sa puting box.

**TEEEEEEETTTTT**

At tumunog yung glass door na hudyat na bumukas na ito. Dahan dahan kong itinulak ang pinto. Yung tawanang nakita ko kanina bago pumasuk ay biglang napalitan ng katahimikan pagpasok ko. Nasa tapat lang ako malapit sa pinto nakatayo.

Lahat sila titig na titig sa aken. Malamang ako lang yung pumasuk eh. At sa harap ng klase may isang student na nakatayo. Mataba, dark brown ang balat na parang nasobrahan sa tan at derechong nakatingin sa akin. Alanganin akong napangiti sa kanya at biglang nagliwang ang itsura niya. May kakaibang kinang ang mga mata nito na para bang ako yung malaking solusiyon sa problemang kinakaharap niya.

"Good morning po. " nahihiyang bati ko sa kanilang lahat. "Ako po yung bagong transfer dito sa section niyo." Lakas loob at magalang na bati ko doon sa lalaking teacher na nakasandal sa harap ng table at tutuk na tutok sa tablet na hawak niya.

Narinig kong nagbulungan ang ilan sa mga magiging kaklase ko. Sigh.

"Hi! I'm Adam Villanueva." Muntik na akong mapaatras sa gulat dahil hindi ko manlang namalayang tumayo at lumapit na sa akin yung magiging teacher ko. "I'm your music teacher and you're class adviser as well." And then he smiled at me, flashing his pearly white teeth like he was selling his favorite toothpaste. I stood there, frozen and mesmerized while looking stupid infront of everyone.

"H-Hi." Wala sa sariling sambit ko habang nakatitig sa kanya. Hindi na ako nagtaka na Music Teacher siya dahil boses pa lang niya parang musika na sa pandinig ko. Kamukhang kamukha niya si Edward Cullen sa Twilight Series. He's so angelic and very charming, Sir Adam's presence is simply intoxicating.

'Grabe bai!'

He stood in front of me like a freaking supermodel. Pinagpawisan ako kahit na malakas ang aircon sa loob ng classroom.

'Wow, Teacher ba talaga siya o Supermodel?'

Wearing plain white long sleeve na naka fold hanggang siko at black soft skinny jeans. Bahagyang magulo ang buhok na parang kagigising lang. It made him look very handsome and sexy.

'Gahhd! Natupad narin ang pangarap kong makaharap si Edward Cullen in person. Para silang pinagbiyak na bunga ni Robert Pattinson.'

It was magical. My very own Vampire Teacher. He's so freaking gorgeous. Ngiti pa lang ulam na!

'Anong oras kaya ang break time namin gusto ko na umorder ng kanin!'

"Mr. Bolivar you can take your seat." Nagising lang ako sa malalim na pagdi- day dream ng magsalita si Sir Adam.

"Thank you sir." Nag bow lang yung matabang student saka sumulyap sakin bago maglakad ng mabilis papunta sa likod kung saan siya nakaupo.

"Welcome to Four – Mockingjay Miss Gonzaga." Masiglang bati ni Sir Adam. Wala bang hug o kiss sir? Kyaaaahhh! Kinikilig ako ng sobra sobra!

"Thank you ser." Nahihiyang sagot ko.

"Come here infront and tell us something about yourself." Nakangiting sabi niya.

'Kamote yan, kala ko ligtas naku sa pagpapakilala eh.' Naglakad ako sa gitna kasunod niya at muli siyang sumandal sa table niya.

"H-Hi classmates, I'm Lucky Shane Gonzaga. You can call me Lucky and i'm 17 years old from QUEZON CITY SCIENCE HIGH SCHOOL." Maikling pakilala ko sa harap ng lahat.

"HI LUCKY!" Sabay sabay na bati nila at pinakamalakas ang bati ng mga lalaki sa bandang likuran.

"And I'm gay by the way." Sabay hawi ng blonde hair ko pataas dahil natatakpan na ng buhok ang salamin ko.

"You're whaat?" Gulat na tanong ni Sir Adam at tumuwid ito ng tayo sa harap ng mesa niya.

"P-Po? I'm gay ser." Nakangiti at paglilinaw ko sa sinabi ko kanina.

"Wow. For a moment napeke mo ko. Hahahaha" sabay tawa niya ng malakas at sabay ding tumawa yung mga kaklase ko.

"Diba ikaw yung nadapa sa flag ceremony kanina?" Natatawang tanong ng isang babaeng tsinita sa harap ko.

"Hehehe ako nga yun." Nahihiyang sagot ko.

'Lintek pinaalala pa talaga, tibay mo klasmeyt!'

"Ahh---Miss Gonzaga. I mean Mr. Gonzaga." Napakamot pa si Sir Adam sa ulo. "As a new student on my class, its mandatory policy to showcase your talent when it comes to music. Its up to you. Its either rapping, singing, or kung anong klaseng music instrument ang kaya mong tugtugin bahala ka." Seryosong sabi niya.

'Ano daw, mag sample ng talent? Ano to Audition? Lumingon agad ako sa paligid kung tama ba yung pinasukan ko baka mamaya nasa Studio ako Showtime eh.'

Napabuntung hininga ako ng malalim.

"O-Okay po."

Isa sa pinakapaborito kung gawin bukod sa pagkaen, tumae at matulog ay ang pagkanta. Bata pa lang ako nakitaan na ako ng talent nila Nanay at Tita Jack sa larangang ito kaya bata pa lang biritera na ako. Hindi nga lang naging madali para sa akin habang lumalaki dahil maraming bagay ang ipinagbabawal sa akin sa murang edad ko. Kagaya ng pag inum ng malamig, pagkain ng chocolates or any sweets. Lalo na ang kumaen ng paboritong kong ice cream, pero hindi nila alam patakas akong kumakaen. He he he!

Habang kumakanta kitang kita ko ang pagkamangha at paghanga sa mga mata nila. Maswerte parin ako dahil kahit lalake ako pambabae parin ang boses ko lalo na at almost perfect akong mag falsetto. Kinanta ko ang "I Wanna Know What Love Is" ni Mariah Carey with matching whistle sa dulo kaya halos lumuwa ang mga mata nila habang pinapanuod ko. Kailangan magpakitang gilas persday ko neng dapat tumatak sa mga kaluluwa nila ang sumpa ko. Bwahahaha!

After kong kumanta nag bow ako sa harap nila at tumingin kay Sir Hottie este si Sir Villanueva. Nakatulala lang silang lahat at tila inaantay ang magiging hatol sa akin ng adviser namin. Grabe sila wala man lang kahit violent reaction sa naging performance ko.

"Ser, tapos na po yung kanta pwede na po ba akong umupo?"

"Y-Yeah yeah .. you can take your seat Gonzaga." Pero hindi humiwalay ang tingin sa akin ganun din yung mga kaklase ko. At saka sila nagpalakpakan isa isa habang naglalakad ako.

Delayed naman ang applause. Sigh.

"Whew! That was a mind blowing performance. Are you sure you're not a girl?" Bulalas ni ser. Napangiti lang ako sa reaction niya.

"Yes Ser." Malalim at malaking boses na parang mamang sagot ko. Nanlaki ang mata ni ser Adam at napapailing habang natatawang tumingin sa tablet na hawak niya. Natawa rin ang mga kaklase ko sa ka wirduhan ko.

"Do you know how to dance Gonzaga?" seryosong tanong niya pag angat ng ulo.

"Ser naman eh—" napapadiyak ako ng paa abang nakatayo.

"Just kidding take your seat." Natatawang sagot niya.

'Kinginang pers day to obstacle course.'

Sabay upo sa likod katabi ng matabang estudyanteng naka tayo sa harap ng klase kanina.

Song Title: I Wanna Know What Love Is by Morisette Amon

https://youtu.be/m23dlrYIiPs