Chereads / Tainted / Chapter 2 - Chapter 1 Tainted mind

Chapter 2 - Chapter 1 Tainted mind

"Loreng anong gusto mo paglaki mo?"

Tanong sa akin ng kababata ko habang naka laylay ang mga paa ko at isinasabay sa kumpas ng hangin.

Lumingon ako at binigyan siya ng malaking ngiti sa labi.

"Simple lang! Ang maging sikat sa lugar natin yung kilala ng lahat ng tao"

Nakakunot noong lumingon siya sa akin.

"Maging artista? Ganun ba Loleng?"

Napaisip ako at tiningala ang punong nakalilim sa amin.

"Siguro, hindi ko alam. Eh ikaw anong gusto mo pag laki?"

Tumayo siya mula sa sanga ng puno at ikinumpas ang kamao sa hangin at sumuntok.

"Ang maging pulis!"

Tumawa ako ng malakas sa sinabi niya.

"Paano ka magiging pulis kung kahit maliit na insekto takot ka!"

Napakamot siya ng ulo at bahagyan napahiya.

"Eh hindi naman insekto ang mga kalaban ko kundi mga masasamang tao. At ipagtatanggol kita."

Tumayo ako at tumalon mula sa itaas ng puno.

"Sige nga kung totoo yang sinabi mo suntukin mo si Elena. Inaway niya ako kanina at inagaw ang pagkain ko!" Hamon ko sakanya. Ginawa rin ang pagtalon ko at bumaba na rin mula sa puno.

"Babae yun hindi naman ako bakla para patulan siya."

Napanguso ako sa pahayag niya.

"Akala ko ba kaibigan mo ako bakit hindi mo ako ipagtatanggol don!"

Hinarap ko siya.

"Hayaan mo hindi na ako makikipaglaro ulit sakanya."

Napangiti ako at umayon na rin sakanya.

"Sinabi mo yan ha!"

"Oo ba!"

Sabay high five sa isa't isa.

Magkapit-bahay kami ni Edong, may malaking silang sakahan sa kabilang bayan. Siya ang lagi kong kasamang maglaro sa talampas kasama ang naktatandang kapatid niya si Juaning.

Nag-aaral na ito kaya't hindi na nakakasama sa paglalaro. Si Edong naman ay hindi muna pumasok dahil may meeting daw ang mga guro.

Pitong taon na ako ngunit hindi parin nakakapag aral dahil sa hirap ng buhay. Marunong naman akong sumulat at magbasa dahil tinuturuan ako ni Ate Juaning at Edong minsan kaya hindi parin ako maituturing mangmang.

Tumatakbo kami ni Edong pauwi na ng bahay. Tirik ang araw siguradong nakapag-luto na si Nanay ng pananghalian.

"Hindi pwede hindi ako papayag!"

Kilala ko ang boses na iyon. May kaaway ba si Nanay? Hindi ko masyadong marinig ang kausap niya at masyado pa kaming malayo ni Edong.

"Bilisan mo Edong amg bagal naman!" Kita kong hingal na rin siya sa pagtakbo.

"Mauna ka na napigtas ang tsinelas ko." hawak ang isang pares ng tsinelas at pilit na inilulusot sa butas.

Tumakbo n ulit ako para maabutan ang papaalis na lalaki sa bahay. Nagsuot na ito ng sumbrero at tumalikod na hindi ko na naabutan at nakasakay narin sa isang magarang sasakyan.

"Nanay sino po iyon"

Tiningnan lang ako ang aking ina at tumalikod na. Halatang galit at nakatikom ng mariin ang manipis nitong labi.

Hindi na ulit ako nagtanong dahil alam kong magagalit na ito.

Nag-iisa lang akong anak. Walang kinagisnang ama. Ang sabi ni Nanay umalis siya. Yun lang walang sinabing pangalan walang larawan o kahit kwento manlang kung ano ang itsura ng aking ama ay hindi ko alam.

Sa murang edad nakagisnan ko ng paiba iba ang naging nobyo ni Nanay. Pero lahat sila iniiwan din siya. Siguro nga ganoon din si Tatay. Talagang iniwan kami.

"Kumain ka na at aalis lang ako sandali."

Maganda si Nanay nakuha ko sakanya ang maputing balat. Medyo mas maputi lang ng kaunti at may pagka brown ang aking maalon na buhok kumpara sa maalon at itim niyang buhok.

Nabanggit niya sa akin na mana raw ako sa aking ama. Siguro sa pisikal lang na anyo. Pero mas gusto kong sinasabi nilang may hawig kami ni Nanay.

Wala rin sigurong may alam tungkol sa aking ama sa mga taga rito dahil wala namang nagkukwento kahit sino o iniiwasan lang ang usaping iyon.

Pero kahit sino dito'y kilala ang pangalan ko kaya natutuwa ako dahil lahat sila"y magiliw sa akin.

"Hindi ka ba kakain muna Nanay?"

Parang may dumaang masakit sa kanyang mata kaya nag-iwas siya ng tingin.

"Kumain ka nalang gagabihin pa ako ng uwi." At tuluyan na siyang lumabas sa pinto.

Minsan tuwing uuwi siya ng gabi'y amoy alak siya. Kung hindi nama'y may kasamang lalaki. Nagsimula iyon nang may paulit ulit na bumibisita ritong kaaway ni Nanay. Siya na naman siguro iyon.

Minsan ko lang siyang nakita mukha siyang dayuhan sa itsura nitong mala abo ang kulay ng mata at manipis na labi. Matangkad at matangos ang ilong. Maputi rin at mukhang mayaman.

Hindi ko nga lang nakakausap at binilin sakin na lumayo kapag nandito siya.

Maghapon lang akong nasa bahay nina Edong at nakipaglaro. Doon na rin ako naghapunan bago nagpasyang umuwi na sa bahay.

"Samahan mo muna si Loreng, anak at wala pa si Nanay niyang si Sally sakanila."

Utos ni aling Beth

"Hindi na po Aling Beth para makatulog ng maaga si Edong may pasok na sila bukas." tanggi ko at naghanda ng umalis.

"Sige bukas nalang Loreng tuturuan kita ng bagong aralin namin bukas." masayang pahayag ni Edong at napangiti ako don.

"Sige ba."

Nagpaalam na ako at umuwi na ng bahay.

Pumasok na ako sa aking kwarto at nag-ayos na ng sarili para matulog.

Kumalabog ang pinto sa lakas ng pagbukas. Lalabas na sana ako nang may narinig akong may kasama si Nanay.

May inuwi na namang lalaki dito. Ganito lagi tuwing gabi naririnig ko ang impit na ungol sa kabilng kwarto ni Nanay. Ani mo'y nahihirapan huminga at umuugang kama.

Paminsan minsa'y sinusuway ni Nanay kung magsasalita ng anuman.

"Ang sarap mo Sally." paos na boses ng lalaki.

Sa murang edad alam ko na rin ang makamundong pangyayari sa mga matatanda hindi nalang ako umiimik at tinatakpan ang ulo ko ng unan. Pero kahit ganoon naririnig parin ang maliliit na boses sa kabilang kwarto.

"Malapit na Paeng huwag mong hugutin." pilit na boses nito.