Dalawang buwan nalang matatapos na ang pasukan nina Edong may makakasama na ulit ako at sa bahay nila tatambay. Ayoko sa bahay utos ng utos yung boyfriend ni Nanay. Ayoko sa kanya nakakatakot siya. Lalo na ang mga matang niya malalim animo'y nanlilisik kung tumitig.
Nagsasama na sila ni Nanay at tulad ng dati'y hindi ako makatulog ng gabi dahil sa mga naririnig. Ang bilin ni Aling Beth saraduhan ko lang ang pinto tuwing gabi at iiwas nalang sakya dahil hindi pa gaanong kilalang tao.
Kaya lagi ako sa bahay nila buong maghapon dahil wala naman si Nanay at tindera ng gulay sa palengke iyon. Si Edong naman may extra lang na trabaho bilang kargador pero malimit nasa bahay lang. Kung minsan may mga bisita siya at umaalis din naman agad.
Naglapag ng pritong saging si Aling Beth at nilantakan ko agad ito naman ang isa pang pangkabuhayan nila ang pagtitinda ng meryenda. Tumutulong rin naman ako at kapalit noon makakakain ako ng libreng tanghalian meryenda at kung hindi agad makauwi si Nanay pati narin ang hapunan. Parang ampon na nga nila ako eh.
"Kumain ka ng marami at isasama kita mamaya sa bayan susunduin sina Edong at Ate Juaning mo."
Sumakay kami sa kanilang tricycle medyo malapit lang naman ang bayan dito kaya hindi kami nagtagal. Hininto ni Mang Isko sa bungad ng gulayan at kitang kita ko rito si Nanay may kausap at para ito ang madalas pumunta sa bahay. Mukhang galit na si Nanay kaya sumisigaw gusto kong lumapit sakanya at magtanong pero hinarangan ako ni Aling beth. "Tara na at bibili lang ako jan sa rindahan saglit Loreng". Tumango ako at sumunod sng lumakad at nakatutok parin ang mga mata kay Nanay.
Nasa Eskwelahan na kami at naghihintay sa may bukana ng gate. Matatanaw mo rito ang magkakaibang kulay ng classroom. May palaruan sa may gilid at mga nagtatakbuhang estudyante. Nakaparada sa bukana ng gate ang mga tricycle na naghihintay sa mga estudyanteng maghahatid sakanla sa kanilang bahay o susundong mga magulang.
Sana makapasok na rin ako at makapag-aral.
Natanaw kong tumatakbo palapit sa amin si Edong na may malawak na ngiti at may dalang supot.
"Buti sumama kang sumundo sakin." Hinihingal niyang sambit. Bumagsak ang tingin ko sa supot na dala niya at saka inabot sa akin tingin ko'y tinapay.
"Para sa iyo yan may pa meryenda kanina ang principal kaya ikinuha rin kita marami naman eh." Ani niya habang nagkamot ng pisngi.
"Wow salamat Edong." Kumuha ako ng isa mula sa supot at kinain na ang pan de coco. Naghintay pa kami saglit para kay Juaning na may mga kasamang grupo ng kaedaran niya rin. Kumaway ito sa mga kaibigan at lumapit na rin sa amin.
"Sana makapag aral ka na rin sa susunod n pasukan."
"Oo nga para magkaroon din ako ng mga bagong kaybigan."
Napayuko ako sa mga sinasabi nila. Alam kong hindi naman ako pag aaralinni Nanay dahil nga kulang ang kinikita niya sa pagtitinda para sa pang kain namin araw-araw.
Ngumiti nalang ako para hindi na maidungtong pa sa sasabihin.
Nakarating na kami sa bahay at huminto ang tricycle sa tapat nina Edong. Natanaw kong nakayunghay si Nanay sa amin pagkababa ko.
Tumakbo na ako papunta sa bahay alam kong magagalit na naman siya. Nakapamaywang itong nakatingin sa akin at lumapit ako sakanya. Naka upo naman ang boyfriend nya malapit sa pinto habang nagbubuga ng usok at nakatungtong tg din sa akin.
"Kung saan saan ka na naman nagpupupunta! Hindi ka pa nakapag luto ng pagkain!" Panimula sa akin ni nanay.
Napasulyap ako sa Boyfriend niyang bumuga ulit ng usok.
"Narito naman po si Tsong." Pabulong kong sagot.
"At iaasa mo pa ang trabaho mo sa kanya! Nanggaling ka na naman ba sa Eskwelahan!"
Hindi ako kumibo at napairap nalang ng palihim sa naaunang sinabi.
Bakit hindi nalang magtrabaho rin para may pakinabang.
"Baka gusto na rin mag-aral ng anak.mo." ang boyfriend ni Nanay.
Napalingon kami sakanya
"Pag-aralin mo na rin para naman marunong na rin bumasa at sumulat ang anak mo." Dagdag pa nito.
Nagtagal lang ang tingin ni Nanay sa akin.