THE sun is off early in the morning. I think he's shy today same as me. I know, it's different from me but . . . I better get myself together. Tsk. I don't want to go to school today. Hindi dahil kay Hoqur, swerte niya para maging rason ko. Ano siya, gold?
Hays. Hindi naman 'yon ang pinoproblema ko ngayon, ang pinoproblema ko ay kung paano ako magdadahilan kay Mommy. Palagi niya kasing nalalaman kung ano ba talaga ang tinatago ko. Minsan napapaisip ako kung totoo bang tao siya o witch, kasi parang may taglay siyang kapangyarihan para malaman kung ano ang iniisip ko, o nararamdaman. I guess it's a normal thing for mothers in the whole world.
Someone's knocking on the door. Thinking about mothers, mine's already outside of my room. What should I do? I mean, ano ang sasabihin ko sa kaniya? I'm not really in the mood to go to school right now. At least not today. Please!
"Prudence? Darling, wake up! Open the door now," Mommy said while still knocking on the door.
I'm sure she won't stop knocking. But I have to try and stop her. "Mom, I don't wanna go to school today!" I shouted, hoping that she will hear me clear.
"Ano ang pinagsasabi mo riyan? Bumangon ka na dahil you're going to be late!"
"Mom, please!" Tinakluban ko ang aking sarili ng pink pillow at tinapon din ito agad sa pintuan.
"Okay, but can you just please open the door? Let's talk about it, darling." Ang kaniyang mga salita ay tila nilalambing ako. Ito na naman ang pakiramdam na nagbibigay sa akin ng karagdagang kalungkutan.
Naiisip ko na naman si Daddy.
It was Saturday morning. There was my sweet dad, his smile seems could create a paradise of completely everlasting peace and love. I was hoping that this won't fade. We were doing this thing; picnic on a green grass under an unholy tree of Balete beside on the clear flowing river.
Si Mommy ay naghahanda ng mga pagkain namin habang nasa likod niya si Daddy, making sweet moves for her wife. While I was on the river, playing with the crystal-clear water, watching them from there. How I wish it won't last.
"Prudence!"
"I'm coming, mom!" Tumayo agad ako nang nakabalik ako sa reyalidad, at pinagbuksan siya ng pinto. Bumalik din agad ako sa kama pagkabukas ko ng pinto, habang nakasunod siya sa akin.
"What took you so long? What's the problem, darling?" She sat on my bed while looking at me with her full of concerned eyes.
Hindi agad ako nakapagsalita. Nag-iisip ako kung paano ko siya sasagutin. I can't find the words to say.
Okay, inaamin ko na. Si Hoqur. Siya talaga ang dahilan kung bakit ayaw kong pumasok ngayon, dahil sa sinabi niya kahapon. Hindi dahil sa masama ang epekto nito sa akin, na realized ko lang na tama siya. Tama siya na pinipilit ko lang na maging tunay ang mundong gusto namin ni Mommy, na maging mundo namin.
Subalit alam ko sa kailaliman ng aking puso't isipan na imposible ang ninanais namin na mundo. With spells and magics, siguro may pag-asa, pero hindi sa gano'n iikot ang mundo. Hindi rin iikot ang mundo para sa amin, at mga pangyayari ayon sa kagustuhan namin.
"Nag-usap na tayo tungkol dito, 'di ba? You know you can always talk to me, whatever it is." She touches my back, and I slowly turned around and look at her eyes. "Tayo na lang dalawa ang nandito, Prudence. So, please help me get through this." Her eyes were starting to fall from her eyes down to my bed.
Oh, shit! I made her cry. I hate myself whenever she cries because of me.
"Oh, Mom." Agad akong bumangon at niyakap siya nang nakapakahigpit. "I am so sorry."
Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ni Mommy sa likod ko. She's so cold. Her arms are freezing, and yet her hug made everything turn to heat.
"Please stop, Mom. I am so sorry. Hindi ko dapat—" Hindi ko mapigilan ang sariling mga mata sa paglabas ng mga luha kong nakikipaghabulan sa pag-iyak ni Mommy.
"Shh, wala kang kasalanan," she said. Humiwalay siya mula sa pagkakayap namin. "Sometimes . . . it feels good to cry. It drains out everything we feel inside, hidden for a long time." Hinawakan niya ang aking magkabilang mukha. "Wala kang kasalanan, okay?"
Tumango ako ng dalawang beses. "Mom, there's nothing I won't tell you if it is very important. But now, I want you to trust me. I need to breath, inhale everything. I need time to process." My voice broke.
"You sure you don't want to go to school?" She asked while wiping off her tears on her cheeks.
Tumango ako. "Yes, Mom."
"Okay then. Just call me when you need something or me, okay?" Tumayo siya. "Nasa baba lang ako." At tumungo siya sa pintuan.
Tumayo ako at nilapitan siya bago pa man niya masara ang pinto. "Mom." I kissed her cheek and hugged her after. "I love you, Mom."
"I love you too, darling."
I have stayed the whole morning in my room. Wala lang. Alone time for myself. Napagtanto ko rin na sobrang nahihirapan na si Mommy sa lahat ng mga nangyari sa amin noon, pareho kami. Napabuntong hininga na lang ako.
Habang nakahiga pa rin sa kama ko, nag-scroll up and down muna ako sa mga social medias ko. Checking if there's something entertaining to watch. Napahinto ako sa kalagitnaan ng ginagawa ko, napagtanto ko lang na simula no'ng first day ko sa Riverhills High ay walang kahit isang kilala kong kaklase ang nag-add sa akin sa BookFace. Gano'n ba talaga sila ka unfriendly? Or baka nahihiya lang. Tsk. Kahit nga sa personal ay ayaw nila akong kausapin. Hanggang kailan kami mag-a-adjust?
What's that? May nag-doorbell. Baka si Tito Hinubis! O.M.G. Dali-dali kong inalis ang kumot at sinuot ang panloob ko na tsinelas. Tinungo ko ang hagdanan pababa at agad na diretsong binuksan ang pinto.
"Tito Hinub—Hoqur?" Halos tumalon ang puso ko sa gulat nang makita sa harapan ko si ang imahe ni Hoqur. I had a rush of adrenaline as I try to process everything.
Bakit siya nandito? Paano niya nalaman na rito ako nakatira? Stalker ba siya? Ang weird ng mga tao sa Riverhills High!
"What are you doing here?" pabagsak kong sabi. Of course, he's not welcome here. After what he did yesterday—What he said to me, magpapakita siya sa akin tila walang nangyari. Puwera na lang kung pumunta siya rito para humingi ng tawad.
"Look, hindi ko gusto na pumunta rito. It's not even my idea to—"
"If you are here to apologize, puwede bang gawin mo ng tama?" Nakatukod ang dalawa kong kamay sa magkabilang tagaliran ko habang kinakausap siya.
"What? Who told you that I'm here to make an apology? In your dreams, ugly freak."
Wow! He is totally a rude, tall, and goalless person I have ever met in my entire life.
Isasara ko na sana ang pinto nang bigla niya itong pinigilan. "What? Kung pupunta ka lang pala rito para awayin at sasabihin mong pangit ako—Which is clearly not. And I am not affected, mabuti pang umalis ka na bago ko pa ipatawag ang security guard." Isinara ko ulit ang pinto.
"Ah, ah!" He screams like a bad ass lady. Gagi siya! Hindi niya pala inalis ang isa niyang kamay. Oh, my gosh! Naipit ko ang kamay niya. Kasalanan niya ito, eh.
Binuksan ko ulit ang pinto at tiningnan siya. Hindi ko alam kung dapat ba akong maawa sa kaniya o magalit lalo. Kung hindi niya sana pinigilan ang pinto, eh, 'di sana hindi na ito nangyari sa kaniya.
"What's happening here? I was at the back when I heard voices—W-What happened, Prudence? Sino itong lalaking ito?" Biglang dumating si Mommy. Nang nakita niya na tila nasasaktan si Hoqur ay agad niya itong nilapitan at sinuri ang kamay nito. "Ano ang nangyari sa iyo, hijo?"
"Ah, w-wala po. Naipit lang sa pinto. Sinara kasi ni Prudence ang pinto. Hindi niya namalayang nando'n pala ang kamay ko sa pintuan," sagot ni Hoqur.
Nagmamakaawa pa ang mukha niya habang kaharap niya si Mommy. This creature is up to something. I can feel it.
Bumaling ang tingin ni Mommy sa akin. Oh, bakit para ako ang may kasalanan? "Prudence, bakit mo naman iyon ginawa?"
"Mom, you don't know this creature. 'Wag kang magpaniwala sa nilalang na iyan."
"Prudence?"
I rolled my eyes. Bahala si Hoqur. I don't have time to waste for this creature.
Binalingan na lang ni Mommy si Hoqur nang mapagtanto niyang wala siyang makukuha sa aking simpatya. Bakit niya nilalabanan ang nilalang na 'yan, eh, mas demonyo pa nga siya kaysa sa akin. Tsk.
"Come inside, hijo. Gamutin lang natin ang kamay mo. I am so sorry."
"Mom, why are you apologizing to him?" I cannot believe it.
"Prudence?" Alam ko na ang mga tingin ni Mommy. Kung masaya, may tinatago, o malungkot siya. This time, it's different, she's mad. "Kunin mo na lang ang mga gamot natin."
For real? Gosh, don't do this to me, Hoqur!
Hindi na lang ako umimik pa at tiningnan ko si Hoqur nang napakasama na tila gusto ko na lang siyang itulak palayo.
"What happened, hijo?" tanong ni Mommy nang biglang tila nawalan sa balanse si Hoqur at napaatras ng isang hakbang.
"U-Uhm, nothing po. Nawalan lang ako ng balanse."
What I just did? Kapag nagpatuloy pa ako sa pag-iisip nang masama, I'm sure there's a lot of possible things that might happen. This is not a good thing for me and for everyone around me.
"Pumasok ka na muna, hijo."
Pumasok naman siya. Hays. Ayaw kong matapos ang araw ko ngayon na nandito si Hoqur. Masisira lang ang araw ko.
"Thank you po, ma'am." He's too sincere when he's talking with my mom. Napakalayo sa tunay na Hoqur.
Sabay silang umupo sa couch.
Kinuha ko na ang mga herb oils ni Mommy sa likod ng kitchen namin. Naiwan ko na nga sila sa salas pero bakit ang utak ko parang naiwan din doon. Ano ba kasi ang ginagawa niya rito at naparito siya. Nasira tuloy ang me time ko today. Kainis!
"Naku, stop calling me ma'am. Tawagin mo na lang ako sa ibang palayaw pero 'wag lang ang ma'am. Ang formal naman kasi no'n, at saka magkaibigan naman kayo ng anak ko."
In fairness sa kanilang dalawa. Nag-uusap pa rin sila hanggang ngayon? He's so good with adults. I won't deny it. I give it to him, but just that.
"We're not friends, Mom." I interrupted. Nilapag ko ang glass oil sa lamesa at umupo sa tabi ni Mommy.
Nagtatakang nakatingin sa akin si Mommy. "Kung hindi kayo magkaibigan, so bakit tila magkakilala kayo?" Inabot ni Mommy ni ang oil.
Ano ang isasagot ko? Ayaw ko rin naman na malaman ni Mommy na magkaklase kami kasi I'm sure—
"Magkaklase po kami ng anak n'yo, Mrs. Morningstar," nakangiting sagot ni Hoqur, at saglit pang tumingin sa akin.
Iniinis talaga ako ng nilalang na 'to.
"Oh, that's why you're here? Bakit, hinanap ba siya ng mga teachers n'yo, hijo?" Inabot ni Mommy ang kamay ni Hoqur na naipit kanina, at ibinigay naman niya ito.
"Gano'n na nga po. Mag-partner po kasi kami ni Prudence. At may pair activity po kasi kami na gagawin, naisipan ko lang na dalawin siya rito para malaman kung kumusta po siya. At para na rin ipaalam sa kaniya ang tungkol sa activity namin."
Napakadaldal niya para maging isang lalaki. So, it's true. Hindi pala siya rito para humingi ng tawad.
"That's kind of you, hijo. Dito ka na lang mag-dinner. Madali lang naman ako magluto."
Really, Mom? "Mom, don't!" Napalakas yata ang boses ko.
Pareho silang nakatingin sa akin. Oh, don't give me that look.
"B-Busy po si Hoqur, Mom. Ang dami pa po naming activities and projects na gagawin . . . I'm sure hinahanap na rin siya sa bahay nila ngayon." Agad akong tumayo at hinablot ang kamay ni Hoqur. Kinaladkad ko siya papunta sa labas ng bahay.
Hindi naman siya nagmatigas pa. Good for him.
"P-Prudence, wait!" suway ni Mommy. Pero hindi ako nakinig sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin, at ano ang mangyayari sa akin kung hanggang mamayang gabi ay kasama ko sa hapagkainan si Hoqur. Baka mapatay ko na siya.
"No, it's okay, Mrs. Morningstar. Prudence's right. I think I should go."
"Are you sure?" Bakit tila ayaw ni Mommy na paalisin siya? Mom, nandito ako, oh? Hindi mo siya anak.
"Yes po. Hindi n'yo na po kailangan pang mag-aalala. Besides, ginamot n'yo po ang kamay ko. Thank you so much for your warm welcomed."
"Oh, don't think about it, hijo. Balik ka rito kung kailan mo gusto. Ipagluluto kita ng apple pie," nakangiting sabi ni Mommy.
Wow, apple pie talaga, Mom? That's not my favorite pie, but it's the one she likes to cook. Tsk.
"Oh, sure po. Sigurado pong babalik ako para sa apple pie n'yo po. Marami pong salamat. Alis na po ako."
"Okay, sige. May niluluto pa pala ako!" Nag-iwan nang nakangiting mga mata si Mommy bago siya umalis.
What's her problem?
Tumikhim si Hoqur habang nakatingin sa akin. I don't get him. At tumingin kinalaunan sa ibaba. That's when I realized that our hands were holding hands. Agad ko naman itong inalis.
Tumungo ako sa loob at sinara ang pinto nang hindi tumitingin sa kaniya. Ano na naman ang iisipin ng nilalang na 'yon? Today is the worst!