THE world seems completely darken by some different energy that is connected to her veins. It's like her life is depending to the machine that is giving her unwanted feelings. She isn't going to die but the feeling she feels right now is opposing.
Ayaw na ayaw ko talaga ang makapasok sa mga gusaling katulad ng hospital. Ayon kasi sa akin paniniwala ay ang mga gusaling katulad nito ay hindi naman talaga bumubuhay ng mga tao, at mas lalong-lalo na sa isang katulad ko.
Naalala ko tuloy ang nangyari kay Daddy. He was first brought in a hospital. Dinala ang Daddy ko sa pamamagitan ng isang ambulansiya na nakatalaga sa residente no'ng araw na nangyari ang aksidente. Pero tulad nga ng aking sinabi, hindi kayang buhayin ng mga Doctor, Nurses, o sino mang normal na tao ang magagawang buhayin o gamutin ang tulad naming espesyal.
"Nasaan ang anak ko?" natatarantang tanong ni Mrs. Morticia Morningstar, si Mommy, sa isang nurse na nakatayo sa labas ng room ko.
Nakita ko lamang ang nurse na itinuro nito ang loob ng silid kung saan ako nakahiga. Pumasok agad si Mommy, at halos mag-teleport ito sa bilis nitong maglakad palapit sa akin.
"Are you, okay, darling?" nag-aalalang sabi ni mommy sabay haplos ng aking buhok at pagkatapos sa buong katawan ko.
"Mom, I'm fine," mahina kong sabi. Trying to stop her from acting so worried. It's not that I don't like it, pero totoo naman kasi talaga na maayos lang ako. Ayaw kong mas mag-alala pa siya sa wala.
"Ano ba kasi ang nangyari sa 'yo? Hindi ka talaga nag-iingat, ha? How am I supposed to leave you alone kung sa kaunting sandali lang na mawala ka sa mga mata ko ay may nangyari ng masama sa 'yo?"
Inabot ni mommy ang upuan sa gilid ng kama at umupo sa gilid ko.
"Nadapa lang po ako," tugon ko.
"Anong nadapa? Eh, kung paluin kita r'yan? May nadarapa ba ang madala rito sa hospital kung hindi naman ganoon ka critical ang nangyari sa 'yo?"
"Mom, stop worrying about what happened. Ang importante ay okay na po ako." I pouted my lips with my puppy eyes.
"Stop that, hindi ka cute."
Tila tinurukan ako ng pampahiya dahil sa sinabi ni mommy. Hindi ko in-expect na sasabihin iyon ng sarili kong ina. Akala ko pa naman ay susuportahan niya ako rahil ina ko siya.
"Mom, mommy ba talaga kita o hindi? Nilaglag mo ang kagandahan ko, oh!
"Magiging anak lang kita kung sasabihin mo sa akin ang tunay na nangyari. But I know you, alam kong hindi mo sasabihin ang nangyari unless hindi naman talaga ito serious. And based on what I'm seeing right now, you're too far from okay. Kaya, tell me what happened?"
"'Di ba, nakausap mo na ang nurse ko? Bakit hindi mo siya tinanong tungkol sa nangyari sa akin?"
"I don't want it to hear from them, I want it to hear from you, darling. Kaya sabihin mo na bago pa ako magalit dito at sumunod sa Daddy mo," pabirong sabi ni Mommy.
Mommy isn't serious about it. But . . . "Mom, hindi magandang biro iyan, ha," tugon ko nang malungkot.
"Hay, naku, ikaw'ng bata ka. Nahahawa na ako sa kung paano ka magsalita sa akin. Hanggang kailan mo pa ba balak na sabihin ang nangyari?"
Wala talaga akong balak na magsabi tungkol sa ano ang nangyari sa akin, kung bakit ako dinala sa hospital. May bandage pa ako sa noo. Hindi naman siguro gano'n ka critical para lagyan pa nila ng ganito. Nagmumukha tuloy akong may siopao sa noo.
Naging isa sa mga dahilan kung bakit nag-aalala tuloy si Mommy. In-admit na rin kasi ako ng doctor as per advised dahil ayaw ko ngang magsabi kung ano talaga ang nangyari. Wala ring alam ang mga doctor kung bakit ako may sugat at kung paano nangyari ito.
Then suddenly someone's knocking on the door. Nakita ko kung sino ito marahil ay dumaan ito sa glass window bago natabunan ng pader ng pintuan.
"Are you expecting someone?" tanong ni Mommy habang nakahawak sa kamay ko.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot. I'm sure that my plan of not telling what happened will just go through the vent by him. Kung si Angel ba nga naman ang makakausap ng mommy ko, paniguradong walang sekreto ang hindi mabubunyag.
Tumayo si Mommy para pagbuksan ng pinto si Angel.
"Oh, hello, Mrs. Morningstar!" masiglang bati ni Angel habang may bitbit na isang maliit na basket na naglalaman ng sari-saring prutas.
Tila nahihiya tuloy si Mommy sa sarili at sa sarili niyang anak nang mapagtanto niyang wala pala siyang dalang pagkain or prutas para sa anak. Nagmamadali kasi siyang makapunta rito no'ng matanggap niya ang tawag mula sa isa sa mga nurse rito. Kaya hindi na niya naisipan pang magdala ng kung ano, basta ang importante sa kaniya ay ang makita at masigurong maayos lang ang anak niya.
"Hi, and you are?"
"Angel—Angel Black, po." He offers his hand.
Habang nakatingin lang ako sa kanilang dalawa ay napapaisip ako ng wala sa lugar. Naguguluhan ako kung bakit bigla ko na lang naisip si Hoqur, at kinukumpara sa cousin niya ang pangit nitong ugali.
Bakit ang bait ni Angel, at bakit may halong kabaitan din si Hoqur? Siguro nasasapian lang siya ng masamanng espiritu sa tuwing nagiging mabait ito. Baka mapili lang ito sa mga taong gusto niyang maging mabuti. Tsk. Napaismid na lang ako dahil sa walang turan na aking naiisip.
Ngayon ko lang namalayan na nasa tabi ko na pala si Mommy.
"Ilang sekreto pa ba ang mayro'n ka, ha? Magsasabi ka lang ba kapag nagaya ka na sa Daddy mo? Iiwan mo rin ba ako?"
Right at this moment, alam kong nagtatampo na si Mommy sa akin. She's right. Ang dami ko na nga palang sekreto sa kaniya. At kailan ko pa kaya balak magsabi tungkol dito. I know that she's feeling alone since I'm the one who's making it happened.
Inabot ko ang kamay ni Mommy. "I'm sorry, Mom. I, uhm . . . I don't know what to say. I'm sor—" My voice broke. I can't stop myself from crying. Pakiramdam ko kasi tuloy ay ang sama-sama kong anak. Paano ko nagawa sa kaniya ang mga bagay na 'to, eh, wala naman ginawa si Mommy kundi ang alagaan ako at siguraduhing nararamdaman ko ang pagmamahal niya.
And ano ang ginawa ko? Sinaktan ko na naman siya. I hate myself even more when I think of it again and again. I'm a selfish half witch!
"Shh, this is none of your fault, okay. I'm sorry if gano'n ang naramdaman mo dahil sa mga sinabi ko." She hugs me softly. Her arms give me comfort. Always.
Nakaiinis talaga si Mommy. Imbes na ako ang may sala at mali, siya pa itong nagso-sorry. Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko para mabigyan ng isang mabuti at mapagmahal na mommy na tulad ni Mommy.
I slowly refrained myself from crying. Pinunasan ni Mommy ang mga luha ko, at bumalik sa pagkakaupo niya pagkatapos.
"Can you at least start on telling me by introducing kung sino itong magandang lalaki?" She said. She's referring to Angel, na ngayon ay nakangiti lang nang hilaw.
"Uh, he's Angel, Mom."
"I know that already. Tell me more about him. Kung paano mo siya nakilala, at kung taga-saan ba siya."
Tsk. Ano ba 'to si Mommy, para namang boyfriend ko itong si Angel. Eh, hindi ko rin naman siya kaibigan. "Schoolmate ko lang po siya. Wala na akong alam bukod pa ro'n." It may sound like I'm a mean person, but it's the truth.
"Is that true, hijo?" mahinang sabi ni Mommy kay Angel. She seems to be liking him, huh.
"Uhm, yes, po, Mrs. Morningstar. We're just schoolmate." Tumingin pa sa akin si Angel bago niya sinagot si Mommy. Tingin na tila nangungusap.
Ano ba ang gusto niyang sabihin ko, eh, 'yon naman talaga ang totoo. Bakit, may nagawa na ba siyang isang bagay na makakapagpatunay na karapat-dapat ko siyang maging kaibigan? Oh, tsk, mayro'n na nga pala. Ang tanga ko talaga minsan!
"So, sabihin mo sa akin, hijo, ikaw ba ang nagdala sa anak ko rito? I mean, ikaw ba ang nagligtas sa kaniya?"
Si Mommy talaga! Tsk. "Mom, ako na ang sasagot sa 'yo," nakakunot-noo kong sabad. Nagmumukha akong hindi mabuting anak dito, ha. "We were just exploring the town when I got bumped into a rock. Nadapa po kasi ako, at gumulong sa mababaw na bangin."
I know. I may be a terrible liar but please, kumagat ka, Mom! Hays. Why am I doing this to her? Natatakot kasi ako na malaman niya ang tungkol sa tunay na nangyari. Kapag nalaman niya na pumunta kami sa isang haunted mansion, I'm sure magagalit siya for real.
Since alam ni Mommy that there are ghost and what worse about it is there may be evil spirits inhabiting those places. Marami ng alam si Mommy tungkol sa mga bagay na 'yon, kaya ang hirap tuloy lumusot sa kaniya.
"I know you, Prudence. Ni kahit kailan ay walang kasinungalingan ang napapalagpas ko mula sa 'yo. Kaya magsabi ka ng totoo—"
"She is telling the truth, Mrs. Morningstar," he interrupted. Is he protecting me, or is he helping me? Wait, that are just the same thing.
I took a deep breath to clear my head. Baka resulta lang ito ng pagkabagok ko. "See, Mom? I'm telling the truth." Medyo kinakabahan ako rito.
"Magkasama po kaming naglibot, at magkasama rin po kami no'ng nangyari ang aksidente."
"So, ikaw nga ang nagdala sa anak ko rito sa hospital?" Super serious ni Mommy ngayon, huh. Pati ako ay kinakabahan na lalo sa tension sa pagitan naming tatlo.
What if magsabi na kaya ako ng totoo?
"Yes, po. Tumawag po agad ako ng emergency—"
"There's nothing more you need to explain . . ."
Nakahinga ako nang malalim. Akala ko talaga ay hindi maniniwala si Mommy sa amin. Thanks to Angel. Ang dami na niyang nagawa sa akin. He deserves my friendship.
". . . Get yourself some enough rest na. Uuwi na tayo pagkagising mo." She continued.
KINABUKASAN ay agad akong pumasok ng paaralan. I can't afford myself for another delay from our lessons. Ang dami ko ng dapat habulin, at hindi ko pa kakayanin ang maghabol pa. I hate school talaga, lalo na't mortal school pa 'to.
"Ms. Prudence Morningstar," tawag sa akin ng teacher namin.
Agad naman akong tumayo para sagutin siya, "Yes, po, ma'am?" kinakabahan kong tugon.
"Bakit ka pumasok? Eh, dapat nagpapahinga ka pa ngayon sa bahay n'yo," she seems worried.
"Uh, eh, ayos lang po ako. Ang dami ko pa po kasing dapat habulin kaya nararapat lang na pumasok ako. At saka, kaya ko po naman. Kaya wala po kayong dapat ikabahala. Marami pong salamat." I ended it with a smile.
"Okay, ikaw bahala. Basta if you feel something, just ask your classmates for help, okay?"
Tumango ako. "Okay po, ma'am."
Then our morning class started.
After class, nagtungo ako sa meditation area para magpahinga at lumayo sa ingay ng mga estudyante. Gusto ko munang mag-isip-isip tungkol sa nangyari kahapon doon sa mansion. Hindi ko kasi maalis sa aking isipan ang nangyari.
Ang tapang ng spirit, I'm sure it's a vengeful spirit because it wanted us to get hurt. Or maybe I'm misinterpreting its gesture. Natatakot lang ako para kay Angel, dahil baka masaktan siya. Hindi ko rin puwedeng gamitin ang kapangyarihan ko sa harap niya. I know he's good person, but I can't afford to risk myself and my family.
"Hoy, saan ka galing kahapon at bakit hindi ka sumipot sa usapan natin?" Isang boses mula sa aking harapan ang bumasag sa aking pag-iisip. Mas nabasag pa ang mood ko nang mapagtantong si Hoqur pala itong nasa harap ko. "Alam mo bang naghintay ako ng ilang oras sa 'yo?"
"Huh, ano ang pinagsasabi mo r'yan?" Totoo naman talaga. Wala akong alam sa mga pinagsasabi niya. I was at the hospital yesterday.
"Ginagago mo ba ako, huh?" Biglang tumaas ang boses niya. First time ko yatang makarinig na pinagtaasan ako ng boses ng isang mortal. Lumapit siya sa akin, at itinukod ang kaniyang kaliwang kamay sa mesa habang ang isa naman niyang kamay ay hinablot ang collar ng uniform ko.
I was shocked. Paano niya nagagawang gawin ito sa isang babaeng katulad ko? Ganito ba niya itrato lahat ng tao rito sa school? Kahit babae ay hindi niya pinapalagpas? Tapos may mga babae pang kinikilig sa kaniya? 'Yong totoo, hindi ba nila kilala si Hoqur? Mas masahol pa siya sa isang bad witch o wizard.
Hinayaan ko lang siya na gawin ang nais niya. Dahil kung hindi ko na kaya pa ang magtimpi, humanda siya sa akin. Makakatikim siya sa akin.
"I've texted you yesterday to come and meet me at school for our activity sa P.E., pero hindi ka sumipot. And don't tell me hindi mo nabasa dahil hindi ako tumatanggap ng excuses!" nanggigil niyang sabi, na tila ba nagbabanta.
Nag-text ba siya? Wala naman akong natanggap kahapon, ha. Shit! Ngayon ko lang napagtanto na nawawala pala ang cellphone ko. Baka naiwan ko sa mansion habang abala kami sa pagtakbo palabas. Itatanong ko na lang kay Angel mamaya. Baka nasa kaniya.
"Nakikinig ka ba sa akin, ha?"
Natauhan lang ako nang bigla niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa collar ko at inilapit sa kaniyang mukha ang mukha ko. Sa sobrang lapit namin ay nakikita ko ang buong detalye ng kaniyang mukha.
Mapula ang kaniyang mga labi, na tila kahit sino ay wala pang nakahahalik nito. Pero malabo naman 'yon kasi ayon sa naririnig ko, marami na siyang naging ex-girlfriend. Pero paki ko ba?
Agad ko siyang itinulak palayo nang makabalik ako sa aking huwisyo. What am I doing? "Bastos!" Muntik na akong mahulog sa aking kinatatayuan nang itulak ko siya. "Ah!" sigaw ko. Pero mabuti na lang at nahawakan ni Hoqur ang kamay ko't hindi ako nahulog ng tuluyan.
Anong mabuti ro'n? Kung hindi dahil sa kaniya ay hindi ako mahuhulog sana. Inalis ko ang kaniyang kamay mula sa aking pulsuhan, at naglakad palayo sa kaniya. Bastos siya! Lumapit lang siya ulit sa akin at matitikman niya kung paano ako magalit.