Chereads / Taming the Bad Boy Mortal / Chapter 4 - First Day of School

Chapter 4 - First Day of School

"HE'S a tall rude guy! Gustong-gusto ko siyang gawing palaka pero pasalamat siya at may mabuti akong puso. Kung hindi lang talaga nagpakita si Angel sa akin, I'm sure natupad ko na ang gusto kong gawin sa nilalang na 'yon. Kainis."

Nakikinig lang si Mommy habang naghahanda ng mga pagkain sa hapag-kainan. She's not responding to me, but I still got a lot of words to tell her.

"I don't understand why he's acting so, grr." I can't stop myself from growling. Tila parang isang wolf na yata ako sa kaka-growl ko sa inis. Dapat naman kasi talaga ay nakaaway ko na siya, eh. It's just . . . I saw his good side.

Paano ko na tuloy siya tuturuan ng leksiyon nito. Pero gawin niya lang ulit ang bagay na 'yon, and I will assure over my dad's grave, gagawin ko talaga siyang puppet ko. Mas better na 'yon kaysa sa gawin ko siyang palaka.

Nagtataka akong tinitigan si Mommy habang inaayos niya ang kaniyang upuan. What's wrong with her? May nakain ba siyang pagkain na masarap o nag-enjoy lang talaga siya kanina sa usapan nila ni Mrs. August. So, she's not listening to me. Gosh!

"Mom, why are you smiling?" She's kind a freaking me out. Not that I'm scared of her, I'm just worried.

Kumuha siya ng kanin at inilagay ito sa plato ko. "Sa tingin ko ay magkakaroon ka na ng boyfriend this year. Not that I'm okay with it. But–"

"Mom, don't you dare say it."

"But–"

"Just please don't. Galit ako sa nilalang na iyon." I rolled my eyes in disbelief. Iyon lang pala ang dahilan kung bakit siya nakangiti nang parang ewan.

"Okay, okay. So, let's talk about Angel then. Sino siya at tila siya yata ang dahilan kung bakit hindi naisakatuparan ang balak mo," she said while putting some viands on her plate.

"That weird guy. Una ko siyang nakilala sa school, and he actually 'saved' me from that guy I was telling you about, Mom. As if natatakot ako sa nilalang na 'yon."

"Bakit ba ginagamit mo ang term na 'yan? Bakit hindi mo na lang sabihin na isa siyang tao o wizard?"

"Nakalimutan ko lang na mga tao pala sila."

"Prudence?" She looks at me with full judgement.

"It's not that, Mom, I was telling you the truth. Nakalimutan ko lang po talaga. Promise."

"Okay. Kumain ka na diyan at maaga pa tayong bibili ng mga school supplies mo tomorrow."

I just remembered. Hindi nga pala ako nakabili ng school supplies kanina marahil sa nangyari. Umuwi agad ako ng bahay at hindi na pinansin pa si Angel. Naiinis ako sa tuwing nagpapakita siya sa akin. Nakaka-bad trip. Akala mo naman kung sinong close para protektahan ako sa lalaking 'yon. I don't need protection. Baka ang lalaking 'yon ang kailangan niyang protektahan.

When I was at the Riverhills High School, the day when Angel grabbed my wrist and ran away from Hoqur. Tila nakapasok ako sa utak ni Angel. I heard so many people from his childhood memories until his present memories. They're calling him 'Angel'. That's when I knew his name.

I have this gift from the Dark Lord. Whenever someone touch my skin or I touch their skin, I can read and fall to their memories, even their secrets. Lucky for him, sandali lang niya akong nawakan. And his mind was jammed. Kaya hindi ko masyadong nabasa ang nasa isip niya. At saka, hindi ko rin naman intentional na gusto ko mabasa ang utak niya, kaya iyon lamang ang nakuha ko.

Kung alam ko lang talaga na isang mortal school pala ang papasukan ko, eh, 'di sana nagsuot ako ng long-sleeved noong araw na iyon. I guess I have to wear one every day.

Pumunta agad ako sa kuwarto ko pagkatapos namin kumain. Nauna na ako marahil ay huhugasan pa ni Mommy ang mga nagamit namin sa hapag-kainan. I know. Kung ginamit ko lang sana ang kapangyarihan ko para mag-automatic na maghugas ang mga plato, baso, ang mga kubyertos ng kanilang sarili, eh, 'di sana hindi na naghirap pa si Mommy na maghugas ng mga ito. Pero nangako ako sa sarili ko na hindi ko na gagamitin ang kapangyarihan ko. After what happened to dad, mas gugustuhin ko pang pumasok sa mga simbahan ng mga believers kaysa sa Church of Darkness.

If our fallen God unholy cared for his followers, 'di sana namatay si Daddy. If he's that powerful, why can't he make him return to me. Alam kong masama para sa amin ang mag-isip ng masama sa Panginoon namin, pero masisisi niya ba ako kung hinayaan niyang mamatay ang isa sa mga tapat na tagapaglingkod niya?

AFTER my mom and I went to a store, hindi 'yong convenience store na pinuntahan ko noong nakaraang araw. Nakabili na rin kami ng school supplies at lahat ng kailangan ko today ay handa na. Now, my mommy is taking me to the school. Hindi naman niya kailangan pa akong ihatid, pero she insisted. Kaya wala na rin akong magawa. I guess she's just trying to have some time with me, like she always does. It's not that I hate it. Gusto ko sana maglakad-lakad sa paligid papunta sa school. Para naman ma-familiarize ko ang daan-daan dito. Pero ang sabi niya ay male-late na raw ako kapag naglakad lang ako. Which she's right. Next time ko na lang 'yong gagawin.

"We're here. Are you excited?" Mommy asked in her high tone while opening the glove compartment. Nakangiti pa siya habang may kinukuha sa loob nito, subalit hindi ko lang siya pinansin dahil abala ako sa pagtatanggal ng seatbelt ko.

"Actually, Mom, no. Iniisip ko pa lang ang magiging ambiance ng classroom ko . . . It suffocates me. To be honest." I rolled my eyes and reach for my bag on the backseat.

"We've talked about this already, right?" she worriedly said.

"I know, Mom. Kaya nga ako nandito, 'di ba? Wearing my black dress."

"Yeah, I see that. Nagmukha ka tuloy'ng witch sa itsura mo."

"Mom, I'm a witch–"

"Half. Here," ipinakita niya sa akin ang isang pamilyar na bagay sa akin, "wear this."

Hindi agad ako nakapagsalita at hinawi ko na lang ang aking buhok sa likod patungo sa harapan.

"You're so beautiful, darling." She distant herself and looks at me with awe.

"Thanks, Mom. Where did you get his–I mean, how?" Hindi makapaniwalang sabi ko habang hawak-hawak ko ang kwentas na isinuot ni Mommy sa akin.

I was my father's necklace. It is a gold Topaz. Hindi lang basta-basta ang bato na ito. Nag-iiba ang kulay nito depende sa ano mang klase ng tao ang kaniyang nararamdaman. Marami ang naniniwala na ang dilaw na topaz ay isang hiyas na kumakatawan sa empatiya at katahimikan. Ito ay may kaugnayan sa simbolismo ng kayumanggi at gintong mga kulay na may kaugnayan sa pamilya at tahanan. Ang topaz ay maaaring maging isang nakapapawi na bato at isang tagataguyod ng pagkakaisa.

"Your father left this when he, uh, uhm . . . Binilin niya sa akin 'to. Ang sabi niya ay ibigay ko raw sa 'yo kung kailan kailangan mo na. And I guess this is now the right time to give that to you."

Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako naniniwala kay mommy. There's something she's hiding from me. Alam niya kaya ang totoo tungkol sa kung paano talaga namatay si Daddy? At kung paano siya namatay.

Ever since the day when dad died, they haven't told me what'd have really happened to him. Hindi naman kasi ako naniniwala na sadyang gano'n na lang ikinamatay ni Daddy. He was the high priest of the Church of Darkness, tapos gano'n na lang? Mommy told me that he was being prosecuted by the townspeople where he was in a mission. Nalaman ng mga tao ang tungkol kay Daddy–The mortal, I mean.

Bakit naman hahayaan ni Daddy na patayin siya ng mga mortals, eh, puwede naman siyang umalis doon bago pa naging huli ang lahat. O, baka huli na ang lahat nang napagtanto niya na huli na ang lahat.

Tatanungin ko pa sana si Mommy tungkol dito nang biglang tumunog ang automatic bell timer system. It signifies the beginning of a class.

"You have to go. Mahuhuli ka na sa first day of class mo," sabi ni Mommy. She's still super excited about my first day class. Sana gano'n din ako.

I grabbed my backpack and quickly opened the door.

"Don't forget to eat your lunch!" she shouted while holding door not to close.

Nilingon ko siya at tinapunan nang masamang tingin. Sumigaw pa talaga si Mommy. Nakakahiya naman. I'm on nineth grade. She should stop treating me as a primary schooler. Bahala na kung i-baby niya ako sa bahay, 'wag lang dito sa school. Mas mabu-bully lang ako kapag may mahanap na loopholes ang mga taong may malaking loopholes sa bahay nila.

She just smiled while looking at me get inside through the main entrance of the school building.

Pagpasok ko sa classroom namin, ang dami na pala nila sa loob. Sa mga tansiya ko ay nasa thirty plus lahat ng mga mag-aaral na nandito. I was hesitant to come in but there's someone suddenly touched on the top of my shoulder, then everything went flash.

Agad 'kong inalis ang kamay niya sa balikat ko at tumakbo sa hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Sobrang bilis nang tibok ng puso ko, na tila ba sasabog ito. Nagmistulang noodles ang mga paa ko sa pa-ekis-ekis kong paglalakad habang nakahawak sa pader sa hallway.

They are all looking at me. Judgmental. Curious. Those adjectives are spiking my head in pain. Ano ba kasi 'yong nakita ko?

Then the next thing happened, I found myself sitting on a closed toilet. What was just happened? Nakalimutan ko tuloy kung sino ang taong iyon, but I'm sure we haven't met until today. Kakaiba ang nakita ko na pangitain sa past memories niya.

No'ng hinawakan niya ang balikat ko, agad na nag-flash ang buong paligid ko. It was like trapped in a white room full of lights everywhere then it shut down all together in just two second. Everything went dark, then I saw her. Nakatayo lang ako mula sa likod ng mga estudyanteng nakaupo sa kanilang mga upuan. And I saw this young fine looking girl on a stage with a principal, probably, and a another rich looking girl on the other side of the stage.

"Let's congratulate our new SSG President, Miss Vanessa Gocela!" The crowd clapped altogether with their smile of evilness.

I saw her past but only about darkness. Next thing happened, I found myself inside a comfort room.

Lumabas na ako ng cubicle at humarap sa salamin. Ngayon ko lang napagtanto na hindi ko pala naisuot ang dala kong jacket bago lumabas ng sasakyan kanina. Marahil ay tumunog na ang bell at nagmamadali na akong pumasok.

Inilabas ko ang jacket mula sa backpack ko habang nakapatong ito sa bathroom vanity top. It's black, my favorite color. Not because I'm a witch–half witch rather, eh, favorite ko na ang black. It's just . . . It fits my personality and mood every time since dad died.

Ngayon, maiiwasan ko na ang unintentional vision ko. I hate it when people touch me. Para tuloy akong nangingimasok sa buhay ng may buhay. Huminga ako nang malalim at inilabas din ito ng ilang sandali. Tiningnan ko ang sariling reflection sa salamin. All I can see is nothing but an empty vessel.