Chereads / The Last Order / Chapter 4 - Chapter 3: Guilt

Chapter 4 - Chapter 3: Guilt

Gilbert's POV

"Lieutenant." Napahinto ako sa paglalakad at napalingon ako kay Rosalie.

Lumapit siya sa akin at parang may nilagay siya sa collar ng uniform ko.

"Napapansin ko kasi mahilig ka din sa mga gamit pangbabae." Sabi niya sa akin at umantras siya at nagsimulang maglakad.

- End of flashback.

Nakatayo ako sa harap ng salamin habang tinitignan ang brooch na with hazel stone na kasing kulay ng mata ni Rosalie.

Hinawakan ko ito at naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko mula sa mga mata ko.

Rosalie, bakit ang sakit sakit sa akin na gamitin ka bilang aking armas? Masakit makitang umaatake ka sa gyera.

Ako dapat ang nagpoprotekta sayo. Dapat pinoprotektahan kita.

Natatakot ako baka maulit muli ang nangyari dati.

- Flashback.

"Gilbert!" Sigaw ni Rose sa akin at bigla niya akong tinulak palayo. Natamaan si Rose ng bala ng sniper sa ulo. Nanlaki ang mata ko nung nakita kong bangkay na lang ang asawa ko.

"Rose!" Sigaw ko at hinila ako ni Charlie palayo.

"Tara na!" Sabi ni Charlie habang hinihila niya ako.

"ROSE! ROSE! ROOOOOOSE!"

- End of Flashback.

Rosalie. Hindi ko hahayaan mangyari ulit yun.

Unknown's POV

"Sir, heto na po ang pinapahanap niyo. Rosalie Clare ang pangalan ng babae. Pansamantala siyang nakatira sa Edinburgh sa mansion ni Senior Alberto Clare at Rosita Clare na magulang ng asawa ni Lt. Colonel Gilbert Eastaughffe na si Rose Eastaughffe. Nung July 5, nahuli siya ng mga tauhan ni Brigadier General Rudolf Eastaughffe myembro ng Scotland's army. Maari nanggaling siya sa Russia dahil Russian ang lahi ng babae. Nagtangka itong pumatay ng dalawmpung tauhan ni General Eastaughffe. Kinupkop at inalagaan siya ni Lieutenant Colonel Eastaughffe for 3 months at pinasok ito sa training for 2 weeks lang dahil napakahusay nito. Inenlist siya sa Scotland's army at siya ang naging dahilan ng pagtatagumpay nila. Mabilis ang kilos nito at mapanganib, parang halimaw sa gyera." Paliwanag ng espiya ko.

"Russian, huh? Humanda ka Rosalie. Ako mismo ang magdadala ng ulo mo dito." Sabi ko sa tauhan ko.

Gilbert's POV

"Pinapalaya na kita. Simula ngayon mamumuhay ka na ng normal buhay katulad ng iba. Simula ngayon hindi ka na tatanggap pa ng utos mula sa akin." Sabi ko at nagulat siya sa sinabi ko.

"Lieutenant, utos niyo po ba yan?" Tanong niya sa akin.

"Paano mo nasabing utos ko yan? Bakit lahat na lang ng sinasabi ko iniisip mo lahat na utos yun?" Tanong ko sa kanya.

"Kung ganon, hindi ito utos? Pinapalaya mo na ako? Hindi na ako makakatanggap pa ng utos mula sayo?" Tanong niya sa akin.

"Kaylangan mo ba talaga ang utos ko?" Tanong ko sa kanya.

"Yes Sir, kasi heto ang pinili kong buhay para makinig sa mga utos mo at para maging armas mo." Sabi niya sa akin sa makalmang boses.

"Hindi mo na kaylangan makinig sa mga utos ko para mabuhay Rosalie. Hindi mo na kaylangan makinig sa mga utos. Kaylangan mo nang mabuhay bilang tao at hindi bilang armas." Sabi ko sa kanya.

"Kung yan ay utos mo Sir, susundin ko." Sabi niya at nagsimula siya g maglakad paalis. Naiinis ako sa mga pinagsasabi niya. Nagagalit ako lalo sa sarili ko.

"Sa tingin mo, armas ba talaga ang tingin ko sayo?" Tanong ko sa kanya at napahinto siya sa paglalakad.

"Kung ganon pala ang iniisip mo, sana iniwan na kita sa kapatid ko. Sana hindi na kita kinuha sa tabi ko! Sana naman maintindihan mo ako! Sana naiintindihan mo ang nararamdaman ko! Ang sakit na nararamdaman ko!" Sigaw ko sa kanya at bigla akong napaluha.

"Alam ko naman na tao ako Lieutenant! Pero pagod na akong maging tao! Pagod na akong mabuhay! Lagi na lang akong pinapatay pero ang mga taong lumiligtas sa akin ang namamatay!Kaya gusto ko na lang maging bagay! Yung tipong ako na lang ang mamatay para protektahan ang isang tao! Yun yung dahilan kung bakit natatakot akong mamatay dahil sa tuwing papatayin ako iba ang namamatay!" Umiiyak na paliwanag niya sa akin.

"I'm sorry. Nakokonsensya lang kasi ako. Gusto lang kitang protektahan. Sana sa una pa lang prinotektahan na kita, pero mas lalo kitang ginawang pangprotekta sa akin. Ako dapat ang nagpoprotekta sayo pero napakagago ko at napakaduwag ko. I'm sorry kung naging makasirili ako. Pero salamat sa pagpoprotekta sa akin kahit hindi ko naman yun deserve. Natatakot lang din ako na may mawala nanaman dahil sa kapabayaan ko." Sabi ko at napaluhod ako sa pagiiyak ko.

"Lieutenant, ayokong mawala ka sa tabi ko. Binigyan mo ako ulit ng buhay. Binigyan mo ako ng pangalan, ng pamilya at bahay na matitirahan at rason para mabuhay at yun yung protektahan ka para maipagpatuloy mo pa ang pagpoprotekta sa iyong bansa. So please Lieutenant, let me have your orders, para sayo at para sa ating bansa." Sabi niya sa akin at lumabas siya mula sa tent.