Chereads / The Last Order / Chapter 6 - Chapter 5: Slave Wish

Chapter 6 - Chapter 5: Slave Wish

"Leticia anak?" Sabi ng familiar na boses. Si Mama!

"Mama!" Sigaw ko habang hinahanap ko siya pero bakit ang dilim? Wala akong makita? Tanging nasa akin lang ang liwanag.

"Salamat at ligtas ka Seniorita." Sabi ng familiar na boses lalakeng nagligtas sa akin dati.

"Rosalie." Sabi naman ng boses ni Lt. Gilbert.

"Lieutenant!" Sabi ko.

Biglang bumukas ang isang lampara at nabasag ito at umapoy ng malaki.

Nagulat at natakot ako sa mga nakita ko.

Puno ng dugo ang paligid at sila mama dugoan.

"Ma-ma." Sabi ko at tumakbo ako palapit kay Mama.

"Lumayo sa akin! Wala kang kwentang anak! Iniwan mo ako!" Galit na galit na sinabi sa akin ni Mama at napaiyak ako.

"Pinatay na dapat kita!" Sabi ng lalakeng nagligtas sa akin at muntik niya akong saksakin ng kutsilyong binigay niya sa akin ngunit nahila ako agad ni Lt. Gilbert.

"Lieutenant." Sabi ko at lumingon ako sa kanya.

"Rosalie, sabi mo poprotektahan mo ako pero bakit mo akong hinayaan mamatay?" Tanong sa akin ni Lt.

Anong nangyayari?

"Bakit mo ako iniwan?!"

"Papatayin na kita dapat!"

"Bakit mo akong hinayaang mamatay?!"

Anong nangyayari? Ano to?!

Bigla kong nabukas ang mata ko at napaupo ako.

Panaginip lang pala.

"Ugh!" Sabi ko at napahawak ako sa balikat ng nakaramdam ako ng hapdi sa likod ng kaliwang balikat ko.

Lumingon ako paligid at nasa kulungan nanaman ako at parang underground ang kulungan na ito.

Lumingon ako sa lalakeng nakamilitary uniform na binubuksan ang kulungan ko.

Pagkabukas ng kulangan pumasok sa loob ang kasama niya.

Matangkad, broad shoulder ang shoulder niya at blonde ang buhok niya at kulay grey ang mga mata niya at mukhang bata pa siya kesa kay Lieutenant.

Familiar ang lalake na ito.

Hinawakan niya ako ng mahigpit sa jaw ko.

"Mission accomplished." Sabi niya sakin habang nakangiti. Bumitaw siya sa pagkakahawak sa akin at naglakad lakad sa loob ng kulungan ko.

"Swerte mo! Dapat magpasalamat ka sa akin dahil humanga ako sa kagandahan mo at nagkainteresado ako sayo Miss Rosalie. Kung hindi pinatay na kita agad." Sabi niya sa akin habang nakangiti pa rin.

"Isa kang mysteriousong babae na gustong gusto kong makilala. Sabihin mo sa akin, Rosalie nga ba ang pangalan mo?" Tanong niya sa akin at biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa kabah. Di kaya may alam sila sa tunay kong pagkatao?

"Oh bakit parang natakot ka? Anyway, wag ka magalala. Makakatikim ka muna ng heaven dito sa mundo bago mo maabot ang heaven." Sabi niya sa akin at lumabas siya mula sa kulungan ko.

"Dalhin niyo na yan sa taas at pabihisan niyo na yan. Pag yan lumaban tirahin niyo agad sa ulo." Sabi niya at umalis.

Nilabas ako ng mga kasamahan niya at dinala sa taas.

Isang malaking mansion. Ang ganda at ang daming maids.

"Pinapabihisan na siya ni Colonel." Sabi ng nakahawak sa akin sa mga maids.

Pinasok ako ng mga maids sa isang kwarto na puno ng damit pangbabae.

Nilinisan nila ako at binihisan habang tinututukan ako ng baril ng humahawak sa akin kanina. Kaylangan kong magisip kung paano ako makakatakas dito.

"Wag niyong itapon ang brooch." Sabi ko at kinuha ko ito at nilagay ko sa collar ng damit ko.

Pagkatapos magbihis sa lumabas ang mga maids at nakatutok pa rin saakin ang baril.

Pagkasarado ng pinto agad akong kumilos na agawin ang baril at niyakap ko siya sa likod at tinutok ko sa ulo niya ang baril.

Pumasok sa loob ang mga kasamahan niya at tinutok sa akin ang baril.

"Wag kayong lalapit! Papatayin ko to!" Sabi ko sa kanila habang umaantras ako.

Nakarinig ako ng palakpak mula sa labas. Yung lalake nanaman.

"Mahusay mahusay Rosalie. Sa tingin mo ba? Makakatakas ka pa? Tandaan mo nandito ka sa teritoryo ko." Sabi ng demonyong ito sa akin.

Dahan dahan ko pinakawalan ang lalake at tinulak ko ito at dahan dahan ko din binaba ang baril na hawak ko.

Lumapit siya sa akin at sinipa niya patalikod ang baril.

"Lumabas na kayo." Sabi niya sa akin at nagsilabasan ang mga tauhan niya. Nilock niya ang pinto at nagsimula itong naghubad ng damit niya.

"Anong gagawin mo sa akin?" Tanong ko sa kanya.

"Di pa ba obvious kung ano ang gagawin ko ha? Ipapatikim ko lang naman sayo ang heaven ng mundo." Sabi niya sa akin habang nakasmirk.

Hindi ko hahayaan mangyari to kaylangang kong magisip! Kaylangan kong tumakas pero

"Ito ang huling utos ko sayo. Mamuhay ka ng normal. Mamuhay ka ng walang utos ko." Biglang bumulong sa akin ang huling utos sa akin ni Lt. Gilbert.

"Kung ako ay magpapaalipin sayo?! Tatanggapin mo ba ako o papatayin mo ako?!" Matapang kong tanong sa kanya.

"Gusto kita. Matapang ka. Alin ang gusto mo? Utusan o babae sa kamah?" Tanong niya sa akin habang nakangiti na ngiting demonyo.

"Asawa at babae sa kamah." Sabi ko sa makalmang boses.

"Tataganggapin mo ba ako o papatayin mo ako?!" Tanong ko ulit sa kanya.

"Ikaw, bakit parang hindi ka natatakot magpaalipin sa akin ha? Di mo ba ako kilala? Ako si Wald Dietrich ang myembro ng Dietrich Dynasty na mortal na kaaway ng mga Russian. At isang maling galaw mo lang pwede kong pasabugin yang ulo mo." Tanong niya sa akin.

"Wala akong pakealam. Dahil yun lang ang paraan ko para mabuhay at gagawin ko ang lahat para manatiling akong buhay." At para mahanap ko ulit si Lieutenant.

Unting unti siyang lumalapit sa akin at bigla niya ako hinila sa bewang ko.

"Pagbibigyan kita. Pipiliin ko ang slave wish kesa sa death wish." Bulong niya sa akin at bigla niya akong hinalikan.