After one year...
Yes, It's been one year since I got rejected by him. Pero bakit ganito? Hindi naman naging kami pero mahal ko pa din sya. Ba't parang ang tanga ko naman?
"Beshi pretty ba ako?" I asked while tinititigan ang sarili ko sa salamin.
"Ano bang kaartehan yan beshi?" Tugon naman ng bestfriend ko slash sister's not in blood slash kasama ko dito sa condo.
Siya si MJ anak ng katiwala ng family namin. Kasama ko na siya buong buhay ko. Dalawa silang magkapatid pero sa kanya magaan ang loob ko. Pinag-aral siya ng family ko dito sa Royalties University and para may makasama na din ako. While si Lj yung kapatid niya naiwan sa Bahay namin sa Bacoor.
"Wala ba talaga akong boobs beshi? Really? Totoo?" tanong ko ulit sa kanya kahit alam kong masasaktan lang ako. I pouted my lips then poke my cheeks.
"Ano ba yan beshi sasampalin na kita jan eh. Uso mag move on beshi ha isang taon na nakalipas uy. Sya limot kana, ikaw nandyan parin." sermon nya sakin habang nag aayos ng kilay nya.
"Sana lahat..." I sighed.
"Senti mo naman.Oo maganda ka, mayaman, mabait din naman kaso alam mo na. Tanggapin mo nalang na sa ating dalawa ako ang pinagpala ng malusog na---"
"Oo na! Ikaw na! Tara na nga late na tayo." I rolled my eyes. Eto naman kasing si beshi ayaw padaig.
Anyway hindi pa pala ako nagpapakilala sa inyo. I'm Alexandra Blaire Mercado. 17 years of age and now I'm entering my college life. Taking up Bachelor in Science of Accountancy. I'm not good in math but I just wanted to face my weakness. May tangkad na 5'4, morena at may mahabang tuwid na buhok. Uhm yes, again and again I got rejected by my ultimate crush ever and I guess you know already the reason behind. So embarrassing arrgh!
Ay wait teka...bakit mag isa nalang ako? Nasan na yung patay gutom kong beshi? Iniwan ako gosh! First day of school and hindi ko pa kabisado tong school nato. Shibal!
"Hi." Bahagya akong kumaway sa lalaking nakaupo sa bench na malapit sakin na pwede kung pagtanungan kaso parang hindi nya ako naririnig nakaearphone kase sya.
"Kyah! Notice me." This time kinalabit ko na sya at lumingon naman sya at ginantihan ko siya ng ngiti. In fairness ang pogi ni kuya ha. Parang kamukha pati nya yung dating crush ko.
"Yes?" Tsaka nya ako tinignan from head to toe.
Sounds famili--- O. M. G.
"WHAT THE HECK!" I uttered. I'm out of myself basta yun nalang nasabi ko.
Is that really you Aaron Keith Cortez? Hind ba ako nanaginip nito?
"What?" Unti unti namang kumunot noo nya parang naweirduhan ata sya sakin. Parang nakalimutan nya na nga ako. He didn't recognize me. May chance pa kaya kami?
"Ahh...uhm I'm sorry. I just wanna asked kase if may chance pa ba tayo?" Ano daw? Teka ano ba sinabi ko.
"What? Are you crazy?" Salubong kilay na tugon nya sakin.
"I mean naliligaw kase ako itatanong ko lang sana kung pag-ibig naba 'to? este kung nasan yung building ng Accounting students?"
Breath Alexa, relax. Onii-chan why you're still so damn handsome? Ugh. Why I'm still into you?
Napailing lang sya tsaka naglakad habang nakasilid ang mga kamay niya sa bulsa ng pants niya. So ano to? Another walk out scene?
"Sumunod ka sakin." he said habang nilalagay yung earphones nya sa tenga.
Ay taray! Sumunod daw ako bes oh! Syempre ngiting tagumpay naman si ateng.
Aaron's POV
This little punk really getting into nerves. She never gets tired chasing me after all. She's still so dumb and clumsy but she's lil cute tho. Well, she's still not my type. And she will never be. Never.
Magkapareho kami ng id lace so it means we're in the same building. What a nightmare! I placed my palm on my forehead.
Alexandra's POV
So eto nako listening to my professor's lecture etchos keme lang. Walang pumapasok sa utak ko hindi ako maka move on kanina hinatid nya ako kinikilig ako hekhek kahit na mukha akong aso na nakabuntot sa kanya. Kaso hindi man lang sya nagbabye sakin hindi tuloy ako nakapag thank you.
12:00 PM tumunog na yung bell saktong tumunog na din tyan ko. Hay naku nasaan naba kasi si beshi ?
Sa canteen...
Eto na nga dito ako dinala ng pang amoy este mga paa ko sumunod lang ako sa mga kakakilala ko sa mukha haha. Since gutom ako and I really need a strength sandamakmak na pagkain ang inorder ko which is very usual to me. Malakas ako kumain pero never ako tumaba.
Whut? Lahat sila may mga kashare sa table samantalang ako mag isa lang how sad my life is charot. Habang dinadial ko yung number ni beshi bigla nalang tumigil sa pag ikot ang mundo ko the moment na makita ko si Aaron papasok ng Canteen. Shocks tulo laway.
"Hello beshi!" Boses iyon ni beshi mula sa kabilang linya na syang pumukaw sakin sa pagpapantasya.
"Oh beshi. Okay lang ako sige na bye."
*toot* binaba ko yung tawag tsaka sinundan ng tingin si Aaron. Binitbit ko na din tray ng foods ko para lumipat sa pwesto ni Aaron. Kapal ko nuh? Ganun talaga pag mahal mo gagawin mo lahat.
"Ahem! Pwede ba ako makishare ng table? Mag isa lang kasi ako." Nag puppy eyes pa ako sa kanya para pumayag siya. Pero para wala lang siyang narinig at nagpatuloy lang sa pagnguya ng pagkain niya kaya ako na ang nagkusa na umupo. So magkaharap kami ngayon pero parang hindi niya ako nakikita. Pero okay lang ang pogi nya talaga.
"Uhm ako nga pala si Alexandra Blaire" i extended my right arm para makipag shake hands sana sa kanya para mahawakan ko kamay nya kaso deadma lang ako.
"Salamat nga pala kanina ha. Tinulungan mo ako." I flipped my hair then look at him. Ano ba yan para akong nakikipag usap sa hangin nito.
"Nagkita naba tayo dati? Parang familiar ka sakin." He replied.
Oh no! mas mabuting wag na nya maalala yun. My face started to turn into pinkish.
"Ah hehehe hindi ako yun." Napangiti ako ng pilit at ikinubli ang hiya na naramdaman ko dahil sa naalala ko.
Tinitigan nya ako somewhere over there then gave me a half smiled.
"Hanggang ngayon wala ka parin."
*Swosh*
Hindi ko naman sinadya pero nailabas ko nalang lahat ng pagkaing nginunguya ko dahil sa gulat. And worst, lahat ng yun ay sa mukha ni Aaron tumalsik. Kaya naman nataranta na ako and lahat ng tao sa canteen ay nasamin ang attention.
I gulped. O M G...