Sa sobrang sama ng nangyare kahapon instant sikat na ako sa campus. Galing diba? Akala ko magkakaroon na ako wrinkles sa kahihiyan kahapon. Hindi ko alam kung makakakain pa ako sa canteen and worst hindi ko alam kung papansinin pa ako ni Aaron. Malamang galit na galit sya sakin ngayon. Nag walk out siya kahapon kaya hindi pa kami nagkikita hanggang ngayon.
I walked on the corridor blankly. Bawat madadaanan kung studyante ay ang sasama ng titig sakin. Kala mo kung sino mga mukha namang tuyot na ampalaya hmp! Tinaasan ko lang sila ng kilay.
"Beshi Mj." Tawag ko kay beshi.
"Oh?" She answered while taking selfies.
"Sa tingin mo ba magkakaroon kami ng comeback ni Aaron?" Humarap ako sa kanya para pakinggan yung sasabihin nya pero tuloy pa din ang paglalakad.
"Unang una beshi Alexa, walang magaganap na comeback kase never naman naging kayo. Okay? Asado slash assumera ka masyado beshi e. Magkape kape ka din para kabahan ka jan sa mga sinasabi mo." sabay pitik sa noo ko.
"Aray ko naman!" Reklamo ko sa kanyan. "Pero feeling ko naman may spark na kami this time around. Pinagtagpo ulit kami ng tadhana" Napangiti naman ako ng bahagya.
"Ewan ko sayo beshi ang tigas ng bungo mo. Hirap mo pagsabiha---- ahh...sige na beshi mauna na ako ha bye" she fake smiled then run away na para bang nakakita ng multo at nagmamadaling umalis.
Aaron's POV
"Fuck!" Nasabi ko nalang nang makita yung oras. Late na ako sa klase ko. Nalate na ako ng gising dahil sa panget na babaeng yun. Inuubos nya talaga pasensya ko.
I drove my car as fast as I can and it took 5 minutes only ay nasa school na agad ako. Good thing wala pang traffic.
Habang naglalakad na ako papunta sa klase ko nang may nasagi ang mata ko which is very catchy to me.
"That ugly little punk..." I glared then then take a steps closer to her.
I was standing at her back at nataranta namang umalis palayo yung kausap nya.
"Let's talk!" Pabagsak kong sabi na siyang ikinagulat niya naman.
Alexandra's POV
"Ay palaka!" I half yelled dahil sa gulat.
"Jusme naman kase bigla bigla ka nalang sumusulpot. Di ako aware buti nalang fresh pa itsura ko ha." Sandali akong natigilan sa sinabi ko nang mapansin ko yung aura nya na nagngingitngit sa galit. Kulang nalang lapain nya ako at lunukin ng buhay.
Mygad mgbbreak na ata kami T.T etchos.
"May kasalanan ka sa akin and you have to pay for it. Give me your phone." He raised his eyebrow then held his right hand nag aantay lang na iabot ko yung phone ko.
I gulped, mga bente. Di na ako nagsalita pa at inabot yung phone ko sa kanya. Tapos may tinype siya na kung ano doon.
"12:00 o'clock PM tomorrow. Be there and don't be late." Sabay bagsak ng phone sa kamay ko tsaka sya tumalikod at naglakad na palayo while me? Nakatunganga lang habang sinusundan siya ng paningin ko hanggang mawala na.
"Ang hot niya parin talaga kahit galit siya" I grinned. Pumasok na ako sa loob ng classroom at agad ko namang chineck phone ko para malaman kung ano yung tinype nya dun. And I saw an unfamiliar address.
"12:00 o'clock PM tomorrow. Be there and don't be late." Nagflashback sa isipan ko yung sinabi nya.
"Omg! Are we going to have a date?" I shouted out. Nanlaki ang mata ko at halos umabot na hanggang tenga yung ngiti ko. Yung puso ko parang tumatalon na sa tuwa. Naku kelangan paghandaan ko na ito.
"Ms.Mercado!"
(Everyone in the classroom burst into laugh.)
Opps...uh-oh~
Few minutes later...
Here I am. Nakaupo lang sa bench na malapit sa building namin. Waiting for my next subject. Dahil sa ingay na ginawa ko kanina pinalabas ako ng prof ko. Saya diba? Bahala na nga. Di ko naman sinadya yun e. I pout my lips while staring at my watch.
"Hey!" Biglang may tumapik sa magkabilang balikat ko na siyang ikinagulat ko naman.
"Oh hi! Omg! Long time no see..." napatayo ako at niyapos si mokong ng sobrang higpit na tila ba isang daang taon kaming hindi nagkita hahaha.
"Di ka man lang nagsabi na dito ka papasok. Edi sana nasundo kita!" Bungad niya sakin.
"Naku bakit pa? Alam ko namang makikita kita dito noh! Like duh~ sino ba namang hindi nakakakilala sayo dito? Mr.Ralph Del Castillo or shall I say Engineer Ralph?" I chuckled.
Anyway guys, he's one of my highschool friend. Maybe lahat na ata ng babae dito sa campus naging kalandian niya na. Yes, he's a damn freakin' playboy. Well, di ko naman na maitatanggi na pogi siya at maappeal. Pero syempre wala paring makakahigit sa Aaron ko likod palang ulam na charot.
"Bakit nasa labas ka at mag isa? Wala kang pasok?" Tanong nya sakin.
"Uhmm...meron. Mamaya pa." sagot ko naman.
"Kung ganun dito pala muna ako." Tumabi siya sakin sa upuan.
"Gusto mo samahan kita?" Dagdag pa niya tsaka ako tinitigan sa mata na parang matutunaw ako.
"Okay lang naman" sagot ko.
"Hanggang pagtanda?" he said with a sweet smile on his face.
"Baliw! Tigil tigilan mo nga ako sa mga paganyan mo kung ayaw mong malintikan ka sakin!" Hinampas ko siya sa braso pero mahina lang. Di ko muna siya bubugbugin at ngayon lang kami nagkita ulit eh hahaha.
"So ano? May boyfriend kana?" pfff. Tuwing nagkikita kami hindi nawawala yang ganyang tanungan niya.
"Magkakaroon palang. Hmm...Malapit na." Bulong ko sa kanya.
"Oh...really?" Parang bilang nangasim yung mukha niya sa sinabi ko. Di ko alam kung hindi niya nagustuhan or hindi siya naniniwala na magkakalove life na ako.
"Yeah! Actually magdadate kami bukas." Chika ko sa kanya.
"And sino naman nagkamali sayo?" Taas kilay niyang tanong sakin.
"Ay grabe ka ah! Hmp! Makikita mo din!" Inirapan ko siya tsaka tumayo na din ako para makapagtungo na ako sa next class ko.
"Uy san kana?" sabay pacute niya sakin.
"May pasok na ako e. Just see you around." Sabay beso ko sa kanya at naglakad patungo sa next class ko.
Hours later...
"Beshi san ba tayo pupunta? Bat parang atat na atat ka jan ha?" Tanong ni Mj sakin na napakamot nalang sa ulo dahil basta ko nalang sya kinaladkad right after our classes.
"Pupunta tayong Salon okay. Kailangan kong magpaganda for tomorrow. And kailangan ko na din bumili ng bagong damit." I answered while nasa kalsad ang tingin since I'm driving.
"For what?" Yung itsura ni beshi parang puzzle na wala sa ayos.
"WE'RE HAVING A DATE!" I shouted with a wide smile.
"Date? With Ralph?" She asked again.
"NO! What the heck are you talking about! Of course with Aaron duhh..." I rolled my eyes.
"Seriously? Sinabi nya?" Parang ayaw pa maniwala ni beshi sisipain ko na to palabas ng kotse e.
"No, pero ganun na din yun. Basta just be happy for me okay?" Nag okay sign pa ako sa kanya para walang syang palag.
"Wait, bakit mo nasabing si Ralph yung kadate ko? " Pahabol na tanong ko.
"Narinig ko lang sa tabi tabi kanina. Gusto ko nga siya makita personally e since matagal mo na siyang kinukwento sakin."
"Hay naku! Hindi mo siya magugustuhan. As what I've said, isa siyang malaking playboy. Basta tomorrow is the most important day." Ang saya ko promise. Sana ito na yun.
"Dala ka lubid beshi para pag nabroke ka. Alam mo na ha? Shemay nasobrahan ka ata sa pagkain ng asado siopao eh" sabay tawa ng nakakaloka.
"Bitter ka lang e!" Nakitawa nadin ako sa kanya kahit nainis na ako ng very very light hahaha.
"Don't worry beshi. Support pa din kita jan sa kagagahan mo." Bawi naman nya.
So ayun long day ang nangyare.