Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

INSIDE UTOPIA

🇵🇭mojarru22
--
chs / week
--
NOT RATINGS
32.7k
Views
Synopsis
Tulad nang mabilis na pag-unlad ng teknolohiya. Ang larong ONLINE game ay mabilis din nagbago. Mula sa unang labas nito na ginagamitan ng desktop at keyboard, hanggang sa virtual reality 2D to 10D gamit ang headset at gaming remote. Dahil laging indemand ang Online Game sa mga tao, ang mga kilala sa larangan ng computer graphics industry, software advertising, engineering, and video game development ay walang tigil na hinahasa at pinapaganda ang mga bagong labas na laro. At sa taon na ito, pinapakilala sa mundo ang kauna-unahang 99% realism ONLINE GAME after 25 years of researched at sa tulong ng mga batikang syentipiko sa lahat ng panig patungkol sa sensya, nagawa na nila ang UTOPIA ONLINE. Ang laro kung saan ang iyong consciousness ay ipinupunta sa mundo ng laro, gamit ang bagong imbensyon na dreaming device na kumukonrol sa brainwave ng isang tao. Magiging DREAM GAME ba ito o DEATH GAME?
VIEW MORE

Chapter 1 - Dream Capsule

DREAM CAPSULE o mas kilala sa tawag na Dcap, ang kauna-unahang virtual reality gaming device na kayang dalhin ang consciousness ng isang manlalaro habang ito'y tulog sa loob ng kanyang installed o preferred game. Equipped with the latest and highest technology including the DCvisor na kayang magbasa ng human brainwaves at B-lasers na para naman sa body nerve points.

Ang capsule ay gawa sa pinakamatibay at dekalibreng black metals na inangkat pa ng Earth sa planetang una nitong nasakop, ang planetang Mars. Ang cover naman nito ay gawa sa fiber at carbon glass na pinagtibay at makailang beses ng in-upgrade sa nakalipas na mga panahon. Sa gitna ng capsule ay makikita ang manual control panel at ang game cartridge slot kung saan ini-install ang nais na laro.

[Game Cartridge - isang maliit na chip kung saan nakalagay ang online game program.]

The Dcap is very expensive and rare, dahil bukod sa ito ang pinaka-latest technology sa ngayon, mayroon lang na isang milyon na Dream Capsules sa kabuuan ng United Nations na may populasyong ilang trilyon. Kaya kung hindi ka nabibilang sa mataas na estado o maimpluwensyang tao sa lipunan, nungkang makakakuha ka ng Dcap. Mapalad naman ang mga taong top-ranking ang galing pagdating sa online games at ang mga taong nanalo sa mga mahihirap na paligsahan na isinagawa ng UN dahil sila'y nabigyan ng libreng Dcap. Ang mga hindi nakakuha'y kailangan pang maghintay ng limang taon para sa susunod na release ng nasabing device.

Matagal kong pinagmasdan ang sci-fi na capsule sa aking harapan, na-out of place ito sa makaluma kong Victorian-styled na kwarto. As much as possible, I don't want to get near these pods unless it is necessary because it opens some bitter memories.

Gamit ang Dream Capsule manual book, sinimulan kong paganahin ang gaming device. I exactly followed all the instructions. Kinuha ko ang Utopia game cartridge sa side table na ikinalaglag ng isang maliit na white paper na may nakasulat na, "Find Me!" Tiningnan ko nang matagal ang note at saka huminga nang malalim.

"Installing Utopia, this will not take long," sabi ng boses na nanggaling sa game capsule navigator. Ang cover ay automatic na bumukas at tila ready na sa sinumang gagamit nito.

Napahawak ako sa aking baba habang sinusuri ang loob ng pod. Mayroon itong milyon-milyong maliliit na automated laser holes sa magkabilang sides. Sigurado akong dito lumalabas ang sinasabi nilang B-lasers. Agaw-pansin din ang elegant black metallic and glass visor piece na nakalagay sa head rest ng maliit na puting higaan nito. So I guess, this must be the DCvisor.

I don't like to admit but nervousness filled my body. Kinakabahan akong humiga, nakiramdam, and eventually tried my best to relax. Alam kong maraming human test ang ginawa upang masiguro ang kaligtasan ng device na ito. Sapagkat ninety-nine-point nine percent ng maglalaro nito ay kabilang sa mga alta sociedad at kundi man mayayaman ay mga exceptionally talented or prodigy. Kaya hindi nila pupuwedeng isangkalang ang kaligtasan ng mga manlalarong ito. Ngunit hindi ko pa rin maiwasang hindi mangamba. Maraming palabas na movie tungkol sa reality-based game kung saan ang consciousness ng player ay nata-trap sa loob ng laro or worst, nako-coma ang mga ito kapag namatay sa loob ng game.

Truth be told, hindi ako mahilig sa mga ganito ka-hi-tech na laro. Kaya lang naman ako maglalaro nito ay sa dahilang baka sakaling dito ko matagpuan ang isang taong matagal ko nang hinahanap. Kahit man lang makahanap ako ng clue sa whereabouts niya.

Ilang minuto rin akong nag-isip at isandaang beses na napabuntong-hininga bago nagkalakas-loob na ilagay ang DCvisor sa aking ulo and finally 'PRESS' the red button.

Napapikit ako nang maramdaman ang mild electric shock. Ramdam ko ang mabilis na pagkahulog ko sa kawalan. Kinakabahang iminulat ko ang aking mga mata only to see a lovely universe theme wormhole with billions of starlight, planets, lunar miasma, and milky way. All of a sudden, some glitch effects keep appearing and reappearing at my sight.

What's happening?

Hanggang sa maramdaman kong mas bumilis ang pagbagsak ng katawan ko at pakiwari ko'y naiiwan ang aking sikmura. Ang bilis ng tibok ng puso ko!

"Somebody make me stop!" sambulat ko nang makitang malapit na akong kainin ng puting crack ng universe.

♠♠♠

"Welcome to Utopia."

"W-What?!" Nai-starstruck ako sa mga nangyayari. Kanina nahuhulog lang ako, ngayon ay nakatayo na ako sa isang white room with mirror walls. I assumed na ito ang starting point o ang character creation section.

Isang mainit at nakasisilaw na liwanag ang kumalat sa buong lugar at iniluwa ang isang black-winged female wearing a white robe na pinalilibutan ng light effects.

"Greetings, my Ladyship. Welcome to Utopia. I'm Terentia, your Utopia Angel."

"Hi," mahina kong bati. Kalmado na ang lahat maliban sa puso kong tuloy pa rin sa pagkabog.

"Please give me a moment to scan your body and record your vocal frequency," she said with her cold voice na parang galing sa after life. Tumango ako at tahimik na naghintay hanggang sa matapos ang scanning process.

"You can now create your character. Before you proceed, I'm reminding you that you will only have one chance to create a character. Once created, your race, name, and appearance cannot be changed. In order to preserve our world, each person may only have one account and one character without exception."

Napahawak ako sa aking baba sa narinig. One character for a combat type of virtual reality massively multiplayer online role-playing game, huh?

"Utopia is PvE and PvP game base so what will happen if my character dies?"

"If your character dies, your character will be terminated/deleted in the game," emotionless nitong sagot sa akin.

Napaarko ang aking mga kilay sa narinig. "Let me remind you the cost of this Utopia game, Miss Terentia," mahinahon kong sabi. "It's ten million! I bet you have no idea what the T-E-N-M-I-L-L-I-O-N worth is."

Nanatiling tahimik si Terentia, wala itong pakialam sa gusto kong iparating sa kanya.

"Would you like to begin creating your character?"

Napabuntong-hininga na lang ako. Para sa mga mayayaman, ang ten million ay barya lang. But not for a thrifty person like me. Bawat sentimo ng pera ko ay mahalaga. All of my resources should be spent carefully, not wastefully. Para kasing itinapon mo ang ten million mo once na namatay ka sa larong ito. So, death in this game is not an option.

"Please select a race," wika ni Terentia. Isa-isang lumantad at pumalibot sa akin ang iba't ibang klase ng avatar from Human, Elf, Dark Elf, Demon, Holyman, and Beastman, all making a pose at tila nagpapa-impress para piliin sila. Ang lahat ng race ay maganda ang itsura ngunit dalawa sa mga ito ang angat sa lahat, iyon ay ang Human at Demon.

"I want to see myself as a Demon and Human, please?"

Two versions of me appeared. As expected, the Demon is much better-looking than the Human. Darkened skin, fiery eyes with bat wings and horns.

"What are the racial characteristics for Demons?" tanong ko kay Terentia. Habang pinagmamasdan ang aking Demon Avatar. May Utopia Guide Book sa game cartridge pack pero hindi ko pa ito nababasa.

"Ladyship Demons are known for magicians and for mass fights. They are also a valuable fighter in any group because of the skill that causes damage simultaneously to many opponents. However, unlike Holymen, Demons cannot brag of his high chance to cast that makes them dependent on the protection of partners. The way of Demons' magical development is difficult and approaches only for skilled players. Demons are highly resistant in poison and fire."

"and Humans?"

"Humans are known for their all-roundedness. Their physique cannot be compared to Beastmen and their agility cannot be compared to Elves. Their magic may not be as powerful as Demons and Holymen, but their agility is higher than Beastmen, their physique is stronger than Elves, and they can learn and use magic. Plus, Humans are balanced when it comes to elemental resistant."

After asking so many questions to Terentia and thinking the pro's and con's of each races, I have decided to become human.

"Now for your starter class. We have Swordsman, Magician, and Thief."

Maybe I should be a warrior? Napailing ako. Warriors are melee and do a face-to-face combat, mataas ang percent nilang ma-hit ng opponent kahit pa sabihing mataas ang kanilang vitality and constitution. I don't mind a thirty percent pain felt. Pero first time pa lang akong maglalaro ng reality-base game so kailangan kong magdobleng ingat. One life nga lang, 'di ba? 'Pag magician naman, mataas ang attacking power pero mahina ang defense at mataas ang chance na mamatay ako agad. Also, magicians use incantation sa paggamit ng powerful spells which is definitely not my thing.

"Hmm... make me a thief then!"

Race: Human

Gender: Female

Age: 25

Body Type: Slim

Body Height: 170 cm

Class: Thief

Weapon Specialist: Dagger, Dart, and Bow

"Human-thief! Good choice Mama!"

Na-shock ako sa narinig kong tinig. That voice? Oh no! I have bad premonition...

"How did he get in he-" Just as my head was bursting with questions, isang nakasisilaw na liwanag ang kumalat sa buong kwarto.

"It allows Momo to enter the game," sagot nito sa akin bago pa matapos ang aking sentence. Hinagkan ako nito sa tuktok ng aking ilong. Bago masayang lumilipad sa ere.

"Momo, did you... by chance, bypass their system?" gulantang kong tanong sa aking android doll.

"Baka ma-ban ako."

[Player Ban - Game developers permanently delete any disruptive players, such as those using cheats and breaking the rules.]

Ang avatar ko, si Terentia, at ang mga in motion sa loob ng white room ay nag-freeze sa ginawang pangingialam ni Momo sa program nito. Kaya siguro nagkaroon ng glitches kanina on my way down here dahil bini-breach ng aking doll ang security ng larong ito.

Sadyang lumaking pakialamero ang aking android doll lalong-lalo na sa mga technology na kagaya nito. It is one of a kind. Mahilig siyang mag-break ng computer systems at mag-breach ng computer networks. Marami na siyang napasabog at nasirang computers and programs. Ilang beses na rin ako nakatanggap ng warnings and penalty fees dahil sa kalokohan niya. May isang beses ngang nag-bypass siya sa program ng aking condo unit at dahil doon ay isang linggong nawalan ng kuryente ang buong penthouse building.

"But... Mama, Momo wants to play too," my android doll said with innocent eyes while flopping its ears. "GM's are stupid, cannot detect Momo even if GMs try, not smart enough."

I was left speechless at Momo's shameless statement. If my memory is correct ang Utopia ay hinahandle ng mga renowned I.T ng United Nations. Calling them stupid and not smart enough is kinda the... rude.

"Mama, can Momo play with you?" tanong ng android doll ko habang ginagawa ang pamatay nitong moves, the boom boom shake shake moves!

"I don't mind having you by my side but please don't cause me any trouble, okay?"

After that ay nag-resume na ang daloy ng paligid pati ang conversation namin ni Utopia Angel. And thank goodness, Terentia doesn't seem to detect Momo.

"What do you want to be called? Ladyship, be advised that you're not allowed to use swear, scandalous, or abusive for a name," tuloy na ani nito.

Saglit akong nag-isip. I want my name something unique.

Nightingale... a glimpse of flashback memory. Someone's calling me that name. Napapikit ako at sinapo ang aking ulo.

"Nightingale?" mahina kong sabi.

"That is available. Your character shall now be known as Nightingale."

Habang ipinoproseso ang character ko ay tinuruan ako ni Terentia kung paano gamitin ang Stat Window, ito ang voice command upang makita ang aking overall stat.

"Character creation complete. Are you ready, Nightingale?" emotionless pa ring tanong ni Terentia.

"I'm ready," tugon ko saka kinalma ang sarili. Everything will be fine.

"Welcome to UTOPIA!" huling salitang narinig ko mula sa NPC bago kami mag-fusion at maging isa ng aking avatar. Naramdaman kong bumuka ang sahig at ako'y nahulog na naman sa pangalawang pagkakataon!