Chereads / INSIDE UTOPIA / Chapter 2 - The COLD meets the HEARTLESS

Chapter 2 - The COLD meets the HEARTLESS

IT HURTS. Ito ang unang naramdaman ko nang magising ako mula sa aking worst landing. Napabuntong-hininga na lang ako nang maalala ang pag-iisa namin ng aking avatar at pagkahulog ko galing sa character creation area na nasa rurok ng kalangitan. So much for the thirty percent pain felt!

Habang hinihimas ang nananakit na tagiliran ay dahan-dahan akong tumayo at tiningnan ang sarili at ang aking kapaligiran. Wearing thin cotton shirt na halos see through, ragged denim pants, and a pair of low quality leather boots, I immediately looked underneath my clothes and breathed a sigh of relief nang makita ang undergarments.

Fantasy medieval setting ang ambiance ng mapamosong larong Utopia. For a change, may diversity ka kung bored ka na sa futuristic busy life and you wanna transport here in old ancient environment with its more laid-back atmosphere and proximity to nature.

The small thieves starting town is obviously crowded sa pagdagsa ng maraming newbie players. Blue skies and white clouds, green trees surrounding a few houses made of stone and wood with smokes coming from the chimneys. The scenery here is simple, rural-like but not bad. Nakakarinig ako ng tahol ng mga aso, huni ng mga ibon, at ingay mula sa pinapalong mga bakal which I think came from a smiting station. Ramdam ko rin ang hangin sa aking balat. Feels so real as I continued looking around the town.

Walang android doll na lumilipad sa aking tabi, hindi ko alam kung saan na napadpad si Momo. Wala na siya paggising ko kanina kaya mag-isa lang akong nag-iikot sa kakaiba at makalumang lugar na ito.

Dahil ito ang unang araw ng game, ang mga player ay busy sa pag-aaral ng laro. May makikita kang mga nagbabasa ng game journals habang naglalakad at ang iba ay busy sa pagsasanay sa wastong paggamit ng game weapons sa mga wooden dummies na nagkalat malapit sa starting point. I also saw a few players na nag-a-upgrade na ng kanilang mga weapon sa blacksmith. Lastly, may groupies na handa nang mag-party at magpa-level up palabas sa town gate. I think this is the right time para makihalubilo ako to make friends and to gain their trust and confidence para isali nila ako sa fix party sa leveling. But the problem is, I'm not good with human relations.

Ayon sa aking nakikita, ang common populace (NPC) ng Kal-shushu ay Elves at Human pero majority ng players dito ay elves. May ilan-ilang mga races din tulad ng Beast race at holymen pero wala pa Human race player na tulad ko.

Walang 'Appearance Enhancement' sa larong Utopia ngunit hindi mapagkakaila na may pagbabago sa original appearance ng mga players dahil sa napili nilang race. Tulad ng Kahjeet sa beast race. Mukhang itong human cat.

Habang naglalakad at nagmamasid sa town, maraming mga matang napasusulyap sa akin. Mostly players na katulad ko. Weird... what's wrong with my avatar at kailangan nila akong tingnan na parang ngayon lang sila nakakita ng isang Human. Maybe because I looked like a …noob? Well, everyone is a newbie here, or maybe there is something wrong with my avatar. Kinakabahan ako kaya dali-dali akong umalis sa mataong lugar na iyon.

[Noob or nub – is a slang term for a novice or newcomer or somebody inexperienced in any profession or activity. Contemporary use can particularly refer to a beginner.]

I saw a huge fountain at the center town. Lumapit ako ro'n and looked at my reflection. Na-starstruck ako sa nakita ko. There's nothing wrong with my face except thar there is a uniquely simple yet elegant tiara on my forehead.

Strange! No wonder they kept staring at me.

"Stat Window," I said habang nire-relax ko ang aking sarili.

ID: Nightingale

Race: Human

Level: 1

Health: 500

Stamina: 300

Strength: 15 + ??

Physique: 10

Agility: 15 + ??

Intelligence: 10

Willpower: 10

Charisma: Unknown

Luck: Unknown

FAME: UNKNOWN

Passive Skill: Haggle (Race Attribute)

Talent: Concealment (Class Attribute)

Weapon Skill: Flank Attack (Dagger Attribute), Double Strafing (Bow Attribute)

Job skill: None

Weird, bakit may mga 'unknown' and 'question mark' sa aking stats?

Naupo ako sa isang bench na malapit sa fountain at tumingala. Bumungad ang mala-asul na kalangitan sa aking paningin. Hindi ko namalayang nakatingala na pala ako.

"What a beautiful sky." I wonder if I can really see him here.

Habang malalim na nag-iisip, I unintentionally turned my head and locked my sight at the man sitting on the next bench na malapit sa akin. Ramdam kong kanina pa niya ako tinitingnan. Silvery-haired and golden eyes? Must be an NPC.

[NPC or Non-Playing Character – Also known as a non-person character or non-playable character; any character that is not controlled by a player. In electronic games, this usually means a character controlled by the computer through artificial intelligence.]

Mataman kong pinag-aralan ang binata sa aking harapan from head to toe—pale white skin, slender physique, arresting golden eyes, and shiny platinum straight hair. He got pointed ears and a handsome vulpine facial feature! A handsome Elf! The NPCs here are surely beautiful.

Ilang minuto ko siyang pinagmamasdan hanggang sa biglang tumaas ang isang kilay niya. Nagbago rin ang kanina niyang cool prince aura at napalitan ng 'di matagong iritasyon. He shows some real irritated emotion as I stared at him in wide-eyed amazement.

"Will you stop staring at me?!" galit na angil ng binata. "I despised flirty drooling girls like you, so get lost! Ugly!"

Wow, the Elf suddenly spoke! And he's calling me ugly?! The nerve of this man! Calling me drooling flirty and ugly? I'm not ugly.

"Arrogant Elf, perhaps you're not an NPC? Are you a player like me?" I asked him back.

The silver-haired Elf smirked. "What a stupid noob."

"Pardon?" Yes, I'm a noob, but wait, kao-open lang ng game like two hours ago that's why everyone here is a noob!

"I said, get lost!" iritang sabi ng Elf.

Nasobrahan yata ang lalaking ito sa kakakain ng monkey brain and golden dust soup kaya nababaliw na. I'm not a nice woman but wala akong panahon makipag-away sa isang spoiled, rich brat lalo na sa first day ng laro. Tatayo na sana ako sa aking upuan nang makarinig ako ng mga bulungan sa paligid.

"Poor, Miss Gorgeous," the bystanders, who are now obviously looking at the two of us, said.

"He even dumped that beautiful lady!"

Heard that brat? They called me Gorgeous and Beautiful!

"Sorry, woman, you Asians look like a shit to me," sarkastikong dagdag pa ng Elf na ikinapantig ng tenga ko. One thing I hate the most is racist people!

Biting my lower lip, I slowly moved towards the next bench where the arrogant thief is sitting.

The next thing I know, I was sitting comfortably on his bench and in a blink second, my rusty dagger is now pointing on his neck.

"The next time you open your foul mouth again, it will be the last time you'll have your mouth!"

The Elf is obviously astounded but his face quickly changed.

"Really?" Mayabang na ngumisi ang lalaki. "Your arrogance will be your undoing."

Mabilis niyang sinunggaban ang aking kamay, mahigpit ang pagkakahawak niya rito at biglang ipinihit ito pataas. Kung ordinaryong tao ako at walang alam sa martial arts, malamang ay nabitawan ko na ang dagger, ngunit nagkakamali siya. Walang kahirap-hirap akong nag-backflip habang hawak pa niya ang aking kamay kaya nabaliktad ang aming sitwasyon. Siya na ngayon ang nakapilipit ang braso. My body feels great and full of vigor! Parang gumaan at lalong naging flexible ang katawan ko sa loob ng laro. I will surely enjoy this!

Mga tatlong segundo rin itong napatitig sa akin, shock is written on his face. Ang sumunod na pangyayari ay tila palabas sa isang action movie. mayroong strike hand, block hands, high kick, block kick, backflip, at halos lahat ng atakeng pinakakawalan niya ay nadedepensahan ko. These forms of attacks... his using Gongfu on me and his good!

[Gongfu - sinaunang martial arts sa bansang China. Itinuturo lang ito sa royal blood at mga anak ng high ministers. Isa ito sa mga pinakaeleganteng martial arts na nangangailangan ng one hundred percent flexibility ng katawan at mabilis na mga galaw.]

Attack-salag lang kaming dalawa, walang gustong magpatalo at walang nananalo. Kahit mayroon akong dagger wala pa ring kwenta iyon kung hindi rin ako makakatama sa kanya, at hindi ibig sabihin na unarmed siya ay dehado na siya dahil ang Gongfu ay isa sa mga pinakadelikadong martial arts kung saan pinupuntirya nito ang critical hit points ng tao. Ang isang successful blow ay maaaring ika-pilay, paralyzed, o ika-bulag ng sinumang matatamaan nito. Ang pinakadelikado sa lahat, kapag nakagawa ng perfect hit point blow ang taong gumagamit ng Gongfu ay mapahihinto niya ang pagtibok ng puso ng kalaban. And right now, he's taking a chance to hit a critical move on me.

Damn, he's actually aiming for my heart! Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba ito dahil maliban sa akin, may nakaaalam ng napakahirap na moves na iyon o ikapupuyos ko sa galit dahil gusto niya talaga akong patayin.

Pareho kaming tumalon nang mataas. Kahit nasa ere, wala pa rin kaming tigil sa bakbakan hanggang sa umiwas ako sa surprise attack niya. Gamit ang dalawang kamay, nasalag ko ang paparating niya sanang hiraken fist. Ang lakas ng impact! Medyo nawala ang aking focus kaya bumagsak kaming dalawa. Napahiga ako sa bisig ng Elf at mga ilang segundo rin kaming matalim na nagkatitigan. Akala ko ay iyon na ang katapusan ng aming laban ngunit nabigla ako nang itinayo niya ako at pinaikot sa kanyang palad. Sa huli ay niyakap niya ako nang mahigpit patalikod. And I have an idea what he intends to do next so I make a counterattack.

Sa unang tingin ay tila nagwagi ang Elf kung saan na-armlock nito ang aking katawan at mga braso ngunit kung susuriin mong mabuti, makikita na ang patalim na hawak ko ay nakadikit sa lalamunan ng Elf.

"It's a tie!" Isang masigabong palakpakan ang narinig ko mula sa mga nanonood.

Galit na binitiwan at tinulak ako ng Elf sabay alis na parang walang nangyari. Ang mga bystander na humigit kumulang isandaan ay gumawa ng maluwag na daan para sa kanya. Wala pa rin silang tigil sa palakpakan.

Kumuyos ang aking mga kamay. So that guy can kill a player without mercy. Inside this game, ang mga hayok sa labanan ay malaya at puwedeng magpatayan without limits.

Dahil sa eksenang nangyari kanina sa fountain, lalong walang nangahas makipag-party or even kumausap sa akin. So, I ended up alone with only one rusty dagger in my hand, three pieces of darts, basic wooden bow, 99 rusty arrows, lots of free potions, and two whole bread, I got all of this from my novice pack. Nagpunta ako sa 'di kalayuang forest at magsisimula na sa pagpapa-level.