Chereads / Loving Nycil / Chapter 23 - F I N A L C H A P T E R

Chapter 23 - F I N A L C H A P T E R

Final Chapter

"Nycil!" Shit! Dali-dali ko siyang binuhat at agad pumunta sa parking lot. Damn, where's the fucking security here?! Hindi ko alam kung paano nangyari basta agad kaming umabot sa hospital!

"I need your best doctor now! Damn it!" Inis kong sigaw sa nurse na umalalay sakin.

"Jomarie?" Napalingon ako sa tumawag sakin. Agad akong lumapit nang makilala ko siya.

"Please, Alonzeyah. Help me please. Save her please." Halos magmakaawa na ako sa kanya. Agad siyang sumugod sa O.R kung nasan si Nycil. Napasabunot na lang ako ng buhok na nagbabasakaling mawala ang kaba at tensyon na nadarama ko.

"Jomarie!" Agad kong sinalubong ang suntok ni Eric." Kita mo na?!" Nagpupumiglas siya sa hawak ni Lodelyn pero ako, nakatungagaga pa rin at dinama ang sintok niya. "I fucking told you na hindi itutuloy ang interview dahil mapapahamak siya! Pero anong ginawa mo huh?!"

"Eric, tama na."

"No! Hindi ako titigil na bugbugin yang gagong yan hanggang sa magising ang tanginang isip niya!" Gigil na sigaw niya. Wala akong pakealam sa mga sinasabi niya. Ang importante sakin ngayon ay si Nycil. Yun lang.

"Stop what you're doing, Obedencio. You're not helping." Umaayos naman siya ng tayo. Albert is one hell intimidating one dahil na rin isa siyang Navy.

"Anong nangyari,Jom?" Ngayon ko lang napansin na halos lahat ng mga kaibigan namin ay nandito. Bago ko pa masagot si Allyza ay siyang lumabas ang doctor.

"Alonzeyah. Anong balita?" Bilis na tanong ni Sofie. Himinga ng malalim si Alonzeyah bago kami sinagot.

"The operation was successful." Panimula niya dahilan para makahinga kami ng maluwag." Nakuha namin ang bala pero the bad news is it hit a vein that connects to her brain."

"What do you mean, Alon? Then, it's impossible na magising siya, specially it connected to the brain." Rosly said. Alam niya yan dahil isa siyang neurosurgeon.

"Yeah, you're right. I'm so sorry to tell you but she's in coma. Her brain was dead. We can't do anything but to wait na magising ang utak niya. Honestly, this case is so rare lalo na tumitibok pa ang puso niya at yun lang ang mahahawakan natin sa ngayon." Napahilamos na lamang ako ng mukha sa sinabi niya.

"Anong resulta ng investigation?" Dinig kong tanong ni Lodelyn.

"Tyler Adams and Amanda McArthur were now in jail." Panimula ni Elisha. She's an investigator kaya siya ang aming pinahawak sa kaso. Rinig ang singhapan ng mga kaibigan namin maliban sakin, Eric at Lodelyn.

"Pero bakit? We met Tyler at mukhang mabait naman siya." Singit ni Natalie.

"May galit si Tyler Kay Jomarie dahil sa obsessed ito kay Nycil. Habang si Amanda naman ay inggit sa tinatamasang kasikatan ni Nycil. Kaya nagsanib pwersa silang iwala sa landas si Nycil at Jomarie. But then, si Nycil ang nakapansin ng laser na nalatutok Kay Jomarie. That's why it leads here."

"What? Makakalabas pa ba sila sa kulungan? Sapat hindi na!" Object ni Niña.

"Makakalabas lang sila kung makahanap sila ng mas magagaling na abogado kaysa kina Rita at Lodelyn."

******

"Pare, kumain ka muna." Napalingon ako sa nagsalita.

"Francis. Ayyy... Father pala." Biro ko sa kanya. Francis is a priest now. After sa mga nangyari sa kanya, dito siya napadpad.

"Kamusta na siya?" Umiling na lang ako bilang sagot. Nagtagal pa si Francis at nagbilin ng maikling panalangin bago siya umalis. Kaya nilingon ko ulit si Nycil. Maraming aparato sa kanyang katawan. Hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang kamay at hinalikan ito.

"Baby, please wake up already. Its been 3 months. Please, hindi ka pa ba tapos sa panaginip mo?" I chuckle lightly and clear my throat." Pwede namang managinip ka uli sa susunod na araw eh. Sasabayan pa kita. Basta gumising ka lang. I love you so much babe."

Hindi ko mapigilang umiyak na naman. Masakit tanggapin na ganito ang nangyari sa kanya. Hindi pa rin kami ayos ni Eric. Sinisisi pa rin niya ako. Kung sana hindi ako nagpadalos-dalos ng desisyon, di sana nangyari toh.

"Jomarie." Lumingon ako sa pintuan. Nginitian ko si Tita Maricill. Ang mama ni Nycil. Nang malaman nila ang nangyari Kay Nycil agad silang lumipad pabalik dito sa Pilipinas. Sinalubong ako ni tita ng yakap non pero si Tito Nathan ay suntok ang sinalubong sakin. Naintindihan ko naman yun. "Kumain ka muna Jomarie. Magagalit nyan si Nycil sa ginagawa mo eh. Gusto mo yun?" Umiling ako bilang sagot.

At dahil gutom nga ako ay tumayo na muna ako at nagpaalam papuntang canteen ng hospital.

"Hindi laruan ang pagkain Condeza." Walang gana Kong tinignan si Albert kasama si Karen.

"Hayaan mo nga, be. Kitang may pinagdadaan yung tao eh." Suway ni Karen habang umupo sa tapat ko. Kita ko ang pagbabago ng emosyon ni Albert nang tiningnan si Karen. From no emotion to love. Napabuntong hininga na lang ako. Ano bang ginagawa nila dito?

"Okay ka pa ba Jomarie?" Tanong ni Karen. Kahit masakit pa, nginitian ko siya.

"Kahit mahirap, nagpapakatatag ako." Matamlay Kong sagot. Nahinto ang pagkukwentuhan namin nang magring ang phone ko."Tita, what happen?" Kinakabahan Kong tanong nang marinig ko ang hikbi sa kabilang linya.

"Jomarie. S-si n-nycil. Na-nagff-flatline."