Epilogue
Mapait akong napangiti habang nilalagay ang bulaklak sa puntod niya. It's been what? 3 years nang mawala siya samin. Hanggang ngayon, di pa rin namin tanggap na wala na siya lalo na ako.
"Babe." Napangiti ako sa narinig ko. Buti nalang nakilala ko siya at inaahon ako sa pagkamiserable. Tinulungan niya ako ulit mabuhay at paano magmahal. Kaya di ako papayag na mawawala siya sakin.
"Pupunta pa ba si Prince?" Tanong ko habang inaayos ang buhok na humaharang sa maganda niyang mukha.
"Alam mo namang hanggang ngayon di niya pa tanggap ang pagkawala ni Honey." Sabay na lamang kaming napabuntong hininga. Nagulat na lang ako nang halikan niya ako.
" I love you Jomarie Oblig Condeza." Sabay yakap sakin kaya napatawa na lang ako.
"I love you too Nycil Idulsa Condeza. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung di ka bumalik."
Agad kong tinakbo ang room ni Nycil matapos akong tawagan ni tita. Dun ko nakita kung paano pinagtutulungan nila Alonzeyah at Rosly na mabuhay siya. She was dead in five minutes. Sabi nila itigil na daw dahil impossibleng mabuhay pa siya but with the help of that miraculous hands of that bestfriends, kasama ko ngayon ang mahal ko.
"Mamaya na kayo maglampungan jan, Nycil." Nilingon namin sina Lodelyn at Eric na seryosong nakatingin samin. "Elisha just called. Pinapunta tayo sa bahay ni Prince."
******
"Babe, tulog na ba si baby Red hmm?" Tanong ko bago siya tinabihan sa higaan.
"Yeah. Mukhang napagod sa kalalaro niyo." Hindi ko mapigilang dampian siya ng halik nang humagikhik siya. "Tumigil ka sa kalalandi mo, Condeza. Gabing-gabi na." Nginitian ko lang siya at hinawakan ang kanyang kamay. Nilalaro ang isang bagay na nagrerepresenta saming pagmamahalan.
Isang singsing.
Five months, after her survival, I proposed to her in front of our beloved families and friends. She even thought that it's just a party made by our crazy friends. A year after, we got wed. Its very special day for us but di namin inakala na mismong kasiyahan na yun, mawawala ang isa naming kaibigan. Si Honey. Hanggang ngayon di pa rin namin tanggap ang pagkawala niya. But right now, lets focus to our two angels that lord god gave us. Our 2-year-old son, Red Condeza and this little buddy in her tummy. Wala na akong mahihiling pa sa diyos dahil kontento na ako.
"Ang lalim naman ng iniisip mo, babe." Sabay kagat ng panga ko. Nanggigigil na naman ang misis ko.
"Naglilikot na naman ba ang makulit na toh?" Sabay haplos ng maumbok niyang tiyan. Ngayon buwan ang expected namin na lalabas na ang isa naming anghel.
"Kanina sumipa. Excited na siguro tong lumabas." Ngiting balita niya sakin. Pero agad ding nawala yun. "Jom, sana totoo ang hinala ni Elisha na buhay pa si Honey." Hindi ko mapigilang mapabuntong hininga. "Hindi nila deserve ang paghihirap lalo na si Prince."
"Don't over think too much, hon. Malalaman rin natin ang totoo. I never thought na ipagpapatuloy pa nila ang kaso. I mean, it's been 3 years at at yun sa result natural ang pagkamatay niya. Walang kahina-hinala. But look? Pinagpatuloy pa rin nila. So, don't over think okay?" Tumango naman siya kaya mas niyakap ko siya at hinalikan sa noo.
"I love you, Jomarie."
"I love you too babe." Agad akong napatayo nang may makapa akong basa sa higaan namin. Nagpabalik- balik ang tingin ko sa nalukot na mukha niya at sa tubig na umaagos sa paanan niya.
"Shit! Jomarie! Huwag kang tumungaga jan! Manganganak na ako!"