Chereads / Curse Of Arcana / Chapter 3 - Curse One: The Arcana Princess

Chapter 3 - Curse One: The Arcana Princess

CURSE ONE:

THE ARCANA PRINCESS

May mas sasaklap pa ba sa buhay ko?

Wala na akong kaibigan ni isa sa school o sa bahay tapos heto lubog pa ang pamilya ko sa utang na maski ang bahay na tinitirahan namin ngayon ay malapit ng marimata.

And what's worst, ipinusta pala ako ng magaling kong Ama sa sugal.

Ang Papa ko na nagsimulang malulong sa sugal nang mawala si Mama, heto halos mabaliw na at malunod na sa kakainom ng imbak niyang mga alak.

Sabi ko noong una, uunawain ko nalang ang situation at kalagayan ni Papa pero pagkatapos ng hinayupak na pagpusta niya saken sa sugal, gusto ko na siyang layasan at hayaan siyang magsuffer mag-isa.

Pakiramdam ko wala na sa tamang katinuan ang Papa ko para magstay pa ako sa custody niya, isa pa kahit na andito naman ako ay hindi rin naman nila nagagampanan ang pagkaama nila saken.

Whatever I say na I hate the life I was destined to have ay wala naman akong magagawa to change it and that all I can do is bare with it, live with it and suffer.

*****

Isang umaga ay bigla nalang nag-alarm ng walang tigil ang orasan ko.

Nagising ako ng sobrang ingay neto at napatingin sa kalendaryo. Nasanay lang kasi akong mag-alarm kapag may special date sa kalendaryo and today is… FIELD TRIP DAY!

Ngayon na nga yung field trip ng buong high school department sa isang Geo Farm, isang proposal trip ito ng environmentalist club ng school namin at yearly na nga itong hineheld, I know, hindi naman kalayuan ito pero excited padin ako.

Matagal-tagal nadin kasi noong huli kong naexperience ang field trip. Although hindi ko sigurado kung may tatabi sa akin mamaya sa bus pero excited padin ako.

Pagdating ko sa school ay halos mangiyak-ngiyak na ako ng tamang-tamang sumara yung bus. Para akong superheroine na hinarang ito sa gitna ng kalsada para lang makasakay.

Pinagalitan man ako at naging katawa-tawa ay nakasakay padin naman ako.  huling batch na nga lang ito at ibang section na sa mga talagang kasection ko. nakakainis kasi bakit ngayon ko pa naisipang tumakbo mula bahay?

"Miss Mendiola, diba Section D ka?" tanong saken ng teacher na nakasakay sa bus.

"Opo. Ma'am. Sorry po. Please allow me to join this class instead."

"Tsk. Tsk. Lucky for you there are still two seats avaible. Here sa may likod ng driver or there at the third row." Turo niya sa may third row na bakanteng upuan katabi ng Aisle.

Nang lumingon ako sa may driver ay naasiwa ako ng iba ang titig niya saken. Nakakadiri.

"Doon nalang po ako sa third row ma'am." Mahinahon kong sagot.

"Alright. Go ahead at nang makaalis na tayo."

Nakatingin ang lahat sa akin na para bang base sa tingin nila ay ayaw nilang lahat sa saken. Sorry, they have to endure as I am bearing at their glares.

Agad kong naunawaan na sympathy pala ang glare nilang lahat sa akin at hindi dahil ayaw nila ako,  nangatog kasi tuhod ko nang makita ko kung sino ang makakatabi ko.

It has been an unfortunate fate na makatabi ko ang Student Council President na si Carlisle Huzon.

I suddenly tossed my head back in front para tiisin nalang yung perverted glare noong driver kaysa malusaw o mamatay sa tingin ni Carlisle.

"Don't pretend like you hadn't seen me. Sit now." Utos neto na nagpafroze saken.

One good luck gulp of my saliva and then I manage to sit beside him.

Daig ko pa statue na nakaupo katabi niya buong trip. Hindi ako sanay na ganito. It's so not like me.

I concentrated on entertaining myself while we are on our way sa Geo Farm. Nagsimula akong magpatugtog ng music pero tinignan lang ako ng masama ni Carlisle kaya nagsuot nalang ako ng earplugs.

Sumunod naman kumain ako ng crackers dahil nagsimula nakong magutom, mabuti na nga lang may huling grocery pa kami sa bahay at nakapagdala pako ng chips ngunit ng inooffer ko ito kay Carlisle ay nagalit pa ito. Sa halip kasi na kumuha ay sinuway pa niya ako at ang ingay ko daw kumagat at ngumuya. Natural namang maingay yun kasi crackers at chips nga eh?

Sa huling attempt ko ay sinubukan ko siyang kausapin pero nagalit lang siya, "Miss Mendiola pwede bang isave mo nalang yang kadaldalan mo pagdating natin sa Geo Farm?" and with that ay tumahimik na ko.

Fine. Ayaw niya wag. Oo gwapo si Carlisle. Oo matalino si Carlisle. Oo halos lahat mapababae o lalakeng studyante ng school hinahangaan si Carlisle. Yes, kilala din siya sa ibang school. True, mula sa mas mayamang pamilya si Carlisle and it's not a wonder na at an early stage ay isa na siya sa mga umaassist sa parents niya sa kompanya nila.

Nakakahiya mang aminin pero oo, noong elementary naging crush ko si Carlisle kasi ang galing-galing niya at noong nauso yung diary-diary sa klase namin ay nakigaya din ako at napabili ng diary dahil noong nagkataong nakasakayan ko siya sa bus kasi medyo loko-loko din yang si Carlisle noon tulad ko, nagkataon kasing pareho naming tinakasan ang mga bodyguards namin. I wrote it down sa diary ko with matching kilig-kilig pa na heart shapes at cloud stickers sa page since it was the first kilig moment but unfortunately, it was also the last one.

Hindi ko na muling nasulatan ang diary kong 'yon and I don't even remember kung saan ko na nailagay 'yon, baka natapon na yon noong ng mga dati naming kasambahay noong may kaya pa kami.

It was also the last time, I had a crush on Carlisle. After that incident, naging matured person ang tingin ko kay Carlisle na para bang sa bawat kilos at galaw niya ay tila ninakaw sa kanya ang kanyang kamusmusan. Dahil nadin siguro sa pamilya na kinalalagyan niya. but still, hindi nawala ang pagdagsa ng mga taong humahanga sa kagalingan ni Carlisle.

But the truth is…

Kung may deformality man si Carlisle, hindi sa physical body niya, bale sa internal  core ng utak niya at isama mo na nerve cells ng puso niya na hindi man lang alam magfunction ang konting sense of concern or a little gentleness man lang.

Wala siya noon ni katiting. Mayaman nga sila pero doon kahit sino sasabihin na doon siya salat na salat.

"Sorry Miss Mendiola…just, just please be quiet okay." Bigla niyang sabi after a short while. Aba nakaramdam ata, well since mukhang sincere naman ata pagsosorry niya then okay, I'll shut up.

Nakarating kami sa Geo Farm ng safe and sound but what happened next is beyond my expectation. Lahat kaming studyante ay grinoup by pairs and I'm so not in luck dahil as expected ay kapartner ko ang nakakatakot na si Carlisle.

I started getting scared of him since we stepped high school, specially that moment na nakatikim ako ng detention mula sa kanya. Para bang isang barbaric dictator ang nasa harapan ko noong mga oras na 'yon and just by the thought of it made me shiver again.

I was startled pagkakitang nakatingin saken si Carlisle, "Miss Mendiola, it's time to go." Ang kanina pa pala niyang sinasabi saken.

Naging masaya naman ang adventure namin sa Geo Farm na kung saan ay pagmamay-ari ng isang pure American couple na piniling magretire dito, it was a man-made jungle sa gitna ng bukid. Hindi kasi ako marunong sa sukatan ng lawak ng squar-meters kaya hindi ko maipaliwanag pero based on my exaggerated eyes, ay parang hindi ko na matanaw ang end point neto pagdating namin sa gitna ng Geo Farm.

Ang Galing din kasi inallow nila na may mga manirahan natives dito, hindi lang din kami ang bumibisita dito, halos araw-araw pala ay may mga dumadayo dito. Mga tourist kumbaga.

Ang kagandahan kasi ng Geo Farm ay may mga native style Inns na pwedeng tuluyan ng mga tourist at talagang ibat-ibang style ang mga Inns. May nasa taas ng puno at baba na parang bahay kubo. Sobrang ganda at pag gabi sa main entrance ay nagheheld sila ng camp fire twing weekend na sayang at di namin maeexperience since hanggang hapon lang kami.

Bukod sa mga Inns ay may mga native-like shops din na pwedeng bilhan ng mga souveniers like lemon grass vinegars, lemon grass cosmetics, antic accessories and other Geo Farm products ng mga natives.

Nang madako kami rito ay nakacatch ng attention ko ang isang shop na may mga antigong bagay. Ngayon lang kasi ako nakakita ng mga antigong orasan as in hourglass na parang gamit pa ata ng mga taon noon, tapos may lumang mga paintings din.

"Miss Mendiola, we need to catch up." Bigla namang paalala ni Carlisle.

"Sandali lang Carl—I mean Mr. Prez." Yeah if I could remember, one thing I shouldn't forget about school rules is be respectful at all times lalo na sa mga may rankings.

Ngunit para bang nahiwagahan nadin si Carlisle sa mga products ng shop kaya pumasok nadin siya.

Maya-maya pa ay nilapitan na kami  ng dalawang tila mag-asawang natives na mukhang may-ari ng shop. Nilapitan si Carlisle nung ginang at inassist ito.

Pagkapasok ko sa may loob ng antigong shop para magtingin pa ay di ko mapigilang patuloy na naamuse sa mga laman neto.

Hanggang sa napukaw ang pansin ko ng isang painting ng babaeng may makulay na kasuotan.

Sobrang luma na nung painting pero ang ganda-ganda parin neto na para bang kakatapos lang itong ipinta. Ang galing parang buhay na buhay ang damit noong babae sa painting kahit na tila limitado ang kulay na ginamit dito.

Napansin kong tila may parang nakasulat sa damit nung babaeng nakapinta, nilapitan ko ito at sinubukang binasa, "And so as the myth foretells of Arcana's offspring that will one day reawaken to fulfill her legend's aim in return of her will to be granted, four sentries shall rise up to protect her from death that was fated." Hindi ko alam kung papano ko nabasa ito pero patuloy na naglaro ang kung ano-ano sa utak ko, "will to be granted? Kaya ba netong ibigay talaga kahit anong hilingin ko? Sige nga I want to experience happiness again…abracadabra chachung!" sabay turo ko sa painting ngunit walang nangyari, "geez, kuro-kuro lang pala ito." Pero pagtalikod ko sa painting ay bigla nalang humangin ng pagkalakas-lakas.

Napalingon ako sa paligid para humingi ng tulong dahil palakas ng palakas yung hangin na para bang may nagbabadyang ipo-ipong raragasa sa loob.

Nang hindi ko na alam kung saan pupunta ay napasigaw nalang ako, "TULONG!!!!!!!!!!!!"

At bigla nalang na huminto ang hangin na pagkalakas-lakas.

"Huh? Huminto? Teka, andito padin ako? tapos ni hindi man lang nagalaw yung mga gamit? Teka? Saan nga ba napunta mga tao dito?" patuloy kong tanong sa sarili ko kahit na alam kong wala din akong makukuhang sagot.

Patuloy akong nag-iisip ng may biglang yumakap saken mula sa likuran, I was surprised ng iniharap niya ako, only to find out it was Carlisle smiling at me habang sinasabi niyang, "sixteen long years of waiting my lady, the time has finally come to meet you my fated woman."

Bigla akong napaatras sa action ni Carlisle ngunit nablock ako ng may nabungo ako mula sa likuran ko at nastarstruck ako ng kaharapin ko ang captain bull ng basketball team ng school namin na si Axel Lustre na biglang lumuhod at hinalikan ang forehand ko, "So, it has finally come.  Will you please take the whole of me my lady?" Sabi neto.

Agad kong hinigit ang kamay ko sabay atras muli and with that na-out balance naman ako at muntikang natumba ngunit biglang may nakasalo naman saken, omengee totoo ba ito? Ang sikat na transfer student slash anak ng sikat na action star? Si Saichi Ortega?

Pagkasalo saken ni Saichi ay sinubuan niya ako ng isang chocolate kaso naiwan pa yung wrapper, "beautiful just as expected, isn't it sweet my princess?" Sabi neto sabay kagat ng wrapper para alisin sa bibig ko.

I suddenly felt flustered dahil halos mahalikan na ako ni Saichi. Kaya naman napatayo na ako and no—not again, the famously known as arrogant and rumored "fraternity leader daw" ng  school namin na si Schuyler "Sky" Mendrez andito?

Bigla akong blinock ni Sky and hindi ko alam kung saan nanggaling yung fishnet na bigla nalang nahulog sameng dalawa making us trapped together inside. Then suddenly, sky placed my hand on his chest as he cups my chin and whispered, "Captured successfully. Starting from now on, I will be yours and yours alone my lady."

I managed na makawala sa fishnet as these four boys gathered together in a single row.

"Okay. Enough with this joke. I know you don't like me and this is something you've done to make fun of me but please tama na because I had enough. Could you all please stop and tell me what's really going on?" tanong ko habang isa-isa ko silang dinuduro-duro.

Bigla nalang silang lumuhod na apat sa harapan ko habang nakalagay ang mga kamay nila sa bandang chest na para bang mga knights na nagooath, "As ordered by our Ancient contract, I present myself to you my lady, I'm here for your command, Arcana princess." Ang sabay-sabay nilang tugon sa tanong ko all at the same time.

BOYAAH?!. Arcana Princess? Anong kalokohan  ito?

Bakit ba puro nalang kamalasan ang nararasanan ko? Bakit noong una nawalan ako ng mga kaibigan, tapos naghirap kami, then ipinusta ako ng Papa ko, at ngayon naman heto may mga naggwagwapuhang lalaking pinagloloko ako. Ano bang naging kasalanan ko sa mahabaging langit bakit ako pinaparusahan ng ganito?