CURSE OR FAITH
🍁
YUKA SELENE'S POV
"HAAAAAAAY BUHAY PARANG LIFE!" napapadyak ako sa inis, napalingon naman yung magkasintahang nagde-date malapit sakin hindi ko nalang sila binigyang pansin dahil feeling ko pati lakas ko inagaw sa akin, walang gana akong umalis sa park na iyon, nawawalan na ako ng pagasa, wala akong mahanap na pwedeng mapasukang trabaho, baket ngayon pa kasi nagsara yung pinagtatrabahuhan kong resto dun nalang ako kumukuha ng pangkain ko sa araw-araw plus yun din ang inaasahan kong pang gastos lalo na't malapit na ang pasukan, nakakastress lang, napanguso ako sa mga iniisip ko
bakit ba ang malas malas ng araw ko ngayon wag na nating isama yung dati. Naku kaunting-kaunti nalang talaga maniniwala na ko sa paratang ng Auntie Ana ko na malas ako, malungkot akong napangiti.
ganito na ba kasama ang kapalaran sakin? napabuntong hininga nalang ako, kailangan kong harapin ng mag-isa ang problema ko wala namang ibang tutulong sa akin kundi sarili ko lang din
Tumingin ako sa langit, napanguso ako ng makitang makulimlim ang langit hala mukhang uulan pa ata ah, hindi ako ready wala akong payong WAAHH tiningnan ko pa yung paligid ko kung saan ako pwedeng sumilong,
playground spotted. Hala, umaambon na! tinakbo ko na ang malaking semento na pabilog yung pwedeng pumasok ang limang tao.
There. saktong bumuhos ang malakas na ulan at eto ako nakaupo habang yakap yakap ang mga tuhod ko, hays
buhos ng ulan aking mundo'y lunuring tuluyan,
hatid mo ma'y bagyo dalangin ito ng puso kong sumasamo,
Pag ibig koy humihiyaw sa tuwa tuwing umuuulan at kapiling ka~
Napabuntong hininga ako, Pasukan na sa susunod na linggo at heto ako ngayon walang patutunguhan, nakaramdam ako ng pagod, gutom at hilo mula sa maghapong paglalakad, Gaad paano na ito? kinapa ko ang bulsa ko at nang makapa ko ang wallet ko ay agad kong binuksan at nanlumo ako.
Hindi maaari! no money, no foods!, no food means no life, no life means eeekk deadpool!
Job Hunting Failed
Napanguso ako, no choice maglalakad nalang ako pauwi wala na akong pera sakto lang pala yung perang pinamasahe ko kanina, nakalimutan ko tagtipid pala ako ngayon.
nga-nga tuloy ako pati sahod ko wala, smooth as in wala akong nakuha naloko pa ata ako, naglahong parang bula ang mga pinaghirapan ko, kung siguro may pinag-aaral ako ngayon baka nabaliw na ako, sa mental na ang bagsak ko.. ano ba tong pinag iisip ko!
Paano na ako neto?
Ako nga pala si Yuka Selene Marasigan, tawagin niyo nalang akong Yuka, Wala na akong mga magulang pero may mabait naman ako nanay-nanayan, ako lang ngayon ang nasa maynila, as you can see I have nothing! well Fighting spirit nalang ang talaga ang natira gaad!
Go Yuka Selene kaya mo yan! kaya mo yan! Fighting!
Sa wakas at tumila na ang ulan! umalis na ako at tumayo pinagpagan ko pa yung shorts ko dahil sa dumikit na alikabok at saka nag-unat. Gaad! ilang oras din ang tinagal ko dun medyo nangangalay na yung likod at mga legs ko, makauwi na nga lang,
better luck next time!
Malapit na ako sa gate ng tinutuluyan kong apartment, sa wakas makakapagpahinga na ko, ilang hakbang nalang ng marinig ko ang boses ni Aling Ema, ALING EMA? Gashhhh what to do? what to do? sinunod ko ang sinabe ng Human instinct ko, kaya tumalikod ako at akmang tatakbo
"HOY! YUKA SA WAKAS AT NANDITO KA NA! KANINA PA KITA HINAHANAP MAGBAYAD KA NA NG RENTA MO MAHIGIT DALAWANG BUWAN KA NG WALANG BAYAD SA AKIN, ABA MAAWA KA NAMAN MAY MGA PINPAKAIN AKO LETSE! BLA BLA BLA.." sigaw ni Aling Ema sa tapat ng gate ng apartment na tinititrhan ko, hindi ko na narinig sinasabe ni Aling Ema, nakatingin lang ako sa kanya walang pumapasok sa utak ko, pasok sa kanan labas sa kaliwa, dahil no choice na ako umakto nalang akong umupo at ititirintas ko yung sapatos ko baka isipin niyang tatakbo ako which is totoo WAAH
Bad Yuka Selene!
Sa totoo lang natatakot ako sa kanya kasi napakatalas ng dila niya lalo na sa mga pasaway na border na katulad ko, at the same time naawa din kasi yung mga renta ng borders ang kinukuhaan niya na pambayad din sa mga gastusin niya, saka tatlong anak ang pinapaaral niya sa highschool wala naman siyang asawa kasi sumakabilang bahay na ito, hindi ko rin siya masisisi kung magsisisigaw siya ngayon dito dahil in the first place responsibilidad kong magbayad ng upa hayss lalo akong nastress, pag nalaman ng mga kaibigan ko na sinisigawan ako ni Aling ema e baka sumugod yun dito, ang oo-a pa naman ng mga yun, napanguso nalang ako.
Parang gusto tuloy mamuhay nalang sa panahon ni Dr. Jose Rizal or something like that para wala akong pinoproblema ngayon, pero ika nga nila face the reality even if it hurts a million dollar baby! bumagsak ang balikat ko at dahan dahang hinarap si Aling Ema
"Aling Ema, wala pa po kasi akong per----"
"KUNG WALA KANG PANGBAYAD MABUTI NG UMALIS KA NA!! MARAMING NAKAPILA PARA KUNIN ANG KWARTO MO, ANG LAKAS NG LOOB MONG MANGUPAHAN WALA KA NAMANG IPANGBABAYAD, LUMAYAS KA NA BLA BLA BLA.." singhal niya sabay hawi sa akin, napaluhod tuloy ako buti nalang walang sugat
napanguso ako, "Wag naman po aling Ema, gumagawa naman po ako ng paraan" sabi ko sa kanya
"HINDI NA AKO NANINIWALA SAYO! TATLO NA KAYONG PINALAYAS KO NGAYONG ARAW! LECHE!" mukhang hindi na magbabago ang isip ni aling Ema, sobra talaga akong pasaway sa kanya, malungkot akong napayuko
"Wag ka pong mag alala babalik po ako dito at babayaran ko po yung utang ko. salamat po ng marami" hayysss yan nalang nasabi ko, sa totoo lang hindi ko naman siya masisisi, dahil eto lang din ang pinagkukuhaan niya ng gastusin.
"ABA DAPAT LANG IPAPAHANAP KITA KAHIT NASAAN KA MAN, MAKINIG KA HA FIFTEEN THOUSAND LAHAT NG UTANG MO KASAMA NA ANG ILAW AT TUBIG. TSE. BWISET LAYAS BLA BLA BLA" sabi niya habang nakatingin sa maliit niyang notebook siguro listahan niya ng mga may utang sa kanya at sabay alis
Gulps
napalunok ako ng tatlong beses ng bangitin niya ang utang ko. Hala, fifteen thousand? ni wala nga akong ganung pera huhu, saan ako kukuha ng ganung kalaking pera? KILL ME NOW!
napabuntong hininga nalang ako, ano pa nga ba? kung iiyak ba ko may mangyayari ba? di ba wala naman pumasok na ko sa bahay at naglinis matapos kong iligpit ang gamit ko ay umalis na din ako, saan naman ko pupunta ngayon? magiging palaboy-laboy? tapos tatawagin nila akong Selena ang batang yagit? wag naman ganun? ayoko
Lakad lang ako ng lakad habang nag iisip ng mga pwedeng gawin, nanghihina na talaga yung tuhod ko, naupo muna ako saglit sa may bench malapit sa kinatatayuan ko at inilibot ko ang paningin ko nandito na pala ako sa night market malayo layo din to sa pinag uupahan ko grabe ilang oras na kong naglalakad wala pa akong naiisip na solusyon. Tiningnan ko ang mga dala ko isang bagpack at isang malaking travelling bag, hindi naman karamihan yung gamit ko eh,
nasapo ko ang noo ko medyo nahihilo na ako, AAWW anong oras na ba? tiningnan ko ang cellphone ko 8:30PM na pala grabe hindi ko maimagine buong araw akong minalas
KRUUUU~
napanguso ako, nagugutom na ko, tumingala ako sa langit at literal na napanganga, ang ganda ganda ng mga bituin, nakakawala ng pagod, Infernes asan kaya si Mama Cara at Papa Henry diyan? itinaas ko yung kanang kamay ko sa langit tapos pinagdikit ko yung thumb ko sa middle at ring finger para magform ng cirlce at itinutok sa mga bituin sa langit, ang cute lang pagmasdan ng kamay ko para tuloy hugis kuneho ginalaw-galaw ko pa yung point little finger ko, ang cute! madalas ko itong gawin habit ko siguro ito simula pagkabata, well hindi ko maalala pero sigurado ako.
napabuntong hininga ako, kahit naman na ganito ang nangyayari sa akin ay kakayanin ko no kahit feeling hopeless na ko at yun naman siguro ang purpose ni papa god na mangyari sa akin lahat ng ito, nandiyan naman siya para gabayan ako eh, may tiwala ako sa kanya bwahahahaha ako kaya si Yuka Selene Marasigan ang taong walang inuurungan except sa dilim at multo ha!
KAYA FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIG-------------
"PSSSTTT" lumingon-lingon ako sa paligid baka kasi may tao na pinagtitripan ako, sino kaya yun? bastusan? nagsesenti ako dito eh pero waaaaaahhhh baka mumu? hindi kaya--? hindi! hindi IMPOSIBLE! WAAHH bago pa man ako makaalis sa park ay may biglang pumalibot sa akin nasa isa, dalawa, tatlo, apat My Gaad lima sila?
napakurap pa ako king namamalik mata langa ko, pero totoo lima silang mukhang mga goons
"Hi miss! mag isa ka yata? sinong kasama mo?" sabi nung isang parang nakasinghot ng katol.. ay sorry po sa word huhuhu
"mukha po ba akong may kasama? WAAHH di nga may kasama ako? may nakikita kayo?" balik tanong ko, nanigas ako sa kinatatayuan ko, baka mamaya may nakikita na pala sila na hindi ko nakikita WAAHH natatakot akoooo
"Pre sayang baliw ata to?" bulong nung nasa likod ni kuyang naka jacket na blue
"pre naman hayaan mo na, maganda naman si miss aba anak mayaman pa, ganda ng kutis oh" sabi naman nung isang nakasando na white
"Oo nga!! *hik* ang kinis pre *hik*" yung isang bansot, parang kasing tangkad ko lang ata
"Aba, pre mukhang palaban pa si Miss sexy no?! gusto ko yan" sabi nung isang may tatlong hikaw sa tenga at tumingin sakin at nihead to foot niya ko sabay dila kadiriiii YAAHH hindi naman ako sexy may mga taba-taba nga ako oh! huhuhu
Help me!
"Gusto mo ng magpapainit sa gabi mo miss??" sabi naman nung may hawak ng sigarilyo.. Waaaaaahhhh tulong nahihilo na tuloy ako sa pinagsasabi nila. Napanguso ako dahil halo halo na yung naaamoy ko
"WAAAA bele pe keye ng mewthwesh eng beho kese neng henenge nye" bulong ko ang baho kasi nang hininga nila grabe pati pananalita ko pumilipit! Try niyo palit tayo ng pwesto 'SKL'
it means 'share ko lang' grabe nahahawa na ko kay Empress! May ELV na ako!
ELV mean Empress Language Virus
"ANO?" sigaw nila sakin
"Ay kabayo! este sabi ko hindi na po kailangan okay na po ako dito hehe, pwedeng makiraan?" sabi ko sabay ngiwing pacute kaso natatakot na talaga ako
HAH! kaya ko naman sila eh, may alam naman ako kahit papaanondahil tinuruan ako ni Lemonade
Kaso lima sila, paano ko papatumbahin? napatinginnnaman ako sa malilit kong braso? no choice maya maya'y may biglang humawak sa kin aba! napanguso ako, wala pang mapangahas na taong humawak sa akin
"YAAAAAA"
BBOOOGSHH
I mentally laugh HAHAHA napabagsak ko yung isa paano? kinagat ko siya sa braso yung madiin na madiin bwahahahaha thank you sa biyaya papa god maya maya may biglang humawak sa leeg ko at dahil shonga- shonga si kuya ay hinawakan ko yung kamay niya at binaliktad ko siya hahahaha wag na kayong magtaka kung paano ko na kaya, malamang mga lasing kaya kayang kaya ko
"AAAAHHH" kuyang shonga shonga paano ko naman ginawa yun? simple, sinipa ko lang naman siya ng patalikod kaya natamaan ko siya sa 'where-it-hurts-the-most' kaya madali ko nalang siyang napatumba.
OH MEN parang gusto kong sumayaw ng chicken dance pero alam ko namang dirty tricks yung ginawa ko pero self defense parin yun
akala niyo may alam ako sa judo, martial arts at karate hahaha wish ko lang
CRAAACCCKKK
"AAAWW ang sakit sa likod!! ang bigat kasi ni kuya kainis" napalingon naman ako sa tatlong natitira, lalapit na sana ako sa kanila, kaso umatras sila
hala ano nangyare dun? kitang kita ko yung panlalaki ng mga mata nila Weird at sabay-sabay nagsitakbuhan kasama yung dalawang napatumba ko napanguso ako, mga Madaya hindi pa nga ko tapos eh! medyo nahihilo na talaga ako,
"WAAAAHHH" sigaw ko, umiikot talaga yung paningin ko grabe parang nasa roller coaster ako! naglakad ako ng naglakad hindi ko na nga alam kung saan blur narin ang paningin ko, hindi ko narin alam kung saan na ako napadpad eh maya-maya may naaninag akong ilaw sa harap ko
BBBBEEEEEEEPPPP
Hindi ko na alam ang mga nangyari, tili nalang ng babae at iba't ibang kumosyon ang naririnig ko sa paligid ko, hanggang sa lamunin na ako ng kadiliman
Dear Diary,
Sobrang malas ko ngayong araw una, nawalan ako ng trabaho, pangalawa wala akong nakuha ni piso sa sahod ko, pangatlo nawalan ako ng matutuluyan, pang-apat muntikan na akong magahasa! mabuti nalang at maganda ako! yun nalang ang pinanghahahawakan ko! sa bilyon bilyong tao sa mundo ako pa ang natamaan ng kamalasan, ano ba to curse o fate? I'm so Hopeless hindi sa pag ibig kundi sa buhay. Life is so Cruel!
- Yuka Selene
🍁🍁🍁🍁
Featured song: Buhos ng ulan by Moira dela Torre
#FeelingHopeless
TRIVIA: Nomophobia is a term describing the fear of being without a mobile device.