NEW FRIEND
🍁
UNTI-UNTI kong minulat ang mga mata ko inilibot ko muna ang paningin ko sa malaking kwarto na ito at malamang hindi sa akin to hehe, hindi muna ako bumangon at pinakiramdaman ko muna ang sarili ko wala namang masakit sa akin, so it means hindi ako nasagasaan? Well good to me. Hinayaan ko muna ang sarili kong tangayin muli ng antok,
"HANAPIN ANG BATANG YAN!"
"HANAPIN NIYO AT PATAYIN NIYO ANG UNICA IHA HANGGAT MAAARI"
"WAAAAA LET ME GO!"
"MOMMYYYY, DADDDDDY, KUYAAAA PLEASE HEEEELP ME!"
"I WILL KILL YOU"
Napabalikwas ako sa sama ng panaginip ko. Ano yun? parang totoo nakakapanindig balahibo! medyo sumakit nanaman ang ulo ko, gaad kailangan ko na talaga uminom uli ng vitamins
inalis ko sa isipan ko yung nakakatakot na panaginip na iyon at ninamnam ang sarap ng pakiramdam dahil sa lambot ng hinihigaan ko maya maya ay may maramdaman akong humahaplos sa bandang paanan ko parang something na mabalahibo--
SAY WHUUT? MABALAHIBO?
pagtingin ko,
"WAAAAA" sigaw ko ng may makita akong kakaibang uri ng hayop na kanina pa pala pinagdidiskitahan ang walang kamalay malay kong mga paa nakita kong papalapit na siya sa akin at walang alinlangang umusog ako ng patalikod nang..
BOOGGGSHHHH
"AAWW!!!" ang sakit huhuhu at ang mas malala pa sumubsob pa yung mukha ko at nakipaglips to lips pa sa sahig kung naiimagine niyo lang yung mukha ko ganun na ganun parang shokoy buti nalang malinis at hindi naman masyadong na-damage yung mukha ko ang sakit nga lang ng ilong ko,
inilibot ko ang paningin ko habang hawak-hawak yung matangos kong ilong, puro kulay Pink lagi ang nakikita ko, magmula wallpaper, curtains, bedsheet, unan, cabinets, sahig, at lahat ng stuffs niya PINK NA PINK, at base sa conclusion ko adik siya sa pink. So she must be Pinky? haha funny Yuka Selene
EEENNNKKKK
"WHAT HAPPENE--? huh? where is she? barbiedoll? barbiedoll?" sigaw ng di pamilyar na boses ng babae, ano daw barbiedoll? inangat ko yung ulo ko mula sa pagkakahulog sa kama, hmmm dahil ba sa liit ko ay hindi na ko makita o sadyang mataas lang yung kama? Ay Ewan! bahala na nga inangat ko nalang yung ulo ko para makita ang itsura niya
OMOOOO ang ganda niya! Infernes may ipagmamayabang si ate pangmodel lang ang peg kaso kinulang sa height
"Hey barbiedoll, anong ginagawa mo diyan?" nagtatakang tanong niya habang papalapit sa sa side ko, bitbit niya yung alaga niya, kaya kahit masakit ang ilong ko ay tumayo parin ako baka mamaya kalmutin ako ng alaga niya eh, wala akong laban no!
"Ahh nahulog lang ako sa kama, ah- eh t-teka ano yan?" turo ko sa hawak niya, napanguso naman ako, hindi sa takot ako, eh hindi ko lang talaga alam kung anong tawag diyan sa alaga niya ngayon lang ako nakakita ng ganyan eh hindi naman kasi mukhang pusa kasi mas cute to, hindi rin aso kasi hindi talaga ang layo kaya basta iba yung itsura, nakakatakot baka mamaya kagatin ako neto ng wala sa oras
"Hahaha si Gucci to, alaga ko, isa siyang baby koala birthday gift sa akin ng kuya ko last year, mabait to" nakangiti niyang tugon wow lang ah, pang close up ang ngiti Kainggit!
tumango nalang ako biglang pagsang-ayon kahit na mukhang nangangain. So, Gucci pala ang pangalan niya, ang cute!
Nabaling uli ang tingin ko sa kanya at titig na titig sa akin kaya napaatras ako ng kaunti, parang ine-examine niya yung buong mukha ko hindi ako nagpatalo tiningnan ko rin sya at inexamine
Hmm hindi naman siya kataasan pero mas mataas siya sa akin, straight ang buhok at kulay golden brown maliit ang hugis ng mukha, matangos ang ilong, parang supermodel for short maganda, Perfect na perfect! parang prinsesa
"Ang ganda ganda mo naman, mukha kang buhay na buhay na manika" sabi niya habang nakatitig sa akin ng mabuti na parang inaalam kung sino ba talaga ako gaad nakakaconcious naman tong babaeng to inayos ko naman yung bangs ko para maitago ang dapat itago
pero whuut ano daw ako mukhang manika?
"Ahm, Okay na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya at umupo sa may baby pink na couch malapit sa bintana, tumango naman ako, eh sa nahihiya ako eh ang perfect lang ng mukha ni ate hehe
"Err salamat pala sa pagtulong ah! tatanawin ko tong utang na loob, babayaran kita kahit anong gusto basta wag lang muna pera wala pa ko niyan" nakayukong sabi ko sa kanya
"TALAGA???" sabi niya with matching ngiting abot hanggang mata ay tenga pala sabay lapit sakin nawala na yung malungkot na tingin niya kanina at napalitan ng saya. weir---
DONT TELL ME MAY GUSTO TO SA AKIN? TOMBOY SIYA? TAPOS AAYAIN NIYA KONG MAGING GIRLFRIEND? EH ANG GANDA NIYA KAYA, AT EXCUSE ME HINDI KAMI TALO NO!
bago pa siya makalapit ay sumigaw na ko
"STOP" sigaw ko habang nakataas ang kanang kamay na naka stop sign nanlaki ang maganda niyang mga mata sa akin
Ang talino mo talaga Yuka Selene
"MISS HINDI TAYO TALO BOYS IS FOR GIRLS AND GIRLS IS FOR BOYS------"
PAK
"Aaaww huhuhu" sabi ko habang hinihimas himas yung ulo kong nabatukan niya grabe ang brutal niya napanguso tuloy ako, yung totoo?
"Hoy babaeng mukhang manika alam kong maganda ka pero anong akala mo sakin? Tomboy hahaha joker ka pala haha! ang ganda ko para maging tomboy no!" natatawa niyang sabe ang omooo cute niyang tumawa
"hindi ka tomboy?" nagtatakang tanong ko hindi ako against sa bisexual keme pero ang ganda niya lang talaga di lang ako makapaniwala kung sakali, ayun tinawanan niya lang ako habang umiiling iling
"Ah sorry" sorry naman po umatake lang ang pagiging magandang imaginative ko, tama ba? ay hindi erase, erase
I mean umatake lang ang pagiging Baliw ko o ayan tama na ba? hahaha
"I like you and I just want to be friends with you, you look nice kasi eh saka you.. you ah nevermind btw, Ako pala si Wynter Elisse Montenegro, Wynter or Elisse suit yourself, Ipapakilala din kita sa mga friends ko sa susunod na pagkikita natin Ow, can i have your number?" sabi niya sabay abot ng cellphone niya sa akin medyo kumirot ng kaunti yung ulo ko sa pangbanggit niya ng pangalan niya sa akin ang haba siguro masyado pero agad ding nawala hayss pagod lang siguro to,
hindi ko na inilabas yung phone ko nakakahiya kaya haha tinype ko nalang yung number ko at pinangalan kong Yuka cute tapos nilagyan ko ng heart sign
"Ako naman si Yuka Selene Marasigan, Yuka nalang, back to the topic look ay este ibig kong sabihin hindi ako katulad niyo you know mayaman and mahirap, parang hindi ata compatible hehe" natatawa kong sabi, pati tuloy ako nahahawa ng English churva niya parang hindi na ako nasanay kay em haha may kaibigan akong rich kid pero iba naman sila.
"Serene" mahina niyang bulong at may dumaang iba't ibang emosyon na hindi ko mapangalanan at kalaunan ay ngumiti na rin at bumalik sa dati.
Pero ano daw Serene? Selene kaya yung pagkakasabi ko!
"Ang ganda ganda ng name mo bagay sayo"
"Salamat! sayo din, btw salamat uli kasi gusto mo akong maging kaibigan kahit mayaman ka at ngayon palang tayo nagkita" sabi ko nakakaoverwhelm lang talaga
"Ano ka ba Walang mayaman at mahirap, Basta real. and i saw it to you. asta friends na tayo! PERIOD NO ERASE, kaya ikwento mo lahat sakin kung bakit ka may mga dalang bag? kakauwi mo lang ba galing probinsya? bakit nandun ka sa may park at muntik na tuloy kitang masagasaan buti nalang maganda ka kaya napansin kita agad hahahaha" maganda daw ako wahahahaha paano kung panget pala ako eh di sasagasaan niya ako HAHAHA!!!
grabe to si Wynter straight forward hehe
***
NAKATINGIN siya sa akin na parang nangigigil pagkatapos kong ikwento ang nangyari sa akin mula umpisa hanggang sa makita niya ako sa Park
"Ayun nga ang nangyari"
"GRAAABBBBEEE ANG SAMA NIYA!!! HINDI KA MANLANG NIYA BINIGYAN THIRD CHANCE..." sigaw ni Wynter.
may third chance ba? haha
"Hahaha, yaan mo na yun, makakagawa rin ako ng paraan" sabi ko sa kanya habang inaayos ang pinaghigaan ko, haha ang sarap matulog dito sa kama niya kasi ang lambot, dun kasi sa nirerentahan ko Flat na kama lang kaya pag gumigising ako sa umaga masakit ang likod ko hahaha atleast naranasan kong humiga sa kamang pang mayaman
"Ayaw mo bang umutang akin? para matapos na ang problema mo at wala ka ng problemahin" Alok niya na agad kong ikinailing naku! napanguso naman ako, another utang nanaman oh Juice colored STOP TEMPTING ME!! hehe
Saka kakakilala lang namin at hindi magandang tingnan, stranger parin ako sa kanya, hindi niya dapat ako pinagkakatiwalaan agad agad paano pala kung ibang tao ang nakita niya tapos i-take advantage pa yung kabutihan niya.
"Naku! huwag na hahanap rin naman ako ng trabaho kaya ko naman yun salamat sa pag alok, Ako pa? ako ata si Yuka walang inuurunga-----"
KRUUUUU~
Hiyang hiyang napatingin ako sa kanya Aaaahhhh nakakahiya
"Hahahaha I think nagugutom ka na at nagugutom na rin ako tamang tama nagpaluto ako kay nanay leni, so tara na bess" Yaya niya sa akin, Wow parang heaven yung feeling na tinawag niya kong bess, di ko alam kung bakit pero parang ang tagal na naming magkakilala, komportable kasi ako sa kanya, siguro dahil lang pagkamiss ko sa mga kaibigan kong nasa ibang bansa, speaking of them kailan kaya sila uuwi?
"Wyn!" biglang tawag ko sa kanya, natigilan siya at ngumiti
"I like it hihihi" sabi niya habang niyayakap ako
huh? ang weird naman ni Wynter hehe
"Thanks, nga pala ikaw lang mag isa dito?" tanong ko paglabas namin ng kwarto niya sobrang tahimik kasi ng mansyon may mangilan ngilan akong nakikitang mga katulong
"Ahh well si mommy at daddy nasa business sa Satorini, si Ate Summer kasama ang asawa niyang si Kuya Sancho nasa Italy sila para sa businesstrip slash honeymoon nila at si ate Freezale naman ang mabait kong pinsan ay nasa Madrid pa tapos si kuya naman kasama ang tatlo ko pang pinsan may sarili silang bahay kasama ang mga barkada naming lalaki kaya si Manang Leni lang ang laging kasama ko dito sa bahay, pag busy ang lahat sa kanya kanya nilang buhay pero baka next week dadating na dito si ate Freeze" medyo sumakit ang ulo ko sa haba ng sinabe niya pero ang lungkot naman dito tumango nalang ako sa kanya, hindi na ako nagtanong pa baka, masyado ng personal.
pagliko namin ay bumungad ang napakalaking Hallway na may malaking veranda sa may dulong bahagi ng hallway opposite sa Kwarto ni Wyn, sa kaliwa naman ang napakalaking family Picture nila, eto siguro yung mga kapatid niya, dalawang lalaki at isang babae, grabe pati mama at papa niya parang mga bagets kung titingnan hahaha inilipat ko ang tingin sa ate niya YAAAA ang ganda ganda tapos tumingin ulit ako sa kuya niya medyo kumirot uli yung ulo ko at napahawak sa poste malapit sa akin, ano bang nangyayari?
"Yuka, are you okay?" alalang tanong ni Wynter
"Hehe Oo naman" tumango pa ako para hindi na siya mag alala, baka dahil siguro tinigil ko yung vitamins ko sa sakit ng ulo kaya nahihilo nanaman ako? bibili nalang ako uli pag nagkapera ako, Umayos ako ng tayo at binalik ang tingin sa Family picture nila particularly sa kuya niyang hindi nakangite psh mukhang masungit pero infairnesss ang gwapooooo
"Si kuya Ezekiel yan ang pogi no? hehe alam mo bagay kayo" namula naman ako sa sinabi ni Wyn! telege be?! hihihi beket kenekeleg eke hahahaha
Hala! nahawa na ko kay Frans!
tiningnan ko uli ang family picture, Ang perfect nilang tingnan para silang Royalties sa ibang bansa
"hihihi pwed- Ay este sabi ko hindi naman kami bagay haha saka masyado siyang pogi" yan nalang nasabi ko, speechless eehh ang pogi kasi ng kuya niya.
paglagpas namin ay bumungad sa amin ang hagdan nila na malapad kasya nga sampung tao grabe pang mayaman talaga,
alam mo yung makikita mo sa mga royal palace ganun na ganun tapos yung mga furniture nila puro Modern hmm siguro galing pa to sa ibang bansa
I CAN'T BELIEVE IT ANG LAKI NG BAHAY NI WYN!
Wow ang laki ng kusina nila kelan ba ko isusurprise ng bahay niya?
pagdating namin sa kusina ay punong puno ng pagkain yung dining table,
Adobo, menudo, chicken, may mga chocoberry syrup para sa tinapay pak na pak wahahahaha
OMOO MOUTHWATERING FOODS!
Oo na mukha na kong PG eh kasi naman mula kaninang umaga wala pa kongbkinakain kaya wala akong pake sa iniisip niyo Haha
FOOD IS LIFE!
KRUUUUUU~
puro paborito ko huhuhu lalo tuloy akong nagutom
"Wow puro paborito ko huhuhu"
"WAAHH tologo? parehas pala tayo haha" sabi niya at nagkatinginan kame at sabay sabing
"LET THE EATING BATTLE BEGIN"
kaya ayun kain lang kami ng kain ni Wyn, galit galit muna grabe pati pala siya masiba din hahaha halos tahimik lang kami habang kumakain puro tunog lang mga kutsara
yan ay dahil ayaw naming maistorbo kami sa pagkain hahaha may pagkaka parehas pala kami bukod sa pagiging maganda
Pagkatapos naming kumain ay nagpresinta akong maghugas kahit inaagaw sa akin ni Manang Leni yung hugasin, that's a big No-No for me haha kaya in the end ako ang nanalo, pagkatapos maghugas ay puro kwentuhan lang ang ginawa namin sa sala nila at masasabi ko lang ay what a beautiful day for a beautiful girl like me
Dear Diary,
Gusto kong mag give up pero sa tuwing naalala ko ang natitira kong pamilya nabubuhayan ako ng loob. Marami akong katanungan kung bakit nangyari sa akin to pero mas nangingibabaw parin yung pasasalamat ko kasi may nakatagpo ako ng bagong kaibigan sa katauhan ni Wynter. Salamat Lord!
Nagmamahal,
-Yuka Selene
🍁🍁🍁🍁
#NewFriend
TRIVIA: Laughing is beneficial for your short-term - memory and stress levels.