Chereads / Avoiding the Gravity / Chapter 3 - Fall For Me...

Chapter 3 - Fall For Me...

First week end! What a week! Isang week lang yung dumaan pero super stress na! Ang raming transferees na dapat kunin ang forms nila na hindi pa binibigay at mga grade 7 na wala pang Form 137 at kami pa ang pinapagawa sa mga letters para ipabibigay sa school.

Week ends lang talaga ang tanging pag-asa ko na makapagpahinga at makahinga ng maluwag. Foods. Shopping. Nood ng movies, and hang outs, 2 days lang mangyayari sa isang linggo.

Well, including studies, but I don't care too much about studies. I'm the type of a girl na chill lang, study lang every tests and exams pero mataas naman ang grades ko, mas malalaki lang talaga ang grades nila Kate, Chloe and Zara.

Napatingin naman ako sa phone ko na nagvibrate.

You have receive a message...

Tinignan ko naman kung sino ang nagtext, and I saw its Joshua. One of the North Kings na mas ka-close ko. Ang bait bait talaga niya, kahit isa akong man-hater exception na siya doon because we have been friends for 4 years! And kahit isa hindi niya ako binigo. He's my best friend sa boys.

[Josh: Good morning! What are you doing now Julie? Want to eat?]

I smiled widely because of his text. Alam niya talaga na pagkain ang kasiyahan ko.

Nagsuot ako ng simpleng pink checkered polo and sando, tas black skinny jeans and plus na yung brown hat ko, call me maarte but I don't really like the sun. Nakakaitim, so not me.

Pumasok ako sa McDo at nakita ko si Joshua na nandun sa pandalawahan na table katabi sa glass wall. Nakita niya ako kaya kumaway siya and of course I did the same.

"Good to see you Jul!" And we hug each other, friendly hug.

Sinuntok ko siya sa balikat niya, "Good to see you ka dyan? Nagkita tayo kanina baliw!" And we laugh our hearts out. Babaw namin no?

"Sige dyan ka lang at umupo, oorder lang ako." And he assist me to sit and pumunta sa counter para mag order.

By the way, don't overthink na may affair kami sa isa't isa, I'm from an heartbreak feeling so hindi, and we treat each other like a siblings.

Matagal tagal din na matatapos si Josh sa order niya kasi alam niyang marami akong kakainin. Malakas ako kumain pero hindi ako tumataba, swerte ko no?

Tumingin tingin nalang ako at napasandal sa glass wall, sabi ni Chloe, masaya talaga kapag minamasdan mo ang mga tao sa paligid, may nag aaway, may naglalambingan, may mga nagpi-PDA, may mga bata na naglalaro at iba pa.

Oo nga, masaya, pero mas masaya kapag kasama ka sa mga gumagawa ng ganoon. Ang boring ng life ni Chloe, tagamasid ng mga tao. Busy yung tao na yun eh, sigurado akong paglaki nun magiging billionaire at trillionaire and zillionaire. Hahaha, kundi maging presidente na ng Pilipinas or USA.

Enough about her, tumingin tingin nalang ako sa mga dumadaan at nagulat ako nung makita ulit ang lalaking boyfriend ata nung nakaaway ko nung nakaraan.

ABA! Iba naman kasama ngayon? Mga lalaki talaga tss, so jerk. Di ko nalang sila tinignan kasi nakakasira ng araw ang lalaking yan!

"Hey eto Na pagkain natin." May dala siyang tray at dahil sa rami ng inorder namin ay nagpatulong pa siya sa mga waiter.

Di nagkasya sa pandalawahan Na table kaya lumipat kami sa pang apat.

"Iyan kasi ang takaw ng kadate ko ngayon hahaha." At kumain Na siya Na mas lalo pang natawa nung sinamaan ko siya ng tingin.

Kumain nalang ako at binalewala siya kasi mas importante ang pagkain sa lahat! As in lahat.

"Hi, can we share a table? Puno Na kasi eh and I saw Na kayong dalawa lang sa pangapatan Na table so do you mind if we share?" Tanong ng isang babae Na hindi ko alam kung sino dahil nakatuon PA rin ako sa pagkain ko and bahala Na si Josh kumausap sa kanya.

"Oo, pwede naman. We don't mind. Patapos na rin naman kami."

"Thank you! Halika Na babe, upo na tayo."

Naramdaman ko nalang na umupo sa tabi ko si Josh. I know his scent kaya alam Kong siya katabi ko.

Uminom nalang ako ng cokefloat at saktong paglunok ko ay nakita ko ang lalaking nasa harap ko kaya ang nagawa ko?

Para di ako magkaroon ng atraso sa kanya nung malapit kong maibuga ang ininom ko ay diniretso ko nalang sa baso ko. Bait ko diba?

Kaya lang parang lalabas ata sa nose ko yung cokefloat. Shit! Ang pangit sa pakiramdam. Masakit sa ilong at parang bumabara sa daanan shit! Shit lang talaga!

"Pfft. HAHAHAHA Are you okay Miss Flat?" Ngumiti siya ng nakakaloko. Tinignan ko nalang siya ng masama. Tss, tsaka ano sabi niya?!

"Miss Flat?!" Sinigawan ko siya habang sinamaan ko siya ng tingin.

"Pfft." Napatingin naman ako kay Josh na nagpipigil ng tawa kaya binatukan ko siya.

"Hey you... You filthy casanova! How dare you accuse me na flat?! You pervert! Josh tara na! Umalis na tayo dito at baka ano pa magawa ko sa lalaking ito!" Bago ko pa mahila si Josh ay nag ring ang phone niya kaya sumenyas siya sakin na sasagutin niya muna kaya pumunta siya sa labas.

I just looked coldly at him and nagraise siya ng dalawa niyang kamay na parang nagsusurrender na dahil baka kung nakakamatay lang ang tingin ko? Abo na ang kalagayan niya ngayon.

"Why do you hate me so much Miss Flat? Dahil ba sa pagtawa ko sayo? Look I'm sorry okay?" And he smirked. Kailangan talaga kapag nag sorry ay may smirk?! Leche!

"Babe kilala mo siya?" Tanong naman nung kasama niya.

"Yeah, I met her sa isang restaurant na naka..." Sinamaan ko siya ng tingin at pinatiran ang tuhod niya sa ilalim para hindi niya sabihin ang nakita niya sa restaurant na yun.

"Naka what babe?" Curious naman na tanong ng babae.

"Nothing, nothing." He smirked again. The heck!

Dahil sa hindi ko na siya masikmura na makita ay umalis na ako sa McDonalds. Bahala na, itetext ko nalang si Josh na nakauwi na ako. I just hate that place, well specifically I hate that boy!

Kinuha ko ang phone at ida-dial ko na sana si Manong Jeff, driver namin, nang biglang may umakbay sakin at hinigpitan pa ito.

"Going somewhere?" Tinignan ko siya ng masama at tinulak ko siya palayo sakin.

"Look Mr, ayoko ng gulo. I'm a decent girl and I don't want a scandal, so would you leave me alone?" I said with a gritted teeth.

"Scandal? Woah! Iyan talaga ang gusto mong gawin natin ngayon Miss Flat? I didn't know na ganyan ka pala ka wild!" At tumawa pa siya.

Di ko na nakayanan at sinipa siya sa toot niya.

"Argh!"

"Ang bastos mo! Iyan ang nababagay sayo! Pervert jerk!" At tumakbo na ako at pumara ng taxi at baka abutan pa niya ako, mahirap na.